Share

Chapter 4: You're the reason

Abala si Blaire sa pag iisip kung paano niya makakausap si Zico ng hindi siya nito pinag tatabuyan o tinutulak palayo nang biglang dumating si Finn sa Bahay sa harap ng bahay niya.

Hindi alam ni Yenna paano nito nalaman ang Bahay niya dahil Wala nman siyang pinag sabihan kung saan siya nakatira maliban sa mga kaibigan niya.

"Hey Finn! Anong ginagawa mo rito?" Sinalubong niya ito sa gate at nakipag beso rito naka ngiti itong nilibot ang tingin sa Bahay niya.

"Nice house huh." Puri nito at ngumiti nalang siya at inaya ito na pumasok sa loob, pinupo niya ito sa receiving area at nag pahanda ng makakain sa maid nila.

"Nice place, sa'yo pala itong bahay na 'to?" Tanong nito na nakangiti tumango lang siya rito at tumingin sa paligid ng Bahay niya. "Alam mo rin ba na dito lang sa malapit nakatira si Zico?" Tanong ni Finn sa kaniya nag maang maangan lang si Yenna dahil walang alam ang mga ito.

"Si Zico?" Kunwaring hindi niya alam tumango naman si Finn. "I didn't know na same Village pala kami." 

"I think his just 3 blocks away?" Sabi nito, nag usap lang sila ng mga bagay-bagay at invite siya nito sa bago nitong Bahay sa kalapit lang na Village.

"See you there Blaire!" Nag wave na ito paalis at sumakay sa kotse nito nang maka alis na ito ay pumasok na si Balire at huminga ng malalim, panigurado ay makakarating na kay Zico na same Village lang pala sila.

Umakyat muna si Blaire sa kwarto upang maligo dahil balak niya na mag grocery ngayon at dahil wala si Larah para samahan siya ay nag pasama nalang siya sa Isa sa mga maid niya, pero hindi pa siya nakakapag ayos ng mukha ay agad na siya kinatok ng maid niya.

"Wait lang Yaya, nag aayos pa ako." Sabi niya rito, pag papatuyo palang ng buhok niya ang nagagawa niya ng buksan niya ang pinto at parang kinakabahan ang maid niya. "What happened?" Agad na tanong niya rito.

"Ma'am may panay po kase ang doorbell sa baba at hinahanap po kayo." Sabi nito na kinakabahan kahit wala pang ayos at tanging maong short at t-shirt lang ang suot at agad na bumaba si Blaire at tinignan kung sino ang nang gugulo.

Pag labas niya ng pinto ay agad niya nakita si Zico na naka tayo at naka tingin sa kaniya ng diretso. "Yaya, ako na po ang bahala. Ikaw na muna ang mag grocery." Bilin niya sa maid bago lumapit sa gate at harapin si Zico na diretso parin ang tingin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito? At bakit nambubhlabog ka?" Takang tanong niya seryoso lang ang mukha nito na hindi maintindihan ni Blaire kaya lumingon siya sa paligid kung nakabubulabog na ba ito pero mukhang hindi naman.

"Sinusundan mo ba ako?" Diretsong tanong nito na kinunutan lang ni Blaire ng noo. "Why would I?" Tanong niya rito na diretsong nakatingin sa mga mata nito. Alam niya ang mga tinginan na iyon ni Zico ilang beses niya na itong nakita noon.

"Kung wala ka nang sasabihin you can go, may pupuntahan pa ako." Balak na sana ito talikuran ni Blaire ng bigla siya nitong hatakin at pasakayin sa kotse nito at inilock ang pinto para hindi siya makalabas hangga 't hindi pa ito nakasakay sa drivers seat.

"Zico anong ginagawa mo?" Pinilit niyang buksan ang pinto pero naka lock iyon at agad naman na binuhay ni Zico ang sasakyan."Ibaba mo ako Zico!" Kahit anong pag sasalita ni Blaire ay hindi siya nito pinakinggan.

Hindi alam ni Blaire kung ano ang dapat niya na maramdaman sa ginagawa nito. Gusto niya ito makausap pero Hindi sa ganitong pamamaraan. Hindi na alam ni Blaire kung nasaan na sila dahil sa tagal na nilang umaandar pero nakikita niya sa Bintana na mag gagabi na. 

Sa tagal nilang umaandar ay hindi niya nilingon si Zico nakatuon lang siya sa daan na tinatahak nila, hindi niya gusto ang ginawa nito sa kaniyang pag papasakay. "Ibaba mo na ako." Agad naman na huminto ang sasakyan at bumukas ang pinto hindi alam ni Blaire kung nasaan na siya pero bumaba parin siya at agad niya naramdaman ang hampas ng malamig na hangin.

Nakakailang hakbang palang si Blaire ng bigla siya hawakan ni Zico sa braso. "Anong problema mo?!" Pigil na sigaw ni Zico sa kaniya wlang tao sa paligid tanging mag kakalayo na mga puno at mga ilaw lang ang narito. "Bakit bumalik ka pa?" May kung ano sa salita nito na parang hindi niya gusto na makita siya.

"I have my reason to comeback Zico." Maniha niyang sabi. "Alam kong ayaw mo na akong makita, ramdam ko yon." Gusto niyang sabihin na nasasaktan siya sa katotohanan na yon. 

