Nanlaki ang mga matang napatitig si Laura sa lalaking kapapasok lang sa loob ng classroom nila,guwapong-guwapo ito sa suot na uniforme.Of all people na puwede nilang maging kaklase ay si Tyron pa,ang lalaking kaniig niya kagabi. Kaya pala?parang wala lang dito ang magbigay ng pera dahil apo pala ito ng may-ari ng school kung saan full scholar siya.Coincedence lang ba ang pagiging magkaklase nila?oh,may dahilan? natatakot si Laura para sa kanyang sarili,Paano kung makilala siya nito?Pandidirihan at ikalat sa buong campus ang totoong siya!at ang uri ng kanyang trabaho tiyak malaking kahihiyan at maging dahilan ng pagkawala ng kanyang scholarship.Siko sa tagiliran ang nagpabalik sa kamalayan ni Laura.Siniko siya ng katabing si Nancy ng makita nitong tulala siyang nakatingin sa kawalan.Hoy!laura?bumalik ka naba sa mundo mo?sarcastic nitong tanong,aba'y kanina kapa diyan tulala simula ng dumating ang bago nating kaklase na si Tyron?para kanang namagnet sa kanya ah.?Ayun siya oh?turo
"Pagdating ni Tyron sa building na pinapasukan ni laura ay masayang sinalubong ito ng baklang manager nakilala agad siya nito.Tyron?nakangeting tawag nito sa kanya,hmm,napapadalas ata ang dalaw mo?Kiming ngiti ang isinukli niya kay mamsy.Well,correct me if i am wrong na si Cassandra ang ipinunta mo dito diba?Yeah,tipid na sagot ni Tyron.Okie,pupuntahan ko muna siya at swerte mo ha?wala pa siyang guest.Inabot nito kay Tyron ang susi ng silid,ito oh?doon mo nalang hintayin si Cassandra sa room na yan.Salamat mamsy sabay kindat sa bakla na ikinatuwa naman nito.Cass,tawag nito sa dalaga!binalikan ka ng guest mo, as usual guwapo parin siya kinikilig nitong sabi kay Laura.May hinala na si Laura na si Tyron ang kanyang guest pero gusto parin niyang marinig mula sa bibig ng manager nila.Sino pa eh,di yung super handsome na guy yung balikbayan.nilapitan siya nito at binulungan,Cass magaling ba siya sa romansa?at lalo na sa kama?mahina nitong bulong sa kanya.Pinamulahan si laura sa ta
Ang pagpunta ni Tyron sa pinagtatrabahuan ng dalaga ay napapadalas ang pagdalaw niya sa dalaga na inaakala niyang magkaiba ang katauhan ng ka klase niyang si Laura.Weekend maagang gumising si Laura,walang pasok balak niyang ipasyal ang kanyang ina at mga kapatid sa mall upang makakita naman ng ibang tanawin ang kanyang ina,naaawa siya dito nakaupo ito sa sasakyang di-gulong simula ng mawala ang kanilang ama.Mica,tawag ni Laura sa kapatid ito ang sumunod sa kanya kaya tuwing papasok na siya sa trabaho ay ito ang tagapag-alaga at tagabantay ng ina nila.ano po yun Ate Laura?Bihisan mo ang mga kapatid mo at papasyal tayo sa mall,Talaga ate?natutuwang sambit ni Mica,Oo!kaya sige na bilisan niyo nang magbihis at ng makaalis na.~Yeheey!!,salamat Ate Laura da best ka talaga hmm,muah halik nito sa kanya ni Mica,Asus!?,nambola pa itong maganda kong kapatid,di nga Ate totoo yan ha?Ok' natural lang na pasasayahin ko kayo "dahil kayo ang pamilya ko pinaghuhugotan ko ng lakas kaya bago pa t
