"Secretary Gillian!" Tawag nito sa akin, pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon nang hindi nauutal. Bigla akong naging proud sa sarili ko dahil nasabi ko iyon kasi sa totoo lang, kinakabahan ako sa paraan ng tingin niya sa'kin. Nanghihina ako sa paraan niya ng pagtitig sa labi ko, pero nasabi ko iyon. Bakit ba kasi siya ganoon? Pagbalik ko, nadatnan ko ang magkapatid na nag papanic. Mabilis nilang inaayos ang gamit nila. Napasulyap ako kay Ma'am Nheya na ngayon ay suot na ulit yung suot niya kanina. "I hate you, Kuya! Dapat sinigurado mo!" Inis na sambit ni Ma'am Nheya kay Zeyo habang inaayos ang buhok niya. "Bakit? Anong nangyare?" mula sa likod ko ay nagsalita si Sir, gaya ko ay mukhang nagtataka rin ito sa pagmamadali ng magkapatid. "Ghad! Amoy alak ako!" Tarantang sambit ni Nheya at kinuha ang tooth brush sa bag niya. Naayos na ni Zeyo ang gamit niya kaya siya ang sumagot sa tanong ni Sir. "Papunta na si lolo sa bahay. Kailangan nami
Hindi ako makapagsalita, naalala ko 'yung sinabi niya noon. 'Yung gusto niya daw bumili ng motor. Akala ko nagbibiro lang siya, hindi ako makapaniwalang bumili nga siya kahit may kotse naman siya.Napatitig ako sa kamay ko nang hawakan niya iyon. Hinila niya ako papalapit sa bagong bili niyang motor. Isang tingin pa lang ay agaw pansin na, isang tingin pa lang ay alam mong mahal na. Malayong malayo sa motor na ginagamit ni Yunard.Wala ako sa sariling sumakay doon. Imbes na sa bewang ay sa likod ng motor ako humawak, sinulyapan niya ako dahil doon."Come on, Baby. Noong nakita kitang nakasakay sa motor niya nakayakap ka naman sa bewang niya ah! Hindi naman ako mahabo," nakasimangot na sambit niya."Si--""Yayakap k
Hindi ko alam kung saan na pumunta si Manager Rizza. Ibinilin na lang niya kay Judy na samahan ako sa pagtingin ng mga pagkain habang si Sir ay dumeretso na sa VIP room."Narinig ko na sinesante ka ni Manager noon. Buti at nakahanap ka ng mas magandang trabaho," si Judy habang pinapakita sa akin ang mga pagkain.Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko masabi kung magandang trabaho ba ang trabaho ko ngayon. Natanggap lang naman ako dito dahil kay Madam Anastasia at dahil sa kasinungalingan."Kamusta ka? Kayo?" pag-iiba ko ng usapan."Eto, maayos naman, pero simula noong umalis ka parating dikit sa akin si Jake para itanong kung anong nangyare sayo, eh, malay ko ba diba? At dahil dikit nang dikit sa akin si Jake, sa akin naman ngayon nagmamaldita si Mana
Nakatagilid na siya, habang ang mukha ko lang ang nakatagilid. Naramdaman ko ang hawak niya sa bewang ko, pinadausdos niya iyon hanggang sa likod ko. Nahigit ko ang paghinga ko nang hilahin niya ako papalapit sa kanya. Mabilis ko siyang tinulak dahil sa gulat sa ginawa niya. Mabilis akomg bumaba sa harap ng kotse at napakagat sa labi ko. "Sir, sumusubra ka na ata. Oo at hinayaan kitang halikan ako ng ilang beses, pero ibang usapan na ngayon na alam ko at ramdam ko na may namamagitan sa inyo ni Ma'am Nheya, kaya please lang, Sir. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon niyo," sambit ko nang hindi tumitigin sa kanya. Nagulat nanaman ako nang hinila niya ang kamay ko at isinandal sa kotse. Dahil sa kabang nararamdaman ko ay hindi ko napansin na bumaba na rin siya "Yes. Aaminin ko na tama ka. Nheya and I had something, but I want to stop it. She's not my girlfriend, at hindi ako nag gigirlfriend, Secretary Gillian," sa sinabi niya ay tinulak ko ulit siya, pero kaunting distansi
