"Sa susunod matuto kang magpaalam. Ang sakit mo sa ulo." Ang sakit pakinggan pero yun naman kasi ang totoo. Masakit ako sa ulo. Hindi lang naman sya ang unang nagsabi sa akin ng ganun. Hindi ko lang inaasahan na maririning ko sa mula kanya. Hindi ako pumasok hanggat tuluyang nawala si Kuya Lexus sa paningin ko. Umaasa ako na balikan niya ako at hayaang sumama para makapagpaliwanag sa kanya pero hindi iyon nangyari. Talagang iniwan niya akong mag-isa sa labas. Umiiyak ako habang nakatingin sa mga pinamili kong pasalubong para sa kanila. Gusto ko lang naman sana makabawi. Gusto ko lang sila pasayahin dahil alam kung stress at namo-mroblema na sila nitong nagdaang araw pero mali pala ang ginawa ko. Pati si Milagring at Mariposa galit ngayon sa akin. Baka pati si Ate Chichay magagalit din kapag nalaman nya ang ginawa ko. Pero sige lang naiinitindihan ko naman kung bakit sila nagagalit sa akin. "Naku sa tatlong alaga ni Chichay ikaw lang ata ang pasaway. Ikaw lang yung madala
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo sa tabi ng kalsada. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko na alintana ang mga taong dumadaan sa paligid ko na napapatingin sa akin. Pwede naman na akong umuwi pero wala akong lakas maglakad. Pakiramdam ko lahat ng lakas ko naubos nung tumakbo ako palayo sa kanya kanina. Akala ko dati yung sakit na dinanas ko noong maliit pa lang ako, yun na yun. Sagad na, wala nang mas sasakit pa, pero meron pa pala. Kung sa pagkain pa, pinafree-taste lang pala ako, free trial kung hanggang saan ang kakayanin ko. Kung magustuhan ko ba ang lasa o hindi. Pwes sinasabi kong hindi! Sino ang nagpauso nitong pananakit na 'to? Bakit hindi pwedeng maging masaya lang? Sa dinami dami ng taong pwedeng magfree trial bakit ako pa? Hindi naman ako nagvolunteer!Pero sa dami ng tanong nanakit sa akin itong kay Kuya Lexus ako pinaka nasaktan. Naniwala kasi ako sa sinabi niya, sa mga pangako nya sa akin na kahit anong mangyari hindi niya ako sasaktan. Pero isang pagkakamal
"Who are you? Why are you here? Are you related to this thief?" Dinuro nya ako pero tinabig ng lalaki ang kamay niya. Umiiyak pa rin ako sa isang sulok. Yung lalaking pumasok at ang doktora lang ang nag-uusap ngayon. Lahat ng iba pa ay tahimik din. Tiningnan ko yung babaeng nagpapasok sa akin kanina pero hindi na ito makatingin sa akin. Umiiyak din ito. Akala ko pa naman mabait sya pero parehas lang din pala sya sa iba. Hindi pa nga tapos ang isang problema ko, meron na agad kasunod. Gusto ko lang naman magtingin-tingin sa mga alahas nila. Wala naman akong balak magnakaw. Kung alam ko lang na ganito ang aabutin ko sana pala nagkasya na lang ako sa pagsilip doon sa labas kanina. Kasalanan ko rin dahil ambisyosa ako. Ambisyosang wala naman sa lugar. Alam ko namang hindi ko afford ang mga alahas nila pero nagpadala pa rin ako sa pagka-ambisyosa ko. Kung sana nilugar ko ang pagka ambisyosa ko wala ako dito ngayon. "Magkasabwat siguro kayo ano? Sige lang parating na ang mga pulis. Mas
