Share

5: Aerthaliz Satrikana

Author: ItsyourgirlZiryang
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“Kaya ka sinasabihang tanga ni sir kasi pati spelling ng surname mo, nalilito ka!” rinig kong sabi ni Reian sa kaniyang kasama.

Parehas naman silang tanga dahil nitong mga nakaraang araw lang ay usap-usapan na nangabit ito. Tanga nga.

Marami naman akong kilalang babaeng kumakabit sa relasyon but bro—she’s freaking beautiful, matalino at sikat sa school. No comment ako sa ugali dahil halata naman agad. Sinayang niya ang sarili niya sa lalaking basagulero pero payat naman.

”Kerus, nasa amphitheater si Izha!” tawag ng kaibigan kong si Gelo.

”We? Baka pinagloloko mo lang ako?” pagdududa ko.

“Gago, subukan mo kasi!”

Napangiwi siya nang may dumaang guro sa kaniyang tabi. Sinamaan siya ng tingin ng guro at hindi na sinita pa.

“Pahamak ’to!” bulyaw niya sa akin.

“Tangina, ikaw mura nang mura diyan, e!”

We’re high school student, fourth year. Simula nang tumuntong ako ng high school ay kaibigan ko na si Gelo. At si Izha? She’s my ultimate crush. Katulad ni Gelo, first year high school palang ako ay crush ko na siya. Bihira ko lang siyang makita dahil magulo kung saan siya palagi namamalagi. Minsan sa library, cafe at gymnasium. Ewan ko ba, minsan ko lang siyang masaktuhan kaya ngayon ay sobra akong sabik makita siya.

Nagpaunahan kami ni Gelo papunta sa amphitheater. Humawak kaming dalawa sa railings at nilibot ang tingin sa mga estudiyanteng mga nakaupo sa bleachers.

“Hindi ko makita! Namimikon ka ba?” mayabang kong sinuntok ang balikat niya.

“Idilat mo kasi ’yang mga mata mo! Iyon, oh!”

Inakbayan niya ako at tinuro si Izha. Agad ko siyang nakita. Nakaupo siya sa bleachers at gumuguhit ng hindi ko mawari. Agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi.

“Ang ganda niya talaga, Gelo!”

“Bading!”

Sinapak niya ako ng mahina.

“Humanap ka na kasi ng crush mo hindi iyong bitter ka rito!” singhal ko.

Hindi siya nakasagot dahil may napansin kaming dalawa. Ang stage ay nasa pinakagitna at baba. Napapalibutan ng mga bleachers. May babae roong nakatayo, kita ng dalawang mga mata ko kung paano niya batuhin ang isang lalaki ng cartolina.

“Tanga ka ba? Dadaan ka na lang, kailangan pang hatakin ang buhok ko! Papansin!” malakas niyang sigaw. “Ang pangit-pangit mo naman!”

Akala ko ay mapapahiya ang lalaki pero ngumisi lang ito. Namukhaan ko siya, si Hayden. Bunsong kapatid nina Kuya Hugo. Kahit kailan talaga matigas ang mukha ng isang ito.

“Makipagdate ka na kasi sa akin, Ae. Hindi naman buong araw kaya nagtataka ako kung bakit ang choosy mo,” may ngisi pa rin sa labi niya pero bakas doon ang inis.

“Hindi kita type. At sino ka ba?”

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na narinig dahil nagtanong ako kay Gelo.

“Sino ’yon?” harap ko sa kaniya. “Parang crush ko na siya. Ang cute ng mga babaeng matataray for me. Mukhang mapapalitan ko na si Izah.”

Nilingon niya ako. “Basted ka riyan. Masungit ’yan kaya walang masyadong umaaligid. May gusto riyan sina Liam at Asher, base sa chismis binasted niya ang mga ’yon. Maraming babae ang nanghinayang.”

Bigla akong nawalan ng pag-asa.

“Masungit ba talaga?”

“Oo, kaibigan ko kaya si Adeline na kaibigan din niya. Minsan napapakwento si Adi tungkol diyan kahit hindi ko naman tinatanong.”

“Anong pangalan niya?”

“Aerthaliz. Aerthaliz Satrikana.”

”Gusto ko siyang maging kaibigan.”

“Try her. Ang kaibigan niya lang kasi ay si Adeline at Reagan. Balita rin ngayon na boyfriend niya iyong anak ng sikat na business man. Si Serious Laurier.”

“Hindi sila bagay, pangalan pa lang. Siya Aerthaliz tapos Serious? Walang chemistry.”

“Sa inyo rin naman, Aerthaliz tapos Kerus? HAHAHAHAHAHA!”

Humalakhak siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Mas lalo naman sa ’yo! Gelo tapos Aerthaliz? Team Geliz? Tunog galis!”

“Tangina mo, Kerus!”

“Pakyu!”

When I reached high school, everything I couldn’t do and say at home became free for me to do now. I just avoid it at home because my mom prohibits that.

Imbis na si Izha ang sisilayan ko sa kanilang classroom, ngayon ay iba na. Ngayon ko lang din nalaman na magkaklase pala sina Izha at Aerthaliz. Nang nakita ko ang babae, dinukot agad nito ang namamangha kong puso when it comes to her.

