SHIT. If she could only kill, she’d definitely put Max on her priority list.
Inisip ni Sahara ang mga maari niyang gawin para mawala sa landas niya si Max. Una, ang isumbong ito sa pulis. Pero sigurado siyang ang kapalit noon ay ang sarili niyang pagkakakulong. Pangalawa, ang ipagtapat ang lahat kay Baste. Alam niyang mahal siya nito at pilit nitong iintindihin ang sitwasyon niya pero alam rin niyang kaligtasan ni Baste ang nakataya roon. Pangatlo, tatakas siya, iyong malayung-malayo, iyong hindi na siya kailanman makikita ni Max. Pero paano? At babalik lang siya sa umpisa, matatakot siya sa maaaring mangyari kay Baste, at sa sariling kaligtasan.
Ganoon siguro ang ginawa ni Max kay Del Mundo. Emotional blackmail.
Kailangan na ba niyang hiwalayan si Baste? Kung mawawala si Baste sa buhay niya, kahit paano ay mababasawan ang mga kinakatakot niya. Tama. Makikipaghiwalay siya kay Baste, at hindi na makikipagkita kay Max. She could
NANG makasigurong tulog na si Max ay sinamantala niya ang pagkakataon para makapag-shower. Pagkatapos noon ay mabilis siyang nagbihis at kinuha na ang shoulder bag sa ibabaw ng nightstand. Aalis na siya sa lugar na iyon hangga’t mahimbing ang hayop na iyon. It’s almost ten in the evening and she’s late for her gig.“Oh, bakit nagmamadali kang umalis? May problema ba, baby?”Napapikit si Sahara at napailing. Hindi na pala dapat siya nagshower at basta umalis na lang. Tiningnan ni Sahara ang sariling repleksiyon sa malaking pabilog na salamin habang sinusuklay ang mahabang buhok. Kita niya mula roon si Max na prenteng-prenteng nakaupo sa kama habang naninigarilyo at nakatingin sa kanya.“Ano, bukas uli?” tanong ni Max. Nakakaloko ang ngiti nito.“Huli na ‘to, Max. At huwag na huwag mo na ‘kong pupuntahan sa condo, dahil kung hindi-““Kung hindi, ano?
GRADUATION. Iyon ang matagal nang pinapangarap ni Sahara at ngayong natupad na niya iyon, pakiramdam niya ay handang-handa na niyang harapin ang kahit na ano pang darating sa kanyang buhay. Ito dapat ang pinakamasayang araw para sa kanya pero parang kabaligtaran niyon ang lahat.Ang dami nang nangyari at sa totoo lang ay mas nanaisin na niyang kalimutan ang karamihan sa mga iyon. Oo nga’t tapos na siya sa kursong Mass Communications at maraming oportunidad ang naghihintay sa kanya pero pakiramdam niya ay hindi siya bagay doon.Karamihan sa mga kaibigan at kaklase niya ay magte-training sa opisina ng mga kilala at malalaking kumpanya bilang mga writers, editors, reporters, researchers. Tanggap na si Baste na mag-OJT sa publishing company na in-apply-an nito bilang isang writer. Noon pa man ay hanga na siya rito pagdating sa pagsusulat kaya naman hindi na nakapagtataka na sa publishing ito napadpad.Siya? Sinubukan niyang m
“KUMUSTA na ang pinsan mo?” nag-aalalang tanong ni Baste nang magkita sila sa coffee shop malapit sa opisina ng in-apply-an niyang modeling agency. Nabanggit niya rito ang tungkol kay Michaela, na kailangan niya itong dalawin paminsan-minsan sa bahay nito para malaman na rin ang kalagayan nito matapos ang insidente.“Okay na siya. Nagpapagaling na lang.”Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang makalabas si Michaela sa ospital. Maayus-ayos na ang kalagayan nito, nakakalakad na nang mag-isa at kaunti na lamang ang bakas ng pambubugbog sa katawan.“Gusto mo samahan kita sa susunod na pagbisita mo sa kanya? Baka may maitulong ako.”Tumango siya at ngumiti. “Sige. Dalhan natin siya ng prutas at bulaklak kapag dumalaw tayo.”“Kawawa rin ‘yung pinsan mo, ano. Grabe naman pala ‘yung Max na ‘yon,” napapailing na sabi ni Baste. “Teka nga pala,
ANG araw na iyon ang muling pagkikita nila ni Baste mula nang makabalik ito galing Cebu, ang araw kung kailan nila pag-uusapan ang tungkol sa plano nilang bakasyon kaya naman hindi niya maiwasang ma-excite. Bukod doon, napagpasyahan niyang sabihin na kay Baste ang tungkol kay Max.Mula sa kabilang kalsada ay tanaw na ni Sahara si Baste doon sa paborito nilang fast food restaurant. Pero hindi ito nag-iisa. Alas onse noon ng umaga, mainit ang sikat ng araw kaya kinailangan pa niyang takpan ang sinag ng araw sa pamamagitan ng kanyang kamay para lamang makita nang husto kung sino ang kausap ng kasintahan. Mabilis siyang tumawid nang humudyat ang traffic officer na maaari na siyang tumawid. Nagpasalamat pa siya sa opisyal nang alalayan siya nito hanggang sa makarating siya sa kabilang kalsada.“Baste!”Agad na lumingon si Baste sa direksiyon niya, kasabay rin ng paglingon ng kausap nito. Nginitian siya nito at kinawayan.