"Ooouch!!! What the fuck did you do?" Malakas at umiiyak na sigaw ni Amanda hawak ang tyan niya. "Ahm? Sinipa ka, I think?" Nakakaloko at nang-uuyam na sagot ni Milagring sa kanya. "Ano sa palagay mo? Hindi ba masakit? Gusto mo ng replay?" "Caleb help me." Tawag niya sa lalaki pero hindi man lang sya nito tinulungan. Ang mga mata nito ay nakatingin sa akin. "Psycho! You and your friends are crazy!" "Oh! Are we? " Tinakpan ni Milagring ang bibig nya gamit ang bakanteng kamay."But yeah you're right. We're more than crazy. Especially me, I'm not so very mabait, I shoot people in the head when I'm bored. Wanna try?" Hindi sumagot ang babae pero malakas itong napatili ng kunwaring pinutok ni Milagring ang baril. "Bang! Bang!" Panggaya ni Milagring sa putok ng baril. Pagkatapos malakas itong tumawa ng makita niyang tinakpan ni Amanda ang tenga niya. "Gusto mo iputok ko ng totoo? Sagot!" Napapikit ako dahil akala ko ipuputok niya ulit ang baril. "Milagring, tama na..." Tawag
Trigger Warning: Contains sensitive scenes. (If may pinagdadaanan ka, please skip.)Eight years later..."Hi Luna, why are you alone?"Natigil ako sa pagbabasa ng libro ko pagkarinig ko sa malambing na boses ng isang babae. Pag-angat ko ng tingin ang magandang kulay ng mga mata nya ang sumalubong sa akin. Palakaibigan itong ngumiti sa akin. Nahihiya man ngumiti ako pabalik sa kanya. She is the famous model Samantha Corrine Dela Vega. Mayaman, maganda, matalino at higit sa lahat mabait. Lahat na ata ng magagandang katangian nasa kanya na. Sa lahat ng mga mayayamang nakakasalamuha ko si Sam lang ata ang hindi matapobre. Madaming lalaking nagkakagusto kay Sam, madamin din gustong makipagkaibigan sa kanya. She is so sweet and kind. Mahilig mangamusta. Kapag kausap mo sya hindi mo aakalain na sya ang nag-iisang prinsesa at bunsong anak ng may-ari ng Dela Vega Airwyas. Sam is so humble.Mula ng pumasok ako dito sa university sya at si Belle Marie ang masasabi kong naging kaibigan ko. Sil
"Miss, are you okay?" Someone asked in his thick English accent but I didn't mind looking at his face. I remained seated looking at nowhere. Nagtataka nga ako bakit pa ito huminto para lang tanungin ako. Hindi niya naman ako kilala. "Ayows kha lhang?" Ulit niyang tanong.Do I look like I'm okay? Sitting near the road side gutter with my two big bags beside me, looking miserable, my hair is everywhere, eyes and face were swollen and crying like a lost kid? Para akong batang galing pakipagsabunutan tapos natalo kaya ayan, heto umiiyak sa tabing daan. Hindi ko pa napansin na may punit ang damit ko sa sobrang pagmamadali ko kanina. Parang deja vu lang itong nangyayari sa akin. Paulit-ulit nalang at lagi pang sa tabi ng daan. Mabuti nalang ngayon ay walang ulan. Pero this time hindi na ganun kasakit para sa akin. I feel like this is the best decision I've ever made my whole life.All my life ako ang palaging naghahabol sa mga tao. Palaging ako nalang ang naghahanap ng pagmamahal, pa
"Where's my daughter?" My heart hammered inside my chest as I stared at the old man. He is tall, well built body and probably in his late 50's. Parang syang yung bida sa mga pelikulang pinapanood ko dati, yung si Sylvester Stallone. His hair is gray, his stubbles are growing, his wrinkles are showing but nevertheless he looks fine. He still looks handsome for his age. He looks like an action star in his black tuxedo. He is holding a gun and he's pointing it to the old and ugly Sandoval who's