Magkamukha sila. Hindi ako magugulat kong sasabihin iyon ng mga nakakakita sa anak ko at kay Zachary.
Kahit nga takpan mo ang buong mukha ni Zacky at mata lang ang titignan ay makikita mo na ang pagkakapareho ng dalawa. Lahat nang makakakila sa kanila ay iisipin na mag ama sila.
Tama si Yunard, kung kaya kong itago noon, ngayon mahirap na, lalo na at nasa kabilang bayan lang siya. Swerte ko na lang na hindi sila nagkitang mag-ama noong unang araw nila sa resort. Kung nagkita sila, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bumuntong hininga ako habang pasulyap-sulyap sa kinaroroonan nila Zachary.
Kagaya ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko habang pasulyap-sulyap kay Cherry, ang anak ng kaibigan ni Dexie. Akala ko ba babalik na sila sa ibang bansa?
&nbs
Narinig ko ang mabilis na yapak ni Dexie sa likod ko papalapit sa'kin. Alam ko na tulad ko ay kinakabahan at gulat na rin ito."Kuya, kanina ka pa ba riyan?" narinig ko ang kaba sa boses ni Dexie. Naramdaman ko ang paghawak ni Dexie sa likod ko, mukhang pansin niya na nanlalambot na ako. Kahit ayaw ko siyang tignan, kailangan kong gawin para makita ang sagot sa mismong mukha nito."Why? May importante ba kayong pinag-uusapan?" Naramdaman ko ang dibdib ko na naging maluwag nang marinig iyon sa kanya.Hindi niya narinig, wala siyang narinig. Hindi ko alam kung tama bang ipagpasalamat ko iyon."Ah... wala naman, Kuya," si Dexie at muli akong hinaplos."Mauna na 'ko," sambit ko kay Dexie at mabilis nang dumaan sa gilid ni Zachary.
"Seryoso ka? Ano siya bata?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Yunard. Hindi ko rin maitago matawa sa narinig.Hindi ko rin maiwasang ituon ang buong pansin ko sa kanya nang sabihin niya na bantayan ko si Dexie. Bantayan? Bakit ko naman babantayan si Dexie?"Come on, Gillian. Tignan mo lang naman kung aaligid si Zeyo, gusto ko nang umuwi, pero sa 12 pa ang uwi ko," pagod na sambit nito.Umiling ako at kumuha nang baso para gawing sandalan nang phone. Kinuha ko ang repolyo at nagsimula nang hiwain nang maliliit."Tigilan mo 'ko, Yunard. Hindi na nga ako makatrabaho roon dahil nandoon pa rin si Zachary hanggang ngayon tapos sasabihin mo na bantayan ko si Dexie? Nahihibang ka na ba?" Umiiling kong sambit habang patuloy na hinihiwa ang repolyo.
