Home / Romance / STILL, LOVING YOU / Chapter 33 Confrontation

Share

Chapter 33 Confrontation

Author: AKHIRAH MIAMOR
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

TYRONE:

BUONG magdamag akong hindi nakatulog. Pinagmamasdan si Bhelle na nahihimbing sa tabi ko. Ngayon ko lang kasi ulit ito natitigan ng maigi habang nahihimbing. Nitong mga nakaraang buwan ay pinipigilan ko ang sariling silipin ito kapag nahihimbing na siya. Nagkukulong ako ng silid at sa maghapon naman ay nasa opisina lang ako..

Ang laki na nga ng ibinagsak ng katawan niya. Kahit ang mukha nito ay lumiit. Malalim ang mga mata at humumpak ang pisngi. Namumutla na rin ito na halos mawalan ng kulay ang mukha. Kahit nahihimbing na siya ay kitang-kita ang lungkot, pagod at stressed dito. Na ako ang may gawa.

Napapaisip kasi ako sa mga sinaad nito kagabi. Lalo na ang pagbanggit nitong. . . may anak kami. Hindi malabong mangyari ang bagay na 'yon. Dahil plano ko naman talaga siyang buntisin na noon. Kaya nga ni minsan ay hindi ako gumamit ng protection sa tuwing inaangkin ko siya. At hindi din siya gumagamit ng birth control pills noon kaya hindi malabong nagkaanak nga kami.

Pero bakit?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marieta Yoto
thank you author sobrang Ganda Ng story Panay ang iyak ko habang binabasa ko ang love story mi Tyrone at bhelle
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 34 Cancer

    BHELLE:MARIIN akong napapikit na umiikot na naman ang paligid ko. Lately ay napapansin kong madalas akong nanlalata at nahihilo. Palagi ding kumikirot ang ulo dala marahil ng stressed at puyat ko. Hindi naman ako makapag patingin sa doctor dahil bukod sa hindi ako pinapayagang lumabas ni Tyrone ay wala din akong magagamit na pera. Sa loob nga ng tatlong buwan ko dito ay ni hindi pa ako nakakalabas ng condo niya. Para akong preso na nakakulong dito sa unit at wala manlang ibang nakakausap. Kapag nandidito si Tyrone ay natataranta ako. Takot at pangamba ang nangingibabaw sa dibdib ko. Katulad na lamang ngayon. Nandidito siya at hindi pumasok ng opisina. Hindi tuloy ako mapakali at natataranta sa pagluluto. Tinanghali na kasi ako ng gising at hindi ko matandaan kung paanong sa silid niya ako natulog kagabi. Ang natatandaan ko lang ay uminom ako kagabi dahil hindi ako makatulog kakaisip ko kay Tanner.Miss na miss ko na ang anak ko. Gusto ko na siyang makita, makausap, mayakap at mahag

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 35 Leaving

    TYRONE:PALAKAD-LAKAD akong hinihintay ang tawag ng private investigator ko tungkol sa nabanggit ni Bhelle na anak namin. Kung totoo ngang may anak kami. . . walang rason para hindi ko 'yon kunin lalo na't kasama ko naman ang ina niya. Parang lulukso na nga ang puso ko palabas ng ribcage nito sa excitement na nadarama ko. Hindi na ako makapaghintay malaman ang katotohanan. Kung totoo ngang. . . may anak na kami ni Bhelle.Tiyak akong matutuwa siya na dadalhin ko dito sa syudad ang anak namin. Ngayon pa lang ay hindi na ako makapaghintay na makita ang mag-ina kong magkasama. "I promise you, sweetheart. I'll be better than before. Hindi ako magsasawang suyuin at ligawan ka. Hanggang pagtanda natin," pagkausap ko sa larawan ni Bhelle na naka-wallpaper sa cellphone ko.Nangilid ang luha ko na pinakatitigan ang maamo niyang mukha. Dahil sa galit ko sa kanya ay nagawa ko siyang durugin. Iniisip ko pa lang ang mga salitang binitawan ko sa kanya ay para akong sinasaksak sa puso.Mariin akong