Hey,cass?bating-bungad ni Tyron sa dalagang nakatalikod,lumingon naman ito at kasabay ng pagkagulat ay nanlaki ang mga mata ni Laura.hindi niya inaasahang magkikita sila ni Tyron sa araw na iyon.nang mahimasmasan sa pagkabigla ay hinila nito ang kamay ng binata papunta sa isang sulok,iniwan muna ni Laura ang ina sa kapatid na si Mica.Tyron,bakit ka nandito?takang-tanong ni laura sa binata,sinusundan mo ba ako?hey,hey! No, hindi kita sinusundan? actually,me and my friend's ay nagpasyang magwindow-shopping,alam muna?weekend kaya nagkita-kita ang barkada.nagkataon naman na nakita kita,malumanay na paliwanag ni tyron kay Cassandra.sorry,nabigla lang ako sa pagsulpot mo sa likuran ko at sa walang paalam na paghila sayo dito.natakot lang akong masabi mo sa family ko ang tunay kung trabaho,hinging paumanhin ni laura sa binata.YOU mean? Cass,hindi nila alam ang totoo mong trabaho?kunot-noong tanong ni Tyron sa dalaga.~huminga muna ng malalim si Laura bago sinagot ang tanong ng binatang
Sa canteen magkaharap na nagmi mirienda sina Laura at Tyron,maganang kausap ang binata palabiro ito kaya panandaliang nakalimutan ng dalaga ang pangambang malaman nito na si cassandra at siya ay iisa.ehem,pukaw ni tyron sa dalagang nakatingin sa kawalan,kanina pa kasi siya nagtatanong sa dalaga.helo?laura nasa earth ka naba?yahoo!Ah,eh,sorry Tyron ha?may iniisip lang ako,ano nga ba yung tinatanong mo?Ay hindi nga talaga nakikinig,ang sabi ko kung may boyfriend ka naba?Ha?nanlaki ang mga mata ni Laura sa pagkagulat,sa dinami-daming puwedeng itanong eh,kung may nobyo na ba siya.Ano ba ang nangyari sa lalaking ito?takang-tanong niya sa kanyang sarili.Nakatungo ang ulong sinagot nito ang tanong ni Tyron.Sa tingin mo ba may magkakagusto sa akin?tingnan mo nga ako bukod na sa panget kung hitsura eh,napaka nerd ko pang manamit.tapos tatanungin mo ako kung may boyfriend na ako?Why not?titig na titig si Tyron sa kanya.Laura look at me,mando nito sa dalagang kaharap.Bakit Tyron?tingi
Hapon magkasabay na naglakad palabas ng gate sina laura at Tyron,hey!,Laura puwede ba kitang ihatid sa inyo?Bakit?nakukulitan na talaga siya kay Tyron di man lang ito nakitaan ng pagkapagod sa kakasunod sa kanya.Kahit ang kaibigan niyang si Nancy ay nagtataka na sa kanila,naalala pa niya ang sinabi ng kaibigan.Laura,nanliligaw ba sayo si Tyron?napansin ko kasi buntot ng buntot sayo.pero infairness ang swerte mo ha?Para ka ng tumama sa lotto pag naging boyfriend mo siya.At bakit Nancy??Eh,kasi naman laura bukod pa sa napakaguwapo nito ay apo pa ito ng may-ari nitong university and takenote andaming magagandang babae dito ha?lalo na si Trixie yung modelo na halatang may gusto kay Tyron hindi niya pansin dahil sayo.Samantalang ikaw?katulad kong nerd,natawa si Nancy sa huling sinabi nito.Hoy!laura yahooo!!iwinasiwas ni Tyron ang kanyang dalawang palad malapit sa mukha ng dalaga,tulala na naman kasi ito at nakatingin sa kawalan.tuloy natitigan niya itong mabuti at hindi nagkakamal
Biyernes ng gabi naghahanda na si Laura upang pumasok sa kanyang pinagtatrabahuan,ewax ba niya kung bakit bigla nalang siya kinabahan.Siguro dahil sa bukas ng sabado,ay yun ang gabi na magde date sila ni Tyron,sa katauhan niya bilang laura at cassandra.Napagdesisyunan narin ng dalaga na ipagtapat kay Tyron ang pinaka-iingatang sekreto niyagusto niyang malaman kung tatanggapin at mamahalin parin siya ng binata pag nalaman nitong iisa lang ang katauhan nina Laura at Cass.Ang hirap magtago ng sekreto parang sasabog ang isip at puso niya pagnasa harap o tabi ang lalaking nagmamahal sa kanya.Nararamdaman niyang espesyal siya kay Tyron,dahil hindi ito gagawa ng effort na kulitin siya araw-araw upang makausap at makatabi kahit na ipagtabuyan na niya ito palayo sa kanya.Gusto niyang maglulundag sa tuwa sa tuwing sinasabi ni Tyron na mahal siya nito.Ah,bahala na bast ang gusto ko lang matapos na ang pagpapanggap ko,ang hirap magkunwari o magbalatkayo.Lumabas ng silid si laura at naabut
