LAXUS TIMOTHY FERRER
Napa ngiti ako sa look ko for tonight ng makita ko ang ayos ko lumabas na ako ng aking silid dito sa bahay ng magulang ko."Wow ang gwapo ang anak ko, panigurado si Miss. Fior ma huhumaling din sa yo." nakangiti wika ni Mom."I know Mom." ngumisi ako, dapat lang dahil kung hindi pa tumalab sa kanya ito hindi ko na alam.Lumabas naman ang nakaka bata kong kapatid na si Cassandra, "Ano ba yang mukha mo princess?" tanong ko dito.Umirap ito at nag lakad na para lagpasan ako. "Kahit anong pagwapo mo, hindi ka niya magugustuhan. Sigurado akong alam na niya na red flag ka, babaero, manggagamit, f*ck boy, arogante at higit sa lahat.." putol nito at tiningnan ako ng malamig."Kayang pumatay ng sariling anak." huling wika nito na tuluyan ng bumaba.Naramdaman ko ang bara sa lalamunan ko at ang hirap sa paghinga ko, napa tingin ako kay Mommy na halata din na nagulat.Naalala ko ang ginawa ko sa anak namin ni Cierra ng malaman ko na totoong anak ko ang pinag bubuntis niya. Malaking pag sisi ang naramdaman ko na sarili kong anak…Ako ang kumuha ng buhay nito.Simula noon hindi na ako kinakausap ng kapatid kong si Cassie. Kakausapin ako nito kapag may kailangan lang ito, pero yung dati na halos sa tabi ko ito matulog ay hindi na ulit nangyari.Miski ang mag pahawak ito ayaw na nito, ayaw niya akong lumapit sa kanya ni mga gamit na ginamit ko ayaw na din niya gamitin.Kahit plato, baso at kutsara ay ganun din. "Kailan kaya niya ako mapapatawad Mommy? Tatlong taon na ang lumipas." tanong ko sa mommy ko.Ngumiti nito ng mapait, nagalit din sila sa akin ng sabihin ko na akin ang pinagbubuntis ni Cierra. Pero wala na kami magagawa nangyari na tapos na."Let's go anak. Time can heal okay?" wika ni Mommy. Tumango ako at inalalayan ko itong bumaba.CIERRA RAVEN FIOR"Wow! Mommy look so stunning in black!" papuri ng anak kong si Tilly. Sa mismong harap ko ito naka upo kaya, natatakpan nito ang salamin."Yes you're right Tilly, my Mommy is so so very beautiful!" naka ngiting pagsang-ayon ng anak kong si Heather."Parang ayoko na tuloy tumuloy, gusto ko na lang kasama ang mga babies ko." naka pout kong wika."Oh no! Mommy no!" sabay na sabay na bigkas ng anak ko na kina tawa ko.Ang cute nila kapag nag sasabay lagi. "Alright I'll go there okay? But behave kayo kay Tita Luna okay? Babasahan niya kayo ng story para maka sleep na kayo, okay ba?" pag kausap ko sa mga anak ko. Umupo muna ako.Niyakap ako agad ng babies ko. "Opo mommy behave po kami. Take care Mommy we love you!" sagot ng kambal ko.Sabay pa akong binigyan ng kiss nito sa pisngi ko. Napa ngiti ako dahil doon. "Sarap naman ng kiss! I love you most, I love you both for the rest of my life so forever!" sagot ko at niyakap ko silang dalawa.Binigyan ko pa ng tig isang halik sa pisngi ang ito. "Alis na Mommy ha? Huwag na lalabas maraming bad okay?" paalam ko at kinuha ko ang YSL kong bag."Yes mommy! Ba-bye!" kumaway pa mga ito.Ngumiti naman ako at nag flying kiss sa kanilang dalawa at lumabas na. "Luna ikaw na bahala okay?" paalala ko kay Luna."Makakaasa ka ingat ka." nakangiting paalala nito.Tumango ako at nag lakad na palabas. Sumakay ako sa itim kong Lamborghini.LAXUS TIMOTHY FERRER"Wala pa ba si Miss. Fior?" tanong ni Mommy."I don't know Mom." sagot ko. Tahimik naman ang kapatid ko na nakatingin sa entrance."Tita, pwede naman kayo mag start ng wala siya." wika ni Mildred. Tiningnan ko ito ng masama na agad akong inirapan.Lumapit sa amin ang secretary ni Dad. "Nandito na si Miss. Fior, Sir." bulong nito na narinig ko naman din."Let's go salubungin natin siya. I want her know na welcome siya dito sa Ferrer Empire at sa Pilipinas." naka ngiting wika ni Mom."I Love that Honey.." pagsang-ayon ni dad. Patayo na kami ng bumukas ang pinto. Tumahimik ang paligid at doon ko nakita ang pasok ng babaeng naka itim na gown. Humapit ito sa katawan nito, lumitaw ang ganda ng hita at kinis ng balat nito ng dahil sa long slit ng gown nito.Umangat ang tingin ko dito hanggang sa mukha nito, doon