Dumaan ako sa harap ng silid nila. Nakita ko agad si Aez sa harapan, kausap ang kanilang lalaking guro at nakikipagtawanan. Tumigil siya katatawa at tumingin sa wrist watch.

“Sir, breaktime na po. Extend na naman po ba kayo?” rinig kong natatawa niyang sagot.

Sa bawat pagtawa niya, tinatakpan niya ang kaniyang bibig gamit ang panyo niyang hawak. Taas-baba rin ang kaniyang balikat at sumasabay ang buhok niya sa pag-alon. Sa lahat ng babaeng nakita ko, para sa akin ay siya ang mayroong pinakamagandang ngiti. Sobrang puti ng kaniyang mga ngipin at ang labi niyang natural na kulay rosas.

Lumihis ang tingin niya sa kaklaseng lalaki. Nang makitang malagkit itong nakatitig sa kaniya, agad niya ’tong sinamaan ng tingin. Animong kasalanan ang tumitig sa kaniya.

Natulala ako kaya nagulat ako nang may mabigat na brasong umakbay sa akin.

“Hoy, Kerus, anong ginagawa mo sa building namin?! Sa kabila ka, ’di ba?” maangas na tanong ng lalaki.

Tiningnan ko kung sino. Ngumisi ako nang makilala.

“Dumaan lang, Levi. Parang sa ’yo naman ’tong hallway!”

Tinanggal ko ang braso niya.

Tiningnan niya kung saan ako nakatitig kanina.

“Oh, tinamaan ka na rin ni Miss Satrikana? Kaya pala nandirito ka.” Tinapik niya ako. “Okay! Valid reason!”

“Pinagsasabi mo?” tanggi ko dahil madaldal siya. Ipagkakalat niya ang tungkol dito. “Napadaan lang talaga ako rito.”

“We?” Bigla akong kinabahan nang sumigaw siya. “Sir! Kumusta ka?!”

Si sir lang ang sadya niya pero dahil sa lakas ng sigaw niya, napatingin din sa amin ang iba lalo na si Aerthaliz. Mas lalo akong nanlamig nang mapunta ang tingin niya sa akin. Agad akong nag-iwas dahil bigla akong nahiya. Napansin ni Levi iyon kaya ngumisi siya. Sinadya niya ang bagay na ito.

“Uy, bakit nandito si Ferenz?! Bihira na lang kaya siya pumunta sa building natin!” kinikilig ani ng estudiyante.

“Tangina, ang pogi niya talaga,” ani pa ng isa.

“Ang sarap sa mga mata kapag may dalawang pogi sa harapan.”

“Ikaw, Roncales! Dinig na naman ang boses mo sa baba! Napakalalaking tao, e bungangero!” suyaw sa kaniya ni sir na may halong biro.

“Sir, namiss lang talaga kita! HAHAHAHAHA!” pagpapatuloy ni Levi.

Hindi siya pinansin ng guro at tumingin sa akin. “Anong ginagawa mo rito, Ferenz? Wala rito si Izha. Dalawang araw absent ’yon dahil may sakit.”

Yeah, right. Alam ng karamihan kung sino ang nagugustuhan ko dati. Si Izha lang yata ang ayaw maniwala.

Mas lalong natawa si Levi. “Hindi si Izha ang pinunta niya, sir. Bago, sir.”

Naningkit ang mga mata ni sir sa akin kaya natawa na lang din ako. Sinuyod niya ng tingin ang kaniyang mga estudiyante at muling bumaling sa akin.

“Ang tipo mo ay ’yong mga madadaldal. Si Adeline ba?” natatawa niyang tanong.

”Hala, sir! Kayo naman! Huwag naman kayong ganiyan!” nahihiyang suyaw ni Adi, namumula pa ang mga pisngi.

Pinag-aasar siya ng mga kaklase. Tumili siya at nagtakip na lang ng mukha gamit ang kuwaderno.

“Hindi ’yan, sir, e.”

Ngumisi si Levi at tumingin kay Aez. Nangunot ang noo ng asawa ko dahil doon.

Nanghuhusga agad ang mga mata niya kahit wala pang lumalabas na salita sa bibig ng kaibigan ko.

“Ito bang si Miss Satrikana?” Tinuro ni sir si Aez. Natatawa na rin at mukhang kabisado niya si Levi. “No boyfriend since birth ’tong alaga ko. Hindi ka nito papatulan, Ferenz. Mailap ito.”

Nagtawanan silang lahat. Ako naman ay nakasimangot. Tiningnan ko si Aez at parehas lang kami ng reaksyon. Dahil nakatitig ako sa kaniya, nahuli niya ang mga mata ko. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at napairap.

“Sir, breaktime na!” sigaw niya.

“Osige, magbreaktime na kayo.”

Hinatak niya si Adi palabas ng classroom para makatakas sa mga titig ko. Likod na lang niya ang sinundan ko ng tingin hanggang batukan ako ng katabi ko.

“Kay Izha, may pag-asa ka pa. Pero doon, wala! Ano bang naisipan mo para magpalit ng crush? Okay lang sana na ibang babae pero huwag ’yon! Anak ’yon ng kapitan at may punto ang sinabi ni sir! Kahit kailan talaga, tanga ka sa babae, Ferenz!”

