IYON ba ang tinatawag na ‘spark’? ‘Chemistry’? ‘Magic’? Pero matagal na panahon na siyang hindi naniniwala sa mga ganoong bagay. Kahit pa nga kay Baste ay hindi siya nakaramdam ng spark-spark na gano’n.
Napalunok si Sahara nang unti-unting lumalapit ang mukha ni Ace sa mukha niya. Sukul na sukol na siya doon sa kanyang kinauupuan kaya hindi niya magawang gumalaw.
“Do you hear that?” mahinang tanong ni Ace. His breath smelled scotch and mint.
“Hear what?”
“That – thump, thump, thump. Ang lakas,” nakangiti nitong sabi. “Sa’yo ba ‘yon?”
Umiling siya. Naiintindihan nito ang ibig nitong sabihin.
Ipinilig nito ang ulo sa kaliwa na para bang napakalalim ng iniisip. Sa sobrang gulat ay hindi na niya nagawang makapalag nang kunin nito ang isa niyang kamay at ilapat sa malapad nitong dibdib. “Thump,
“WHAT’S with that smile?”Pagkaupung-pagkaupo pa lang ni Ace sa kanyang swivel chair ay iyon agad ang tanong sa kanya ni Agustin. Pahagis pa niyang inilapag ang blazer doon sa couch sa hindi kalayuan. Agustin is his best buddy since college kaya alam nito ang lahat ng kalokohan niya.“Babae na naman ‘yan, ano?” napapailing nitong tanong. Iniabot nito sa kanya ang mga papeles na kanina pa naghihintay sa kanya doon sa opisina. Aside from being his best friend, Agustin is also his assistant. In everything – sa trabaho, at kahit na sa personal na mga pangangailangan. He’s shorter, fairer. Sa tingin nga niya ay bihira itong lumabas ng bahay at magpaaraw sa sobrang puti nito.“Remember the girl that I’ve been telling you about? The singer?”Tumangu-tango ito. “’Yung sobrang ganda at sobrang sexy at sobra-sobra na sa lahat ng bagay? Of course, I remember. Oh, wha
“ACE, here are the newspapers, and the magazines that you’ve requested.” Inilapag ni Agustin ang halos isang dangkal na diyaryo at magazines doon sa kanyang mesa. “Ano ba’ng meron at bakit kailangan mo lahat ‘yan?”Sinimulan ni Ace ang pagbuklat ng mga iyon. “Kagabi ‘yung lingerie fashion event and I completely forgot about it. I was supposed to take pictures of Sarah pero-““Pero nag-out of town kayo ng girlfriend mo,” natatawang sabi ni Agustin.“She’s not my girlfriend,” tanggi niya. Kung bakit ba naman kasi nagiging makakalimutin siya nitong mga nakaraang araw. Last night was supposed to be ‘the night’ that he’d be seeing Sarah again, in lingerie! He’s supposed to take pictures, ask her out for a few drinks, seduce her, and get himself lucky. Pero hindi nangyari ang lahat ng iyon dahil sa isang biglaang out of town kasama s
10th floor, room 1027. Doon niya hinatid si Sarah noong huli silang magkita kaya hindi niya iyon maaaring malimutan. Matapos isipin ang sasabihin sa kaibigan ni Sarah, marahan siyang kumatok sa pinto. Isang katok, dalawa, tatlo. At sa wakas, nagbukas iyon.“Good evening, I’m-““Ace! What the hell are you doing here? Paano mo nalaman ang unit ko? Sinorpresa mo ko, ha.”Siya yata ang nasorpresa. Gusto niyang tanungin kung ano ang ginagawa nito sa unit na iyon pero hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon. She hugged him and kissed him hard.“Magwo-worrry na dapat ako kasi hindi mo sinasagot ang mga text messages at tawag ko…now I know why you weren’t returning my calls…”Hindi pa naisasara ang pinto ng condo ay nakapulupot na ang mga braso nito sa kanya. What the hell is she doing here? “You actually live here?” hindi niya napigilang tanong.