Napa- sign of cross muna si Laura at huminga ng malalim bago pinihit ang seradura papasok sa loob ng silid kung saan andoon prominenteng naghihintay si Mr.Tukinawa sa gilid ng kama habang naghithit buga sa sigarilyong hawak.Handang-handa na ito sa gagawin,ang latigong nakalatag ay di-gaanong mapansin dahil katamtaman lamang ang laki nito.Tuluyan ng nakapasok si Laura sa loob,totoo nga ang sinabi ni mamsy sa kanya na mayaman ang kanyang panauhin,sa hitsura palang nitong singkit ang mata,at naninilaw sa malaking kuwintas sa leeg nito.May hitsura kaya lang nakakatakot ang mabalbas nitong mukha dagdag pa ang may kalakihang tiyan nito na parang butete sa laki.So,ikaw pala ang sinasabi ng bakla niyong manager?well,maganda ka,at gusto kita.Pinasadahan siya nito ng tingin,parang hinuhubaran si Laura sa istilo ng pagkakatitig ni Mr.tukinawa sa kanya.At nagustuhan nito ang nakita,sa isip niya magandang paglaruan ang ganitong babae.Pasado po ba Mr.Tukinawa?tanong ni Laura sa mestisong jap
BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. HALOS,lundagin ni Tyron ang kinaroroonan ni Laura ng makitang nasa daan ito at nawalan ng malay,mas dumoble ang takot nito ng makitang duguan ang nobya.Para naring hihimatayin si Tyron sa nakita.Abot-abot ang dasal nito na wag sanang mapahamak ang kanyang mag-ina dahil mawawalan narin ng saysay ang buhay niya. Niyakap at hinalikan nito si Laura at pagkatapos ay pinangko papunta sa kotse,luhaang bitbit nito ang nobya,nababahala siya sa sinapit nito kay Tukinawa.Gusto mang iparanas ni Tyron sa hapon ang ginawa nito sa kanyang mag-ina ay hindi puwede mas kailangan madala sa ospital si Laura bago pa ito mawala sa kanya.Saka na lamang niya balikan si Tukinawa pag magaling na at ligtas na ang kanyang mag-ina.Pagkapasok
SAKTONG,paglabas ni Tyron sa pinasukang icecream parlor na may bitbit na nagyeyelong ice cream para kay Laura ay siya namang pag-alis ng itim na van na lulan ang nobya.Palinga-linga ito,hinahanap ng mata nito ang nobyang buntis sa bench na kaharap ng pinagbilhan ng ice cream. Kahit saan ibaling ang tingin ay wala dun ang dalaga,napatakbo bigla si Tyron sa upuan na pinag-iwanan niya kay Laura ang tanging naiwan dito ay ang panyo nitong ipinahid niya sa pawis kanina habang naglalakad sila ng kasintahan sa kahabaan ng parke.Imposible naman na umalis at iwan siya ng walang paalam ni Laura,ganung wala naman silang problema.Biglang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib,oh my God?wag naman sanang may masamang tao na dumukot sa mag-ina ko.Halos mabaliw si Tyron sa kakahanap sa dalaga,sinuyod na nito ang buong parke,pero kahit anino ng nobya ay di niya nakita. Hindi,maiwasang umiyak ni Tyron kusa ng tumulo ang luha sa kanyang mata sa nadaramang takot at kaba, na baka may nangyari di maganda sa