“Tangina, problema mo ba?” singhal ko sa kaniya at inayos ang buhok. “’Pag ’tong ulo ko na-flat, flat din ’yang mukha mo!”

“Gago!”

Huminga ako nang malalim nang nawala na sa paningin ko ang likod ni Satrikana. Tumitig ako kay Levi.

“Sa tingin mo, saan siya magcocollege? Gusto ko siya maging kaklase.”

Napangisi siya. “Bakit ka nababahala? Ferenz ka naman, ah? Lahat ay kayang gawin ng mama mo! Kung sa magandang university siya papasok, kaya mo ring makapasok!”

Nanlumo ako. “Pero kapitan ang tatay niya. Paano kung—”

“Susundan mo ba siya o hindi?”

“Susundan.”

“Oh, ano pang pinoproblema mo? Nagmumukha ka lang tanga, p’re, e.”

Napasuklay ako ng buhok.

“Ano kayang course ang kukunin niya?”

“Hindi ko alam pero balita ko ay magaling magdrawing si Miss Satrikana. Kaya niya rin yata magpaint.”

“Ano sa tingin mo?”

“Painter?”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil wala sa hitsura ni Aez ang pagpapainter. Trip lang talaga ng lalaking ’to magbiro pero seryoso ang kaniyang mukha.

“Diyan ka na nga! Kanina pa ako nagtitiis sa amoy mo!”

Tumakbo ako ng mabilis para hindi niya ako masaktan.

”Parehas pala tayong may naaamoy! Sarili mo ’yon, hoy!” pahabol niyang sigaw na hindi ko na pinansin.

Dumating ang graduation namin ay hindi man lang napawi ang nararamdaman ko kay Aerthaliz. Bagkus ay lumala pa ’to na parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nasisilayan. May pagkakataon pa nga kapag weekends ay dumaan ako sa kanilang bahay tuwing umaga dahil bali-balita ko’y siya ang nagdidilig ng kanilang halaman. Minsan naman ay sinasama niya ang mga aso sa pagjojogging. Kahit may gym naman kami sa mansion, mas pinipili ko pa ring magjogging sa subdivision nila na bakasakaling makasalubong ko siya.

Nangyari nga iyon. Seryoso ang aking mukha dahil ayokong ipahalata sa kaniyang ulol na ulol na ako. Siya naman ay nakakunot ang noo at halatang namumukhaan ako na may halong pagtataka. Siyempre nakikita niya ako sa school namin na panay sulyap. Kadadaan ko rin sa bahay nila ay naaanig niya ako.

I am fucking shameless stalker.

”Miss Aerthaliz Satrikana with highest honor,” ani head teacher sa entablado.

Nagpalakpakan ang lahat kasama ang katabi kong si Gelo. Hindi ko man lang naiangat ang kamay ko para sumabay dahil abala ako sa pagmamanman sa kaniya. Ang lakad niyang pangbabae na napakamahinhin. Ang buhok niyang umaalon kapag humahakbang. Ang maliit niyang ngiti ngunit napakatamis. Lahat ng iyon ay karamihan dito sa venue ay hindi alam na isa siyang napakasungit na babae pero wala lang iyon sa akin dahil iyon ang dahilan kung bakit ako tulalang-tulala ngayon kahit pababa na siya ng entablado.

Patago akong siniko ni Gelo kaya nawala ang atensyon ko sa kaniya. Napagtanto ko rin na ang mga kaeskwela kong lalaki ay nakatitig din. Alam ko. Ramdam kong hindi lang ako ang nahuhumahaling sa napakagandang crush ko.

“Keruz Ferenz with high honor.”

Pagdating ko sa harapan ay sinalubong ako ni Kuya Conan. Hindi makapupunta si mommy dahil naglalabor ang ate ko sa una niyang anak na ang pangalan ay Aziz.

“Hoy, kita ko ’yon, ah!” pamungad ni Kuya Conan na may nang-aasar na ngisi. “Bakit ka nakatingin doon sa babaeng may highest honor? Crush mo ’yon, ’no? Binata ka na, ah!”

“Hindi kaya!” tanggi ko at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.

Ngisi-ngisi siyang sumabay sa akin paakyat ng entablado. Nakipagkamay muna ako bago ako sabitan ng medalya. Imbis na mabilis magbow, nakuha ko pang tumayo saglit upang hanapin si Aerthaliz. Agad ko siyang nakita na dapat ay hindi ko na ginawa dahil nawala lang ako sa mood.

Sabay kaming bumaba ni kuya, ramdam kong gusto niya akong asarin pero kailangan niya nang bumalik sa upuan niya.

Sino ba ’yong lalaking ’yon at masaya siyang nakikipag-usap? Akala ko ba si Reagan at Adeline lang ang kaibigan niya? Iyong si Reagan nga ay hindi pa pasado sa akin dahil narinig ko sa chismis na minsang nagkagusto ’yon kay Ae. Hindi ko na dapat siya i-bibig deal pero may dating ang hitsura ng lalaking ’yon. Academic achiever pa katulad ko.

