“ Why are you still awake?”Napakurap ako at mabilis na lumingon ng marinig ang boses niya.“ Hace,kanina ka pa ba d’yan?”“ I just ask you a question,and your answering a question.”Walang emosyong saad nito at seryosong nakatingin sa’kin. Napayakap ako sa sarili ng humangin. Nandito kasi ako sa garden,ng magising ako dahil sa bangungot na akala ko ay kaya kong labanan.Pero bumalik ulit pala,lahat bumalik.Tumalikod ako sa kanya at tumingala sa langit.“ Nagpapahangin lang ako,magpahinga ka na rin.”Hindi ko siya narinig na nagsalita,pero kahit hindi ako lumingon. Alam kong nandyan pa rin siya ,ramdam ko pa rin ang titig niya.Kararating lang nito ,akala ko nga hindi siya uuwi ngayon. Ang sabi kasi ni ‘nay Lara baka hindi siya umuwi ngayon at marami daw itong ginagawa.“What is it?”Napasinghap ako at mabilis siyang tiningnan na nasa tabi ko na. Hindi ko manlang naramdaman ang paglapit niya. Gano’n ba kaupakado ang isip ko para hindi siya mapansin?“ Ano’ng ibig mong sabihin?”Tumikhi
“ Halika pasok ka.”Hinila ko na si Amanda papasok,pero napatigil siya at napatingin sa kasama namin. Napangiwi akong napatingin sa nagtatakang mukha ni ate Marj at ‘nay Lara.Hinila ko sa tabi ko si Amanda at ipinakilala sa kanila.“ Ate Marj at ‘nay Lara,si Amanda nga po pala kaibigan ko.”Nakatitig pa rin si ate Marj kay Amanda at nakakunot ang nuo na parang kinikilala.“ Alam mo may kamukha siya,hindi ba siya ‘yong babaeng pumunta dati dito?”Nanlaki ang mata ko,napatingin din ako kay Amanda na naguguluhan.“ Hindi ate Marj,hindi siya ‘yon. Halata naman na magkaiba sila ‘di ba?”“ Oo nga naman Marj, tingnan mo nga ang batang ito. Napakaganda at mabait ,seryoso ang babaeng huling pumunta dito. At si Hace ang kilala no’n hindi si Nerissa,kaya halika ka na at pumasok na lang tayo sa loob at mainit na dito sa labas.”Hinila na ni ‘nay Lara si ate Marj na nakalingon pa rin ang ulo sa’min. Ngumiti na lang ako at hinawakan si Amanda sa braso at iginiya siya sa loob.Mabuti na lang at wala
Naging abala si Hace at minsan na lang kung umuwi sa bahay.Naging routine na niya na maagang magigising at maalimpungatan akong paalis na ulit siya.May minsan pang naabutan ko siyang naglilinis ng sugat niya sa braso niya.Nagilalas akong napatingin sa kanya na nililinis ang kamay na may sugat sa banyo.Madaling araw at nakaramdam ako ng pagkaihi,pero umatras ‘yon ng makita ko siya. Pilit niya akong pinapalabas,pero nagmatigas akong tulungan siyang magamot ang sugat niya. Kahit pa nga nanginginig ang kamay ko.“ Bakit hindi ka pumunta ng hospital,at dito ka pa sa bahay dumeretso. Baka maubusan ka ng dugo,” napatingin ako sa dugong dumadaloy sa braso niya pababa sa tiles na sahig ng banyo.“ I’m okay,daplis lang ng bala ‘ ‘to.”“ Ano’ng daplis lang,tingnan mo nga ang sarili mo. Namumutla ka at ang sugat mo..” Nanghina ang boses ko at napatingin na lang sa ginagamot niyang sugat. Mabuti na lang talaga at hindi siya napuruhan at daplis lang .Naluluha akong nag-angat ng mata ng hawakan niy