ko nakita at nanlaki ang mata ko. "Cierra??" sabay sabay naming bigkas sa pangalan nito."She's the daughter of Claudio Fior and Catherine Fior. The legendary billionaire.." wika ng kapatid kong si Cassie."Paano mo nalaman yan? At paano nangyari yun?" tanong ni Mildred."Her real full name, Cierra Raven Garcia, Fior. Remember? Alam natin lahat ang anak nila ay na-muhay bilang mahirap dahil gusto nito maranasan ang nararanasan ang ibang tao. Siya yun, si ate Cierra ang dating asawa ni Kuya. Shame on you all." wika nito at tumayo.Nag lakad ito upang salubungin si Cierra at nakita ko paano ito yakapin ng dati kong asawa. Ngumiti ito, pero saglit lang. "Excuse me.." paalam ko at nag lakad na ako palapit sa kapatid ko at dati kong asawa."Cassie.." tawag ko sa kapatid ko."Kuya i introduce to you, Miss. Cierra Raven Fior, CEO and President of FIOR SCENT Company." pakilala ng nakaka bata kong kapatid kay Cierra.Nagulat ako sa narinig ko, napa tingin ako sa dati kong asawa na blangko ang mga mata nito na nakatingin sa Kapatid ko. Isa na siyang CEO at sobrang matagumpay ang kumpanya na ito sa loob lamang ng tatlong taon.And she choose to hide her true identity, but for what purpose? Magsasalita pa lang ako ng mag salita si Mom. "Hindi ako naniniwala na ikaw ang may ari ng Fior Scent, baka representative oo pa!" gigil na wika Mom.Tumigil si Cierra sa pakikipag usap kay Cassie at tumingin sa Mommy ko. "Do i? I mean kailangan ko pa ipaalam sa inyo palagi? Sa pag kakatanda ko wala naman tayong ugnayan sa isa't isa." malamig na tanong nito.Totoo bang nag bago siya o sinasadya niya ang lahat ng ito. "Then paano ka naging ka asensado?!" tanong ni Mildred.Umikot ang mata nito at tumalikod na. "Kung pinapunta ninyo ako dito para tanungin sa personal kong buhay. Mas mabuti na lang na umuwi na lang ako.." wika nito. Bago pa ito umalis hinawakan ko na ito sa braso at hinila ito palayo sa mga tao. "Ano ba ginagawa mo! Don't touch me!" pag pupumiglas nito na nag tagumpay naman ito."Explain Cierra! Bakit hindi mo sinabi na ikaw ang anak ni Claudio at Catherine?!" galit na tanong ko dito.Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng galit ngayon, she's lying from us and hiding something important from us!"For what? Para sa pera, fame ng pamilya ko? Tingin mo ba tanga ang papa ko? Really?" tanong nito.I want to hit her but not here. "Niloko mo ako!" wika ko dito.Ngumiti ito at mabilis nag laho yun na palitan agad ng pagiging blangko. "I'm not here to argue with you and your family. I'm done with all of you, hindi naman kayo ang dahilan bakit ako bumalik, kaya pwede ba get out of my way.." malamig na sagot nito at tumalikod na ito, pinanood ko lang itong nag lakad hanggang bulungan nito si Cassie na kina ngiti ng kapatid ko."Anong nangyayari?" tanong ko sa hangin. Hindi sila close noon ni Cierra mas gusto ng kapatid ko kay Mildred, pero bumaliktad na ang lahat ngayon.Kailan pa sila nag ka kausap?MILDRED ANDERSONWhole night ay maayos naman, si Cierra naka upo ito sa table namin dahil ito ang pangunahin namin talagang bisita.Ni isang beses hindi ito tumingin sa amin, lagi lang itong nakatingin sa stage habang nagsasalita si Tito Lyndon.Sinulyapan ko ng tingin si Laxus naka tingin ito dati niyang asawa. Nilingon ko si Cierra na nakatingin lang sa kanyang cellphone at may kinuha ito at nilagay sa teinga niya. "Yes sweetie?" narinig kong sagot nito, i think tawag ito.May boyfriend na siya o asawa man lang? "Yeah, matulog kana okay? Uuwi na rin ako mamaya tutal medyo boring naman itong party." sagot ni Cierra sa kausap niya..Napa nganga ako at agad itong hinila paharap sa'kin. "What did you say? Boring ang kapal naman ng mukha mo?!" galit na tanong ko dito.Tumayo ako at hinawakan ang wine glass ko na may laman. "Why? Totoo naman, para saan ba ang invitation na ito? Kunin ako bilang shareholder?" tanong ni Cierra sa'kin.Malaki na ang pinag bago niya, mula sa iyakin at laging nagmamakaawa ngayon nakikita ko ang palaban na