One Night with the Boss - Chapter 7
KAHIT siguro may nakatutok na baril sa kanya, hindi pa rin makakapagsalita si Abigail.
Wala siyang magawa kundi ang mapatitig na lang sa mga mata ng boss niya. Hindi siya makaiwas kahit na parang nahihipnotismo na siya.
Paano’y napakasarap sa pakiramdam nang may nakatitig na katulad ni Liam Ramsey.
Isang ordinaryong babae at hamak na sekretarya lamang siya, pero nandito siya ngayon sa harap ng isang ekstraordinaryong lalaki.
Saan siya kukuha ng lakas at determinasyon para malabanan ang nanghihigop na atraksiyon?
A, bakit ba tumatanggi pa siya…?
Nasa gayong ayos sila nang may mag-doorbell. Hindi itinago ni Liam ang hesitasyon na lumayo sa kanya.
“That must be our food. Wait for me here.” Bumulong sa isang teynga ni Abigail ang medyo paos na boses ng lalaki.
Tumango lang siya. Paralisado pa rin ang dila.
Isang waiter
One Night with the Boss - Chapter8 SUNUD-sunod ang pag-iling ni Abigail. Niyapos niya nang mahigpit ang mga tuhod para maampat ang panginginig ng buong katawan. “Sumagot ka!” “H-hindi po, s-sir…” Hindi matatag ang tugon ni Abigail kaya parang kulang sa sinseridad. “Don’t lie, dammit!” Mas malutong ang pagmumura ng lalaki. “Damn you, woman! Don't lie to me! Ano'ng balak mong gawin kapag nabuntis ka? Pipilitin mo akong pakasalan ka--o sisingilin mo ako ng malaking halaga bago ipa-abort ang bastardo ko?" Mala-asido ang kamandag ng bawat pasinghal na akusasyon. Tumatagos hanggang sa kaluluwa ni Abigail ang hapdi. “I-I’m s-sorry, sir…” Mali ang mga katagang sinambit ni Abigail dahil lalong nagngitngit sa galit si Liam. “Magbihis ka—at umalis ka na! I don’t wanna see your lying face again!” Napapitlag si Abigail nang mayanig ang paligid dahil sa pabagsak na pagsasara sa pinto n
One Night with the Boss - Chapter 9 WALANG imik si Liam nang lumabas sa kuwarto. Hawak sa isang kamay ang bungkos ng susi at ang black eyeshades. Doon lang sumulyap si Abigail. Hindi na siya naglakas-loob na tumingin sa mukha ng lalaki. Lalo lang kasing bumibigat ang dinadala niya kapag nakikita ang galit na nakapatungkol sa kanya. Umiral pa din ang likas na pagkagentleman dahil ipinagbukas pa ng pinto ng kotse ang dalaga. Ngunit hindi na nakipag-usap ni minsan ang amo habang minamaneho ang kulay itim na Porshe. Nanatiling nakabaling ang mukha ni Abigail sa bintana ng sasakyan ngunit ang buong pagkatao niya ay nakatutok sa lalaking katabi sa harapang upuan. Nakikiramdam siya sa bawat galaw. Naghihintay sa kahit na anong sabihin. Ipinarada ni Liam ang kotse sa tapat ng isang bangko. Sarado ang lugar kaya libreng makiparada sandali. “Hihintayin kita dito. Itago mo ang kuwintas.” Suot ng lalaki ang black sh
One Night with the Boss - Chapter10 MASAMA pa rin ang sumpong ni Liam hanggang sa makarating sa malapad na bungalow-style one-storey house na nakatayo sa isang malawak na lote. Ang lokasyon ay luma pero kilalang subdibisyon sa Manila. Nanatili namang walang imik si Abigail habang nasa biyahe. Pumikit siya para maipahinga ang mga matang nanghahapdi. Pero nakatulog siya nang tuluyan. “Miss Santos, gumising ka na.” Tila nagka-phobia na ang katawan ni Abigail kay Liam. Napapitlag siya nang hawakan ang isang balikat niya para alugin. Awtomatikong isiniksik ang sarili sa sulok na para bang isang maliit na hayop na natakot. “Nandito na tayo sa bahay.” Malamig ang ekspresyon ng lalaki kaya dali-daling bumawi ng tingin ang dalaga. Lumapit sa nakaparadang kotse ang babaeng katulong na nagbukas at nagsarado ng gate. “Magandang umaga, Sir Liam, er, ma’am…”
