Saglit pang naiwan si Kuya Derick malapit sa may pintuan habang kunot noo at naguguluhang tumingin kay Thunder. "Ako Kulog wag mong pinagloloko kundi malilintikan ka sa akin. Siguraduhin mo lang na hindi ikaw ang manok panabong kundi makukunyatan kitang kurimaw ka!"Nkaita kong kumibot ang bibig nito pero wala naman itong sinabi. Pati ako ay nagdududa ding tumingin sa lalaki pero wala naman akong nakikitang pagkakaiba sa ayos niya. Ang gupit, ang kilos, ang pananamit, katulad naman kay Thunder. Yung boses niya lang talaga kanina. Nung nagsalita kasi ito, hindi sa nag-o-overthink ako or nag-aasume pero bigla kong narinig ang boses nung kakambal niya. Maybe because matagal bago ito nagpakita ulit. Last time na nagkita kami nagsabi ito sa akin na matatagalan bago siya makabalik dahil may hahanapin daw siya. "What?" Muling baling ni Thunder kay Kuya Derick na ngayon ay mataman pa ring nakatingin sa kanya. "Bakit parang may nagbago sa'yo? Bakit parang iba yung hangin na dala mo ngayon?
"Ate Sky, ayos ka lang po ba talaga? Kailangan ko po bang tumawag ng doctor? Ano pong nangyari?"Sunod-sunod na tanong ni Irene mula sa kabilang linya. Gusto sana nitong pumasok sa office ko dahil may papipirmahan pero ni lock ko ang pintuan. Hindi siya pwedeng pumasok. Kahit na galit ako sa taong nasa loob ng banyo ko ngayon ayaw ko naman itong mapahiya sa ibang tao. "I'm fine Irene. Ako na ang bahala dito. Iwan mo lang dyan sa labas yung pinabili kong mga gamit." Nagpabili ako ng brief, pants, shirt pati na rin slides. Kung tutuusin pwede ko siyang palayasin dito at ipahiya sa mga taong nasa labas pero hindi kaya ng konsensya ko. Hindi ako pinalaki ni Lola Valeria para maging isang masamang tao. Kapag nalaman ni Lolang namahiya ako sigurado akong hindi siya magiging masaya. "Sure ka po ba, Ate? Baka kailangan mo ng tulong ko?""I can do it Irene. Just cancel my meeting tonight then you can go home too. Ako na ang bahala dito."Ako na ang bahalang magpalayas sa malignong nagpapang
Hindi ko na hinintay na muli pa itong magsalita. Nilagpasan ko na ito. Pumasok ako sa room ko para linisan ang sarili at nang makauwi na rin sa mga taong naghihintay sa akin. Tapos na akong maligo, nakapagbihis na rin ako pero hindi pa rin ako lumalabas. Nakailang ring na ang phone ko pero wala akong lakas para sagutin ito. Nandun lang ako nakaupo at nakatulala. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nanatili sa loob ng silid ko. Ang sabi ko noon, ayos na ako, kaya ko na. Na kung sakaling magkita man kami ayos lang. Kasi hindi naman maiiwasan dahil nasa ibang probinsya lang nakatita ang mga magulang niya at Lola ko. Alam kong darating talaga ang araw na muling magko-krus ang mga landas namin. But now that I'm here in this situation, I don't know how to react. Akala ko ba ayos na ako pero bakit ganito?Hindi ko pa rin mapigilan ang sariling masaktan. Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit na naranasan ko noon sa kanila. Matagal pa akong nanatili sa loob ng silid. Kinalma ko muna ang
"Si Hunter Sandoval, apo ."Awtomatikong akong napalingon kay Lola Valeria pagkarinig ko sa pangalang binanggit niya. Tinatanong ko kasi siya kung sino ang nakabili ng katabing lupa na may pinapatayong building sa tabi ng maliit naming tinadahan. Galing akong ibang bansa at kakabalik ko lang. Ilang taon din akong namalagi doon kaya nagulat ako sa mga pagbabago dito sa lugar namin. Kami lang dati ang nag-iisang bahay na may tindahan ang nagtitinda dito sa tabing kalsada. Kami lang din ang may maliit na kainan. Pero ngayon ang dami nang ka-kompetensya ni Lola. Ilang malalaking tindahan din ang nadaanan ko kanina. May convenience store at 7/11 pa. "Kay kinsa, La?" [Kanino, Lola?] Ulit kong tanong. Gusto kong masiguro kong tama ba ang narinig ko. Kasi kung si Hunter nga bakit dito pa? Dito pa talaga sa tabing pwesto ng Lola ko? Hindi man lang ba niya naisip ang mararamdaman ko? Sabagay, sino ba naman ako para isipin niya?Napangiti si Lola sa akin. Yung tipo ng ngiti na may halong pa