Cierra.Tumayo ito at humarap sa akin. "Pakisabi na lang sa kanila hindi ako interesado at uuwi na ako." mahinahon na wika nito at tumalikod na ito.Magsasalita na sana ako ng mag salita si Tita Dianna, "What's going on? Miss. Fior.." tawag ni tita kay Cierra.Naikuyom ko ang kamao ko ng makaramdam ako ng selos at galit. Noon ikaw pa rin ang diba at pati ngayon ikaw parin ang diba!?CIERRA RAVEN FIORKita ko ang selos at galit sa mukha ni Mildred, "Ngayon ikaw naman ang receiver..""I need to go, someone waiting for me hindi kasi makatulog." paalam ko ng maayos at tumalikod na ako ng mag salita si Dianna."So, totoo nga na isa ka talagang malandi na pumatol sa matanda para lang makuha ang mga ito? How dirty you are? Pinatunayan mo lang sa pamilya na ito na isa kang maduming babae!" pagsisigawan nito sa mga bisita.Nilingon ko ang mga bisita na kanya kanyang bulungan ang ginagawa. "Are you ashamed now Miss. Fior?" tanong ni Dianna.Tiningnan ko ito ng malamig. "Hindi," putol ko at tinaasan ko ito ng isang kilay na kina gulat nilang lahat. Muli akong nag salita. "Pero sana kapag lumabas ang katotohanan sa pagkatao ko. Kaya niyo humingi ng tawad, sa bagay kaya, kayang kaya niyo pekiin ang paghingi ng tawad. Yun ang ginagawa niyo lagi diba?" sarkastiko kong tanong at nginisian sila at tumalikod na upang umalis na."Pagsisihan mo ang pag balik dito!" sigaw ni Mildred na nag patigil sa akin sa paglalakad at nilingon ko ito."Siguraduhin mo lang.." hamon ko dito at tuluyan na akong umalis. Nagmamadali ako dahil umiiyak ang kambal ko.Hindi kasi sila makatulog at ang panget daw mag kwento ng tita Luna nila. Natatawa ako kapag naaalala ko paano sabihin ng anak ko yun.Si Heather ang naka usap ko kanina pero sumingit lang si Tilly, kaya halos takbuhin ko na ang daan patungo sa parking.Hindi kasi maganda kapag pareho silang tinamaan ng topak. Kinakabahan na ako wala pa naman si Mama dito.Pagdating ko sa parking lot hawak ko ang susi ng Lamborghini ko ng may humila sakin. "Do you think makakaalis ka na lang ng ganun? Sino ang bagong mong asawa o boyfriend ngayon?!" galit na tanong sa akin ni Laxus.Inalis ko ang kamay nito sa braso ko at tinulak siya. "Pakialam mo ba? Wala kang pake! Please don't repeat the old mistake you did before! May announcement kayo diba for engagement? Huwag ako habulin mo tapos na tayo ipapa-alala ko lang sayo!" paninigaw ko dito at binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko ng mag salita ito."Alam ba niya na nag enjoy ka sakin na mas magaling ako at ako ang naka una sayo? Alam ba niya na mahal mo parin ako hanggang ngayon? Yun ang dahilan bakit ka bumalik diba?! Aminin mo na!" sigaw na tanong nito.Nginisian ko ito at nag salita. "Alam mo nakakaawa ka, pilit pinag ka-kasya mo na lang sa sarili mo sa paniniwala na yan. Ipagpatuloy mo yan, yan din ang ikasisira mo. I'm waiting for that to happen." wika ko at sumakay na ako sa sasakyan ko.Dahil naka baba ang bintana ng driver seat tiningnan ko ito ng malamig at pinaandar na ang sasakyan ko bago ko itaas ulit ang bintana.Umiling na lang ako at mas binilisan ko pa ang pagmamahal ng sasakyan ko. Kung tatanungin ako kung may nararamdaman pa ako para sa dati kong asawa?Wala na. Matagal ko na binura ang nararamdaman ko para sa kanya kung si Cassie lang ang usapan? Walang atraso si Cassie sa'kin at sincere itong humingi ng tawad sa akin noon.And i accept it, sino ba ako para tanggihan ang batang yun? Mabait ang batang yun kahit pa ng una ay hindi naman kami mag ka intindihin dahil ayaw niya sa akin. Gusto niya kay Mildred, hindi ko siya masisi dahil matagal niya itong kilala kesa sa akin.Alam din niya ang tungkol sa pagiging CEO ko ng Fior Scent, hindi ko lang nabanggit noong nakaraan. Mabilis akong pumasok sa loob ng gate at bumaba ng sasakyan. Hinagis ko kay kuya Tommy ang susi ng sasakyan at nag mamadali akong pumasok sa bahay."Mommy is here!" sigaw ko habang nag tatanggal ng heels, narinig ko ang pag iyak ng kambal ko."Mommy!" tawag sa akin ni Tilly. "Wait