now looking at him like a scared cat. Nakasalampak pa rin ito sa sahig, may maliit na sugat ang gilid ng kanyang labi. Nakatingin lang sa matandang lalaki at sa isa pa dahil hindi lang isa kundi dalawang baril ang nakatutok sa kanya. Ang isa galing kay Kuya North at ang isa naman ay galing sa matandang kamukha ko. "Wow! Si Rambo! Ang astig! Tatay mo Ning?" Mahinang tanong ni Kuya Ford sa akin. Hindi ko sya magawang sagutin dahil hindi ko rin alam kung sya ba ang tatay ko. Pero base sa mukha
"What?!" Parang nagsabayang bigkas kaming apat sa lakas ng mga boses namin pero si Lexus ay mukhang nagulat pa na ganun ang magiging reaksyon namin. Napahawak pa ako sa aking dibdib sa sobrang pagkabigla. Para akong nabingi. Kulang ang salitang gulat para ipaliwanag ang reaksyon ko. Ang tatay ko na kanina kalmado na ay muling kinasa ang baril at tinutok sa kanya. Pagtingin ko kay Kuya North nakita ko ang pag-igting ng panga nya at ang muling pagtutok ng baril nya sa pangit na Sandoval. Si Kuya Ford naman, bagamat nagulat ay pumalakpak pa. "Forda gow Kuya!" Gusto ko pag-umpugin ang ulo nilang magkakapatid. Para talaga silang may mga saltik. Ito na siguro ang tinatawag na reject at may factory defect sa lahi ng mga Sandoval. Hindi naman kasi ganyan si Kuya Gustavo at Kuya Gaston. Mukhang maayos din naman yung dalawang kambal na Thunder at Hunter. Silang dalawa lang ang bagsak sa quality inspection kaya ganito kung umasta. Payapa na sana eh, maayos at kalmado na ang lahat pero
"Kuya pwede ba akong magsleep over sa penthouse mo? Umangat ang tingin ko mula sa binabasa kong papeles dahil sa tanong ni Cairo. Pero hindi paman ako nakasagot sa tanong niya may tanong ito ulit. "Nga pala bakit mo pinalitan ng passcode mo? Pumunta ako sa penthouse mo nung isang araw pero hindi ako nakapasok. Error na yung dating passcode na binigay mo sa akin. May tinatago ka ba?"Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. "Ano naman ang itatago ko?""Kasi dati naman hindi ka nagpapalit ng passcode eh pero simula nung—""Nung?" Lalo kong sinungitan ang mukha ko. May sariling unit kaming tatlo, binilhan kami ni Lola Asunta kaya nagtataka ako kung bakit ngayon gusto nitong makitulog sa unit ko. "Never mind. Next time na lang."Good. I acted like I'm not hiding anything pero ang totoo meron talaga. At kaya ko pinalitan ang passcode ko para walang ibang pwedeng makapunta sa penthouse ko maliban sa akin at kay Selene. Are you surprised?Yes, you read it right. Selene and I, are friends now
Caleb's POV"Kuya where are you?"One. "Kuya what time are you coming?"Two."Kuya si Princess niaaway ako. Ako daw pinakapangit sa ating lahat. Diba si Hunter yun, Kuya? Pagalitan mo nga si Cooper please?"Three."Kuya ang gwapo ko daw sabi nung nurse. Sabi ko sa kanya 'I know'. Maliit na bagay lang Kuya diba? Hindi ka makakarelate noh kasi second ka lang sa akin?"Four."Kuya did you buy the bread?"Five."Kuya!!!"Six. "Gamay ka pitoy!"Seven."Pangit kabonding ah waay ga reply! Wala ka load? Pasaload gusto mo?"I don't know when he'll gonna stop bombarding my inbox with his nonsense text messages. It's the nth time I received messages from my twin brother, Cairo Ford. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon. Kanina nya pa ako pinapadalhan ng mensahe na puro kalokohan lang. Hindi ko sinasagot ang mga mensahe niya sa akin dahil nasa meeting ako kanina at heto nga hindi na nakatiis, tumatawag na.Cairo DPG calling... DPG stands for 'Dako Pit*y Gwapo'. The fuck yeah? Sya ang nagr