Isang simpleng handaan ang isinagawa sa mansion ng mga Andrada.Piling bisita lamang ang mga naroon kasama na ang pamilya ni Laura,na hindi mapigil ang mapaiyak sa suwerteng dumating sa panganay nitong anak.Parang telenovela ang buhay ni Laura maraming dagok sa buhay na kinaya nito at nalagpasan at ito ang kapalit ngayon ang maginhawang buhay.Dalaga narin si Mica ang kapatid ni Laura na sumunod sa kanya na naging inspirasyon ang kanyang ate sa pagpupursige nitong mabigyan sila ng magandang buhay.Nandoon rin sina Cleo at Mamsy na mga taong malapit sa dalaga,saksi silang dalawa sa pagiging mabuting tao ng pinakabata at pinakamagandang magdalena nito.Di rin pahuhuli sina Michael at ang pamilya nito na naging sandalan ni Laura noong mga panahong wala si Tyron sa tabi ng dalaga. Wala ng mahihiling pa ang magnobyo,kundi ang makita ang bunga ng kanilang pagmamahalan na ilang buwan na lamang ay masisilayan na nito ang ganda ng mundo.Napag-usapan ng bawat- pamilya na pagkatapos na manganak ni
PAANO yan,tuloy na ang kasal?saka mas lalong magiging matatag ang ating pagkakaibigan dahil ninong ako sa paglabas ng anak niyo.Aprub,pareng Michael pinasaya mo ako at mas lalong pinahanga mo ako sa iyong katapatan,tunay ka ngang kaibigan.Biruin mo?ito pala ang sorpesang sinabi mo sa akin,napakagandang regalo sa aking pagbabalik -bansa at sa tulong ng aking abuelo kaya andito ako ngayon kasama ng aking mahal at ng aming magiging anak sabi ni Tyron pagkuway hinalikan nito si Laura sa harap ng dalawang taong malapit sa kanila.Ganun ba?ang bait talaga ng lolo mo pre,humanap talaga siya ng dahilan upang magkasama kayong muli ni Laura,kaya hindi maipagkakailang namana mo sa kanya ang kagandahang-loob.Oo nga,Michael,kaya malaki ang pasalamat ko sa kanya.Teka,nung nasa states pa kami ng mama,bakit dimo sinabing buntin na ang mahal ko?kung nagkataon palang di ako nakauwi rito,eh,hindi malalaman na buntis si Laura at diko rin sana masilayan ang pagsilang nito sa aming anak?Naku?,ilang beses
La-laura,buntis ka?ito ang unang lumabas sa bibig ni Tyron habang si Laura naman ay parang nakatapak ng pandikit dahil hindi nito maigalaw ang dalawang paa lalo na't hawak ng kaliwang kamay nito ang may kalakihan ng tiyan na mas lalong naging kaaya-aya sa paningin ni Tyron.Nakasuot kasi ng preggy outfit si Laura na pinapakita lamang nito na proud mommy siya.Ty-tyron,sambit nito sa pangalan ng kinasasabikang nobyo hindi nito inakala na sa araw na iyon ay makikita niya ang umiwan sa kanya na binata,ang ama ng kanyang pinagbubuntis.Sa pagkabigla ay napahawak si Laura sa doorknob upang lumabas sa kanyang opisina kaya pala ganun na lamang ang pagkakangeti sa kanya ng kanyang sekretarya may alam pala ito na may naghihintay na tao sa loob ng sariling opisina.Pero,nang pihitin nito ang dahon ng pinto ay di nito mabuksan kaya mabilis na tumayo si Tyron at agad na nilapitan ang nobyang buntis.Di na nagawang maka-iwas si Laura dahil kaagad na pinulupot ni Tyron sa kanyang malaking tiyan ang da
SA OSPITAL, naman ay umiiyak na humihingi ng tawad si Isabel sa biyenan nitong lalake,alam niyang malaki ang galit sa kanya ng matanda dahil sa pilit niyang hinahadlangan ang pagmamahalan ng kanyang anak na si Tyron at ng nobya nitong si Laura.Bumabalik kasi sa kanyang ala-ala ang kanyang nakaraan pagnakita ang nobya ng anak,alam niyang mali siya sa puntong iyon.Walang kasalanan si Laura sa kanyang pinagdaanan,pareho man silang nasadlak sa putikan pero magkaiba sila ng kapalaran at magsilbing inspirasyon ng ibang nasa babaeng ganun ang trabaho ang katulad ni Laura.Dahil nagawa lamang nitong pasukin ang ganung trabaho dahil ito ang tumatayong ama at inat sa kanyang pamilya,at sa kabila ng pagiging magdalena nito ay hindi ito naging sagabal upang abutin ang pinapangarap na edukasyon na ngayon ay napagtagumpayan.Tunay ngang dakilang anak at kapatid ang babaeng minahal ng kanyang unico hijo,pinagsisihan niyang napagsalitaan niya ng di maganda si Laura kaya ngayon andito na sila sa Pinas,