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 36 Finding her

    TYRONE:MAINGAT kong inilapag si Tanner sa kama at mariing hinagkan ito sa noo. Kahit nalulungkot ako na hindi na namin naabutan si Bhelle dito sa unit ay masaya akong kasama ko na ang anak ko. Hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na wala ang ina niya dito. Na nilayasan na ako. Umaasa pa naman ang anak kong makakasama na niya kami ng kanyang ina. Pero heto at mabibigo ko na naman siya.Naupo ako sa gilid nitong kama na sumandal ng headboard. Kinuha ang cellphone ko na pinanood sa surveillance camera ang mga kuha sa buong maghapon dito sa unit. Kunot ang noo ko na nakatutok sa screen ng cellphone ko. Napapalunok ako na sa wakas ay nahagip na ng camera si Bhelle pero. . . kaninang umaga pa ang kuhang iyon. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko na nagtungo ito ng pinto at may pinatuloy na bisita. Si Tito Cloud. Nagsuot ako ng earpiece at nilakasan ang volume para marinig ang usapan nilang dalawa. Kita kasing seryoso ang pinag-uusapan. Narinig kong sinabi ni Tito na pupun

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 37 Missing him

    BHELLE:NANGINGITI ako habang haplos ang umbok ng tyan ko. Nandidito ako ngayon sa balkonahe ng farm house ni Typhus kung saan ako ngayon nakatira. Nasa tatlong buwan na rin magmula noong umalis ako sa poder ni Tyrone. Matapos kong pamag-alaman ang karamdaman ko ay para akong nawalan ng pag-asang mabuhay pa. Iniisip ko na lamang ang mga anak ko na siyang nagsilbing lakas at inspiration ko para malagpasan ang pagsubok sa akin ng Diyos. Masaya ako na kaagad dininig ng Maykapal ang panalangin ko noon na sana ay makaya kong dalhin ang bigat na dala-dala ko. Si Typhus at Isabella ang naging tulay ko para makayanang magsimulang muli ng panibagong kabanata ng aking buhay.Noong lumabas ako ng hospital kasama ang Tito Cloud ni Tyrone at nagpahatid ako sa kinaroroonan ni Typhus. Hindi naman ito nagtanong pa kung bakit hindi sa unit ni Tyrone ako nagpahatid pauwi. Mabuti na lang at napaki-usapan ko itong hwag ng ipaalam pa kay Tyrone ang tungkol sa paghatid niya sa akin sa condo ni Typhus. Na

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 38 Suitor

    BHELLE:NAALIMPUNGATAN ako na marinig ang pagtawag sa akin ni Bella mula sa may pinto. Pupungas-pungas akong napababa ng kama at tinungo itong pinagbuksan."Bella?" inaantok kong saad."Shhh."Sinenyasan naman ako nitong hwag maingay at pumasok na ng silid na tila may tinataguan. Napalunok akong tuluyang nagising ang inaantok kong diwa. Inakay ako nito sa paanan ng kama ko na panay ang sulyap sa may pinto. Nakalarawan sa kanyang mukha ang pangamba."Nandito si Tyrone," bulong nitong ikinamilog ng mga mata ko!"Ano!?" "Shhh, hindi ko alam kung anong nangyayari pero kanina. . . nagpanggap siyang siya si Typhus. Sasama ako sa kanya sa syudad. Okay ka lang bang maiwan dito?" saad nito na halos pabulong.Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa kaalamang nandidito si Tyrone! Baka mamaya niya'n ay alam na rin niyang nandidito lang ako! "Uhm, o-oo, okay lang, Bella. Sige na, sumama ka na sa kanya," sagot ko na pilit pinatatag ang boses kong nanginginig."Sige, tatawagan kita. Hindi na rin kasi ak

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 39 Longing

    TYRONE:LUMIPAS ang mga araw na wala pa ring nagbabago sa pag-iimbestiga ko kung nasaan na si Bhelle. Hindi mapalagay ang loob ko at konti na lang ay matutuluyan na akong masiraan ng bait. Ayon sa kinausap kong doctor ni Bhelle ay may leukemia ito. At habang tumatagal na napapabayaan ito ay palala nang palala ang sakit niya. Buntis pa naman siya at sa kalagayan niya ngayon ay wala namang ibang makakatulong sa kanya.Paulit-ulit ko ng pinapapunta ang private investigator ko sa bahay nila Bhelle para manmananan kung nandoon ito o kaya ay magawi ito doon pero maski anino ni Bhelle ay hindi nagagawi doon. Ang sabi naman ni Tito Cloudy ay nagpahatid si Bhelle kay Typhus. Kinausap ko na si Typhus tungkol kay Bhelle pero ang sabi nito ay kinumusta lang ni Bhelle si Isabella at umalis din kaagad.Para na akong mababaliw sa kakahanap dito. Sobrang nag-aalala ako sa kalagayan nito ngayon lalo na't buntis ito. Si Zayn naman ay wala ding kaalam-alam. Maging ito kasi ay pinapabantayan ko. Pero sa