The saddest part. Finally another story has come to an end. We're in the last chapter of Sandoval Series 3: Beneath the Moon! Maraming salamat sa pagsama niyo sa akin, sa iyakan, tampuhan kiligan, condo tour, house tour at hacienda tour ni Lexus at Ningning!Sana may natutunan kayong aral sa kwentong pag-ibig nina Caleb Lexus at Mary Selene. Daghang Salamat sa inyong tanan!'Til my next story. Amping ta!_________________________________Forgiveness. It takes a lot of grace and courage to forgive the person who has wronged you but forgiving that person is not only freeing them but more so of yourself, from the pain, from the trauma, from all the emotional betrayal they caused. The deep cuts that go along with being hurt by someone else, emotionally or physically is so traumatizing. That it may take years to heal, to recover, to forget and to move forward. In my case, that someone else is my mother. It's an unimaginably hard task to choose to let go of past hurts and begin to heal
Weeks passed and the hacienda tour went very well. Araw-araw sagana sa kain ang monay ko. Plus may extra cleaning at massage pa with hot bath and dilig every after kainan. Talagang maganda ang pagkaka-bake sa monay. Sakto lang ang pag-alsa at paghalo.Tinotoo ni Caleb ang sinabi nitong hindi niya ako titigalan at babawiin nya ang mga taong nagkalayo kaming dalawa. Umuuwi pa nga ito mula sa trabaho para lang kumain ng monay ko. Meryenda forda gow!Araw-araw na din kasi siyang kinukulit ni Wyatt tungkol sa mga kapatid niya. Kung bakit hanggang ngayon wala pa rin. The pressure is on for both of us. Naiinggit na ang anak namin sa mga pinsan niyang maraming kapatid. Si Kuya Gustavo at Ate Chichay may kambal na, si Hera at Athena, nasundan din agad ng isang lalaki si Brooks na apat na taong gulang na at kabuwanan na rin ni Ate Chichay ngayon sa kambal ulit. Si Kuya Gaston at Ate Camilla naman ay meron ng Castor at Pollux tapos buntis na naman ngayon si Ate Cam at kambal din. "Baka kasi
"Diin na ang utod ko Daddy? Hambal mo gab-i buhatan mo ko. Ngaa waay pa?" [Saan na po ang kapatid ko Daddy? Sabi mo po sa akin kagabi gagawan mo po ako. Bakit wala pa?]Nagising ako dahil sa nauulinigan kong usapan ng mag-ama ko mula sa balcony. Si Wyatt buhat ni Caleb nakalaylay ang ulo sa balikat at marahang sinasayaw-sayaw ng ama nya. Ang gandang bungad para sa umaga. Parang may humaplos sa puso ko. Isang tingin palang sa mag-ama ko kita mo na talaga kung gaano ka-close silang dalawa at kung gaano ka hands-on si Caleb kay Wyatt.This is the sight I've been dreaming of. Yung paggising ko sa umaga makikita ko agad ang mag-ama ko. Medyo nahuli lang ako ng gising ngayon dahil ang tagal naming natapos ni Caleb kagabi. At kaninang madaling araw naman umisa pa ito ulit sa akin. Sinulit niya talaga ang unang gabi naming dalawa. Mabuti na nga lang at hindi nagising si Wyatt. "Gusto ko Daddy damo-damo gid ah. Tapos dalian mo man." Hindi muna ako bumangon, pinanood ko muna ang mag-ama ko.