baby!" sagot ko. Napa iling na lang ako at dali dali kong binuhat ang stiletto ko at mabilis akong tumakbo paakyat."Hey stop crying na andito na ako.." wika ko at binuhat ko ito, mabuti at naka alis din ako sa party dahil maraming media doon ayoko makita ng mga tao ang mukha ko.Dahil narin hindi ako komportable sa ganung atensyon. "Mommy, kwento ka na po sleepy na si Tilly.." wika ng anak kong si Tilly.Ngumiti naman ako at pinag halik-halikan ang pisngi ng anak ko, "Sige na pikit ka na mag kwento na si Mommy okay." bulong ko.Pag pasok ko nakita ko na himbing ng natutulog si Heather may dede ito sa bibig nito. Nakita ko si Luna na humihikbi, doon ko nakita na may kalmot ito sa mukha."Ako na, sorry ha? Ikaw pa tuloy ang nasaktan. Kunin mo yung first aid kit gagamutin ko yan.." pag hingi ko ng paumanhin.Umiling ito bago mag salita. "Hindi po sila may gawa nito, ako po mahaba po kasi kuko ko na tabig lang po ni Tilly yung braso ko habang nag kakamot ng pisngi kanina.." paliwanag nito."Totoo? Ayoko pinagtatakpan mo ang mga anak ko, alam mo na hindi ko tino-tolerate yun.." pag kausap ko dito."Opo Ma'am, totoo po ito po oh." pinakita nito sa akin ang daliri niya na mahahaba nga ang kuko niya.Tumango ako at nag salita na."Sige na ako na ang bahala dito, magpahinga ka na salamat at Pasensya na." utos ko dito.Tumango ito at lumabas na, napa buntong hininga ako, naramdaman ko na bumigat na ang anak ko na si Tilly, indikasyon na tulog na ito."Mahirap talaga maging nanay mas lalo kung may dalawa kang anak. But masaya din kasi may dahilan ka para lumaban at gumising araw araw." bulong ko, binaba ko na ang anak ko sa kama at dahan dahan kong kinuha ang bottles milk sa bibig ng anak kong si Heather.Matapos nito kinumutan ko ang dalawa at binigyan ng halik sa mga noo nito. "I love you my life.." bulong ko at pinatay ko ang ilaw sa tabi ng kama ng anak ko.Nag bihis na ako ng pang tulog ko bago ko alisin ang make up sa mukha ko. Matapos ng lahat ay humiga na ako upang matulog.LAXUS TIMOTHY FERRERHawak ko na ang information na kailangan ko tungkol sa dati kong asawa ko. "Para saan naman at talagang pina imbestigahan mo pa ang ex wife mo? Don't tell me you like her now?" tanong ni Mommy sa akin."Pasok na ako.." paalam ni Cassie, nag paalam lang ito at hindi man lang ito lumingon o humalik man lang."Mom, kailangan ko alamin kung paano siya naging ganito kayaman. Kumikita siya ng halos milyong dolyar sa ibang bansa?" wika ko at binuksan ko ang hawak ko."Whatever! Still I'm not convinced about her true identity.." wika ni Mommy at naki basa ito.Binasa ko ang profile niya doon ko napansin na konti lang ito halos hindi nabanggit ang kumpanya niya rito. Ibig sabihin sadyang hindi niya ito gusto ipaalam sa ibang tao."So she's hiding something huh? Para saan naman at nag pa kita pa siya?" tanong naman ni Daddy.Matapos ang party kagabi she leave us in shocked mas lalo ako, hindi na nga nagawang i-announce ang engagement namin ni Mildred.Kaya gagawin ito sa bi
CIERRA RAVEN FIORMatapos ko makausap ang kambal kong anak ay nag tungo na ako agad sa sinabi ni Agent Willis. Mas okay na mag man-man muna sa pag darausan ng event upang mas makita ko ang dapat kong gawin at makapag plano ako.Habang naka tayo ako sa harap ng elevator, hinihintay kong bumukas ito at bumaba ang mga sakay. Naramdaman ko na may parating, doon ko nakita si Laxus at Mildred na naka angkla pa ang kamay nito sa matipunong braso ni Laxus.Nanatili akong tahimik at nilagay ko ang earpiece ko sa kaliwang tenga ko. "Look who's here, sinusundan mo ba kami?" tanong ni Mildred.Hindi ko ito pinansin hanggang bumukas na ang elevator at pumasok ako agad. "Sasabay ka? Eew babe ayoko siyang kasabay." arte nito."Stop it we're running late!" sagot ni Laxus. Ako naman ay pumuwesto sa harapan habang hawak ko ang cellphone kong itim.Naka suot ako ng gray t-shirt sa loob at black ripped jeans and a black leather jacket at boots na flat ang talampakan. "Ang panget ng taste mo sa damit ha?
