"Hindi mo pinabayaan?! Pero bakit muntik nang mapahamak ang apo ko? Ha?! Dahil ba ‘yan sa Apple na ‘yan?!" sigaw ni Rene, sabay turo sa mukha ni Lance.Napapikit ng mariin si Lance. Hindi niya gustong madamay si Apple sa usapan, pero alam niyang hindi niya matatakasan ito."Pa, tama na…" mahinang sabi ni Monica, pinipilit na pakalmahin ang kanyang ama.Pero lalo lang nag-apoy ang galit ni Rene. "Huwag mo akong pigilan, Monica! Alam kong nasasaktan ka! Kahit anong pilit mong itago, alam kong nahihirapan ka sa sitwasyong ito!"Napayuko si Monica. Alam niyang tama ang ama niya."Tito Rene," seryosong sabi ni Lance. "Mahalaga sa akin si Monica. Hindi ko gustong masaktan siya, pero sana naman huwag niyo akong husgahan nang ganito.""Kung talagang mahalaga sa'yo ang anak ko, Lance," madiing sagot ni Rene, "putulin mo na ang koneksyon mo kay Apple. Isang beses ko pang marinig na nasaktan si Monica dahil sa kanya, mananagot ka sa akin!"Nagtagpo ang kanilang mga titig. Punong-puno ng tensyon
Habang pinapatulog muli si Amara, biglang nag-ring ang cellphone ni Apple.Lance calling...Napakunot ang noo niya. Bakit kaya siya tumatawag? Dapat ay on the way na ito ngayon para sunduin si Amara."Hello?" sagot niya habang maingat na hinihele ang anak.Sa kabilang linya, agad niyang narinig ang seryosong boses ni Lance. "Apple, may problema.""Ano na naman, Lance?" medyo inis niyang sagot. "Nasa labas ka na ba? Natulog lang ulit si Amara, ayokong magising siya bigla."Huminga nang malalim si Lance bago sumagot. "Hindi muna ako makakapunta diyan. Nasa ospital si Monica."Natigilan si Apple. "Ano? Bakit?""Bigla siyang nahilo kanina tapos sumakit ‘yung tiyan niya. Dinala namin siya agad sa ospital." May halong pag-aalala sa boses ni Lance. "Kailangan kong bantayan siya, kaya hindi ko muna makukuha si Amara ngayon. Pasensya na."Natahimik si Apple. May bahagi ng puso niya ang nagsasabing dapat lang kay Lance na unahin ang asawa nito, pero hindi niya rin maiwasang madismaya."Okay, na
Dumating si Apple sa café na malapit sa ospital bandang alas-dos ng hapon. Kalmado siyang naglakad papasok, ngunit sa loob-loob niya, ramdam niya ang kabang bumibigat sa kanyang dibdib. Alam niyang may mahalagang sasabihin si Lance, at hindi niya maipaliwanag kung bakit may bahagi ng kanyang puso na natatakot sa posibleng marinig.Nakita niya agad si Lance, nakaupo sa isang mesa malapit sa bintana. Mukha itong pagod—nakakunot ang noo, at tila hindi mapakali habang hinihintay siya. Nang magtama ang kanilang mga mata, agad siyang tinawag nito."Umupo ka na, Apple," sabi ni Lance, tinapik ang bakanteng upuan sa harap niya.Tahimik siyang umupo at hinintay itong magsalita."Pasensya na kung minadali kitang pumunta rito," panimula ni Lance. "Gusto ko lang sanang pag-usapan natin si Amara."Napahinga nang malalim si Apple."Ano tungkol kay Amara?" tanong niya, bagama't may ideya na siya kung saan ito patungo.Umayos ng upo si Lance at hinaplos ang sariling sentido. "Alam mong nasa ospital n