“IYON si Sebastian, hindi ba?”Paano pa niya iyon ikakaila ni Sahara? “Max, huwag mo siyang idamay dito,”“Okay, sige. Madali naman akong kausap…kiss muna.” mahina nitong sabi.Ibinaling-baling ni Sahara ang mukha para hindi mahalikan ni Max pero wala rin namang naitulong iyon dahil hinawakan nito nang mariin ang kanyang lee at mariin siya nitong hinalikan.“Max…huwag dito…please,” Dahil naroon lang si Baste sa sinehan, hinihintay siya. Hindi siya maaaring mawala nang matagal dahil tiyak na mag-aalala ito.And he kissed her again. Wala nang nagawa si Sahara kundi ang magpaubaya. Hinayaan niyang itaas nito ang kanyang blouse at bra, hinayaan niyang gawin nito ang gusto nitong gawin sa kanyang malulusog na dibdib. Ang mga impit niyang ungol ay may kasamang hikbi nang simulang halik-halikan ni Max ang mga iyon.“Talikod.”Mahina
“MISS Smith, follow me.”Mabilis na tumayo si Sahara nang tawagin ang kanyang pangalan ni Miss Gopez, ang executive assistant ni Arch. Aguas. Maganda ito, mahaba ang tuwid na buhok, makurba ang katawan, morena ang makinis nitong kutis. Kahit limang taon na itong nagtatrabaho bilang executive assistant ni Arch. Ricardo Aguas, mabait ito sa mga tulad niyang mga baguhan. Pagkatapos ng anim na buwang OJT ay natanggap siya bilang copywriter sa Aguas Advertising Agency. There’s nothing to complain about, really – except the fact that the whole idea of a 9-5 job was a bit tedious for her.Kinuha niya ang kanyang handbag at inayos ang nalukot na bahagi ng palda bago sumunod sa nakangiting si Miss Gopez.“Bakit raw ako pinatawag ni sir?” medyo kinakabahang tanong ni Sahara habang nasa likod ni Miss Gopez. “May nagawa kaya akong mali?”Umiling-iling ito at ngumiti. “Don’t worry. Ganyan tal
SAHARA’S training has been great at dahil napakagaan kasama ni Miss Gopez, na ayaw magpatawag na Miss Gopez dahil mukha naman raw itong bata. Wala namang naging problema si Sahara sa mga itinuturo nito sa kanya.Fast learner raw siya, ayon rito at tiyak raw na matutuwa si Arch. Aguas kapag nalaman na handa na siyang gampanan ang papel bilang ‘temporary personal assistant’ nito. Ang problema lang ay ang hindi maiiwasang ‘chismis’ sa opisina. Yeah, office politics. Uso na pala iyon kahit pa nga bago lang siya – o dahil nga sa bago siya sa kumpanya?Sahara felt as if she’s in school once again. Iyo’ng pinagbubulungan at pinag-uusapan kapag nakatalikod siya, iyo’ng tinitingnan ng masama sa tuwing daraan siya, iyo’ng may mga naiinggit at nagagalit. This is why she hated working in the conventional office environment in the first place. Kung hindi nga lang sa malaking suweldo, na kailangang-kailanga
“WOW.”Iyon ang unang salita na narinig niya mula kay Arch. Aguas nang makita siya nito doon sa lobby. Sahara just smiled at him. Architect Aguas looked good himself. He’s wearing a well-fitted blue suit, which makes him look sharp. His presence actually made her a bit tense, especially because of the way he stares at her.“Wow,” ulit nito. Titig na titig ito sa kanya. “Miss Smith…you are stunning.”“T-thank you po, sir.”Para itong nakakita ng multo at saglit na hindi nakagalaw. He was just looking at her, as if it was the first time he laid his eyes on her. “Shall we?”It was a 15-minute drive. Ang bagong tayo’ng hotel na iyon ay pagmamay-ari ng kaibigan ni Arch. Aguas na kilala rin ang pangalan sa mundo ng pagnenegosyo sa bansa. Marami nang tao nang makarating sila sa Event Hall, at sa isang tingin pa lamang ay alam na ni Sahara na ang lugar na