CIERRA RAVEN FIORNang makalabas ako ng restaurant dumeretso ako sa bahay. Habang nasa byahe ako nakatanggap ako ng menhase mula kay Trevor. Hindi ko muna ito binasa dahil nag mamaneho ako.Hindi nagtagal nakarating na ako sa bahay, tahimik ko lang pinarada ang sasakyan ko sa garahe, tulog na kasi ang kambal.Mabilis akong pumasok sa loob at habang paakyat ako naka salubong ko ang Yaya ng kambal. "Ma'am, magandang gabi po." naka ngiti nitong bati.Ngumiti ako at bumati din pabalik. "Magandang gabi din, mag pahinga kana at bukas isasama kita para ipasyal ang kambal.." paalala ko dito."Opo ma'am." tumango ito at umalis na. Nagtungo muna ako sa kwarto ni Luna nang masigurado ko na tulog na ito. Pumasok naman ako sa kwarto namin mag ina. Napa ngiti ko ng makita ko ang kambal kong anak na mag ka yakap. Nilapitan ko ang mga anak ko at binigyan ito ng halik sa noo. "Good night my sweet cake." bulong ko at nag bihis na ako ng pang tulog.Naisipan ko tumabi sa anak ko matapos ko makapag pali
LAXUS TIMOTHY FERREREverything will be perfect for the dinner tonight, andito din si Ashton at Walsh pati ang girlfriend kong si Mildred."Pupunta ba siya anak?" tanong ni Mommy."Yes mom, baka na traffic lang." sagot ko hanggang nakarinig ako ng pagbukas ng gate.Doon ko nakita ang pasok ng isang white na Aston Martin na sasakyan. "She's here.." wika ko at tumayo na ako upang salubungin ang aming bisita.Doon ko nakita ang pag baba ni Cierra habang suot ang napaka sexy na emerald green silk dress na strap lang ang naging kapit sa balat niya. Humapit ito sa katawan nito kayang kita mo ang hubog ng katawan nito."Mr. Ferrer? Good evening and thank you for inviting me here." wika nito doon lang din ako nagising.Ngumiti ako nakipag kamay dito. "Thank you at pinaunlakan mo ako, let's go inside." aya ko dito, hindi ko maalis ang paningin ko sa leeg nito at collarbone, para akong naglalaway na aso na gusto ko matikman ang mga yun.Bumagay ang suot nitong Chanel Necklace na alam mo talaga
CIERRA RAVEN FIOR Mabilis sa alas kwatro ang kilos ko, hindi naman nag taka ang mga nagsasayang bisita ng pumasok ako, ngumiti ako agad kumuha ng champagne na galing sa waiter na nag lalakad lakad."Hi boys.." malanding bati ko at tumabi ako sa pakay kong lalaki. Ang mission kabitan ito ng surveillance camera at microphone na maliit sa kanyang tainga."Oh, isa ka ba sa pinadala na escort ko for tonight? Your skin is so soft.." naka ngiti nitong tanong.Hinaplos pa nito ang balat ko gamit ang kanyang likod ng palat, "I want you tonight..."bulong nito sa akin na kina ngiti ko.Gusto ko balian ng buto ang taong ito pero, hindi na muna. "Agent. Freyah kailangan mo na gawin ang plano baka maka tunog na silang lahat d'yan.." utos ni Agent. Willis sa kabilang linya.Nang maramdaman ko ang pag lapat ng labi ng lalaking ito sa balikat ko agad akong nag salita. "Pwede ba na 'wag dito?" tanong ko dito, gumuhit ang pag tataka sa mukha nito.Nginitian ko ito at agad kong nilapit ang bibig ko sa k
CIERRA RAVEN FIORDumating na ang damit na susuotin ko para sa birthday party ni Laxus and engagement nila ni Mildred ready na rin ang paunang regalo ko para newly engaged.Hindi rin ako kinakabahan tungkol sa lumabas na balita tungkol sa akin. Little mistake lang naman yun kaya hindi ko na yun pinansin. "Mommy? Pwede po ba kami sama sa'yo sa office?" tanong ng anak kong si Heather.Yumakap ito sa legs ko kaya umupo ako sa paahan ng bagong kama namin. "Sure pero uuwi din tayo agad kasi pipirma lang naman si Mommy.." sagot ko.Pasagod pa lang ito ng tumawag si Mama naka video pa ito agad kong sinagot dito. "Hello ma! Hey kids Mamita oh!" masaya kong tawag sa anak ko.Mabilis tumayo ang anak kong si Tilly, inayos ko ang cellphone ko at inupo ang kambal sa aking magkabilang hita. "Mga apo ko! Uwi na kayo miss na kayo ni Mamita!" wika ni mama habang nagpupunas kunwari ng kanyang luha."Mommy uwi na tayo please Mamita is sad na!" nakita ko na handa ng humikbi si Heather na kina tawa ko."M