Napakagat ako sa labi ko dahil nang umahon ako, nasa harap ko na mismo si Sir. Wala itong suot na damit. Seryoso lang itong nakatitig sa akin. "Ah, Sir, joke lan--" Hinawakan niya ang baba ko at iniangat iyon. Hindi ko na nagawang magsalita pa nang hinalikan niya ako ng magaan. Hinayaan ko siya at hinayaang ipikit ang sarili kong mga mata. Tanging ang kabog ng puso ko ang naririnig ko, maliban sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa pagbagsak ng tubig. "Say yes, and I will not stop myself again. Hindi na ako magpipigil," mahinang sambit nito habang nakatitig sa mga mata ko, nakahawak pa rin ang kamay niya sa baba ko. Hindi ako nagsalita, tanging ginawa ko lang ay ang ilapit ang labi ko sa nakaawang na labi niya. Inilagay ko ang dalawang kamay sa braso niya. Aaminin ko, malamig ang tubig at nagsisi akong lumangoy, pero ngayon, ang malamig na pakiramdam ay napalitan ng init, init na ngayon ko lang naramdaman, na siya lang ang nagparamdam. "I'll take that as a yes, baby," sambit nito a
Naka pagpalit na kami, tulog na rin siya, habang ako ay gising pa. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hinihilamos ang kamay sa mukha. Tapos na, nabigay ko na ang sarili ko. Naipaubaya ko na sa kanya ang buong sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyare. Pilit kong hinahanap ang paghihinayang at pagsisisi sa sarili ko, sa puso at utak ko, pero naiinis ako sa sarili ko kasi kahit kaunti wala akong maramdaman na pagsisisi. Ngayong natapos ko nang ibigay ang sarili ko, pumasok sa isip ko si Papa, ang galit nitong mukha nang sabihin kong hindi ko nobyo ang lalakeng nakita niyang nanghalik sa akin. Sigurado ako na kapag nalaman niyang naibigay ko na lahat sa taong hindi ko nobyo ang sarili ay mas lalo siyang magagalit sa akin. Sigurado rin ako na kapag nalaman niya ito ay sisisihin niya ang sarili dahil sa pagkukulang, at iyon ang pinaka ayoko sa lahat, ang sisihin niya ang mismong sarili, kasi alam kong wala siyang kasalanan. Muli akong napayuko nang maalalang hindi ko sinabing hin
Zachary's POV "Sercetary Gillian!" Sigaw ko para marinig niya. Pareho silang natigilan at tumingin sa akin. Seryoso kong tinignan si Secretary Gillian at nag-iwas ng tingin. This is insane! Subrang naiirita ako sa sarili ko! "Diyan ka lang! Kukunin ko yung sandals mo," sambit ko sabay talikod. Sa pagmamadali niya kanina ay hindi na niya nakuhang isuot ang sandals niyan. Mabilis ang lakad ko pabalik sa kubo at kinuha ang sandals niya. Naiwan niya rin ang bag at phone niya sa gilid kaya kinuha ko na lahat. Ang coat na suot ko kahapon ay isinampay ko na lang sa kamay ko. Why am I doing this? Natigilan ako at tumingin sa hawak ko. Bakit ko nga ba ginagawa 'to? Nappikit ako bumuntong hininga ako. Inis na ako at lahat sa kanya, pero nagawa ko pa rin mag-alala, eh, ano naman kung masugatan ang paa niya! Wala akong pakealam! Pero bakit ko to ginagawa?! Nang makalapit ako ay nakita kong nakaupo na si Secretary Gillian sa isang bato, habang ang si Yunard ay nakatayo lang at seryoso rin an