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 40 Chance

    BHELLE:NANGINGITI ako habang hinahaplos si baby habang nakatambay dito sa may balkonahe ng bahay. Kakagising ko pa lang at nagbibilad sa papasikat na araw. Habang lumilipas ang mga araw ay palaki naman ng palaki ang umbok ng tyan ko. Mas lumalakas na rin ang pagsipa nito mula sa loob.Regular pa rin naman akong dinadalalaw ng OB gyn doctor namin ni Isabella kahit wala dito si Typhus. Natatawagan ko rin ito sa tuwing kailangan ko ang tulong nito. Kahit nga ang mga katulong ni Typhus dito ay napakagalang pa rin nilang inaasikaso ako ng maayos kahit wala na dito ang mga amo nila. "Ma'am Bhelle?" Napalingon ako sa may pinto na tinawag ako ni Manang Louisa. Ngumiti akong tumayo na mabungaran ko nga ito."Bakit po, Manang?" nakangiting tanong ko."Uhm, may bisita po kayo sa baba, Ma'am." Nanunudyong saad nito na impit pang napapairit.Natawa naman ako sa reaction nito na lumapit na rin dito habang hinihimas si baby. Ang kati niya kasi sa tyan at gustong-gusto ni baby na kinakamot ko ito

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 41 reunion

    BHELLE:LUMIPAS ang mga araw na halos araw-araw na dumadalaw si Leon dito sa farm. Kaya naman mas nagkakalapit kami sa paglipas ng mga araw. Hindi ko pa naman siya sinasagot. May takot din kasi sa puso ko na sumubok muli dahil sa mga nangyari sa amin ni Tyrone. Aminado naman akong may nabubuong pagtingin kay Leon. Mabait kasi ito. Makulit, maasikaso, bolero din at masarap kasama. Higit sa lahat? Maging si baby ay inaalala nito. Sinusuway ko nga ito pero hindi naman papigil na panay ang bili ng gamit namin ni baby. Nahihiya man ay tinatanggap ko na lang dahil kailangan nga naman namin ni baby ang mga binibili nito. Lalo na ang mga gamit para kay baby. Siya lahat ang bumili at nagkukusa.Habang lumilipas ang mga araw ay lalo namang palaki nang palaki ang umbok ko. Nahihirapan na nga ako sa tuwing babangon ng kama. Napag-alaman din namin sa nakaraang check-up ko sa OB gyn ko na kambal na babae ang dala-dala ko. Kaya naman hindi maawat si Leon sa pagbili ng mga gamit nila baby. Mas exci

Pinakabagong kabanata

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 21

    ISABELLA:LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang bawat araw na magkasama kami ni Typhus. Naging mas kampante at komportable ako sa piling nito na malamang siya ang kababata ko. Kahit nasa trabaho kami nito ay nanliligaw pa rin siya na tipong dinaig pa ang isang paslit sa kakulitan nito. Minsan ay nati-temp na rin akong sagutin ko siya dahil aminado naman akong nahuhulog na rin ang puso ko sa kanya. Na hindi ko nga namamalayang nakakahiligan ko na ring makahalikan ito sa araw-araw at oras-oras ba naman niyang pangmamanyak sa akin. Wala pa naman akong kawala sa tuwing ito ang. gumalaw. Ni hindi ako makatanggi sa pagtitig pa lang nito.Nakagat ko ang ibabang labi na nakahalukipkip habang nakatayo dito sa harapan ng glass wall ng opisina nito. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Napalunok ako na maramdamang bumukas ang pinto at may pumasok doon. Napapikit ako na pinakiramdaman ito. Hindi siya si Typhus. Sa prehensya at pabango niya pa lang ay kaagad kong na

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 20

    ISABELLA:NAKAHALUKIPKIP ako na nakamata sa mga nagtataasang building na kaharap ng opisina ni Typhus. Lumabas kasi ito saglit para ihatid sa baba ang dalawang kaibigan. Napapailing na lamang ako. "Bakit ba ako kinakabahan sa mga 'yon?" piping usal ko na naipilig ang ulo.Pakiramdam ko ay iniiiwas ako ni Typhus sa kanila. Na ayaw niyang naglalalapit ako sa mga taong 'yon. Napanguso ako na malayo ang tanaw nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Napangiti akong napakapit sa braso niyang nasa tapat ng dibdib ko pumulupot habang nakasubsob ang baba sa balikat ko. "Okay ka lang?" malambing tanong nito."Okay lang." Kiming sagot kong nilingon ito.Napatitig ako sa mga mata nito na tila may kinakatakutan. Mababakas mo sa mga mata niya na hindi siya palagay na parang may tinatago siya sa akin.Pumihit ako paharap dito na ikinayapos naman nito sa baywang ko. Matiim akong napatitig sa kanyang mga mata na sinusubukang basahin ang reaction nito."May problema ba?" tanong nito

