"Hindi ba kayo ang tinaguriang mga mayayamang bata ay laging nagsasalita tungkol sa hustisya ng tagumpay? Ikaw ang talo ngayon! "Tumunog ang boses ni Jasper sa buong VIP room.Ang lahat ay nakatingin kay Jasper na para bang siya ay isang diyos.Kahit na ang magkapatid na Law ay may alam na nang una, hindi pa rin nila maiwasang mapabuntong-hininga sa paghanga habang nasasaksihan ito muli.Saan nakuha ni Jasper ang lakas ng loob at pananaw upang bumili ng mga stock ng Denson Wintech?Isang mapanlinlang na pagbabago ang naganap sa mga negosyante ng ang tagumpay ay napagpasyahan sa pagitan ng dalawa.Ang tatlong mangangalakal na dinala ni Mitch na kasama niya noon ay nakatitig kay Zack at sa iba pa na may panunuya sa kanilang mga mata.Si Zack at ang iba pa ay inis, ngunit wala silang pagpipilian kung hindi lunukin ang kanilang galit dahil sa mga utos ni Jasper.Pero, magkakaiba ang mga bagay ngayon.Kamangha-manghang gumanti si Jasper, sinipa si Mitch mula sa langit hanggang sa
Buti na lang, iyon ang naisip ni Mitch. “Luhod.”Nang marinig niya ng unang beses ang salita, akala ni Mitch ay nakikipag lokohan ang tenga niya sa kanya. Maskit si Henry at Anna ay nanlaki ang mga mata. Luhod?! Inuutusan ni Jasper si Mitch Langdon na lumuhod!? Lalong lumaki ang ngiti ni Jasper habang tinitignan niya si Mitch na ang mga mata ay nanlaki din sa gulat. “Ano, hindi mo ba ako narinig ng mabuti? Inuutusan kitang lumuhod.” Mitch, na nahulog mula sa langit papunta sa impyerno, galit na sumigaw, “Sa panaginip mo!” Matumal na sinabi ni Jasper. “Sige. Mayroon kang buto sa likod. Pwede kang gumapang kung ganun. “Pwede kang gumapang palabas sa kwarto na ito at ang lahat ay titingin sayo habang gumagapang ka ng isang paikot. Maaring iyon ang gawin mo o lumuhod ka sa harapan ko. Mamili ka.”Umupo si Jasper sa sofa at tumingin ng mabuti kay Mitch at kalmado nitong sinabi, “Bilisan mo ang iyong desisyon. Nauubos na ang pasensya ko.”Ang buong katawan ni Mitch ay baha
“Salamat sa iyong generosidad, Prince Langdon.” Ngmusi si Jasper nang makuha niya ang cheke. Nagngalit ang ngipin ni Mitch at nangutya habang tinitignan niya si Jasper at sinabi, “Wag ka masyadong mayabang. Hindi man malaki ang Harbor City pero may mga pangyayari araw araw. Tayo… ay may maraming pagkakataon para magkalaban ulit!” Dahil dito, si Mitch ay umalis kasama ang kanyang traders. “G*go, sayang hindi natin nasaksihan ang kanyang pagluhod.”Mayroong pagkadismaya sa mukha ni Henry. Maaring naaalala niy si Mitch ngayon lang, pero mas gusto niya pa din makita na lumuhod ito. “Maganda siguro tingnan na mapanood siyang lumuhod, pero wala na tayong makukuha bukod doon. At magiging kaaway pa natin ang Langdon family,” sabi ni Jasper. Tumango si Anna at sinabi, “Tama si Jasper. Ang mga magulang natin ay walang pakialam kung ang mga tauhan natin ay mag away away, pero gagalitin natin ang Langdon family kung pipilitin natin siyang lumuhod. Hindi nila palalampasin ito.” Iwina
Paano ito nagawa ng isang ordinaryong tao? “Magaling ka sa iyong huling pinili. Ang lolo ni Mitch ay isang marangal na tao, at kami ay may utang na loob sa kanya dahil sa mga nangyari sa nakaraan. Hayaan natin siyang panghawakan ang kanyang reputasyon.”Talagang pinapahalagahan ni Zachary na hindi na tinulak ni Jasper si Mitch sa punto ng desperasyon at mas pinili iresolba ang pangyayari sa 100 milyong dolyar. “Syempre, hindi mo kailangan tulungan ang Law family na bayaran ang atraso namin sa Langdon family. Ngunit, kung gusto mong manirahan sa Harbor City sa hinaharap, dapat mong isipin na iba kami sa ibang lugar dahil sineseryoso namin ang aming mga relasyon. Ito ay magiging hadlang sa iyong pag unlad kung gagalitin mo ang Langdon family.” Kalmadong sinabi ni Jasper, “Hindi ko ito masyado iniisip. Ang respeto ay tinatrabo, hindi binibigay. “Ang asal ng Langdon family ay hindi nakakaapekto sa akin. Sa tingin ko ang isang beses na pagluhod ay mas karapat dapat kaysa sa 100 mil