“PARTY’S at the condo’s rooftop, 9 o’clock. Be there, Sahara, okay? Ang tagal na nating hindi nagkikita. We’ve got lots to talk about…and…I’m gonna introduce you to the hottie boyfie.”And Karen hung up the phone. Ilang buwan na rin silang hindi nagkikita ni Karen at sa totoo lang ay miss na rin niya ang mga kuwento at kalokohan nito. Time flies. Noon, nakikitulog siya sa condo unit nito, nakikikain, umuutang siya rito sa tuwing kinukulang siya sa pera pero ngayon, malaki-laki na rin ang ipinagbago ng buhay niya. She no longer needed to ask for help especially when it comes to money matters. Oo nga’t townhouse ni Karen ang tinutuluyan niya hanggang sa ngayon pero at least, hindi na siya tulad ng dati na parating isang daang piso lamang ang laman ng wallet. She has a handsome paycheck, plus all those extra jobs that she has, masasabi niyang maayos na ang buhay niya. Ngayon, hindi na siya nanga
“SAHARA.”Agad siyang tumalikod nang marinig ang pamilyar na boses na iyon at halos mapatalon nang makita kung sino ang dumating.Ngumiti si Ace. “So, Sahara pala ang totoo mong pangalan.”“S-sorry,” nahihiya niyang sagot. “Magkatunog naman, diba?”Natawa si Ace, na ikinagaan ng loob niya. “Oh well, Sahara suits you better.”Tumabi ito sa kanya. Kapwa na sila nakatayo doon sa baranda ng rooftop, kapwa umiinom ng red wine, kapwa nakatingin sa malawak na madilim na kalangitan.“I went to unit 1027 just the other day and I never expected na ‘yung kaibigan mo pala na nakatira roon at si Kaye, I mean, Karen, ay iisa.”“Bakit ka pumunta do’n?”“To look for you. I just want to know if you’re alright…your stalker, remember?”“I’m alright, Ace.” Hindi niya napigilang mapangit
“I STILL couldn’t believe this is really happening.”Sahara just smiled at Ace. There they are, at his very own studio, with all those lights, cameras and other equipment needed for her photo shoot.“Thank you for accepting the offer, Sahara.”“Just keeping my promise.”Pagkaraan ng isang linggo ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Ace tungkol sa modeling stint na iniaalok nito. He said that he has talked to Karen about it, and that she agreed. Magandang balita iyon para kay Sahara dahil ang ibig sabihin noon ay matutupad na rin sa wakas ang isa sa mga inaasam niya sa buhay – ang maging cover ng isang sikat na magazine. Kahit bago pa lamang ang The Gent’s ay nakikipagsabayan na ito sa iba pang sikat na men’s magazine sa Pilipinas. Kaya naman lahat siguro ng mga kilala at nagsisimulang modelo ay nais mapasama sa listahan ng mga naging covergirls nito. At isa siya sa mga map
“THANK you.”“You’re always welcome, Sahara. You know that,” mahina niyang sabi rito.Nakatayo lamang si Ace sa harap ni Sahara, na nakasandal na sa pinto ng townhouse. Hawak ng isa niyang kamay ang baywang nito para alalayan ito sa pagtayo.“Thank you uli.”“You’re welcome uli,” he said, smiling.Ace could smell her minty breath, as well as her sweet perfume. Nakatingala ito sa kanya upang matingnan siya nito nang diretso sa mata. Ang ilaw lamang mula sa poste sa labas ang pinanggagalingan ng liwanag nang mga oras na iyon kaya kailangan niyang ilapit ang sarili sa dalaga para makita ito nang maigi.“Good night, Sahara.”“Good night,” ulit nito.Mas malakas ang kabog ng kanyang puso kaysa sa normal nitong pagpintig at hindi niya maintindihan iyon kung bakit. Dahil ba sa kalasingan? Sa pagod? Sa antok? O t
“WHERE were you last night?”Ace just shrugged his shoulder while driving. Pauwi na sila noon galing sa dinner date with her Dad. She looked at him.“Don’t shrug me, Ace. Where were you? Ilang beses kitang tinawagan at tinext, hindi mo man lang nagawang mag-reply.”“I was busy, Karen. Yesterday was the photoshoot and the dinner celebration.”“You were with Sahara, weren’t you?”Napatingin ito sa kanya.“Come on. Just admit it. After the dinner, hinatid mo si Sahara sa townhouse.”Ace maintained his silence. Alam nito na ayaw na ayaw niya ng silent treatment nito sa tuwing nagkakaroon sila ng ganoong diskusyon pero gustung-gusto yata talaga nitong asarin siya.“I’m asking you a simple question, Ace. Kasama mo ba si Sahara kagabi?”Nakita ni Karen na tumiim-bagang ito. “I drove her home because