Gillian's POV Bago pumasok sa opisina, pumunta muna ako sa bahay nila Yunard. Gusto ko siyang kausapin at gawing malinaw ang lahat. Nakangiti akong sinalubong ng mama niya. Pinapasok niya ako bago niya tinungo ang hagdan para tawagin sa taas si Yunard, siguradong wala itong alam. May kalakihan ang bahay nila, may second floor. Naupo na lang muna ako sa sofa at hinintay ang pagbaba niya. "Bababa na siya, Iha. Pakihintay na lang," tumango ako at nagpasalamat kay Tita Jev, ang mama ni Yunard. Hindi nga nagtagal ay bumaba na siya. Seryoso ang kanyang mukha habang bumababa. Napabuntong hininga ako at hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras, tumayo ako agad at linapitan siya. "Ano? May ginagawa ako," nabitin ang salitang nais kong sabihin nang maunahan niya ako sa pagsasalita. Tumukhim ako bago ituloy ang sasabihin kanina. "Mag-usap tayo. 'Yung tungkol sa nakita mo kanina," nakayuko kong sambit sa kanya. Hindi siya nagsalita kaya napaangat ang tingin ko sa mukha niya.Titig siya sa akin
"Why are you crying?" Hindi ko namalayan na nasa pinto na si Zachary at nakita nito ang pag-iyak ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Siguro ay dahil sa subrang saya. Subrang saya ko sa nangyayare. Kita ko ang galit sa mata niya habang mabilis ang paglapit niya sa'kin. Naupo siya sa kama at pinunasan ang luha ko. "Damn! May ginawa ba si Mommy? May sinabi siy? What is it, Baby?" Nag-aalalang simbit niya. Inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Naguguluhan niya iyong tinignan. "Asan na?" Para na akong tanga habang umiiyak na tinatanong 'yun. "Asan ang alin? Come on, Baby? What is it? Baka biglang pumasok ang anak natin dito at isipin na pinapaiyak kita. Badshot pa ako sa anak na'tin-" Taka nitong sambit. "Bakit ang dami mong sinasabi? 'Yung singsing lang naman ang kailangan ko!" Inis na sambit niya. Sinubik nitong magsalita, pero natigilan rin at napatitig sa'kin. "What is it again?" Pinunasan ko ang luha ko. "Ano? Ayaw mo na akong pakasalan?" Inis kong tanong. Pumukit ito
Nasa hapag na kami. Inaasikaso ni Madam si Zacky, si Zacky naman ay tudo ngiti. Napanguso na lang ako. Hindi ako makagalaw galaw ng maayos. Takot ako na mabaling sa'kin ang atensyon ni Madam Anastasia. Kung tanggap niya ang anak ko, hindi ibig sabihin na pati ako ay tanggap niya. "Kumain ka na." Nagulat ako nang magsalita si Zachary. Napasulyap ako sa kanya nang lagyan niya ng pagkain ang pinggan. Dahil sa ginawa niya ay napasulyap silang lahat samin. Zachary naman! Hindi na nga ako gumagalaw rito para hindi nila ako mapansin tapos gaganyan ka pa. Susko! Napainom tuloy ako ng tubig. "Hija, bakit hindi mo sinama ang ama mo para mapag-usapan na ang kasal niyo." Halos mabilaukan ako nang marinig iyon galing sa ama ni Zachary. Napasulyap na lang ako kay Madam Anastsia sa tabi ni Zacky nang bitawan niya ang hawak kubyertos. "Bakit? Ayaw mong pakasalan ang anak ko?" Si Madam Anastasia. Napaubo na ako. Halos pinagpapawisan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko.