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 19

    TYPHUS:PANAY ang lunok ko na tila pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang ina ng babaeng pinakamamahal kong nakaratay sa kama. May mga galos pa rin ito at kitang hindi pa maayos ang kondisyon. Gusto ko sanang mailipat sila sa hospital namin pero tumanggi naman si Isabella. "Um, Typhus, siya ang Nanay Isabelle at Tatay Ian ko. Um. . . Tay, si Typhus po, ang boss ko," ani Isabella na ikinabalik ng ulirat ko."Ahem! Good day po, Sir, I'm Typhus Del Mundo, your daughter's. . . boss," pormal kong pagpapakilala na naglahad ng kamay sa ama nito.Saglit itong napasulyap sa kamay kong nakalahad na halos hindi ko ikahinga. Akmang babawiin ko na ang kamay ko na nahihiya pero inabot nito iyon na mahigpit na hinawakan. "Magandang araw din sa'yo, Sir. Pasensiya na kayo at dito pa tayo nagkakilanlan," magalang saad nitong ikinangiti ko."Wala ho ito, uhm. . . k-kumusta na ho si. . . si Ma'am?" nahihiyang tanong ko na napasulyap sa asawa nito.Napahinga ito ng malalim na hinaplos pa sa ulo a

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 18

    ISABELLA:NANGINGITI akong nakayakap dito habang pinagkakasya namin ang sarili dito sa kama ko. Nakakainis naman kasi ang lalakeng ito. Sa laki niyang tao ay halos akupado na niya ang buong kama kong pang dalawahang tao ang kasya. Nakakahiya naman kasing sa sala ko siya patulugin o sa sahig. Kahit nanliligaw pa lang siya sa akin ay nahihiya naman ako lalo na't alam ko naman kung anong uring tao siya at anong kinalakihan niya. Nakaunan ako sa braso nitong kay tigas habang magkaharap kami sa isa't-isa na magkayakap. Dinig na dinig ko na nga ang tibok ng puso nito, maging ng bawat paglunok niya. Nakakakilig din pala na may ganto kang karanasan. Kabado ako dahil ito ang unang beses na may lalake akong pinatuloy dito sa bahay at pinatulog ko pa dito sa silid ko. Kapag naabutan kami ni Tatay dito ay tiyak na malaking gulo. Pero alam ko namang matatagalan pa sila ni Nanay sa hospital kaya malakas ang loob kong patulugin si Typhus dito. "Still awake, baby?" bulong nito."Uhmm," tanging ungo

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 17

    ISABELLA:PARA akong nagliliyab sa sobrang init ng nadarama ko. Saka ko lang kasi na-realize kung gaano ka-intimate ng position namin ni Typhus. Nakatayo siya sa gitna ng mga hita ko habang nakaupo pa rin ako dito sa countertop at nakalingkis sa kanyang baywang ang mga binti ko. Nakalitaw na rin ang legs ko dahil sa pagkakalihis no'n. Nakakapit naman ito sa baywang ko at nakakapit ako sa kanyang magkabilaang balikat.Hindi ako makatingin sa mga mata niyang nag-aalab. Para akong nanghihina na hindi makaangal sa kanya sa tuwing napapatitig ako sa mga matang 'yon. Na lagi na lang nagpapawala ng puso ko. "Baby," anas nito.Katulad ko ay mabibigat na rin ang kanyang paghinga. Na tila hirap na hirap na rin siyang magpigil ng nadarama. Ayoko namang bumigay sa kanya. Wala pa kaming label at natatakot din ako na ma-turn-off ko siya na hindi na ako birhen. Alam niya noong una namin na birhen pa ako. Kaya sigurado akong nagi-expect itong birhen pa rin ako hanggang ngayon. Ayoko lang na may maka