"Bakit hindi mo sinama si Zacky!" inis na sambit ni Dexie. Hindi pa nga ako nakakapagpalit at nasa locker room pa lang ay pinuntahan na niya ako. Naiilang na rin ang ilang empleyado dahil nandito si Dexie. "Wala akong tiwala sa sinabi mo na wala rito si Zachary," sambit ko at kinuha na ang uniform ko. "Wala naman talaga siya rito! Grabe ka! Sa tingin mo magagawa pa kitang lokohin? Tanungin mo si Zeyo kong gusto mo at kung wala ka talagang tiwala sa'kin!" sabay irap nito. "Kung ganoon nasan siya?" tanong ko Tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa'kin. "Bakit mo tinatanong?" pabalik na tanong niya. "Tsk!" Hindi ko rin tuloy maiwasang umirap. Kung hindi lang todo tanong si Papa kung bakit hindi ako pumapasok, hindi na muna ako papasok. Sinama na lang muna ni Papa si Zacky sa bayan, tutal ay may mga bata rin naman doon na pwede niyang kalaro. Tinanong niya rin kong nasaan si Zacky kaya ko sinabi na nasa bayan. Sabi niya ay pupuntahan niya raw para makapag bonding ulit sila. M
Napasandal ako sa locker habang pa-ulit-ulit na nag fa-flashback sa isip ko ang letratong ipinadala ni Nika. Nagkita na sila."Umuwi na kayo!" Malakas na sigaw ko nang sagutin na ni Nika ang phone.Naisin ko man magtrabaho pa, hindi ko na nagawa. Wala na ako sa sarili ko, gusto ko na lang puntahan ang anak ko kung nasaan man siya ngayon, pero alam kong mas lalala kapag pumunta ako roon.Ang magagawa ko lang ngayon ay ang pauwiin sila. Sinubukan kong tawagan kanina si Dexie, pero hindi siya sumasagot na mas lalong nagpakaba sa'kin. Anong pinag-uusapan nila? Bakit seryosong seryoso si Zachary sa letrato?Dahil sa kuha ng letrato, alam kong medyo malayo si Nika sa kanila, kaya hindi ko maaaring itanong sa kanya kung anong pinag-uusapan nila dahil sigurado ako na wala rin siyang alam."Bakit, A--" pinutol ko siya."Umuwi na kayo, Nika. Sabihin mo kay
Kanina pa si Zachary rito. Wala na atang planong umalis. Hindi nito tinatanggal ang tingin kay Zacky na ngayon ay naglalaro pa rin. Malapit na rin dumilim, kaya alam kong malapit nang dumating si Papa.Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Hindi maganda ang nakita nito noon at alam kong kahit hindi sabihin ni Papa ay galit ito kay ZacharySi Zaji naman ay kanina pang masama ang tingin kay Zachary, at alam kong ramdam iyon ni Zachary kaya lihim ko na lang siyang tinitignan at sinesenyasan. Hindi kilala ni Zaji ang totoong ama ni Zacky, ngunit nang makita niya itong nakaupo roon ay alam na niya.Alam kong alam na niya, pero lumapit pa rin ito at nagtanong sa'kin. Si Dexie ang sumagot nang tanungin ni Zaji kong sino si Zachary, at nang sabihin ni Dexie na kapatid
Nakasunod lang kami kay Zachary habang papasok sa resort. Kitang-kita ko ang pagsunod ng mata nang ilang empleyado na nakakakita sa'min."Sa opisina lang ako," sambit ni Dexie kaya tumango ako. Ngayon ay ako na lang ang nakasunod kay Zachary.Nang makarating kami sa tingin ko ay kwarto nila Zachary ay bigla itong bumukas. Gulat itong nakatingin kay Zachary, sunod ay sa'kin."Get your own room," sambit ni Zachary kay Zeyo."Sino 'yan?" Takang tanong ni Zeyo"Anak ko," mabilis na sambit ni Zachary.Natahimik si Zeyo sunod ay natawa, ngunit unti-unti itong tumigil nang mapansin siguro na seryoso si Zachary. Sumulyap itong muli sa'kin bago ulit kay Zachary.