LAXUS TIMOTHY FERRERNapa tayo ako at agad umalis sa upuan at mesa namin. Narinig ko pa ang pagtawag ni mom, ngunit hindi ko ito pinansin.Hindi pa ako nakaka lapit ng husto ng tumayo si Cierra at walang pasabi nitong hinawakan ang likod ng ulo ni Mr. Reyes at hinampas sa mesa na kina hati ng mesa sa dalawa.Nag sigawan ang mga tao sa gulat ako naman ay napa atras. "Sinabi ko na hindi ako interesado sa merger at sa'yong hay*p ka! Hay*p kana nga manyakis ka pa! Mag pasalamat ka na lang yan lang ginawa ko dahil kung hindi, wala ka ng ari ngayon!" galit na wika nito at kinuha nito ang kanyang bag.Napa nga-nga ako sa nakita ko. Doon ko napagtanto na walang malay si Mr. Reyes sa lakas ng ginawa ni Cierra."Oh my god! What happened anak? Please call the ambulance!" sigaw ni mommy."Cierra did this mom. Wait here i follow her.." paalam ko at hindi ko na sila hinintay pang sumagot.Kahit tawagin pa ako ni Mildred, tumakbo ako patungo sa likod alam ko sa comfort room lang ito pupunta.CIERRA R
AUTHOR'S NOTE;SLIGHTLY WILD AND VULGAR WORDS ANG GAGAMITIN KO DITO OKAY?-LAXUS TIMOTHY FERRERNag patuloy ang party hanggang matapos ito, "Babe, pwede ka ba muna sa unit ko mag stay.." mapang akit na bulong sa akin ni Mildred.Naramdaman ko ang kamay nito sa aking hita, paakyat ito sa aking pagka-lalake. "Fine," sagot ko habang nagmamaneho.Nang tumigil ang sasakyan ko dahil sa red light kinuha ni Mildred ang pagkakataon na 'yun upang pumatong sa akin. Magsasalita pa lang ako ng siilin ako ng halik nito at kumalas agad."Tinted naman ito saka i will make sure na hindi gagalaw ang sasakyan.." wika nito. Kinagat pa nito ang labi niya at muli akong hinalikan.Hinawakan ko ang likod nito at binaba ko ang zipper ng suot nitong dress. Tumugon ako sa halik nito hanggang maramdaman ko ang pag galaw ng pagka babae nito sa ari ko.Naramdaman ko ang pag sikip ng pantalon ko, agad ko naramdaman ang tayo ng alaga ko dahil sa ginagawa nitong pang aakit. " Gustong gusto ko talaga kapag nagagalit y
CIERRA RAVEN FIOR - YOUNGMATAPOS ang kaarawan ng mga bata ay nag si balikan na kaming lahat. Ngayon ay hinahanda na namin ang pagkain para sa aming Noche Buena.Tama kayo lumipas na ang ilang araw matapos ang kaarawan ng kambal. Hindi ko na idi-detagle ang buong nangyari. Naging masaya ang lahat ng araw na 'yun. "Dalian niyo malapit na mag alas dose at magbubukas na tayo ng regalo!" Pag mamadali ni Mama na kina taranta naman namin.Dahil limang minuto na lang ay 25 na ng December. Nang mailagay ko ang handa namin sa mesa ay agad kami nag hintay ng tamang oras.Ang mga bata ang mas higit na excited, naka ngiti lang ako habang pinapanood ang mga bata na nauna pang kumain. Hindi ko naman sila pwede gutumim dahil mga bata 'yan.Tumabi ako sa fiancée ko, sa nagdaan na araw lahat ng gusto namin sa kasal ay nagawa na namin. Nakausap na namin sa aming kinuha na organizer kahit ang catering, wala na kaming po-problemahin dito.Kung kailan ang kasal? Ay sa araw mismo ng kaarawan ko. January 6,
CIERRA RAVEN FIORKINAUMAGAHAN HINATID KO LANG SILA MAMA sa labas ng gate kasama ang mga bata. Kahit si Cassie at sila Manang, Yaya ay kasama na.Kumaway ako hanggang mawala na sila sa paningin ko, ngumiti lang ako at pumasok na ako ng gate. "Hon?" tawag ko kay Trevor na nag presinta na mag hugas ng plato."Yes?" sagot nito sa akin."May cash ka ba? Ibibigay ko lang sa naka duty mamaya na guard. Saka ang pinamili natin para sa kanila sa Christmas and new years eve.." tanong ko dito ng maka lapit ako dito.Sakto naman na tapos na ito mag hugas. "Yeah, nag abot din si Daddy kanina. Ibigay ko daw sa mga guards natin, and the grocery." sagot nito habang nagpupunas ng kamay."Ano kaya papuntahin na lang natin dito?" tanong ko dito. Tiningnan naman ako nito habang sumisimsim ng kape."Pwede Honey, para personal nila makuha." sagot nito, ngumiti ako at tumango.Lumapit ako sa may TV kung saan nakalagay ang telepono namin, agad kong tinawagan ang line sa guard house."Hello ma'am?" sagot ng i