"Wow!" Si Zacky habang nakatingin sa bahay ng papa niya. Kitang kita ko ang paghanga ni Zacky sa mata niya."Let's go. Pasok na tayo," si Zachary habang bitbit na ang gamit namin. Kinuha ko ang isang gamit sa kanya, ayaw pa nga niya noong una, pero binigay pa rin.Papalapit pa lang kami ay bigla nang bumukas ang pinto. Akala ko noong una ay automatic lang, pero kasunod non ang sabay sabay na sigaw at pagputok ng confetti."Welcome home!!" Umawang ang labi ko nang nangunguna ang boses ni Dexie."Tita Ganda!" Si Zacky at tumakbo para yakapin si Dexie."I miss you gwapo kong pamangkin!" Si Dexie at pinaulanan niya ng halik si Zacky sa mukha. Natatawa naman si Zacky sa pinaggagagawa ng tita niya.Ngingiti na sana ako, kaya lang natigilan ako nang mapasulyap sa mga taong nasa gilid lang at nanonood.Para akong nawalan nang lakas nang makita ko si Mandy kasama sila Madam Anastasia, sa tabi nito ay ang sa tingin ko ay Papa ni Zachary. May kasama pa silang matanda. Titig na titig sila kay Za
"Zacky, pupunta tayo sa bahay ni Papa," sambit ko. Nakita ko ang pagningning ng mata ni Zacky, pero hindi kalaunan ay naging simangot ulit iyon. Masaya siya, pero parang may pumipigil sa kanya sa pagpapakita non. "I don't have papa," sambit nito kaya nagkatinginan kami ni Zachary. "Zacky-" Natigilan ako nang hawakan ni Zachary ang isang kamay ko na para bang pinapatigil ako. "Hayaan mo na-- Ouch" Paano ba naman ay biglang kinurot ni Zacky ang kamay ng ama niya na nakahawak sa kamay ko. "Don't touch my mama!" Irita at masungit na sambit ni Zacky habang nakatayo na. Sinununos naman ni Zacky ang ama. Naupo ito at sinuot ang seatbelt. "Okay. Okay, Son. Maupo ka na and put your seatbelt back on." si Zachary at tinanggal na ang kamay niya sa kamay ko. "Damn! Masungit na nga ang ina, masungit pa ang anak," mahina niyang sambit, pero narinig ko. "Are you telling me na sa'kin nag mana ng kasungitan ang anak mo?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Ngumuso ito at unti unting ngumit
Pagkatapos kong marinig 'yun ay nanlambot na ako. Parang natibag na ang pader na nilagay ko sa gitna namin nang marinig ang rason niya. "Hindi ako naniniwala. Hindi na ako naniniwala sayo," sambit ko. Kita ko na hindi na niya alam ang gagawin niya. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Saka lang ako maniniwala kapag sinama mo kami ng anak mo sa manila at makausap si Mandy para matanong sa kanya ang totoo." Hindi ito makapaniwalang tumingin sa'kin. Para bang hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Sunod ay ang sunod sunod na pagmura ito. "Fuck! Damn! Hell! I'm hearing it right, right? Fuck! Sasama ka na sa Manila? Sasama na kayo ni Zacky? Sasama na kayo sa'kin?" Tanong nito at lumapit na para hawakan ang dalawang kamay ko. Kita ko ang saya sa mata niya kaya napaiwas ako. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sabihin mo na lang kung kailan," paos kong sambit at naglakad na papunta sa kwarto, pero bago ako makapasok ay narinig ko ang boses niy
"Kung ang pagbubuntis ni Mandy ang usapan, huwag na tayo mag-usap," sambit ko at tinalikuran siya, pero—"Ang mahirap sayo hindi ka nagtatanong. You had time to ask me earlier about Mandy, but the first thing you want me to do is to leave,"Inis ko siyang hinarap. "So anong gusto mo? Kailangan ba na manggaling sayo at marinig ko mula sayo na nakabuntis ka? Na may posibilidad na hindi na talaga mabigyan ng buong pamilya ang anak ko-""Damn it, Gillian! Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Mandy! Matagal nang walang kami. Simula noong iniwan mo ako-""Correction, pinagtabuyan mo ako. Hindi ako aalis non kung hindi mo ako pinagtabuyan," bulyaw ko.Napahilot ito sa noo na para bang sumasakit na ang ulo niya."Fine! Simula noong pinagtabuyan kita at umalis ka ay hindi ko na nakaya pang humalik ng ibang babae, tapos makakabuntis? Damn it! I swear, that is not my child, so please stop thinking nonsense. Hindi ako magkakaanak sa iba! Kung may mabubuntis man ako ulit, ikaw ulit 'yun! Kung may