Condrad,anong sabi ng mag-ina mo?andito naba sila sa bansan?excited na tanong ng matanda.Naku papa,kakaupo palang sa loob ng eroplano,pinapasabi ng apo mo na wag ka raw mag-alala magkikita na raw kayo ni Tyron kaya pakalmahin mo ang sarili mo Pa, ng sa ganun ay di na kami mag-aalala sayo.Ganun ba Condrad?sige,matutulog na muna ako at sana sa aking pag-gising ay nasa tabi ko na ang aking apo ani ng matanda sa kanyang nag-iisang anak.Tama,ganyan nga papa,nang pagdating ni Tyron ay malakas na po kayo.Okie,anak basta ang iniutos ko sayo gawin mo!makakaasa ka Papa,gagawin ko ang sinabi mo tugon ni Condrad sa kanya ama.Iiling-iling na lamang si Condrad sa inakto ng ama, para itong bumalik sa pagkabata at pinapahanap pa sa kanya ang nobya ng kanyang anak.Nakaramdam naman ng pagod si Laura sa kakalakad nito sa tabing-dagat kung saan inilipad ng mabining hangin ang lampas sa balikat na buhok ng dalaga.Kahit na malaki na ang tiyan nito ay di-parin nabawasan ang taglay nitong ganda.Nakakatawag
Samantala sa bahay ng pamilyang Andrada na nasa states ay hindi na nag-aksaya ng panahon ang mag-ina agad itong nagpa-book sa eroplano pabalik ng Pinas.Mixed-emotion ang nadarama ni Tyron sa kanyang pagbabalik-bansa,una ang malungkot siya dahil nasa ospital ngayon ang kanyang lolo inatake sa puso gaya ng sabi ng mama Isabel nito at pangalawa ay muling makikita ang mahal niyang si Laura.Lalo na ngayon na pumayag na ang kanyang na pakasalan ang nobya.Gaya ng sinabi ng abuelo ni Tyron sa anak nitong si Condrad ay hinanap nito ang bhay ng dalaga,nagulat pa ito ng makita ang tirahan ni Laura.Ang alam ni Condrad ay mahirap lamang ang nobya ng kanyang anak,matalino nga lang kaya nakapag-aral ito sa eskwelahang pag-aari ng pamilya nila.Hindi na ito nagdalawang-isip agad na kumatok sa pinto at ilang sandali pa lamang ay pinagbuksan siya ng babaeng nakaupo sa silyang de-gulong.Kahit ang ina ni Laura ay nagulat sa di-kilalang bisita ngayon lamang may naligaw na taong nakasuot ng amerikana sa ka
Mabilis na nakalapit si Tyron sa kinaroronan ng Ina,kahit na may tampo siya dito ay ito parin ang kanyang Ina na nagluwal at nag-aruga sa kanya.Utang niya dito ang kanyang buhay hindi niya lamang ito iniimikan sa kadahilanang inilayo siya nito sa kanyang mahal na si Laura pero magkaganun man ay mahal niya parin ang kanyang mama dahil nag-iisa lamang ito sa mundo."Ma,anong nangyari?ba't ganyan ang hitsura mo?nag-aalalang tanong nito kay Isabel at sa kauna-unahang pagkakataon na nakita ni Tyron ang Ina na umiyak sa kanyang harapan".Wala na yong dating bagsik ng mukha nito at ngayon ay napalitan ng mga luhang naglandas sa pisnge nito.Mas ikinagulat nito ang ginawang hakbang ng kanyang mama,niyakap siya nito ng mahigpit pagkuway nagsalita ito kahit na garalgal ang tinig.Tyron anak,patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko naging bulag ako sa aking nakaraan at sa karangyaan na aking tinatamasa.Masyado akong nagpadala sa aking emosyon kaya hindi ko na alam na may taong nasasaktan sa aking pa