STAHD 38HACESomethings wrong,I can feel it. But what is it? Is it because of last night? She’s being weird, I know hindi ko siya dapat pilitin na sabihin sa’kin ang gusto kong malaman. But I’m dying out of curiousity.Natuwa na ako kagabi,dahil sa wakas malalaman ko na ang anumang tinatago nila Draco.Pero sa nangyari ngayon,ano’ng nangyari at bigla na lang siyang parang dumestansiya sa’kin.Siguro natatakot pa rin siyang umamin. But I can wait,nasa bahay lang naman siya. But fuck,I can’t concentrate. I can’t focus,nasa bahay din ang isip ko. Did she eat her breakfast,or is she reallly sick? Pero ang sabi ni Marj,hindi naman daw. So what’s the problem,o baka naman umiiwas lang siyang masabi sa’kin ang dapat na sasabihin niya.O baka nag-iipon pa siya ng lakas ng loob na magsabi. She did said that she’s scared to tell me.“ Mr. Mondeñego are you with us?”Napakurap ako at napatingin sa nagsalita. Sa buong board room,nakatingin silang lahat sa’kin.Napaayos ako ng upo at inilagay ang dala
NERISSAMabilis akong humarap sa kanya,mali ang pagkakarinig ko di’ba?“ Ano’ng sabi mo?”Nakakunot ang nuong tanong ko,tumikhim siya at umiwas ng tingin.“ Nothing,you can go back to your work now.”Pumormal ang boses niya at tumalikod na.Napatingin na lang ako sa likod niyang papalayo,ang weird ng lalaking ‘yon. At bakit niya ba ako niyakap,amoy pawis kaya ako.Naglakad na ako papuntang kusina.Naabutan ko si ‘nay Lara at ate Marj na nag-uusap . Nang makita ako nila ,napatayo sila pareho.“ Halika,magmeryenda muna tayo. Nagutom ako sa kakahanap sa’yo eh.”Napangiti lang si ‘nay Lara sa sinabi ni ate Marj at naglagay ng bananaque sa isang plato at inabot sa’kin.Lumapit muna ako sa lababo at naghugas ng kamay.“ Salamat,sakto po at nakaramdam na din ako ng gutom.”Sabi ko ng makaupo,kumagat sa bananaque at napatingin sa kanila. Naiiling na napangiti,ngumiti na din ako.“ Hindi ka kasi nagtanghalian,bigla ka pang nawala.Sa sususnod magsasabi ka kung saan ka pupunta,sobra kaming nag-alala
NERISSANahiga na ako at tinalikuran siya. Nakaupo pa rin siya sa kama at maang sa sinabi ko .Hininga niya lang ang naririnig ko. Hanggang sa marahas itong tumango ,marahas na binitawan ang hininga .“ You’re confusing me again.What the hell is wrong with you? Kinakausap kita ng maayos,kaya sana naman kausapin mo rin ako ng maayos. You can’t just tell me I’ m a liar and turn your back as if you never said anything !”Tumaas ang boses niya kaya napaigtad ako. Napapikit ako at huminga ng malalim,nanatili ako sa pwesto ko at hindi siya nilingon.“ Nerissa.”Tawag nitong may pagbabanta.Naikuyom ko ang kamay at mahigpit na humawak sa kumot. Ilang beses akong humugot ng hininga,bago naupo sa kama.Hinarap ko siya at tumayo sa mismong harapan niya.“ Wala namang problema,baka ikaw mayro’n.”Walang emosyong saad ko dito,napatiim bagang siya.“ But your acting the opposite,tell me what’s wrong. Hindi ganitong kailangan ko pang manghula,kung may problema. You’re being cold and distance,and I don’
“ This is Madisone, she’ll be with you twenty four seven from now on.”Napanganga ako,nakatingin sa babaeng kaharap namin ngayon . Wala akong naintindihan sa sinabi ni Hace at nakatingin lang sa kaharap.“ Ha?”Napaharap ako kay Hace ng pinaharap niya ako sa kanya.Napakunot ang nuo niya,napatingin ulit ako kay Madisone.“ Nerissa ,are you listening?”Napakurap ako at napatingin kay Hace.“Ano’ng sabi mo?”Pinanliitan niya ako ng mata,napabuntong hinga at humarap kay Madisone.“ You may now go,I’ll call you when we’re done talking.”Hinila na ako ni Hace palayo do’n ,napalingon ako at napasinghap ng kindatan ako ni Madisone.Ang babaeng ‘yon, ano’ng ginagawa niya? Nag-iisip ba siya, bakit pumasok siya dito? Baka makilala pa siya ni Hace. Teka ano nga pala ang sabi ni Hace na ginagawa dito ni Madisone? Huminto kami sa kusina,kung saan ko iniwan ang pagkain ko kanina. Pinaupo niya ako,at umikot siya sa harap at naupo din.Hinila niya ang plato kong may pagkain na ,at napatanga nalang ako