Halos mahigit ko ang hininga nang marandaman ang paghalik nito sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghinayang nang marinig ang boses ng anak ko."Mama," tawag nito kaya natigilan si Zachary at lumayo.Halos pagalitan ko na ang sarili dahil sa naramdaman na panghihinayang. Ano ba Gillian! Umayos ka!Kahit nanlalambot ang tuhod ko ay lumapit pa rin ako agad kay Zacky. Nang makita ako ng anak ko ay itinaas nito ang isa nitong kamay. Kahit na antok na antok pa siya ay pilit nitong minumulat ang mata.Bumuntong hininga ako at nahiga sa tabi niya. Gaya nang lagi nitong ginagawa. Isiniksik nito ang sarili sa'kin at mahigpit na niyakap. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama, hudyat na naupo naman si Zachary sa likod ko."L-Lalabas din ako," utal na sambit ko at hindi pa rin
"Anong nangyare?" tanong ni Dexie habang nginunguso ang kapatid niya na ngayon ay napaghahalataan na badtrip.Sumulyap ako kila Zachary na nakaupo sa buhangin habang binabantayan si Zacky. Nilapitan kasi siya ni Dexie kanina, ngunit sinungitan lang niya daw siya.Napaiwas ako ng tingin nang tumingin din siya sa'kin."Bakit mo sa'kin tinatanong?" kunot noong sambit ko habang tinuon na lamang ang atensyon sa paghihintay na matapos sa pag mix ang bartender."Bakit hindi ko sayo tatanungin? Magkasama kayo magdamag diba? Nag ready nga ako ng kwarto kasi akala ko hindi ka matutulog don," sambit nito saka ako tinaasan ng kilay.Dahil sa sinabi nito ay napa-isip ako kung may nagawa ba ako na nakapagpa badtrip kay Zachary.
"Why are you crying?" Hindi ko namalayan na nasa pinto na si Zachary at nakita nito ang pag-iyak ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Siguro ay dahil sa subrang saya. Subrang saya ko sa nangyayare. Kita ko ang galit sa mata niya habang mabilis ang paglapit niya sa'kin. Naupo siya sa kama at pinunasan ang luha ko. "Damn! May ginawa ba si Mommy? May sinabi siy? What is it, Baby?" Nag-aalalang simbit niya. Inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Naguguluhan niya iyong tinignan. "Asan na?" Para na akong tanga habang umiiyak na tinatanong 'yun. "Asan ang alin? Come on, Baby? What is it? Baka biglang pumasok ang anak natin dito at isipin na pinapaiyak kita. Badshot pa ako sa anak na'tin-" Taka nitong sambit. "Bakit ang dami mong sinasabi? 'Yung singsing lang naman ang kailangan ko!" Inis na sambit niya. Sinubik nitong magsalita, pero natigilan rin at napatitig sa'kin. "What is it again?" Pinunasan ko ang luha ko. "Ano? Ayaw mo na akong pakasalan?" Inis kong tanong. Pumukit ito
Nasa hapag na kami. Inaasikaso ni Madam si Zacky, si Zacky naman ay tudo ngiti. Napanguso na lang ako. Hindi ako makagalaw galaw ng maayos. Takot ako na mabaling sa'kin ang atensyon ni Madam Anastasia. Kung tanggap niya ang anak ko, hindi ibig sabihin na pati ako ay tanggap niya. "Kumain ka na." Nagulat ako nang magsalita si Zachary. Napasulyap ako sa kanya nang lagyan niya ng pagkain ang pinggan. Dahil sa ginawa niya ay napasulyap silang lahat samin. Zachary naman! Hindi na nga ako gumagalaw rito para hindi nila ako mapansin tapos gaganyan ka pa. Susko! Napainom tuloy ako ng tubig. "Hija, bakit hindi mo sinama ang ama mo para mapag-usapan na ang kasal niyo." Halos mabilaukan ako nang marinig iyon galing sa ama ni Zachary. Napasulyap na lang ako kay Madam Anastsia sa tabi ni Zacky nang bitawan niya ang hawak kubyertos. "Bakit? Ayaw mong pakasalan ang anak ko?" Si Madam Anastasia. Napaubo na ako. Halos pinagpapawisan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko.