CIERRA RAVEN FIORTATLONG LINGGO ANG LUMIPAS, ito ako ngayon nasa harapan ng Columbarium kung saan nakalagak ang abo ni Laxus.Hawak ko ang bulaklak na kulay puti, pinasok ko ito sa loob may maliit itong pinto. "Patawad kung kailangan humantong sa ganito, hindi man kayo nag ka ayos ni Cassie. Pangako aalagaan ko si Cassie at gagabayan ko siya hanggang kaya na niya ang sarili niya." pagka usap ko dito."Alam ko, hindi ka masaya dahil sa nangyari at alam ko naririnig mo ako. Laxus pakawalan mo na ang sarili mo sa galit at bigat. Patawad dahil hindi ko magawang mahalin ka ulit, mahal ko ang sarili ko Laxus, sana matanggap mo na 'yun. Noong minahal kita nakalimutan ko ang sarili ko." wika ko.Huminga ako ng malalim. "Sa ginawa ko na 'yun, parang ako na rin ang pumat*y sa sarili ko. Laxus, walang may gusto na mangyari ito ngunit nag matigas ka." wika ko.Huminga ako ng malalim at nag salita. "Hindi ako nandito para isumbat sa'yo ang nangyari. Gusto ko lang marinig mo ako, Laxus gabayan mo
CIERRA RAVEN FIORSame hospital ang pinag dalhan kay Agent Trevor at kay Laxus.Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan ginagamot ang mga sugat ko habang nasa harap ko si Agent Venus. "Kamusta si Trevor? May balita ka ba? How's the operation?" sunod sunod na tanong ko kay Agent Venus.Bumuntong hininga na ito, "Still ongoing ang operation. Don't worry dumating kami on time, isang malaking pasasalamat na lang din namin na tumulong ang mga tauhan ni Flame sa atin. Hindi nila tayo iniwan, pero umalis agad sila ng maihatid na si Trevor dito." mahabang paliwanag nito.Nakagat ko ang ibabang labi ko ng ibaon ulit ang karayom sa likod ko. Naka dapa ako habang tinatahi ang sugat ko sa likod."Mabuti kung ganun, paano si Laxus?" tanong ko dito, humawak ako ng mahigpit sa unan."Nasa isa pa siyang operating room, ang sabi kailangan na putulin ang dalawang hita niya, kung hindi kakainin ito ng mga bacteria galing sa bakal." paliwanag nito muli."And kapag hindi niya kinaya mamat*y siya.." dugton
CIERRA RAVEN FIOR"Itigil mo ang sasakyan Laxus! May anak ako at may pamilya pa ako! " sigaw ko dito, tumingin ako sa daan dahil lalong binilisan nito ang takbo."No! Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng hay*p na lalaking 'yun! Walang magiging masaya!" sigaw nito."Laxus! Makakaya ba ng konsensya mo alisan ng ina ang mga anak ko?! Maliit pa ang mga anak ko!" sigaw na tanong ko dito.Nang kumabig ito pakaliwa, kumapit ako ng mahigpit sa hawakan at sa seat belt na nakalagay sa akin. Pumikit pa ako ng diin at nag dasal.D'yos ko panginoon, 'wag niyo po ako pabayaan may anak pa ako.."Still no! Wala akong pakialam sa mga anak mo!" sagot nito, dahil doon napa dila ako at sa galit ko sa narinig ko.Malakas kong tinadyakan ito sa tagiliran na kina bitaw nito sa manibela. "Wala kang puso! Walang hiya ka!" sigaw ko dito, inalis ko ang seat belt ko at lumuhod ako sa upuan ko at pinag susuntok ito sa mukha."Wala kang karapatan bawiin ang buhay ko o kunin ang buhay ko dahil lang sa gusto m