Isang malamig na gabi sa ospital, tahimik na nakaupo si Lance sa sofa ng private room ni Monica. Malalim ang iniisip niya, habang ang ilaw mula sa lampshade ang tanging nagbibigay-liwanag sa silid. Halos hindi na niya namalayan ang pagdating ni Monica mula sa banyo.Napatigil siya nang marinig ang mabigat na buntong-hininga nito. Napatingin siya sa asawa, na nakatayo sa tabi ng kama at nakatitig sa kanya. Kitang-kita niya ang lungkot sa mukha nito pero mas nangingibabaw ang galit."Galing ka na naman kay Apple, hindi ba?" malamig na tanong ni Monica.Hindi siya nag-aksaya ng oras sa paligoy-ligoy.Napapikit si Lance at bumuntong-hininga. Hindi na siya nagulat sa tanong nito pero alam niyang hindi magiging madali ang paliwanag."Hindi ito tungkol sa kanya, Monica. Tungkol ito kay Amara."Biglang naningkit ang mga mata ng babae. Kitang-kita ni Lance kung paano nanikip ang panga nito sa galit."Amara na naman?!" halos pasigaw na sagot ni Monica. Napahawak ito sa tiyan na tila pinapakalma
Hindi agad nakasagot si Lance.Tumingin lang sa kanya si Monica, naghihintay. Nang hindi siya sumagot, tumawa ito nang mahina—isang halakhak na puno ng hinanakit."Alam mo, mas gugustuhin ko pang hindi mo ako pinakasalan kaysa sa maramdaman ko na kailanman, hindi ako naging sapat sa’yo."Napalunok si Lance. "Monica... hindi mo naiintindihan.""Oo nga, hindi ko naiintindihan!" Napahawak si Monica sa dibdib niya, tila may kirot siyang nadarama doon. "Hindi ko maintindihan kung bakit kahit anong gawin ko, hindi ako nagiging sapat sa’yo! Hindi ko maintindihan kung bakit kahit ako ang asawa mo, pakiramdam ko ako ang pangalawa!"Tumayo siya mula sa kama, kahit hirap, kahit umiiyak. Tinitigan niya si Lance, puno ng sakit ang kanyang mga mata."Dahil kahit anong pilit mo, kahit anong paliwanag mo, Lance… nasa puso mo pa rin siya."Napapikit si Lance. Ramdam niya ang bawat salitang binitiwan ni Monica, pero hindi niya alam kung paano ito itatanggi.Kailangan niyang sabihin ang totoo."Hindi ko
Ngunit sa kabila ng engrandeng selebrasyon na inihanda ni Apple, may puwang pa rin sa puso ng anak niya—isang puwang na hindi niya kayang punan.Nasa event hall sila ng isang magarang restaurant. Pinalibutan ng makukulay na lobo at stuffed toys ang buong lugar. May malaking cake sa gitna ng mesa, at ang tema ng party ay pastel pink at white—eksaktong kulay na gusto ni Apple para sa anak niya.Nakatayo siya sa isang tabi, pinagmamasdan ang mga bisitang nagsasaya. Naroon si Mia, ang business partner niya, na abala sa pag-aasikaso ng pagkain. Naroon din ang ilan nilang kaibigan at pamilya, lahat nagagalak sa unang kaarawan ni Amara.Ngunit kahit anong gawin niyang pagpapanggap, hindi niya maiwasang mapansin ang isang bakanteng espasyo sa kanilang paligid.Si Lance.Hindi ito dumating.Alam naman niya na hindi ito makakarating, pero sa kabila ng lahat, may munting bahagi pa rin ng puso niya ang umasa.Naramdaman niyang may humawak sa kamay niya. Si Amara, suot ang isang maliit na pink na
Huminga nang malalim si Apple at tiningnan ang anak niya. Sa kabila ng sakit at pangungulila, napangiti siya nang makita kung paano nagliliwanag ang mukha ni Amara sa bawat regalong natatanggap.“Napapagod, Mia,” sagot niya nang matapat. “Pero kahit kailan, hindi ako susuko para sa anak ko.”Tahimik silang dalawa habang pinagmamasdan si Amara.Biglang tumayo si Mia at lumapit sa bata. “Halika, inaanak! Buksan natin ‘tong regalo ko!”Masiglang tumakbo si Amara papunta sa kanya, habang si Apple ay nanatiling nakaupo, nakamasid sa anak niyang walang kamalay-malay sa mga iniinda ng puso niya.Sa isip ni Apple, isa lang ang alam niya—darating ang araw na maiintindihan ni Amara ang lahat. Pero hanggang maaari, pipilitin niyang protektahan ang anak niya mula sa sakit ng mundong hindi niya kayang kontrolin.At sa araw na iyon, sa unang kaarawan ng anak niya, nagdesisyon si Apple.Tama na ang paghihintay. Panahon na para buuin ang buhay nila—kahit wala na si Lance.Habang abala si Apple sa pag