NAG-INATsiya at inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Saglit niyang isinara ang mga mata at tsaka kinapa ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Limang missed calls, apat na text messages, isang notification sa messenger - lahat ay galing sa iisang tao. Napangiti siya at napailing matapos maisilid ang telepono sa loob ng bag. Isa-isa na rin niyang inilagay ang mga gamit sa tote bag at inayos ang pagkakasuot ng salamin sa mata.Pagkatapos siguruhing patay na ang lahat ng ilaw sa shop at nakakandado na ang pinto ay lumakad na siya pauwi.Mangilan-ngilan na lang ang tao sa daan nang mga oras na iyon, mga galing sa trabaho na tulad niyang pauwi na sa kani-kanilang bahay. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya sa subdibisyon na ‘yon. Tahimik, simple. Malayung-malayo sa nakasanayan na niyang buhay sa Maynila. Ngayon, hindi na siya naghahangad ng marangyang buhay o ng kasikatan dahil ngayon, nasa kanya na ang pinakamahalagang bagay na sadyang nagi
“SHIT, Sahara, a-ano 'to? Ano'ng kalokohan 'to?”Hindi na namalayan ni Sahara na tumutulo na ang luha niya habang nakatutok kay Max ang hawak niyang baril. Kahit sina Ace at Armando ay napanganga sa pangyayari.“Sahara, baby...Ibaba mo ‘yan, baka pumutok ‘yan,” anito, iiling-iling. Akma itong lalapit sa kanya pero maagap siyang lumayo rito.“Ipuputok ko talaga ‘to, Max. Papatayin talaga kita, hayop ka!”“Come on, Sahara.” Sa halip na matakot ay natawa pa si Max. “Hindi ‘to kasama sa plano natin.”“Wala tayong plano, Max. Ikaw lang ang nag-plano ng lahat ng ‘to kaya huwag mo ‘kong idadamay sa kademonyohan mo!”Doon biglang nag-init ang dugo ni Max. Sinuntok nito ang mesa na agad na nagpadugo sa kamao nito. Pero tila wala itong sakit na naramdaman at nagawa pa nitong isalya ang mesa na nagpagulat sa kanya, dahilan para m
TUMAYOsi Max mula sa pagkakaluhod sa harap ni Sahara. Tinitigan siya nito nang mabuti at saka itinutok ang baril sa ulo ni Ace, at pagkatapos ay kay Armando.“So, Sahara, baby, nakapili ka na ba kung sino dito sa dalawang ito ang uunahin natin?”Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahang nagtaas ng tingin si Sahara. Natatabingan ng makapal na hibla ng buhok ang halos buong mukha nito kaya hindi masyadong maaninag ang ekspresyon ng dalaga.“Kung ako ang papipiliin, unahin ko na ‘tong mas bata. Kumukulo ang dugo ko sa tarantado’ng ‘to, eh.” Idiniin ni Max ang dulo ng baril sa sintindo ni Ace. “Ano, baby? Tuluyan ko na ‘to?”“Huwag!” Mula kay Ace ay binalikan niya ng tingin si Max.“Ah, etong si Tanda ba ang gusto mong mauna?” nakangising nitong tanong sabay tutok ng baril kay Armando. “Kung sa bagay, kaunting taon na lang rin naman ang itatagal n
“HUWAGkang gagawa ng kahit na ano’ng pagsisisihan mo.”Halos pabulong iyong sinabi ni Max habang matalim ang pagkakatingin sa kanya. Pilit siya nitong pinaupo sa kama at agad itong tumabi sa kanya. Pormal na pormal ito sa suot na maroon na polo na pinatungan ng itim na blazer, itim na slacks at makintab na itim na balat na sapatos. Kung hindi niya ito kilala ay mapagkakamalan niya itong may mataas na posisyon sa isang malaking kompanya. He looked elegant and respectable, which was quite contradictory to his character.Matapos magpaalam kay Manang V na magliliwaliw kasama ng mga ka-trabaho ay tumuloy na siya sa parking area ta nagpahatid sa The Forum kung saan naroon ang opisina ng kanilang modelling agency.It was already her routine, actually. She goes to The Forum, have a cup of coffee, goes to the adjacent shopping center and spend at least 15 minutes there. She then takes a cap going to
DAHAN-DAHANGbinuksan ni Sahara ang mga mata at inaninag ang madilim na paligid. Wala siyang makita maliban na lamang sa repleksiyon ng buwan na kumikislap sa salamin ng basag na bintana at ang mga bubog ng mga iyon sa sahig. Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya iyon magawa dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kanyang kamay sa kanyang likuran. Maging ang paa niya ay nakatali rin at nang tatangkain niyang sumigaw para humingi ng tulong ay tanging ungol lamang ang kanyang nakayanan. Mahigpit ang pagkakabusal sa kanyang bibig at tulad ng pagkakatali sa kanyang kamay at paa, kahit ano’ng pilit niyang tanggalin iyon ay hindi niya kaya. Napapikit siya nang biglang makaramdam ng matinding kirot sa sintido, na lumalala sa tuwing sinusubukan niyang gumalaw.Pilit niyang inisip kung ano ang nangyari at kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Ang huli lang niyang naaalala ay nagpunta siya sa restaurant para makipagkita kay Ace pero sa halip na si Ace ay