NERISSALutang akong nakatingin sa kisame ng kwarto. Nakahiga at nakadipa sa magkabilang side ang kamay ko. Ang boring,wala si ate Marj na madaldal. Wala rin si ‘nay Lara,hindi ko naman madaldal si Maddie. Inaayos niya ang dapat ayusin para sa pag-alis namin mamaya.Gumulong ako padapa at nilagay sa ilalim ng baba ko ang dalawang kamay ko. Napabuntong hinga ako,sigurado na daw ang alis namin mamaya. Parang may pumipigil sa’kin, ayo’ko munang umalis. May parte sa’kin na ayaw umalis. Gusto ko pang makasama si Hace,gusto kong sulitin ang araw na magkasama kami bago kami maghiwalay ng landas.“ Ano ‘to?”Nakakunot ang nuong kinuha ko ang inabot sa ‘kin ni Maddie na supot. “ Take it,you might need it. “Sagot niya at umatras,napailing na lang ako . Siguradong nakatingin sa camera ngayon si Hace,itinabi ko ang plastic at inilagay muna sa mesa. “ Kung anuman ‘yan,mamaya ko na bubuksan . Kumain muna tayo ,nagugutom na ako eh.”Bumalik ako sa paghahain ng tanghalian namin. Tanghalian palang n
“ Hi love!”Napangiti nalang ako ng maramdaman ang yakap ni Hace mula sa likod. Hinalikan niya ang balikat ko,hanggang ulo .Nakangiti ko siyang nilingon ng hindi bumibitaw sa yakap niya.“ Ang mga bata?”“ They are all out,but they’ll get home before dinner like they promise. Just that princess here is left.”Napabuntong hinga siya na binalingan ng tingin ang bunso namin na nasa sopa at nanonood ng mag-isa. Nagpaalam ang mga nakakatanda niyang kapatid sa’kin kagabi na aalis sila para kitain ang mga kaibigan. Maaga silang umalis kaya hindi ko na naabutan pa ,at itong bunso nalang namin ang naiwan . Napabuntong hinga na din ako,kumakain ng tsetserya si Nambe at nakabusangot na parang nasa tv ang kaaway niya.“Do you think something’s wrong with her? This is the first time na hindi siya sumama sa ate Nexiah niyang lumabas.”Tanong kong hindi maiwasan na hindi mag-alala.“ She’s only fifteen love,what could be her problem that she’s not telling us.”“ Iyon na nga eh,fifteen lang siya
“ Ano’ng ginagawa natin dito?”“ Come on mom,no questions please.”Hinila na ako ni Nexiah,lumapit na rin sa kabila si Theresse at Thasia . Pinagtulungan nila akong ipasok sa kwarto nila dito sa bahay ni papa.“ Come on tita,you will like this. We’re expert on this,when you go out of this room you will be unrecognizable with your beauty.”“ Thasia ’wag kang oa,being tita Nerissa herself is a beauty like our mom. No one can surpass their beauty.”Saway ni Therese sa kapatid,napaismid lang si Thasia na lumapit sa’kin at inayos ang buhok ko.Napangiti nalang ako. “ Ano ba talaga ang gagawin niyo sa’kin?”“ Relax mommy,kami ang bahala sa’yo.”Napailing na lang ako sa sinabi ni Nexiah,inutusan nila akong pumikit na sinunod ko naman. Mabuti ng hindi makipag-argumento sa kanila para matapos na ‘to kung anuman ang balak nila sa’kin.Bulong lang nila ang naririnig ko sa buong oras na ginawa nila sa’kin. Nang sabihin nilang pwede na akong dumilat,idinilat ko na ang mga mata ko. Napaawang a