Paano kung magustuhan niya ’yon?!

Ang daya!

Nang tumayo siya sa upuan hanggang sa pagbaba ng entablado ay hindi naalis ang tingin ko sa kaniya pero nang sa akin na, nakikipagtawanan lang doon sa akala mo gwapo? Palabas-labas pa ng ngipin, dilaw naman rubber color ng brace!

Nakakapangselos!

Nang matapos ang closing remarks ay hindi agad ako tumungo kay Kuya Conan. Yumuko pa ako para magtago sa kaniya. Ang dami pang mga nagpipicture sa venue kaya iisipin niyang kasama ako ng mga kaibigan ko.

“Kerus, tara na!” yaya sa akin ni Gelo, hatak-hatak siya ng tatlong babae.

“Mamaya na ako!”

Mabilis akong pumuslit, kapag nakita ako ng tatlong babae ay ako naman ang bibigyan atensyon at ayaw ko n’on.

Hinanap ng mga mata ko si Ae. Nahirapan pa ako kaunti dahil natatakpan siya ng mga tao. Nakita ko ring abala ang mommy niya makipag-usap sa principal. Hinanap ng mga mata ko sina Adeline at Reagan, parehas silang mga kumukuha ng litrato kaya ito ang pagkakataon kong lapitan si Aez. Ito ang unang beses na makakausap ko siya

Nakaharap siya sa kaniyang lamesa at abala sa pagliligpit ng gamit. Nasa sulok ang pwesto nila kaya hindi kami kita ng karamihan.

“I-Is that you, Miss Satrikana?” nahihiya kong tanong pero pinilit kong magpakalalaki.

Humarap siya sa akin na may nakakunot na noo. Nang makitang nakangiti ako ay ngumiti rin siya.

“Yes, bakit?” kalmado niyang tanong.

Bakit? Bakit?! Bakit nga ba ako pumunta sa kaniya at anong sadya ko? Para akong naputulan ng dila kaya ang nagawa ko na lang ay tingnan siya ng kabuoan.

Levi is right! Tanga ka talaga pagdating sa babae, Kerus!

Hinubad ko ang toga cap ko sa mismong harapan niya. Doon napunta ang tingin niya pero binalik din sa mukha ko.

”P’wede...”

Damn! Ano bang sasabihin ko?

Napunta ang tingin ko sa kaniyang dibdib na aking pagkakamali. Sa ganitong sitwasyon, nagmumukha talaga akong tanga! Wala siyang naging reaksyon. Laking pasasalamat ko na baka hindi niya napansin.

“P’wedeng... akin na lang ang bulaklak mo?” tukoy ko sa bulaklak na naka-pin sa dibdib niya, nahagip ng mga mata ko kanina.

Nangunot ang kaniyang noo at pinaningkitan ako ng mga mata. Napakamot ako sa batok dahil nahihiya na ako sa mga titig niya. Nagpakawala siya ng buntong-hininga at kumilos ng walang sabi-sabi.

May kinuha siya sa bag. Pagkatapos ay nilahad sa akin ang pink roses bouquet.

“Mukhang na-iinggit ka sa bulaklak ko. It’s from my daddy, sa ’yo na,” ngumiti siya ng matamis sa akin. “Girly ka pala.”

Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil nakatitig ako sa bulaklak. Pasalit-salit ang tingin ko sa bulaklak at sa kaniya. Matamis ang kaniyang ngiti at nakalahad mismo sa harap ko ang alok niya. Ang hinihingi ko ay ’yong isang pirasong red rose sa kaniyang dibdib, hindi ito. Sa kadahilanang ayokong ma-turn off siya sa akin dahil tinanggihan ko ang bigay niya, kinuha ko ’to.

“S-Salamat,” I licked my lips. Kinagat na rin upang hindi matuloy ang ngiti.

“Congratulations. You’re high honor pala so sa ’yo na ’yang flowers, may bigay pa naman si mommy sa akin.”

Ngumiti siya ng napakatamis. Kung ako lang ay tao rito ay nagsigaw-sigaw na ako ngunit kailangan kong pigilan. At alam niyang high honor ako?! Ibig sabihin narinig niya ang pagbanggit ng pangalan ko kanina!

Sa lahat ng graduation gift! Itong bulaklak niya ang pinakafavorite ko!

“Ah. I need to go. Excuse me,” aniya.

Hindi na ako nakasagot dala ng pagkatulala. Hanggang mawala na siya sa paningin ko kasama ang mommy niya. Dahan-dahan ko muling tiningnan ang bulaklak at onti-onting sumilay ang ngiti sa aking labi.

“Gelo! Gelo!” Nagtatakbo ako patungo sa kaibigan dala-dala ang bigay niya. “Gelo! Gelo!”

“Oh? Tumama ka sa lotto?” pang-aasar niya. Napunta ang tingin sa dala ko. “May bulaklak ka? Kanino mo ibibigay ’yan? Kay Satrikana? Kanina pa umalis, ah?”

“Hindi,” mayabang kong sagot, nakangisi pa. Yinakap ko ang bulaklak at proud muling nagsalita. ”Itong bulaklak, binigay ng crush ko. Si Satrikana, Gelo! Si Aerthaliz! Ano?! Ano?! Magyabang ka sa akin ngayon dahil ako ang pinakamasaya sa graduation natin, p’re!”