Pero ngayon, hindi na siya pwedeng umatras."Kakayanin ko." Mahina ngunit buo ang boses ni Lance. "Kahit anong sabihin ni Apple, hindi na ako lalayo ulit."Sa pag-alis ni Lance mula sa kanilang bahay, ramdam ni Monica ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pigilan ito o hayaan na lang. Apat na buwan nang hindi nagpapakita si Lance kay Amara, at ngayong kaarawan ng bata, bigla itong gustong bumawi.Napaawang ang kanyang labi, ngunit wala siyang masabi. Dahil kahit anong gawin niya, hindi niya kayang alisin ang katotohanang si Amara ay anak ni Lance.Samantala, si Lance naman ay mahigpit na nakahawak sa manibela ng kanyang sasakyan. Ang kahon ng regalong para kay Amara ay nakalagay sa passenger seat. Pinigil niya ang buntong-hininga na gustong kumawala sa kanyang bibig. Handa na ba siyang harapin si Apple?Nang dumating siya sa bahay nina Apple, saglit siyang nanatili sa loob ng sasakyan, pinagmamasdan ang simpleng tahanan kung saan lumalaki si Amara. Sa loob n
Lumapit si Rene, hawak pa rin ang teddy bear ni Lucien. “Anak… lumaban siya. Lumalaban siya, alam ko. Monica is a fighter.”“Pero paano kung hindi na siya magising, Tita? Paano kung... kung hindi ko na masabi sa kanya lahat ng hindi ko nasabi? Hindi ko pa siya napapangakuan ng kasal, hindi ko pa siya nadadala sa paborito niyang lugar sa Bohol, hindi ko pa siya nalalakad ng mahaba sa ulan—lahat ng gusto niyang gawin, hindi pa namin nagagawa.”pag-alalang saad ni Lance“May oras pa. Hindi mo ba naririnig sarili mong boses? Mahal mo siya, anak. At alam kong nararamdaman niya ‘yon. Hindi siya bibitaw. Hindi kayo bibitaw.”naiiyak na sabi ni Rene.Biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang nurse, may bahid ng tensyon sa mukha."Family of Mrs. Monica Martin?"Tumayo agad si Lance. Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig ang kamay habang lumapit sa nurse."Ako! Ako po! Ano pong nangyayari? Buhay pa siya?"Tumango ang nurse, pero halata sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalala."Buhay pa
Tumango si Rene, sabay tayo. Lumapit siya sa crib at dahan-dahang kinuha si Lucien. Una niyang pagkakataon itong buhatin ang kanyang unang apo."Kamukha mo, Monica," bulong niya, habang hinahaplos ang pisngi ng sanggol. "Pero ‘yung mata… mana sa tatay. Matapang."Sa gilid ng silid, pumasok ang isang nurse na may dalang camera."Sir Lance, Sir Rene, gusto niyo po ba ng first family photo habang mahimbing pa si baby?"Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.At doon, sa simpleng kuha ng litrato, naiselyo ang panibagong simula—isang pamilya, puno ng pangakong hindi na muli magkakahiwalay.ROOM 407 – RECOVERY ROOMTahimik ang paligid. Marahang umuugong ang aircon, at ang tunog ng monitor ay tila kampanang dahan-dahang tumutugtog. Si Lance ay nakaupo sa tabi ni Monica, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lucien na mahimbing pa rin sa crib. Katabi nila si Rene, na may ngiting abot-langit habang kinukunan ng larawan ang kanyang apo.Bigla—isang kakaibang tunog ang nagmula sa monitor.