NERISSA“ Good morning mommy!”Napadilat ako sa sigaw ng mga anak ko,napangiti ako ng makita silang nakatayo sa paanan ng kama . Umupo na ako sa kama at nakangiti silang binati,binuka ang mga braso ko .“ Good morning mga babies ko!”Nagsilapit silang nakasimangot at yumakap sa’kin.“ Mom,we’re not a baby anymore.”Nagdadabog na lumayo ang bunso ko sa yakap namin.“ Anak hindi porke’t mga dalaga at binata na kayo ,hindi na kayo baby sa bahay na ‘to . You’ll all be my babies, our babies.”Lumabi lang ang bunso kong Nambe,lumapit ulit sa’kin at yumakap sa beywang ko. Nang mapatingin ako sa tatlong nasa harap ko,nagtutulakan sila. Si Ace na tinulak si Nathan,at si Nathan na tinutulak si Nexiah . Sinamaan ng tingin ni Nexiah ang mga kuya niya,nakita kong huminga muna siya ng malalim bago humarap na nakangiti sa’kin.“ Mommy,”malambing nitong tawag,ngumiti ako . Lumapit siya sa’kin at yumakap din sa kabilang gilid ko .” Can we go to lolo’s house,promise magb-behave kami do’n.”Napak
EPILOGUE“ You’re a jerk for missing this out.”Draco? Hinanap ko ang pamilyar na boses,pinalibot ko ang tingin kung nasa’n ako. Sobrang liwanag,nakakasilaw ang liwanang kaya napapikit ako at hinarang ang braso sa mata.Napasingahap ako , napabangon sa masamang panaginip. Namatay daw ako,pa’no ako mamatay fifteen palang ako for god sake. Ayo’ko pang mamatay ,gusto ko pang makita ulit ang magandang ngiting ‘yon.Bumangon na ako ,naligo at nagmamadaling nagbihis at bumaba. I just grab a sandwich from the table and go directly outside. Hinanap ko ang driver namin at nagpahatid sa school,nakangiti akong bumaba . Para akong lumulutang sa sayang nararamdaman,maaga pa naman kaya siguradong naglalaro pa sila ngayon.Nang makita ko ang hinahanap ko,malawak ang ngiting nagtago ako sa likod ng halaman. Kalaro niya ang mga kaklase niya,nando’n din si Alexander na bestfriend niya. Naiinip kong hinihintay si Alexander,hindi ako sumama sa pagpasok sa loob. Pinilit niya akong sumama dito sa
NERISSA“Umiiyak ka na naman.”Napalingon ako sa nagsalitang si tiyang, yumuko ako at pinunasan ang luha. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko.“ Magiging maayos din ang lahat,sa ngayon kailangan mong magpahinga . Para na rin sa anak niyo,pilitin mong kumain at magpahinga .”Napaiyak ako ulit na niyakap si tiyang,humagulhol na ako. Akala ko ,naubos na ang luha ko. Isang buwan na rin akong umiiyak. Oo ,isang buwan na simula ng mangyari ang lahat na ikinaguho ng mundo ko.Akala ko magiging ayos din ang lahat kapag nakabalik si Hace. Nakatulog ako sa sopa sa kakahintay sa kanila,nagising lang ako ng makarinig ng sigawan at ingay sa paligid. Nang tuluyan akong magmulat,umuusok na ang paligid. Nataranta akong nagtakip ng ilong para hindi masinghot ang usok. Hanggang sa nakita kong pumasok si Amanda ,may kasama siyang mga lalaki na inuutusan. Nakatingin lang ako sa kanya ng lumapit siya sa’kin at hilahin ako palabas ng bahay.Nakatulala ako,hindi ko alam kung an
Ipinakita niya ang braso kung nasaan naka connect ang bomba,papunta sa katawan niya. Ngumiti siya na parang balewala lang ‘yon.“ I’m waiting H,you know I don’t like waiting.”“ H.”Napatingin ako sa mga kaibigan ko,lahat sila ay umiiling. They know what ever I choose, it will be a dead end for me. But not for them,they can still go out in time.But my Nerissa,she ‘s waiting for me. And our baby,I want to se her or him. We we’re supposed to see the doctor to know the gender. But I guess ,I will not have a time for that. I won’t be seing them again. I gasped for air and face her.“ Let them go!”Ngumiti siyang nagustuhan ang sinabi ko. Sinenyasan niya ang mga tauhan,napatingin ako do’n. Tinanggalan nila ng tali ang pamilya ni Nerissa . Sila Aki ,Carlos at Caden naman ay tumulong na din. Nakita kong umalis na sa pwesto niya si Draco at lumapit na din sa’min. Si Caden ay sinenyasan ang mga tauhan na umalis .Naikuyom ko ang kamay at napatinigin kay Hillary,masaya siya pero may namumuon