NAG-INATsiya at inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Saglit niyang isinara ang mga mata at tsaka kinapa ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Limang missed calls, apat na text messages, isang notification sa messenger - lahat ay galing sa iisang tao. Napangiti siya at napailing matapos maisilid ang telepono sa loob ng bag. Isa-isa na rin niyang inilagay ang mga gamit sa tote bag at inayos ang pagkakasuot ng salamin sa mata.Pagkatapos siguruhing patay na ang lahat ng ilaw sa shop at nakakandado na ang pinto ay lumakad na siya pauwi.Mangilan-ngilan na lang ang tao sa daan nang mga oras na iyon, mga galing sa trabaho na tulad niyang pauwi na sa kani-kanilang bahay. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya sa subdibisyon na ‘yon. Tahimik, simple. Malayung-malayo sa nakasanayan na niyang buhay sa Maynila. Ngayon, hindi na siya naghahangad ng marangyang buhay o ng kasikatan dahil ngayon, nasa kanya na ang pinakamahalagang bagay na sadyang nagi
“SHIT, Sahara, a-ano 'to? Ano'ng kalokohan 'to?”Hindi na namalayan ni Sahara na tumutulo na ang luha niya habang nakatutok kay Max ang hawak niyang baril. Kahit sina Ace at Armando ay napanganga sa pangyayari.“Sahara, baby...Ibaba mo ‘yan, baka pumutok ‘yan,” anito, iiling-iling. Akma itong lalapit sa kanya pero maagap siyang lumayo rito.“Ipuputok ko talaga ‘to, Max. Papatayin talaga kita, hayop ka!”“Come on, Sahara.” Sa halip na matakot ay natawa pa si Max. “Hindi ‘to kasama sa plano natin.”“Wala tayong plano, Max. Ikaw lang ang nag-plano ng lahat ng ‘to kaya huwag mo ‘kong idadamay sa kademonyohan mo!”Doon biglang nag-init ang dugo ni Max. Sinuntok nito ang mesa na agad na nagpadugo sa kamao nito. Pero tila wala itong sakit na naramdaman at nagawa pa nitong isalya ang mesa na nagpagulat sa kanya, dahilan para m
TUMAYOsi Max mula sa pagkakaluhod sa harap ni Sahara. Tinitigan siya nito nang mabuti at saka itinutok ang baril sa ulo ni Ace, at pagkatapos ay kay Armando.“So, Sahara, baby, nakapili ka na ba kung sino dito sa dalawang ito ang uunahin natin?”Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahang nagtaas ng tingin si Sahara. Natatabingan ng makapal na hibla ng buhok ang halos buong mukha nito kaya hindi masyadong maaninag ang ekspresyon ng dalaga.“Kung ako ang papipiliin, unahin ko na ‘tong mas bata. Kumukulo ang dugo ko sa tarantado’ng ‘to, eh.” Idiniin ni Max ang dulo ng baril sa sintindo ni Ace. “Ano, baby? Tuluyan ko na ‘to?”“Huwag!” Mula kay Ace ay binalikan niya ng tingin si Max.“Ah, etong si Tanda ba ang gusto mong mauna?” nakangising nitong tanong sabay tutok ng baril kay Armando. “Kung sa bagay, kaunting taon na lang rin naman ang itatagal n
“HUWAGkang gagawa ng kahit na ano’ng pagsisisihan mo.”Halos pabulong iyong sinabi ni Max habang matalim ang pagkakatingin sa kanya. Pilit siya nitong pinaupo sa kama at agad itong tumabi sa kanya. Pormal na pormal ito sa suot na maroon na polo na pinatungan ng itim na blazer, itim na slacks at makintab na itim na balat na sapatos. Kung hindi niya ito kilala ay mapagkakamalan niya itong may mataas na posisyon sa isang malaking kompanya. He looked elegant and respectable, which was quite contradictory to his character.Matapos magpaalam kay Manang V na magliliwaliw kasama ng mga ka-trabaho ay tumuloy na siya sa parking area ta nagpahatid sa The Forum kung saan naroon ang opisina ng kanilang modelling agency.It was already her routine, actually. She goes to The Forum, have a cup of coffee, goes to the adjacent shopping center and spend at least 15 minutes there. She then takes a cap going to
DAHAN-DAHANGbinuksan ni Sahara ang mga mata at inaninag ang madilim na paligid. Wala siyang makita maliban na lamang sa repleksiyon ng buwan na kumikislap sa salamin ng basag na bintana at ang mga bubog ng mga iyon sa sahig. Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya iyon magawa dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kanyang kamay sa kanyang likuran. Maging ang paa niya ay nakatali rin at nang tatangkain niyang sumigaw para humingi ng tulong ay tanging ungol lamang ang kanyang nakayanan. Mahigpit ang pagkakabusal sa kanyang bibig at tulad ng pagkakatali sa kanyang kamay at paa, kahit ano’ng pilit niyang tanggalin iyon ay hindi niya kaya. Napapikit siya nang biglang makaramdam ng matinding kirot sa sintido, na lumalala sa tuwing sinusubukan niyang gumalaw.Pilit niyang inisip kung ano ang nangyari at kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Ang huli lang niyang naaalala ay nagpunta siya sa restaurant para makipagkita kay Ace pero sa halip na si Ace ay