Natawa na lamang siya sa reaksyon ko at sinapak ako sa balikat para matigil sa kabaliwan.

“Anong gagawin mo riyan sa bulaklak?” akbay niya sa akin.

”Itatabi sa higaan.”

Napailing-iling na lamang siya.

Kaugnay na kabanata

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    6: Cool off?

    A/N:Hi, itong nangyari kay Aerthaliz is based on my experience. Everything that happened is detailed. Gano’n pala feeling kapag namatay ka.I furrowed my brow as I felt an intense heat. My body was dripping with sweat.“Ah,” daing ko nang may maramdaman akong masakit na nakatusok sa thoracic vertebrae ko.Sa taas ng sikmura, napapagitnaan ng ribs ko.Hindi na maganda ang lagay ko pero nakukuha ko pa ring magpaliwanag ng ganito.Iniwas ko ang katawan ko sa may gawa n’on dahil namimilipit ako sa gawa niya. Gamit ang kaniyang dalawang daliri, nakatusok ’to doon at hindi ko alam kung para saan. Nagbibigay ’yon ng napakatindi na sakit kaya nang marinig niyang dumaing ako ay agad niyang binitawan.“Ang sakit,” aniko gamit ang pagod na boses.I felt drained of strength. I couldn’t even move my body. I felt like a wilted vegetable. My breathing was fine, but I still felt the same way.Umayos ako ng upo at halos tulungan ako ng dalawang taong nasa tabi ko. I opened my eyes. I had two men besi

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    7: Her Talent

    I woke up late. I couldn’t hear the crowing of the roosters anymore. I also saw the high glare of the sun through the window. I got up from lying on the bed. I still need to go out to wash my face in the sink. I checked if I had any eye boogers or dirt on my face. I ran my fingers through my hair before deciding to go out.Napataas ang kanang kilay ko nang makitang nakahiga si Kerus sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Mag-iingay sana ako nang makita ko si Nanay Carmen na nagwawalis ng sahig. Nilagay niya agad ang hintuturo niya sa gitna ng kaniyang labi, nagsasabing huwag akong maingay.Nakatulog nalang ako bigla kagabi. Sa sobrang pagod ay tinanghali ng gising. Hindi ko alam kung saan natulog ang lalaking ito. Ngayong nakita ko siya ay mukhang dito nga.“Dito po ba talaga siya natutulog?” tanong ko kay nanay gamit ang mahina kong boses.“Oo, simula kahapon. Hindi na nga siya sinama ni Chico sa pangingisda dahil anong oras na raw natulog. Kung hindi niya pa pinilit ay hindi mahihiga.”

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    8: Who’s your date?

    We also returned to Manila after Kerus managed dad’s rice field. I didn’t learn anything from him. I avoid him because of our arguments. I don’t want him to have questions because I’m afraid of feeling weak and not having any answers for him.As long as I can avoid him, I will.Pagkauwi ko ay sama-sama na naman kaming magpapamilyang nagdinner. Iba nga lang ngayon dahil inimbita ni dad si Kerus na rito na magdinner. Hindi siya nakatanggi dahil matamis ang ngiti sa kaniya ng tatay ko.“What new things have you learned, Aerthaliz?” dad asked me, tukoy sa pag-alis namin ng konsehal.Hindi agad ako nakasagot lalo na’t napunta ang tingin sa akin ni Aecus, Bridgette at Bridelle. Hinihintay ba nila ang sagot ko o hinihintay nila ang reaksyon ko sa paulit-ulit na tanong ni dad?They know I’m pressured by what dad wants, but until now, I’m still not ready and I don’t want to either.“Yes, dad,” alinlangan kong sagot.Dahil doon ay nag-angat ng tingin si Kerus. Seryoso ang mga mata niyang nakati

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    9: He Kissed You

    Matapos kong makipag-usap kay Hacob sa telepeno ay tumayo ako mula sa kama. Humikab ako at pumunta sa balkonahe. Binaba ko ang aking mga braso mula sa pagkakaunat bago pumunta sa halamang mayroon ng bulaklak. Hinawakan ko ito at sinuri. Sa isang taon ay isang beses lang siyang mamulaklak. Ang nakakainis pa ay isang piraso lamang.“Ang bigat!”Mabilis napunta ang tingin ko sa ibaba nang marinig ko ang boses ni Kerus. Halos manlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Akala ko ang huli naming pagkikita ay sa mall! Ilang araw na rin ang nakalipas at nandirito na naman siya sa bahay?!Nilibot ko ang aking paningin. Si dad ay nagpupukpok ng kahoy. Ang hardinero ay naglalagari. Si Kerus ay nagbubuhat. Sina mom at Bridelle ay nagpipintura ng mga paso. Para silang naggegeneral cleaning and gardening.My cellphone rang so I went inside the room. I saw a text from Celeste so I immediately read it.From Celeste:papunta ako sa bahay niyo, aerthaliz. ang walanghiya mong boyfriend ay nautusan pa

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    10: Celeste Eiza Satrikana