Gillian's POV Hindi ako mapakali habang nakatingin kay Zachary. Pinapaalis ko na siya, pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya nakaupo sa kung saan ko siya iniwan. Umuulan na rin sa labas, pero parang wala itong pakealam. Parang wala itong pake na maulanan siya. Hindi pa naman siya gaanong basa, pero kahit na! Bakit ba hindi na lang siya umalis! "Binanggit mo, Ate, 'yung tungkol sa nabasa na'tin sa phone ni Zaji?" Tanong ni Nika habang nakatingin rin kay Zachary. Nandito na rin sila papa galing sa bayan. Gaya ko ay gusto rin nilang paalisin si Zachary, pero hindi siya umalis. "Hindi," mahina kong sambit. Siguro hindi lang dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako niya kaya gusto ko siyang paalisin. Aaminin ko, isa sa dahilan ay dahil sa magkakaanak na siya sa iba. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin at iisipin ko. "Ate, hindi ka pa ba nadala? Sa tingin mo ba may napapala ang taong sarado ang isip? Ikaw mismo ang nakaranas niyan, Ate. Isipin mo, naging sarado noon a
"Hindi mo ako masisisi kung bakit ako galit sayo dahil hindi mo nakita kung gaano umiyak si Zacky dahil pinaghintay mo siya! Kahit tulog ay tinatawag niya ang pangalan mo. Wala ka noong gabing sabik na sabik siyang makita ka at lagnatin na sa pagkasabik sa pagbalik mo!" Lumapit ako at tinulak siya. Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakatulak ko o ano dahil halos matumba ito. "Bakit ka pa ba bumalik!? Bakit hindi mo na lang panindigan ang hindi mo pagbalik!?" Bulyaw ko. Kasi alam ko naman na aalis ka rin ulit, lalo na at magkakaanak ka na kay Mandy. Magiging bastardo rin naman ang anak ko, at sa huli siya pa rin ang kawawa. Gusto kong sabihin iyon, pero hindi ko tinuloy. "Can you listen to me first?" mahinahon niyang sambit. Umiling ako. "Kapag nakinig ako sayo, baka dumating ulit ang panahon na mangangapa kami ng anak ko. Ang mas nakakabuti mong gawin ay ang umalis rito." "Hindi ako aalis. Suntukin mo ako. Saktan mo ako," lumapit pa siya at siya ang nagdala ng kamay ko sa muk
Gillian's POV Sa isang buwan na hindi niya pagbalik ay bumalik siya. Nang tumingin siya sa'kin ay nagpatuloy ako sa pagsasampay. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? Ilang segundo ay natungo na niya kung nasaan ako. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Umalis ka na ngayong nakakausap mo pa ako nang maayos," sambit ko at kumuha ulit ng damit para isampay. Nasa loob si Zacky. Gusto kong makita niya ang ama, pero kapag nakita niya ulit ang ama, baka umasa siya sa sinabi ko na sasama na kami sa kanya. Hindi na iyon mangyayare. "I'm sorry, hindi ako nakabali--" "Wala akong pakealam sa sasabihin mo," seryosong sambit ko at sinampay na ang huling damit. "Baby, Listen to--" Isang sampal ang binigay ko sa kanya. Baby? Kung sa tingin niya makukuha niya ulit ako sa pa baby baby niya, nagkakamali siya! Sinubukan kong gawing seryoso ang expression ko. Nakatagilid ang mukha niya at gulat sa ginawa ko. Nagulat din ako sa ginawa ko, pero 'yun naman kasi talaga ang gu