One Night with the Boss - Chapter11KUNDI siguro napakabigat ng tensiyon na dinadala niya dahil sa kuwintas, baka napatawa pa si Abigail. May karapatan ba siyang magmaktol?Atsaka, hindi pa niya naranasang magmaktol dahil wala namang makakapansin sa kanyang pamilya.Umiling nang marahan ang dalaga. Pinilit niyang lunukin ang isinubong kanin bago tinangkang magsalita.“H-hindi po.” Saglit lang siyang sumulyap sa lalaki. Ibinaling uli ang paningin sa sariling pinggan.“Talaga bang ganyan ka?”Humugot ng malalim na buntonghininga si Abigail para manatiling bukas ang lalamunan.“H-hindi kita maintindihan, sir…”“Hindi rin kita maintindihan,” salo ni Liam. “I mean, alam kong natural na tahimik ka. Pero…”Napilitang tumingin nang tuwid si Abigail sa lalaki. “Pero ano po, sir?”Bahagyang
One Night with the Boss - Chapter12 PARANG ibinabad sa suka si Winnie Sena dahil sa sobrang pamumutla. Hindi magkandatuto sa pagpupumilit na ngumiti at magpatay-malisya. Huling-huli na kasi sa akto. “G-g-good morning, Sir Liam. N-nandiyan na pala kayo…” Hiyang-hiya at walang kumpiyansa ang tono ng matapobreng babae. May ibang pintuan ang pribadong silid ng company president kaya marahil nakapasok si Liam nang hindi namalayan ni Abigail. “Say your apologies to Miss Santos—then get out!” Paasik ang utos ng big boss. Awang-awa naman si Abigail dahil parang mahihirinan si Winnie. Sa sobrang dami ng mga insulto at panlalait ng ka-opisina sa kanya sa loob ng nagdaang tatlong taon, siguradong magkaka-indigestion ang pobre. “I-I-I’m s-sorry, Miss Santos…” Halos hindi marinig ang pabulong na apology. “I can’t hear you. Repeat it, dammit!” Sabay uling napaigtad sina Abigail
One Night with the Boss - Chapter13 ‘DAPAT ba siyang matuwa?’ tanong ni Abigail sa sarili. Para sa isang lihim na umiibig na katulad niya, ang dapat na maging reaksiyon ay katuwaan lang dahil may pagtingin na din pala sa kanya ang lalaking sikretong minamahal. Ngunit bakit parang mas gusto niyang magalit? Dahil hindi siya naniniwala. Paano magkakagusto sa kanya ang isang lalaking labis na umiibig sa isang babaeng nagngangalang Mia? Hinding-hindi na siguro niya makakalimutan ang mga sinabi ni Liam kahapon. ‘Kami ni Mia ay wala pang isang taon engaged… pero tatanggapin ko pa rin siya kapag bumalik sa akin.’ Pinili ni Abigail ang huwag magalit dahil taliwas sa natural na ugali niyang mapagpasensiya. Pero hindi naman niya kayang bawalan ang sarili na masaktan at maghinanakit. Laruan lang ba ang tingin ni Liam Ramsey sa kanya?
One Night with the Boss - Chapter14 “LET’S freshen up before dinner.” Inihatid ni Liam si Abigail hanggang sa tapat ng pinto ng guest room. “Fifteen minutes?” “Opo, sir.” Tumango ang dalaga. “Good. See you later.” Tumalikod ang lalaki at maliksing lumakad patungo sa kabilang direksiyon. Nandoon marahil ang master’s bedroom. Ipinilig ni Abigail ang ulo para mawala ang pagkalito. Hindi niya dapat inuubos ang taning na kinse minutos sa pag-iisip ng kung anu-ano. Maliksing nag-shower ang dalaga. Mas mabilis siya ngayon dahil maligamgam ang tubig. Ang isinuot naman niya ngayon ay lumang slacks na itim at sweatshirt na kulay abo. Itinali niya ang scarf na ipinahiram ni Liam sa kanyang leeg dahil medyo mababa ang kuwelyo. Ang mahabang buhok na ibinalot ng tuwalya kaya hindi nabasa ay muling ipinusod nang maluwang. Sa kusina siya nagpunta, sa halip na sa kumedor. Mainit ang pagsalu
One Night with the Boss - Chapter15 NANG makarating sa opisina, agad na inasikaso ni Abigail ang pagpi-print sa file na ni-rush niyang i-type kaninang umaga. Nang matapos, inilagay niya sa bagong folder ang mga papeles at ipinasok sa private office ng boss. “Kailan mo ginawa ito?” Nagulat si Liam. “Kaninang umaga po, pagkagising ko.” “Hindi ka na sana nagpakapagod. Nandito pa sa hardisk ang file.” “Oo nga pala.” Natigilan rin si Abigail. Bakit ba niya nakalimutang gumagawa nga pala siya ng back-up file sa bawat project information na ipinata-type sa kanya? “Anyway, thank you at hindi mo nakalimutan ang tungkol dito.” Parang namalikmata si Abigail. Mainit ba ang ngiti ni Sir Liam sa kanya? “W-welcome po, sir. Lalabas na po ako.” Gustong mataranta ng dalaga na hindi niya mawari. Para kasing may kapangyarihan ang mga kislap na nasa mga mata ng lalaki