“ Fuck!”Lahat kami napamura ng biglang bumuhos ang ulan.Kanya kanya kaming takip ng braso sa ulo para kahit papa’no ay hindi mabasa . Ang kaso ay lumakas ang ulan,kaya wala kaming nagawa . Napalingon kami kay Carlos ng mabilis itong sumilong sa bato at naghubad ng damit. Nagtataka naming siyang tiningnan.“ What?”He ask,as he noticed us looking at him .“ I need to save this clothes,my babe just bought this for me. I can’t let this getting wet,I have to wear it again tomorrow.”Naghanap siya ng pangtakip sa damit niyang pink ang kulay,napailing akong napatingin sa mga kasama ko. Pareho kami ng naiisip,si Draco na ang sumagot sa kanya.“ Bud,you do know what’s written in your shirt.”“ Yeah,yeah. Don’t mind me,I can be whatever she like if that take her not leaving me again.”Napabuntong hininga akong tinapik ang balikat ni Draco at inilingan ng sasagot pa siya ulit.‘MA ,BITCH’That’s what writen in his shirt.“ We need to move now,they’re distracted.”Lahat kami napatingin kay
HACEMabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan dahil sa natanggap kong tawag mula sa bahay.Nadatnan ni Marj si Nerissa na walang malay sa kwarto namin. Iniwan ko ang meeting at basta nalang umalis dahil sa pagkataranta ko. Mabilis akong bumaba ng makarating sa bahay,ng makapasok umakyat na ako sa taas at deretso sa kwarto namin. Bumungad sa’kin ang nag-aalalang mukha ni manang Lara at Marj. Hindi ko sila pinansin at dumeretso sa nakahigang si Nerissa. Naupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya. Hinarap ko ang doktor .“ What happen is she okay,and our baby is the baby okay?”“ Yes Mr. Mondeñego , thankfully your wife is okay. And I’m glad that your baby is okay too. Just a little complication of her passing out because of shock. Everything is okay,my advice is let her rest and not to think too much that will stress her.”“ She was okay when I left this morning.” Bumaling ang tingin ko kay manang Lara.” What happened ?”Nakita kong tinanguan nito si Marj,si Marj naman ay nagl
“ No,no. You can’t do this to me,I know you love me. You’re just like this because of that girl! You can’t do this to me,you can’t. I’ve been with you ,we’re together for years.”Natatakot akong yumakap kay Hace,parang wala sa sariling sinabunutan ni Hillary ang sarili.“ Hillary,first of all I didn’t ask you to marry me. You propose to me and I said yes, becasue I thought you’re the one I’m looking for . But I’m wrong ,and I’m so sorry this happen to us. I love you but just a friend,my collegue.”Umiling iling lang si Hillary sa sinabi ni Hace,masama ang tingin na lumapit siya sa’min. Agad naman na hinarang ni Hace ang katawan niya. Nayuko ako sa dibdib niya,hindi ko alam kung ano’ng nangyari . Nakita ko na lang ang bulto ni Hillary na paplabas ng pinto.Humiwalay ako sa yakap,hinawakan ni Hace ang mukha ko at pinaharap sa kanya.“ Umiiyak siya.”Naluluha kung sabi kay Hace,umiling lang siya.“ Thank you for coming back by the way.”Niyakap ko siya ulit.“ Nagseselos ako.”Hinalik