    From unknown number:Hey, are you Aerthaliz Satrikana? Who graduated with a degree in Bachelor of Secondary Education Major in English? Someone recommended you to me as a tutor for my son. He’s in high school. Is it okay po? I’m looking for a tutor for my child pero masyadong maselan ang asawa ko. He really wants a trustworthy tutor. Since I know you and there are people who know you so I chose you.Ngumuso ako habang nakatitig sa cellphone ko. Ilang minuto na akong ganito habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe.Sinong nagrecommend sa akin? Bakit alam ni dad ang tungkol dito? At sinabi niya pa sa akin na huwag kong tanggihan dahil kilalang pamilya ang humihingi ng pabor sa akin. Ang pinakatanong ko sa lahat, paano nito nalaman ang course na pinili ko?Noong kolehiyo, hindi ko ipinagyayabang o iniuugnay ang kurso na kinuha ko, ngunit talagang gusto ko ito. Ito ay dahil gusto ng tatay ko na sundan ko ang kanyang yapak. May iniwang kaisipan sa akin na hindi ko maaaring tuparin ang ak

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    11: Her Little One

    “Where are you now, Ae? Kaya kong mag-excuse sa meeting. Gabi na. Kaya kitang sunduin,” Hacob said, nag-aalala.I took a deep breathe at luminga-linga sa paligid. Kanina pa ako nandirito pero hanggang ngayon ay wala pa ring dumadaang taxi.Nitong nagdaang ilang linggo ay tuluyang nawalan ng oras sa akin si Hacob lalo na’t nang malaman kong nagkaproblema sa kumpanya nila. Ang nagagawa niya na lang ang pagkakamusta sa akin na wala namang problema. I know he is preparing for our future, so I understand his busyness. Before, he waited for me to graduate and for my parents to approve of him as my boyfriend. Now that he needs support, understanding for his work, and for me to wait for him, I can do it.“No, love. You need there. Makauuwi ako ng maayos ngayon gabi. I will text you, okay? Ibababa ko na. May parating nang taxi.”Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. May nagdidiskusyon pa akong naririnig kaya mahina siyang nagsalita.“Okay. I’ll wait for your text. Be careful, huh?

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    12: Solace To Her

    Nakailang tawag na ako kay Hacob ngunit hindi niya sinasagot. Ano bang ginagawa niya ngayon? Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng inis! I need him right now! Gusto kong siya ang maghatid sa akin pauwi lalo na’t umiiyak ako! Hindi ko kayang makita ako ni Kerus sa ganitong hitsura at alam niya pa ang dahilan kung bakit ako balisa at lumuluha.Fuck it!Pabagsak akong umupo sa upuang bato. Nandirito kami ngayon sa parke ng isang mall. Maraming tao at maraming batang naglalaro. Mabuti na lamang natatakpan kami ng malaking puno kaya kalamangan iyon sa akin. Walang makakapansin na lumuluha ako rito.“Busy ang boyfriend mo, ano?” Kerus asked, nasa likuran ko.Pakiramdam ko hindi niya alam na hindi pa ako tumitigil sa pag-iyak dahil nasa kalmado at tila walang muwang pa rin siya. Kung makapagtanong, akala mo magkaibigan kami!He’s my fucking asshole ex-boyfriend! Hindi dapat siya ang kasama ko ngayon dito! Dapat umuwi na siya at pinabayaan ako! Dagdag sa inis din ’tong lalaking ’to!“C-Can

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    13: Text

    Dahil siguro sa sinabi ni Kerus ay natauhan si Hacob. Sa loob ng isang linggo ay apat na beses siyang bumisita sa amin. Himala nga dahil hindi siya abala sa kaniyang kumpanya. Isama mo pa na si Elara daw ang pinag-iwan niya kaya kampante siyang iiwan ang trabaho sa aking pinsan. I understand his busy schedule, but there are times when I feel lonely. Now that he can visit more often, it’s really favorable for me and I’m happy with our relationship. Until now, I haven’t spoken to Celeste. I want to visit her at their place, but I can’t because she’s grounded. She’s not allowed to go out. I want to confirm if the news from Elara is true. I want to stop her from leaving. I’ll forgive her and restore our old friendship as long as she doesn’t leave. I’ll forget everything she’s done. But how can I do what I want? Even Tito Braven prohibits me from talking to my cousin. I tried asking for help from Tita Cassie, but she can’t help me because Tito Braven is really angry with his daughter.

Pinakabagong kabanata

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    23: Bouquet of flowers

    Simula nang birthday ni Gelo ay hindi na kami nag-usap ni Kerus. Nagkakasalubong kami sa pasilyo pero mas pinili naming hindi pansinin ang isa’t isa. Hindi naman kami ganoon kalapit kaya walang problema ang ganoong sitwasyon. Naging abala ako sa pag-aaral lalo na’t graduating. Hindi p’wedeng may bagsak ako dahil papagalitan ako ni daddy. Naging abala rin ako sa pamamasid sa aking crush, si Serious. Usap-usapan pa rin na may girlfriend na siya pero walang naniniwala roon. Ako rin naman. Sa sobrang taas ng standards niya, makahahanap kaya siya ng babaeng pangarap niya?Mukhang hindi pero natutuwa ako ngayon dahil nakukuha niya na akong ngitian. Mukhang alam na rin ng lalaki na may gusto ako sa kaniya. Hindi ko naman ’yon kinakahiya at hindi ako nahihiya.Hindi kagaya ni Kerus na halata na, ayaw pang umamin. Lalo na nang maalala ko ang mukha nilang dalawa ni Levi na pumunta sa aming silid.“Sir! Kumusta ka?!” sigaw ng isang lalaking mukhang keykong kung makasigaw.Nang makita ko ang m

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    22: Is he crazy?