My name is Harriet Schuyller Echavez Brown. You can call me Sky. Naks! Pangalan pa lang maganda na diba? Pero wag kayong ma-disappoint dahil hindi ako yung maganda na nasa imagination niyo. I'm not your typical bida na maganda, matangkad at balingkinitan ang katawan. Maliit akong babae, 5'1" lang and height ko. Bonus na sa akin na maputi ako. Siguro yun lang ang masasabi kong medyo nakadagdag sa kagandahan ko. Ang sabi ng mga taong inggit sa akin, hindi ako maganda, maputi lang. Naku! Linyahan ng mga insecure. Tse! Siguro nga para sa kanila hindi ako maganda pero para sa akin maganda ako. Syempre! Sino pa ba ang pupuri sa akin kundi ako lang din naman, diba? Paano na lang kung ako mismo ayaw din sa mukha ko edi kawawa naman ako. Pero wag ka, sa liit kong ito, masipag at madiskarte ako . Bata pa lang, ako na ang kasa-kasama ni Lola Valeria na maghanap buhay. Ako ang side kick ni Lola. Katulong niya ako sa pagbubuhat ng basket ng mga paninda niyang bibingka. Ako din ang katulong
"Gaga ka talaga Sky tingnan mo nagalit si Pogi." Saglit pang nagloading ang utak ko pero nang makita kong naglalakad na si Pogi palabas nang kainan bigla akong nahimasmasan. Sa lagay ba aalis na lang siya nang hindi ko man ang nakilala? Aba'y! Hindi pwede! Hindi ako papayag na basta na lan siya aalis, kaya ang ginawa ko ay hinabol ko ito. "Sir! Sir! Wait lang!" Hinawakan ko ang kamay niya pero masungit itong tumingin sa akin. Nakataas pa ang isang kilay. "Woi! Grabe ka naman, sobrang seryoso mo po. Sorry na, load po ba hanap niyo? Meron po akong load dito." Dali-dali kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko kahit hindi pa ito sumasagot. Magkasalubong pa rin ang kilay nito pero hindi ko na pinansin. "Number po? At magkano?" Hindi ito sumagot, sa halip nalipat ang tingin nito sa kamay kong nakahawak sa kanya. "Let go." Malamig nyang sabi. Sungit naman! Para hawak lang eh. Pero agad ko ding binitawan ang kamay niya at baka umigkas ito at mabigwasan ako. Mukhang legit pa namang yung
"Sky hindi ka pa ba matutulog?"Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng mga dadalhin ko bukas sa school na mga projects at assignments ng mga nagpagawa sa akin. Bukod kasi sa pagtitinda ng kung ano-anong sa school kailangan ko pang maghanap ng ibang pwede kong pagkakitaan.Hindi sapat ang perang kinikita namin sa maliit naming kainan sa mga pang araw-araw namin na pangangailangan. Dahil bukod sa pagkain kailangan pa naming bumili ng maintainance ni Lola. Mabuti na nga lang at nagbigay daan sa akin so Lotlot at ako muna ang nagpatuloy sa pag-aaral dahil kung dalawa kami baka mas mahirap pa. Ang mahal na rin kasi ng mga bilihin ngayon. Halos lahat ata bawat linggo nagmahal, ako na lang ang hindi. Char!"Matutulog na ako pagkatapos nito. Kailangan ko lang ma-double check kung kumpleto ba lahat ng mga dadalhin ko bukas. Alam mo na kailangan natin ng pera pandagdag sa pambili natin ng gamot ni Lola."Ngayong college na ako ang paggawa naman ng mga projects at assignments ng mga kaklase at kak
"Wait for the police to come? Gago ba siya? Bakit niya ako ipapu-pulis? Wala akong ninakaw sa kanya." Lumakas ang boses ko kaya muling kumatok si Lola sa amin. Yung gigil ko sa ungas lagpas ulo ko na. Lahat ng kilig na naramdaman ko nung unang kita ko sa kanya ay napalitan na ngayon ng inis. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala hinayaan ko na lang siyang umalis. "Punta ka nalang daw doon diritso, nasabihan na daw ni Baby I mean ni Buboy ang security nila. Tsaka malay mo, bet ka din ni pog. Kunwari lang nagsusungit pero ang totoo gusto lang din na mapansin mo." Aba ibang style yan! Baliktad. Kung gusto niyang mapansin ko dapat hindi niya ako sinusungitan. Madali naman akong kausap. "Alam mo feeling ko crush ka ni Senyorito. Alam mo ba kanina nung tinitingnan ko yung reaksyon niya habang nagsasalita ka, kunwari nakakunot yung kilay niya pero halata namang pinipigilan niya lang ngumiti. Tsaka kung hindi ka niya type hindi yun magpapapigil sayo." Oo nga noh? "S