"Wow!" Si Zacky habang nakatingin sa bahay ng papa niya. Kitang kita ko ang paghanga ni Zacky sa mata niya."Let's go. Pasok na tayo," si Zachary habang bitbit na ang gamit namin. Kinuha ko ang isang gamit sa kanya, ayaw pa nga niya noong una, pero binigay pa rin.Papalapit pa lang kami ay bigla nang bumukas ang pinto. Akala ko noong una ay automatic lang, pero kasunod non ang sabay sabay na sigaw at pagputok ng confetti."Welcome home!!" Umawang ang labi ko nang nangunguna ang boses ni Dexie."Tita Ganda!" Si Zacky at tumakbo para yakapin si Dexie."I miss you gwapo kong pamangkin!" Si Dexie at pinaulanan niya ng halik si Zacky sa mukha. Natatawa naman si Zacky sa pinaggagagawa ng tita niya.Ngingiti na sana ako, kaya lang natigilan ako nang mapasulyap sa mga taong nasa gilid lang at nanonood.Para akong nawalan nang lakas nang makita ko si Mandy kasama sila Madam Anastasia, sa tabi nito ay ang sa tingin ko ay Papa ni Zachary. May kasama pa silang matanda. Titig na titig sila kay Za
"Zacky, pupunta tayo sa bahay ni Papa," sambit ko. Nakita ko ang pagningning ng mata ni Zacky, pero hindi kalaunan ay naging simangot ulit iyon. Masaya siya, pero parang may pumipigil sa kanya sa pagpapakita non. "I don't have papa," sambit nito kaya nagkatinginan kami ni Zachary. "Zacky-" Natigilan ako nang hawakan ni Zachary ang isang kamay ko na para bang pinapatigil ako. "Hayaan mo na-- Ouch" Paano ba naman ay biglang kinurot ni Zacky ang kamay ng ama niya na nakahawak sa kamay ko. "Don't touch my mama!" Irita at masungit na sambit ni Zacky habang nakatayo na. Sinununos naman ni Zacky ang ama. Naupo ito at sinuot ang seatbelt. "Okay. Okay, Son. Maupo ka na and put your seatbelt back on." si Zachary at tinanggal na ang kamay niya sa kamay ko. "Damn! Masungit na nga ang ina, masungit pa ang anak," mahina niyang sambit, pero narinig ko. "Are you telling me na sa'kin nag mana ng kasungitan ang anak mo?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Ngumuso ito at unti unting ngumit
Pagkatapos kong marinig 'yun ay nanlambot na ako. Parang natibag na ang pader na nilagay ko sa gitna namin nang marinig ang rason niya. "Hindi ako naniniwala. Hindi na ako naniniwala sayo," sambit ko. Kita ko na hindi na niya alam ang gagawin niya. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Saka lang ako maniniwala kapag sinama mo kami ng anak mo sa manila at makausap si Mandy para matanong sa kanya ang totoo." Hindi ito makapaniwalang tumingin sa'kin. Para bang hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Sunod ay ang sunod sunod na pagmura ito. "Fuck! Damn! Hell! I'm hearing it right, right? Fuck! Sasama ka na sa Manila? Sasama na kayo ni Zacky? Sasama na kayo sa'kin?" Tanong nito at lumapit na para hawakan ang dalawang kamay ko. Kita ko ang saya sa mata niya kaya napaiwas ako. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sabihin mo na lang kung kailan," paos kong sambit at naglakad na papunta sa kwarto, pero bago ako makapasok ay narinig ko ang boses niy
"Kung ang pagbubuntis ni Mandy ang usapan, huwag na tayo mag-usap," sambit ko at tinalikuran siya, pero—"Ang mahirap sayo hindi ka nagtatanong. You had time to ask me earlier about Mandy, but the first thing you want me to do is to leave,"Inis ko siyang hinarap. "So anong gusto mo? Kailangan ba na manggaling sayo at marinig ko mula sayo na nakabuntis ka? Na may posibilidad na hindi na talaga mabigyan ng buong pamilya ang anak ko-""Damn it, Gillian! Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Mandy! Matagal nang walang kami. Simula noong iniwan mo ako-""Correction, pinagtabuyan mo ako. Hindi ako aalis non kung hindi mo ako pinagtabuyan," bulyaw ko.Napahilot ito sa noo na para bang sumasakit na ang ulo niya."Fine! Simula noong pinagtabuyan kita at umalis ka ay hindi ko na nakaya pang humalik ng ibang babae, tapos makakabuntis? Damn it! I swear, that is not my child, so please stop thinking nonsense. Hindi ako magkakaanak sa iba! Kung may mabubuntis man ako ulit, ikaw ulit 'yun! Kung may