    “Reagan, kingina mo! Kapag nahabol kita, susungalngalin ko ’yang bunganga mo!” sigaw ko sa kaniya.Sino ba namang hindi magagalit? Tinakbo ’yong cellphone ko habang kausap ko si Kuya Aecus. May pinapabili ako sa labas pero kaming mga estudiyante ay bawal lumabas kaya inutos ko na lamang sa kuya ko. Itong si Reagan, por que magkaclose sila ni kuya, ang tapang-tapang na. Akala mo ikinatutuwa ko. “May UTI ka, Ae. Bawal sa ’yo ang pinapabili mo sa kuya mo. Magtubig ka na lang tuwing break time nang guminhawa ’yang kidney mo!”Sa inis ko ay kinuha ko ang sapatos ko. Ibabato ko sana sa kaniya nang may pumigil sa aking kamay. “Oops! Mahal ’yan.”Nakita ko si Adi na nakataas ang kilay sa akin. Ngumuso ako sa kaniya at tinuro si Reagan. Nang makita niyang may nakalolokong ngisi sa kaibigan namin, agad niya itong sinamaan ng tingin.“Ano na namang kalokohan ang nasa isip mo, Reagan?” animong nanay ko kung magtanong. “Nahulog lang cellphone mo no’ng nagbasketball kayo, kawat ka agad, ah!”“K

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    21: Why did you break up with me?

    “Kumusta?” she asked sadly while looking at my eyes. “Marami akong gawain nitong nakaraang araw kaya pasensya kung hindi agad kita napuntahan kahit alam ko ang nangyari sa ’yo.”I smiled at her. Umupo ako sa sofa at tumingin sa swimming pool na nasa harapan ko. I took a deep breathe and faced her again.“Ayos lang ako. Break up lang ’to,” sagot ko sa kaniya. “Na kaya ko nga ’yong kay Kerus. Kay Hacob pa kaya?”Sa mukha niya ay halatang hindi siya kumbinsido. Nangangapa pa rin ang kaniyang mga mata upang malaman kung ano talaga ang totoo kong nararamdaman. That night, I want to hug her. Kung hindi lang sumingit si Kerus ay siya ang yayakapin ko. Sa kaniya ako sasandal. “Pero magkaiba ’yon, Aerthaliz,” aniya. “Ikakasal na kayo ni Hacob at lahat umaasa. Kay Kerus, bata pa kayo n’on!”Tumabi siya ng upo sa akin at yinakap ako mula sa aking gilid. Pinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat at muling nagsalita.”Tell me what’s bothering you, Aerthaliz. Tell me what your problem is

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    20: Please, stop compare...

    From me:How did you know na nandoroon ako? You’re my stupid stalker, huh!I’m lying in bed now after what happened yesterday. I just woke up and haven’t taken care of myself yet, but my phone rang and I saw a text from Kerus. The questions that were on my mind before I went to sleep ay tinatanong ko na sa kaniya.From Kerus:Sa dami ng nangyayari dito sa lungsod natin. Isisingit ko pa sa oras ko ang pang-istalk sa ’yo?I raised my eyebrow.From me:yes! kaya nandoon ka kaagad! indenial!From Kerus:Hey, excuse me. Saktong nasa mall ako and why don’t you check your live kagabi? Nagcaption ka ng location mo. Nang makita ko ang live ko kagabi na naka-only me ngayon ay bigla akong napabangon sa kama dahil sa kakahiyan. Imbis na sumigaw dahil sa inis, sinapa ko na lang ang gamit na nasa paahan ko. Pero nang makita kong gitara ko ’yon, mabilis akong napabalikwas upang saluhin.Napahinga ako nang malalim at muling inayos ang pagkakapatong sa aking kama. Bakit ba nandirito ito? Kolehiyo p

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    19: Kerus...

    Binuksan ko ang pinto ng bahay at dire-diretsong pumasok. Wala akong naabutang tao kaya hindi na ako naghanap pa pero biglang may tumawag sa aking pangalan.“Aerthaliz, sumabay ka na sa amin ng dinner. Kumain ka na ba roon kila Mrs. Laurier?” tukoy ni mommy kay Mrs. Ysreal Arison Laurier.Kagagaling ko lang doon para sa tutoring session ng kaniyang anak at gabi na ako nakauwi. Mag-oouting ang pamilya ng isang linggo kaya humirit ang anak nitong maghapon ako roon sa dahilan nitong ma-mimiss niya ako. Bata kaya hindi na ako nakatanggi.“Mauna na po kayo,” magalang kong sagot.I didn’t wait for their answers. I went into my room, dropped everything on the bed, and quickly went into the bathroom to take a shower.After I finished, I went to the kitchen. Nang makita kong wala ng tao at ako na lang ang laman ng kusina ay napagpasiyahan kong hindi na lamang kumain. Tinanggihan ko ang alok ng asawa ni Ma’am Ysreal sa kanilang dinner kaya ramdam ko ang gutom ko ngayon. Sinawalang bahala ko

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    18: Is he reaaly your fiancé?