“SORRYif I wasn’t able to answer your call last night. Nakatulog agad ako pagdating ko from the shoot.”Pabulong iyon, para hindi marinig ni Armando na noon ay mahimbing nang natutulog sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang umupo sa kama, isinuot ang roba at pumunta sa balkonahe para doon ituloy ang tawag.“It’s late, bakit gising ka pa?” tanong niya sa kausap sabay tingin sa suot na wristwatch. Mag-a-alas tres na ng umaga at ilang oras na lamang ay gigising na si Armando. Kahit Sabado ay nakagawian na nitong gumising ng maaga para asikasuhin ang mga halaman nito sa hardin.“I just got back from the airport. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog.”Napangiti siya. He never fails to make her heart flutter, especially these past few days while he’s away for business. He made it a point to call her whenever possible and there were times when they video call each other and
“DOyou want me to stay for the night?” tanong ni Ace matapos patayin ang makina ang kotse.Pagkatapos manood ng sine ay niyaya siya nito sa isang exclusive bar na pagmamay-ari ng kaibigan nito. Dalawang araw nang wala si Armando dahil sa pag-aasikaso nito sa bago nitong itinatayong negosyo sa Palawan kaya ngayon na lang uli sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita ng dalaga.Things haven’t been good between the two of them lately because of several reasons, one of which is their setup. He hates it every time he wanted to see her but she couldn’t because of his Dad. May mga pagkakataon rin na kahit may chance silang magkita ay ayaw ni Sahara dahil natatakot raw itong baka malaman ng kanyang ama.“Are you sure?” muling tanong ni Ace.Tumango lang si Sahara. Though she wanted very much to spend more time with Ace, she just couldn’t. She had a few drinks and feels like everything around her is moving. A
KITANG-KITAng dalawang mata ni Karen ang pagdating ni Sahara nang gabing iyon, ang pag-uusap ng dalawa, lalo na ang pag-iyak ni Baste sa balikat ng dating kasintahan. It shouldn’t really bother her but it did. Big time. It felt like a part of her was crushed inside while watching the two reunite.“I’ve never seen you cry like that since your Mom died,” she commented, almost in a whisper.It took her a while before she was able to talk to Sebastian about it and now, she almost regrets it. Tinapunan siya ng tingin ni Sebastian matapos humigop ng kape. Nang muli lamang itong tumungo, alam na ni Karen ang ibig no’ng sabihin - na ayaw na nitong pag-usapan pa ang tungkol doon.“I’m sorry, it’s just that...” Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito. “Ngayon lang kita nakitang umiyak nang gano’n in front of your Mom’s coffin. All along, I thought you were holding up just fi
ALAMni Sahara na hindi na dapat siya nagpunta pa roon dahil alam naman niya na hindi na siya welcome sa buhay ng mga ito. Pero nang makita niya sa balita ang tungkol doon ay hindi napigilan ang sarili. After all, Baste had been a huge part of her life and nothing is going to change that.Sahara was shocked upon learning the news and she couldn’t help but visit the wake to give respect and extend her condolences to Baste. Nang makarating siya sa chapel ay halos mapuno ng tao ang kabuuan ng lugar kung saan nakalagak ang mga labi ng ina ng dating kasintahan. Sa unang tingin pa lamang ay halata na’ng may mga kaya sa buhay ang mga naroon - sa paraan ng pananamit, pagkilos at pananalita. Most were Mr. Montinola’s colleagues while the others were Karen’s elite friends.Bilang isa sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador, naging bahagi na ng balita ang pangalang Agusto Montinola at lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa buha