Gillian's POV Hindi ako mapakali habang nakatingin kay Zachary. Pinapaalis ko na siya, pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya nakaupo sa kung saan ko siya iniwan. Umuulan na rin sa labas, pero parang wala itong pakealam. Parang wala itong pake na maulanan siya. Hindi pa naman siya gaanong basa, pero kahit na! Bakit ba hindi na lang siya umalis! "Binanggit mo, Ate, 'yung tungkol sa nabasa na'tin sa phone ni Zaji?" Tanong ni Nika habang nakatingin rin kay Zachary. Nandito na rin sila papa galing sa bayan. Gaya ko ay gusto rin nilang paalisin si Zachary, pero hindi siya umalis. "Hindi," mahina kong sambit. Siguro hindi lang dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako niya kaya gusto ko siyang paalisin. Aaminin ko, isa sa dahilan ay dahil sa magkakaanak na siya sa iba. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin at iisipin ko. "Ate, hindi ka pa ba nadala? Sa tingin mo ba may napapala ang taong sarado ang isip? Ikaw mismo ang nakaranas niyan, Ate. Isipin mo, naging sarado noon a
"Hindi mo ako masisisi kung bakit ako galit sayo dahil hindi mo nakita kung gaano umiyak si Zacky dahil pinaghintay mo siya! Kahit tulog ay tinatawag niya ang pangalan mo. Wala ka noong gabing sabik na sabik siyang makita ka at lagnatin na sa pagkasabik sa pagbalik mo!" Lumapit ako at tinulak siya. Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakatulak ko o ano dahil halos matumba ito. "Bakit ka pa ba bumalik!? Bakit hindi mo na lang panindigan ang hindi mo pagbalik!?" Bulyaw ko. Kasi alam ko naman na aalis ka rin ulit, lalo na at magkakaanak ka na kay Mandy. Magiging bastardo rin naman ang anak ko, at sa huli siya pa rin ang kawawa. Gusto kong sabihin iyon, pero hindi ko tinuloy. "Can you listen to me first?" mahinahon niyang sambit. Umiling ako. "Kapag nakinig ako sayo, baka dumating ulit ang panahon na mangangapa kami ng anak ko. Ang mas nakakabuti mong gawin ay ang umalis rito." "Hindi ako aalis. Suntukin mo ako. Saktan mo ako," lumapit pa siya at siya ang nagdala ng kamay ko sa muk
Gillian's POV Sa isang buwan na hindi niya pagbalik ay bumalik siya. Nang tumingin siya sa'kin ay nagpatuloy ako sa pagsasampay. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? Ilang segundo ay natungo na niya kung nasaan ako. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Umalis ka na ngayong nakakausap mo pa ako nang maayos," sambit ko at kumuha ulit ng damit para isampay. Nasa loob si Zacky. Gusto kong makita niya ang ama, pero kapag nakita niya ulit ang ama, baka umasa siya sa sinabi ko na sasama na kami sa kanya. Hindi na iyon mangyayare. "I'm sorry, hindi ako nakabali--" "Wala akong pakealam sa sasabihin mo," seryosong sambit ko at sinampay na ang huling damit. "Baby, Listen to--" Isang sampal ang binigay ko sa kanya. Baby? Kung sa tingin niya makukuha niya ulit ako sa pa baby baby niya, nagkakamali siya! Sinubukan kong gawing seryoso ang expression ko. Nakatagilid ang mukha niya at gulat sa ginawa ko. Nagulat din ako sa ginawa ko, pero 'yun naman kasi talaga ang gu