TREVOR YOUNGTulad ng sinabi sa amin, gabi ililipat si Laxus ng kulungan, lahat ng police at sundalo naka deploy ngayon."Hindi ba talaga kayo sasama sa parada?" tanong ni Agent John."Hindi, tapos na ang trabaho namin mula dito kaya hindi na kami sasali d'yan." pagsisinungaling ko.Sinabi ko sa kanila na si Cierra ay busy sa bahay, ngunit ang totoo ay naka abang lang si Cierra sa hindi kalayuan.Napa tingin ako kay Agent willis, nakatitig lang ito sa lalaking nakatali ng kadena at naka posas pa.Napa tingin ako sa kulungan kung saan nakalagay ang pekeng si Laxus. Kung totoo nga na lalabas posible si Laxus ngayon?Sino ang dapat kong tapusin? Si Laxus o ang pekeng ito.Naka kulong ito sa isang bakal na heras at nakatali ang mga katawan at kamay upang hindi ito maka takbo.Ang suot nito sa leeg ni isang beses hindi man lang umilaw. Nag search ako sa bagay na ito, kapag gamit ito kailangan umiilaw ito.Yun kasi ang paraan para malaman na naka activate ito sa kung sino man ang gagamit. M
CIERRA RAVEN FIORHabang inoobserbahan ko ang kilos ni Laxus sa loob ng kulungan, ni isang beses hindi ito nag salita.Kagabe nag usap pa kami ni Trevor tungkol sa taong ito. Pinag usapan namin kapag hindi pa ito nag salita at nakita namin na may electric choker pa rin ito. Maniniwala na kami na hindi ito si Laxus.Kung tama si Flame ginagawa ito ni Laxus para huwag na kami mag hinala.Kung tutuusin hindi ko alam kung saan si Laxus ngayon kahit si Mildred. Kung totoo na si Laxus ay nasa paligid lang.Pero hindi mawala sa isip ko na nagsasabi ng totoo si Flame. Ni isang beses hindi pa ito nag sinungaling."Sabihin mo sa akin na saan si Mildred?" tanong ko dito. Umupo pa ako para maka pantay ko ito.Ngunit yumuko lang ito and he avoid eye to eye contact. "Sabihin mo sa akin na saan ang totoong Laxus?" bulong kong tanong dito na kina tingin sa akin nito.His eyes is shaking na parang nahuli mo siya sa isang bagay na hindi naman dapat siya ang nandun.Ngumisi ako at nag salita. "Alam kong
THIRD PERSON POVTatlong araw simula ng gumulong ang kaso laban kay Laxus Ferrer. Naka yuko ito habang naka posas ang mga kamay sa kanyang likod.He not able to talk or defense himself, makikita sa gilid si Cierra na hindi gusto ang nagiging takbo ng usapan sa loob ng court.Hanggang ilatag na ang lahat ng evidence na nakuha ng mga police at ang sa mga Agent. Kahit pa ang binigay sa kanila ng batang si Flame.Para kaso Cierra hindi ito maka tarungan. "Pakiramdam ko minamadali nila ang hatol kay Laxus." bulong ni Cierra sa kanyang Fiancé."Yan din ang naiisip ko, sa tatlong araw hindi nila pinag salita si Laxus kahit man lang tanungin ito kung ginawa nga ba niya ang lahat ng inaakusa sa kanya." pagsang-ayon ng fiance nito kay Cierra.Nanatiling nakaupo si Laxus wala itong kahit anong reaction sa mukha hanggang, maramdaman ni Cierra ang kanyang cellphone dahil nag vibrate ito.Dahil injured ang braso nito at nasa kanan niya ang cellphone kaya hindi niya ito makuha. "Hon, paki kuha naman
CIERRA RAVEN FIOR Napa tayo ako ng marinig namin ang pag alarm ng mga serenela sa buong Maynila. "Anong nangyayari?!" tanong ko."May pagtaas ng tubig sa dagat patungo sa kalapit na pantalan!" sigaw ni Agent Phoenix.Kinuha ko ang helmet ko at tumakbo palabas. "Kailangan masabihan na ang mga tao na lumikas doon! Wala bang tsunami?" tanong ko habang sumasakay ako sa motor ko.Nang paandarin ko ito ay mabilis akong umalis sa headquarters. "Wala, kagagawan ito ng bomba na tinanim sa ilalim ng tulay! Mag ingat kayo!" paalala ni Agent Phoenix."Sino may gawa nito?" tanong ko at mas binilisan ko pa, kung itatanong kung nasaan si Trevor? Kasama siya sa operation ngayon."Si Laxus." yun lang, uminit na ang ulo ko. Wala talagang pagbabago ang gag*ng yun!Mas binilisan ko pa ang pag mamaneho hanggang nakita ko nag takbuhan na ang mga vendor sa gilid ng pantalan.Nang pababa na ako sa motor ko nakita ko si Flame at ang dalawang kasama nito, "Pakay din ni Flame si Laxus.." pag bibigay ko ng info