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 16

    ISABELLA:HINDI pa man ako nakakasagot dito ay tuluyan ng lumapat ang mga labi nito sa aking labi na ikinanghina ng mga tuhod kong napayapos sa batok nito. Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito na masuyong inaangkin ang mga labi ko habang paakyat ang elevator na kinasasakyan namin.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang nawalan ako ng lakas para itulak ito o kaya ay umalma sa kanyang kalapastanganan na inaangkin na naman ang mga labi ko!Napasabunot ako dito at kusang naiawang ang bibig ko sa marahan niyang pagkagat sa ibabang labi kong ikinaungol ko. Hindi ko namamalayan na napapasunod na rin ako ditong tinutugon ang kanyang halik, na ikinauungol din nito at mas pinalalalim ang aming halikan!"Uhm. . . teka, kiss lang. Ang manyak mo talaga. May palamas talaga, ha?" naghahabol hiningang asik ko dito na napabungisngis sa pagtabig ko sa kamay nitong nilalamas lang naman ang kanang dibdib ko."Sorry about that, baby. Nakakagigil ka eh, hmm? You're improving," nakangising a

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 15

    ISABELLA:MATAPOS nitong ipaalam ang progress sa kaso ni Nanay ay magkasabay na kaming lumabas. Nagpaalam pa kasi ito na ihahatid na niya ako sa bahay na ikinasang-ayon nila Nanay at Tatay. Nangingiti ako habang dahan-dahan kaming naglalakad nito sa nadaanan naming parke. Maaga pa naman kaya pinagbigyan ko na lamang itong magpahangin na muna dito. Nagkakasagian kasi ang palad namin at ramdam kong kinakabahan ito. Ibang-iba talaga siya kay Typhus eh. Dahil kung si Typhus lang ang kasama ko sa gantong lugar na nagpapahangin? Tiyak na kung hindi 'yon nakaakbay sa akin ay nakayakap ito. Napailing na lamang ako na winaksi sa isipan ang hudas na 'yon. Bakit ko ba kasi siya naiisip?"Are you cold?" anito na malingunan akong napahalukipkip.Malamig na kasi ang gabi at humahangin hangin pa kaya nilalamig ako na nakasuot ng dress. Hindi pa man ako nakakasagot ay isinuot na nito sa akin ang kanyang makapal na jacket na lihim kong ikinangiti. "Thank you," aniko.Kumindat lang naman itong inakay

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 14

    ISABELLA:ILANG minuto ko ding inalo si Typhus na parang batang humahagulhol. Naiilang naman akong alamin kung anong problema. Tahimik akong pinapakiramdaman itong abala na sa trabaho. Maya't-maya ang tinatawagan na tungkol naman sa kumpanya ang pinag-uusapan. Naiilang tuloy ako dahil wala naman akong masyadong ginagawa dito sa cubicle ko, katabi ito. "Uhm, Sir? Kape po?" pormal kong tanong.Kahit naman kasi nagkaka palagayan na kami ng loob ay nakakahiya naman kung hindi ako magpaka-formal sa kanya eh nandidito kami sa opisina niya. Nilingon ako nito na pilit ngumiti."Yes, please?" malambing saad nitong ikinangiti kong tumayo sa desk ko."Thank you, baby," pahabol pa nito na ikinakindat ko na lamang.Habang nagtitimpla ng kape namin ay napapasulyap ako ditong abalang muli sa laptop at mga folder na nilalagdaan nito. Nawiwirduhan lang ako sa kanya ngayon. Hindi kasi siya makulit katulad ng inaasahan ko. Tila may malalim itong iniisip, napakaseryoso at tahimik nito. Naiilang tuloy a

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 13

    TYPHUS:NAKABUSANGOT ako habang nakaupo sa sofa, dito sa mansion. Hinihintay ko ang magaling kong kapatid para makausap siya ng masinsinan. Gusto ko lang linawin kung anong ugnayan nila ni Isabella. Ayoko namang mag-agawan kami sa iisang babae. I know Dos very well. Nakatitiyak naman akong hindi niya rin ako matitiis. Isa pa ay masyado siyang abala sa buhay, kaya sa aming dalawa ay mas mabibigyan ko ng attention si Isabella.Ilang minuto lang ay dumating din ito na ikinatuwid ko sa pagkakaupo. Natigilan pa ito na mabungaran ako dito sa sala at hinihintay siya. "Kuya," anito.Sinenyasan ko naman siyang maupo na ikinasunod nito. Kunot ang noo nito na nakatitig sa akin at hinihintay ang sasabihin. "Ahem!" napapatikhim kong paninimula."Ano ba kasi 'yon, Kuya? Inaantok na ako," reklamo nito."It's about. . . Isabella," walang paligoy-ligoy kong saad.Hindi ko naman ito makitaan ng gulat na prenteng nakaupo lang sa harapan ko. Napapangisi pa ito na nakataas ang isang kilay. "What about

DMCA.com Protection Status