"I came for you. At nasasaktan ako na sa bawat pag lapit ko sa'yo Ikaw naman ang nag tutulak sa akin palayo." Pinipilit ni Blaire na hindi kumawala ang ano mang luha sa mata niya. "You're the reason why I left. And now you're still the reason why I'm here."

"Sana Hindi kana bumalik." Halos madurog ang puso ni Blaire sa Sinabi nito kaya walang nagawa si Blaire kundi ang yumuko. "Okay na ako na wala ka." Tumingin ito sa dalaga. "Bakit bumalik ka pa Blaire?" Mapait itong ngumisi at tumingin sa malayo. "Binaon na kita sa limot." Sobra na Ang naririnig ni Blaire na halos Hindi na niya kayang pigilan ang mga luha niya na tumulo.

"Hindi ako ang nag Loko Zico para palabasin na Ako ang may kasalanan nang lahat ngayon." Sobra akong nasasaktan sa kung paano niya ako pag bitawan ng salita. "I trusted you. Pero anong ginawa mo?" Bumalik lahat sa alaala ko yong Gabi na bago ko mapag pasiyahan na umalis.

"Hindi mo ako hinayaan na mag paliwanag Blaire." May inis sa mga salita nito. "Mas pinaniwalaan mo ang naka paligid sa'yo." May diin sa mga salita nito. "Mas pinaniwalaan mo yong lalaki mo." Nasampal ito ni Blaire dahil sa mga lumalabas sa bibig nito na ikinagulat ni Zico ito ang unang beses n anapag buhatan niya ito ng kamay kaya napa asik nalang si Zico.

"You know how much I Love you Zico. At alam mo na never ako naniwala sa ibang tao hanggat hindi ko nakikita mismo sa dalawang mata ko." Halos mag unahan na ang mga luha ko sa pag agos dahil sa sakit ng mga salita nito. "Wala akong ginawa kundi ang mahalin at alagaan ka." Tinignan ko ito sa mata kahit nag iiwas ito ng tingin.

"Sa lahat ng ginawa ko, ano ang sinukli mo? Dahil sa Isang mali na balita na nakalap mo sisirain mo ang pinag samahan natin at igugugol mo ang sarili mo sa Isang gabing na kasama ang babae?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sampalin ulit ito.

"Dahil sa'yo nawala ang anak ko Blaire. Dahil sa'yo." Hindi nakapag salita si Blaire dahil sinabi nito kahit aksidente ang nangyari noon ay sinisisi parin ni Blaire ang sarili dahil don at hanggang ngayon ay siya parin ang sinisisi nito.

"That's was an accident." Paulit ulit niyang paliwanag dito noon pero hindi na siya nito pinakinggan pa. At alam niya na mas lalong hindi siya nito pakikinggan ngayon.

"Kung hindi ka nangialam sa akin noon hindi mang yayari yon Blaire, Kasama ko sana ang anak ko ngayon." Sabi nito bago siya Iwan at sumakay sa kotse nito naiwan siya na umiiyak mag isa sa labas, inantay niya kung aalis ba ito pero mukhang hindi.

Hindi alam ni Blaire kung sasakay pa ba siya sa kotse nito o mag lalakad nalang Hanggang sa makahanap ng pwedeng masakyan. Wala siyang dala na kahit ano maliban sa wallet niya.

Tinted ang sasakyan ni Zico kaya hindi niya ito makita rito sa labas. Ilang saglit pa ay naisipan nalang ni Blaire na mag lakad at huwag na sumabay dito dahil habang inaalala niya ang mukha nito ay ramdam niya ang galit nito.

Nag lakad si Blaire at naging gabay niya ang mga ilaw sa daan na lalakaran niya at sa bawat hampas ng hangin sa balat niya ay kasabay ang hula na dumadaloy sa mga mata niya. Napagod na sa pag lalakad si Blaire at ng may makita siyang upuan ay naupo na muna siya roon masyado ng malamig at masakit na rin ang mga paa niya.

Habang nag papahinga ay agad naman na pumatak ang ulan na nag dulot pa ng dagdag na lamig sa katawan niya mas nakaramdam ng lungkot si Blaire kaya niyakap nalang niya ang sarili at umiyak nang umiyak. Hindi niya alam kung ano pa ang dapat niyang gawin. 

Ilang minutong nasa ganung posisyon lang si Blaire ng makaramdam siya ng sobrang lamig ay naisipan niya na ulit na mag lakad sa ulan habang naka yuko at yakap ang sarili. Iniisip niya kung hinanap ba siya ni Zico pero mukhang malabo dahil kung hinanap siya nito ay kanina pa siya nito nakita.

Pagod na si Blaire sa pag lalakad at sinisipon na siya sa lamig pero nag patuloy pa siya sa paglalakad Hanggang sa may nasalubong siyang ilaw ng sasakyan.

"H-help m-me."  Pagkasabi nun ay agad na bumagsak ang katawan ni Blaire sa lupa dahil sa pagod at lamig ng ulan. 

Agad naman na bumaba ang tao sa sasakyan at agad siyang nilapitan "What the fuck!" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status