“Uncle Law, seryoso ba ang Gladness Entertainment na kinokonsidera nila ibenta ito?” Tanong ni Jasper. Tumango si Zachary at sinabi, “Ang kanilang boss, si Michael Lane, ay matagal ko ng kaibigan.” “Ang Gladness Entertainment Movies ay branch ng isa niyang kumpanya, ang Gladness International Corporation. Maganda ang tinakbo nito nung mga unang taon, at ang kumpanya ay kumita din ng malaking pera sa movie industry. Subalit, ang pelikula sa Harbor City ay unti unting nawawala ang kasikatan nitong mga nakaraang taon. “Kung kaya napag desisyunan niya na lumipat mula movie industry sa financial asset management at maging pang internasyonal. Kaya gusto niya tanggalin ang parte ng entertainment sa kanyang kumpanya at ibenta ito.” Naisip ni Jasper sa kanyang sarili na ang pinuno ng Gladness Entertainment Movies, si Michael Lane, ay isang mapangarap. Sa kanyang nakaraang buhay, ang pelikula ng Harbor City ay nasa tuktok noong 90s. Gangster films, gambling films, at mga pelikula na pi
“Sige, harapin mo muna ang mga kailangan mo sa Harbor City!” “Wag ka magalala, babalik din ako agad.” Kinausap pa ni Jasper si Wendy tungkol sa mga ibang bagay bago ibaba ang tawag. Ngunit, hindi pa ito natulog. Ginamit niya ang computer ng hotel upang magtingin ng balita at nagsulat sa kanyang notebook na dala dala niya. Kahit na ang muling pagkabuhay ni Jasper ay isang magandang kalamangan, ito ay unti unti din humihina sa paglipas ng oras. Si Jasper ay hindi pa nakukuntento sa kanyang mga naabot sa kanyang nakaraan at kasalukuyang buhay. Kung kaya, kailangan niya pagaralan at intindihin ang balita sa araw na iyon. Ang mga masisipag na tao ay hindi basta basta nagtatagumpay, pero ang mga tagumpay na tao ay mga masisipag. Kumbinsido si Jasper dito. Sumunod na araw, dumaan si Anna sa hotel na may dalang tailored suit para kay Jasper. “Ito ay para sa charity ball bukas,” sabi ni Anna habang iniaabot ang damit kay Jasper. “Paano mo nalaman ang aking sukat?” gulat na
Si Anna at Henry ay dumating sa hotel ng tanghali upang sunduin si Jasper. Hindi ipagmamaneho ang sarili sa mga pormal na pagdiriwang, kung kaya ang magkapatid na Law ay may sariling driver na ipagmamaneho sila sa kanilang Rolls-Royce.Si Henry, na naka suot din ng suit, ay nanlaki ang mga mata sa gulat nang makita niya si Jasper palabas ng hotel. “Bakit ka pa mag aabala bumili ng entertainment company kung ganyan ang itsura mo? Mas mabuti pa na maging bida sa isang pelikula at agad kang sisikat,” sinabi ni Henry na may halong pagseselos. Tumawa si Jasper habang ito ay pumasok sa sasakyan. “Ang pagiging bida sa pelikula ay nakakapagod na trabaho. Paano ito magiging kasing dali ng pagiging isang CEO?” Pinatunog ni Henry ang kanyang dila at dapat may isasagot siya bago ito may napansin. Tinitigan niyang mabuti ang suot na suit ni Jasper. Pagkatapos ng ilang segundo, si Henry ay nagsalita na may halong galit, inggit at lungkot, “Anna Law, hindi ba ito ang suit na iyong dinisen
Habang maraming tao ay nakatingin, huminto ang Rolls-Royce sa tapat ng red carpet. Mayroon agad lumapit upang buksan ang pinto. Ang mga ilaw ay agad umikot ikot. Ito ay kasing liwanag ng isang malaking searchlight. Si Henry ang unang lumabas ng sasakyan. Ang mayamang anak na kilala sa mga tabloid at ng karamihan. Pagkatapos, may mukha na hindi kilala ng karamihan. “Sino iyon?” Mayroong nagtanong sa pagtataka habang pinapanuod si Jasper na lumabas sa sasakyan. Kahit na wala silang ideya kung sino ito, naiintindihan ng kahit na sino na kapag ito ay makakapasok sa isang venue sa kaparehas na sasakyan ni Henry Law ay isang importanteng tao. Siya siguro ay importanteng bisita ng Law family para magkaroon ng ganung karapatan. Parehas na kumukulo ang dugo ni Zane at Mitch na nakatayo sa kalayuan. Hinihiling nila na sugurin at bugbugin si Jasper hanggang mamatay. Sa ilalim ng mga flashing lights, si Jasper ay tumayo sa pinto ng sasakyan sa maginoong pamamaraan. Elegante nit