Warning: R-18. Minors at hindi open minded skip niyo na lang muna ang pa hacienda tour ni Caleb.___________________________First night that our family is complete. Walang paglagyan ang tuwang nadarama ko sa aking dibdib. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Para bang nasa cloud nine pa ako. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na ulit ang mag-ama ko. Si Caleb kanina pa nakayakap at ayaw humiwalay sa akin. Kahit ilang beses na itong tinawag ng mga kapatid niya para mag-inuman sila. Kinakantyawan na nga sya pero ayaw talagang umalis sa tabi ko. Hanggang umakyat na kami dito sa silid nya sa mansion nila. Lahat silang magkakapatid ay may sari-sariling mga silid dito sa bahay nila pero si Ate Chichay at Kuya Gustavo ay umuwi sa bahay nila. May pinagawa palang bahay si Kuya Gustavo, yung dati daw nila cabana, dito lang din sa malawak nilang hacienda. Si Kuya Gaston at Ate Camilla ay umuwi din. Malapit lang din naman daw ang bahay nila ni Kuya Gaston dito, babalik lang daw
"I'm sorry, Lexus. I'm sorry Wyatt kung—"Ilang salita pala ang aking nabitawan parang mga bakang sabay na nag-iyakan ang mag-ama ko. Parehas na silang dalawa ngayong nakaluhod sa harapan ko, magkasalikop ang kamay, nakatingala sa akin na para bang dinadasalan ako.Sinubukan kong patayuin si Wyatt pero sunod-sunod itong umiling sa akin. Nakikisimpatya sa tatay niya na ngayon ay parang bata na rin kung umiyak. Pinatayo ko din si Caleb pero ganun din ang ginawa niya, umiling din ito at nagmamakaawang tumingin. Right now, I am looking at two versions of them. The younger Caleb Lexus through Wyatt and the future version of Wyatt Aegaeon through his dad. Both of them are crying miserably. Kulang nalang ay maglupasay sa sahig. Si Wyatt magkahalo ng ang sipon at luha at si Caleb naman ay di na rin maitsura ang mukha."Wait lang—" Saway ko sa kanila pero hindi ako makabwelo dahil lalong lumakas ang iyak ng bata."Nanay please, please love love nalang kamo liwat ni Daddy. Kalooy man si Daddy
"You're already my wife, Mary Selene Monferrer Campbell - Sandoval."I was lost for words. Para bang nablangko ang utak ko ng ilang minuto. Nawalan ako ng gustong sabihin. All along I was married to him at hindi ko man lang alam? At hindi man lang niya sinabi sa akin o kay Daddy?Nakaluhod pa rin ito sa harapan ko, puno ng luha ang mga mata. Nagmamakaawa at humihingi ng paumanhin at pag-uuanawa pero iba ang naging reaksyon. Iba ang pagkatanggap ko. Pakiramdamn ko niloko niya ako.Sinubukan niya akong hawakan pero tinabig ko ang kamay nya. "You tricked me?" Puno ng hinanakit ang boses kong tanong sa kanya. Nanginginig ang labi ko at halos di ko na sya makita sa dami nang luhang namumuo sa mga mata ko. " Ganun ba ako kabobo sa tingin mo Lexus para isahan mo ako?"Nag-uunahan nang mahulog ang mga luha sa aking pisngi. "Alam mo naman ang pinanggalingan ko diba? Alam mo ang mga pinagdaanan ko. Alam mo kung ano ang mga takot ko pero ginawa mo pa rin ito? Pwede mo naman akong kausapin. P
"I'm sorry Selene. I didn't know that it's you. Akala ko kasi isa ka lang sa mga babaeng humahabol sa pangit na yan. Gosh! Sabi ko nga that time ang ganda mong babae para maghabol kay Caleb."Nasa meeting room kaming lahat sila lang magkakapatid dahil pinagpahinga ni Kuya ang Mamá at Papá nila dahil bawal pa ma-stress and dalawa at kagagaling lang sa ospital. Ang mga bata naman ay pinapasok muna sa playroom at pinabatayan sa mga yaya.Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Nagkahalong pagkapihaya at inis ang nararamdaman ko. Hindi lang para sa aking sarili kundi para na rin kay Caleb. Ito naman ay tahimik lang sa aking tabi. Sinubukan niya akong haplusin sa likod pero pumiksi ako. Ang mga kapatid niyang lalaki ay seryoso lang ding nakatingin sa amin. Samantalang si Ate Cleo ay busy sa pagpapak ng pagkain. Si Kuya Gaston naman ay parang mabait na bata na nakasuporta lang sa asawa niya. Camilla ang pangalan nung babae. Si Kuya Gustavo naman ay parang behave na bata na umupo sa tab