Ligtas na nailipat si Monica sa recovery room. Si Lance naman ay hindi pa rin mapakali—abala sa pag-aasikaso ng birth certificate, sa pagkuha ng gamit, at paminsan-minsan ay sinisilip ang nursery kung nasaan ang kanilang baby boy.Pagbalik niya sa kwarto, nakita niyang gising na si Monica. Nakatingin ito sa kisame, tila malalim ang iniisip.“Moni?”“Lance, napag-isipan ko na ang pangalan niya,” agad na sambit ni Monica.“Talaga? Ano?”“Gusto kong pangalanan siya ng “Lucien.” Ibig sabihin ‘light’… kasi kahit ang dami kong kinatatakutan, pagdating niya, parang may liwanag na. Parang nawala ang dilim.”Napangiti si Lance. “Lucien… Lucien Martin. Maganda. Matapang. Puno ng liwanag.”Tumango si Monica. “Kasi kahit dumaan ako sa pinakamadilim na yugto ng buhay ko, binigyan mo ‘ko ng liwanag. Kaya ikaw ang gusto kong huling makasama sa lahat ng dilim ng buhay ko.”Napatingin si Lance kay Monica, tila ba bawat salitang lumalabas sa kanyang labi ay siniselyuhan sa puso niya.“Moni…” mahina ngu
At sa gabing iyon, hindi lang panaginip ang pag-ibig. Totoo ito.Sa mga bituin sa ibabaw ng Paris, sa mga ilaw ng lungsod, at sa katahimikan ng pagyakap—nabuo ang pangako.Isang pangakong kahit may kapirasong sakit, may puwang pa rin para sa paghilom.Samantala, sa kabilang panig ng mundo, sa Pilipinas, si Lance ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama ni Monica. Hawak-hawak niya ang kamay nito habang natutulog, pagod sa regular na check-up at paghahanda para sa nalalapit na panganganak. May kapayapaan sa mukha ni Monica, habang si Lance naman ay may halong kaba at tuwa sa dibdib.Tila isang eksena ito mula sa ibang buhay—malayo sa dating gulo, sakit, at panghihinayang. Ang lalaki na minsang takot sa pananagutan, ngayon ay buong pusong nakatutok sa bagong yugto ng kanyang buhay.“Hindi ko man nabigyan ng maayos na simula si Apple at Amara… pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, magiging buo ang lahat,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ni Monica.Ilang buwan ang
Nathan, na ramdam na ramdam ang pag-aalala ni Apple, ay nag-abot ng kamay upang magpatuloy sa kanilang usapan. Pinisil niya iyon nang marahan—parang sinasabing, “hindi kita bibitawan.”“Apple, hindi mo kailangang kalimutan ang lahat,” aniya, marahan pero buo ang boses. “Basta’t tandaan mo, nandito ako. Kasama kita. Huwag mong bitawan ang pangarap mo. Huwag mong bitawan si Amara at ako.”Bumuntong-hininga si Apple. Pinilit niyang ngumiti, pero alam ni Nathan, may bigat pa rin sa puso ng babae.Hindi nagtagal, sumabad si Mia mula sa likuran habang karga si Amara. “Oo nga, Apple,” sabay ngiti, “ngayon tinutupad na natin ang mga pangarap natin. Nakapag-expand tayo dito sa Paris, sa tulong ng nobyo mong si Nathan. Dati, nangangarap lang tayo ng maliit na café. Ngayon may ‘Boulangerie de Amara’ na tayo. May brunch café pa tayong padating sa Montmartre. Look how far you’ve come.”Natawa si Apple, hindi dahil sa tuwa kundi sa tila hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari.“Grabe, n