    “PUTANGINA!”“HOY!”“Sorry po, tita!”Mabilis na nagpaumahin si Adi nang marinig ni mommy ang mura niya. Ito rin si mommy akala mo ay may kausap sa cellphone pero ang pandinig ay nasa amin.“Palagi na lang akong nasisita ni Tita Aera. Akala ko ba naka-earphone siya?” mahinang bulong sa akin ni Adi. Umiling lamang ako at hindi sumagot dahil abala ako sa pagcecellphone. May ginagawa. Samantalang siya ay naglilinis ng kuko. Pwede naman siyang magpa-nail salon pero ang babae ay mas pinili pa rito. Pumunta lang talaga siya rito sa bahay para maglinis ng kuko.“Pero...” hininaan niya ang kaniyang boses. “Putangina, totoo? Kiniss ka ni Hacob sa harap ng family niyo? Ako, no boyfriend since birth ako, ah? Feel ko nakakahiya, e! Aminin mo, Aerthaliz!”Ngumiti ako sa kaniya dahil sa tinuruan.“Hmm, hindi naman. Masarap nga, e,” I answered softly.Malakas niya akong pinalo. Muntik nang tumalsik ang cellphone ko pero agad kong naagapan. Sinamaan ko siya ng tingin.“Ikaw, huh! Saan mo natutunan

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    17: My most cherished treasure

    I am upset because Hacob still hasn't replied to me. It's been three days now. I also tried going to his house, but he is never there.He always talks to Elara, so I asked my cousin. Elara told me the reason why Hacob is avoiding me. My boyfriend found out about my tutoring session with Aziz.Oo, kasalanan ko dahil hindi ko agad sinabi sa kaniya pero kailangan bang paabutin muna ng tatlong araw? Pwede naman iyong pag-usapan at kung sasabihin niyang tigilan ko ang trabahong 'yon, agad akong bibitaw para sa kaniya. Hindi ako sanay na may sama siya ng loob sa akin kaya ganito ako kalamya at kusang naiinis sa sarili.Para mawala ang pag-iisip ko ng kung ano-ano. Lumabas na lang ako ng bahay. Naglakad-lakad ako sa kakahuyan patungo sa maliit na sapa na tanging agos lang ang tubig ang maririnig. Napaangat ako ng tingin dahil may nakita akong isang lalaki. Nakaupo siya kaharap ang sapa. Naghuhugas ng kamay.Nilapitan ko 'to upang usisain. Hindi ko pa nakikita ang ginagawa niya, inangat niya

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    16: Bridgette Nivea Satrikana

    “Are you okay now?” he asked.A few days have passed since Celeste left, but I still feel the weight of it. Before she left, she told me she was still grounded from using gadgets, so I can’t call her. I’m feeling bored; Adeline is busy again, Celeste isn’t here to pester me, Bridelle is occupied with schoolwork, Bridegette is always out and about, and Aecus is working. Mom and me left at home most of the time.Dad is here today because he’s talking to Kerus. May inutos na naman siguro siya kay Kerus.Since Kerus helped me, I’ve felt more at ease with him. I just get annoyed and feel a bit of resentment when I remember the past. Dapat ko bang kalimutan ’yon? Hayaan? May boyfriend ako pero hanggang ngayon ay apektado ako sa panggagago niya sa akin. Hindi ko matanggap na napanood ako ng maraming estudiyante sa ganoong sitwasyon.“Sort of,” sagot ko.I faced him. Nakaupo ako sa sahig habang ginagawa ang lesson na ituturo ko kay Aziz. Siya naman ay nakaupo sa sofa habang nanunuod sa akin

  • Satrikana Series 1: Heart’s Desire    15: Entreating Celeste

    I alternate my teaching schedule for Aziz. Monday, Wednesday and Friday. It starts at one in the afternoon and ends at five in the afternoon. During my week of teaching him, our routine repeats. I’m already full of wonder because he knows the answers to almost everything I teach him.Sometimes I wonder, does he really need a tutor? Maybe I should just talk to Miss Ysreal and tell her that her son has no problems with academics.Then there’s Kerus, who said he would call me when Celeste leaves, but until now, nothing. He hasn’t even picked me up from home. Until now, I have no news about my cousin and when I think about it, I get annoyed.So I texted Kerus.From me:What’s up? Akala ko ba ngayong week aalis si Celeste? E, patapos na, wala pa rin.I rolled my eyes. Nilagay ko na ang mga gamit ko sa closet na tinupi ng mga katulong kanina. Napahinto ako sa pagkilos nang marinig kong may nag-uusap sa labas.“Goodness, Brivous! It’s been a month, but you still haven’t caught the rapist! La

DMCA.com Protection Status