“SORRYif I wasn’t able to answer your call last night. Nakatulog agad ako pagdating ko from the shoot.”Pabulong iyon, para hindi marinig ni Armando na noon ay mahimbing nang natutulog sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang umupo sa kama, isinuot ang roba at pumunta sa balkonahe para doon ituloy ang tawag.“It’s late, bakit gising ka pa?” tanong niya sa kausap sabay tingin sa suot na wristwatch. Mag-a-alas tres na ng umaga at ilang oras na lamang ay gigising na si Armando. Kahit Sabado ay nakagawian na nitong gumising ng maaga para asikasuhin ang mga halaman nito sa hardin.“I just got back from the airport. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog.”Napangiti siya. He never fails to make her heart flutter, especially these past few days while he’s away for business. He made it a point to call her whenever possible and there were times when they video call each other and
“DOyou want me to stay for the night?” tanong ni Ace matapos patayin ang makina ang kotse.Pagkatapos manood ng sine ay niyaya siya nito sa isang exclusive bar na pagmamay-ari ng kaibigan nito. Dalawang araw nang wala si Armando dahil sa pag-aasikaso nito sa bago nitong itinatayong negosyo sa Palawan kaya ngayon na lang uli sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita ng dalaga.Things haven’t been good between the two of them lately because of several reasons, one of which is their setup. He hates it every time he wanted to see her but she couldn’t because of his Dad. May mga pagkakataon rin na kahit may chance silang magkita ay ayaw ni Sahara dahil natatakot raw itong baka malaman ng kanyang ama.“Are you sure?” muling tanong ni Ace.Tumango lang si Sahara. Though she wanted very much to spend more time with Ace, she just couldn’t. She had a few drinks and feels like everything around her is moving. A
KITANG-KITAng dalawang mata ni Karen ang pagdating ni Sahara nang gabing iyon, ang pag-uusap ng dalawa, lalo na ang pag-iyak ni Baste sa balikat ng dating kasintahan. It shouldn’t really bother her but it did. Big time. It felt like a part of her was crushed inside while watching the two reunite.“I’ve never seen you cry like that since your Mom died,” she commented, almost in a whisper.It took her a while before she was able to talk to Sebastian about it and now, she almost regrets it. Tinapunan siya ng tingin ni Sebastian matapos humigop ng kape. Nang muli lamang itong tumungo, alam na ni Karen ang ibig no’ng sabihin - na ayaw na nitong pag-usapan pa ang tungkol doon.“I’m sorry, it’s just that...” Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito. “Ngayon lang kita nakitang umiyak nang gano’n in front of your Mom’s coffin. All along, I thought you were holding up just fi
ALAMni Sahara na hindi na dapat siya nagpunta pa roon dahil alam naman niya na hindi na siya welcome sa buhay ng mga ito. Pero nang makita niya sa balita ang tungkol doon ay hindi napigilan ang sarili. After all, Baste had been a huge part of her life and nothing is going to change that.Sahara was shocked upon learning the news and she couldn’t help but visit the wake to give respect and extend her condolences to Baste. Nang makarating siya sa chapel ay halos mapuno ng tao ang kabuuan ng lugar kung saan nakalagak ang mga labi ng ina ng dating kasintahan. Sa unang tingin pa lamang ay halata na’ng may mga kaya sa buhay ang mga naroon - sa paraan ng pananamit, pagkilos at pananalita. Most were Mr. Montinola’s colleagues while the others were Karen’s elite friends.Bilang isa sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador, naging bahagi na ng balita ang pangalang Agusto Montinola at lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa buha