Habang si Monica at Lance ay nagsisimula ng bagong paglalakbay, ang kwento ni Apple ay patuloy na umuusad sa isang bagong kabanata. Sa kabila ng lahat ng naging pagsubok at sakit, siya at si Nathan ay nagpatuloy sa pagbuo ng kanilang buhay sa Paris, kasama ang kanilang anak na si Amara. Ang bawat araw sa bagong lungsod ay puno ng hamon, ngunit tila wala nang hadlang sa kanilang pagmamahalan.Sa isang tahimik na apartment sa Paris, ang araw ni Apple ay nagsimula tulad ng karaniwan—ang malambot na sikat ng araw na tumatama sa bintana, ang malamig na hangin na pumapasok sa mga siwang ng kurtina, at ang tunog ng mga kalderetang tumutunog mula sa kusina, kung saan si Nathan ay abala sa paghahanda ng almusal.“Apple, okay na ba ‘to?” tanong ni Nathan habang binabalanse ang isang mangkok ng itlog sa kanyang kamay at sinusubukang i-flip ang pancake.“Siguro nga,” sagot ni Apple, na kasalukuyang nakaupo sa sofa, naglalakad-lakad at tinatanggal ang mga laruan ni Amara mula sa sahig. Tinutulunga
“Pipilitin kong maniwala,” mahina niyang wika, sabay daplis ng palad sa sariling dibdib. “At sana… tulungan mo ‘kong buuing muli ‘yung babaeng minahal mo noon. Kasi ako, willing akong mahalin kang muli… pero sa paraang bago, sa paraang totoo. At sana tuluyan mo nang kalimutan si Apple. Andito na kami ng anak mo. Huwag mo sana akong bibiguin, Lance.”Tumigil si Lance sa gilid ng daan. Pinatay niya ang makina ng sasakyan, sabay harap kay Monica. Tinitigan niya ito ng mariin—hindi bilang babae lang ng kanyang anak, kundi bilang babaeng minsang minahal niya at ngayo'y muling nagpapaubaya, muli siyang tinatanggap sa kabila ng lahat.“Hindi kita bibiguin,” mahinang sagot ni Lance, halos pabulong. “Hindi na. Dahil kung babiguin pa kita ngayon, hindi ko na rin kayang mabuhay nang may ganung klase ng kasalanan. Ayoko na. Tapos na ako sa sakit. Gusto ko nang maging mabuting ama. At mabuting asawa… sa’yo.”Hindi na muling nagsalita si Monica. Bagkus, pumikit siya sandali, pinipigilan ang pag-ago
At habang binabaybay ng sasakyan ang tahimik na lansangan pauwi ng bahay, kapwa tahimik sina Lance at Monica. Wala mang salitang namutawi sa kanilang mga labi, sapat na ang presensya ng isa’t isa para magkaunawaan. Sa pagitan ng musika mula sa radyo at ingay ng kalsada, tumitibok ang tahimik na pag-asa—isa na namang simula, isa na namang pagkakataong ayusin ang mga nawasak na bahagi ng kanilang mga puso.Napalingon si Lance kay Monica na noo’y nakasandal sa bintana, banayad ang pagkakahawak sa kanyang tiyan habang nilalaro ang singsing sa kanyang daliri.“Monica,” mahinang tawag ni Lance.Lumingon si Monica, mabagal, may tamis at pangamba sa mga mata.“Hmm?” tugon niya, mahinang boses, tila pinipigilang masaktan muli.“Salamat,” bulong ni Lance. “Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na kasama kita ngayon. Na kahit ang dami kong pagkukulang, nandito ka pa rin.”Napangiti si Monica, bagaman may bakas pa rin ng luhang naiwan sa gilid ng kanyang mata. “Hindi madaling magpatawad, La
Habang hawak ni Lance ang kamay ni Monica, naramdaman niya ang tensyon na bumangon sa pagitan nilang dalawa. Alam niyang maraming bagay ang kailangang linawin, at isa na rito ang patuloy na koneksyon niya kay Apple at ang anak nilang si Amara. Hindi niya alam kung paano niya dapat ipahayag ito, ngunit kailangan niyang gawin ito para maging tapat at upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."Bigyan mo ako ng chance na makapagmove on kay Apple," nagpatuloy si Lance, ang boses ay may kabuntot na kalungkutan ngunit puno ng determinasyon. "Sana huwag mo na itong pagselosan. Ina parin ng anak ko si Apple at anak namin si Amara. Sana matanggap mo si Amara at ituring mo ng anak. Lagi mong tandaan na ang koneksyon namin ay si Amara, at co-parenting kami."Si Monica ay nanatiling tahimik sa mga sinabi ni Lance. Ngunit ang mga mata ni Monica ay naglalaman ng mga magkahalong damdamin—pag-aalala, takot, at higit sa lahat, pagmamahal. Hindi madali para sa kanya na tanggapin ang mga