Geoffre
Nagulat ako ng biglang may sumigaw kaya napupo ako at biglang may unan na humampas sa mukha ko.
"Ikaw! Pinagkatiwalaan kita tapos- tapos-" Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Wait? When did I- nevermind. Kilangan kong pakalmahin ang babaeng galit na galit.
"Wait! Wait! Promise I didn't do anything! Calm down!" sabi ko habang pino-protektahan ang sarili ko habang hinahampas niya ako. "Kumalma ka nga, Ari!"
"Wait! How did you know my name?" Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya. Nakita ko na may pagdududa sa mata niya at pagkalito.
"Because you told me your name last night, also, walang nangyari satin kaya kumalma ka." Pero parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"E bakit wala na akong damit? At bakit katabi kita sa pagtulog?" Napakamot ako ng ulo.
"I don't remember sleeping on the bed but trust me, I never laid a hand on you. Also, sinukahan mo ang wedding dress mo. That is why I ask an attendant to remove the dress from you. Nag-ask din ako ng damit pero dahil nakatulog dahil na rin sa kalasingan kaya hindi ko na nakuha," sabi ko sa kaniya at napabuntong hininga ako. Nakita ko ang pagkunot noo niya.
"I can't remember anything." Napangisi na lang ako. Kaya di talaga pwede uminom ang mga taong heartbroken, talagang nakakalimot sa mga nangyari.
"Anyway, I assure you nothing happened between us. Kaya kumalma ka. Also, if you're going to ask me why I am not wearing my clothes it's because... you also vomit on my clothes." Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya napangisi na lang ako. Itinukod ko ang siko ko sa binti ko at tumingin sa kaniya. "Why? Do you prefer spending a night with me?"
"Asa!" Natawa lang na lang ako sa sinabi niya.
"Okay, I'll tell you what happened-"
Yesterday~
Dinala ko siya sa Antipolo Overlooking park at doon niya ipinagpatuloy ang pag-iyak na ginawa niya kanina sa function hall buildings. Napabuntong hininga na lang ako. Ano bang pumasok sa isip ko at isinama ko siya? Pero kasi hindi ko siya kayang iwan ng ganoon ang sitwasyon niya, parang ako 'yung may kasalanan kahit hindi naman ako.
"Ang sama nila," narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa kaniya. She's wearing a bride dress but she's crying on her wedding dress. Could it be that her groom is cheating on her? Well, I won't know if I don't ask but it's not really my business. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi niya. It's supposed to be my bestfriend's wedding and I am the best man but here I am... I went out the place kasi akala ko okay na ako pero mali pala ako. I am still not okay. There is still pain in my heart. Masakit pa rin na kahit na maayos kaming naghiwalay na dalawa ng ex kong si Clara at maayos na nagsabi sakin ang bestfriend kong si Kevin about sa mararamdaman niya sa ex ko pero kahit na, masakit pa rin. Kahit na sinubukan kong magbulag-bulagan pero wala pa rin. But the only thing I can do is to accept it. Mahal nila ang isa't isa at hindi ako isang kontrabida para pigilan ang kasiyahan nila. Tumingin ako sa babaeng katabi ko umiiyak pa rin siya at mugto na ang mga mata.
"Alam kong masakit ang nangyari sayo kahit hindi ko alam kung anong totoong nangyari pero ypu should take a break. There is a reason why it happened." Humihikbing tumingin siya sakin at muntikan na akong mangiwi dahil sa itsura niya. Para siyang Tarsier dahil sa itim na nakaplibot sa mata niya pero buti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
"Reason? Hindi ba dahil malas lang ako?" Ngumisi ako at umiling.
"No, it's because I believe that God prepare a person for us that we can be with for the rest of our lives. It's just that, iyong taong papakasalan mo dapat ay hindi iyong taong ibinigay niya sayo." Nakatingin lang siya at pinunansan ang luhang tumulo mula sa mga mata niya.
"I see. Parang alam na alam mo ang dapat gawin," sabi niya. Napatawa ako sa sinabi niya.
"Hindi ko alam kung anong gagawin sadyang ayun lang ang iniisip ko. Alam mo na, it's like a kind of motivation. There are soo many fishes in the sea," sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na tumango siya at um-agree sa sinabi ko.
"Tama ka, hindi lang si Anton ang lalaki sa buong mundo. May mas mabait at mas loyal pa sa kaniya," sabi niya at tumango. Ngumiti ako at tumango.
"Nice, nice! Good mindset!" Sabi ko sa kaniya at tinapik siya sa likod. Napatingin siya sakin at napakunot noo.
"Ikaw din ba?" tanong niya sakin. I was caught off guard. Hindi ko siya kaagad sinagot. "Ikaw din ba na may minahal ka pero napunta siya sa iba?"
"Gusto mong uminom?" Pagiiba ko ng topic. Napatingin siya sa overlooking at tumango.
"While you're at it, can you also get me some wet wipes and a tissue," sabi niya. Tumango ako at nagpunta ako sa malapit na convinience store at bumili ng mga beers at wet wipes at tissue gaya ng sabi ng babae. I didn't expect to bring someone here but I guess having someone to be with instead of being alone is a good thing. Pabalik na ako ng biglang tumunog ang phone ko. Si Greg, isa sa mga kaibigan ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag.
“Greg, what’s up?” casual na bati ko pagsagot ko ng tawag.
“Anong ‘Greg, what’s up?’ nasan ka na ‘tol? You said you’re just going to the restroom? Magda-dalawang oras ka nang nawawala!” Ibinaba ko sa malapit na table ang mga binili ko at napasuklay ako ng buhok ko.
“Well, may nangyari lang.” Hindi ko sasabihin na talagang umalis ako dahil hindi ko nakayanan ang sakit. It’s sounds cowardly lalo na para sakin pero hindi naman ako pusong bato para hindi makaramdam ng sakit.
“Where are you, Geoffre? Kevin’s been asking about you. Hinahanap ka daw ni Clara.” Hindi ko napigilan mapaismid. Bakit siya hinahanap ni Clara?
“Bakit naman ako hahanapin ni Clara? Anyway, I don’t want to hear anything about them anymore.”
“Nasasaktan ka pa rin ba? Akala ko okay na kayo?” Napabuntong hininga ako.
“I need to get going. Let’s talk later, Greg. Bye.”
“Ge-“ Agad kong pinutol ang tawag at huminga ng malalim. Naglakad na ako pabalik at nakita kong nakaupo pa rin ang babae kung saan ko siya iniwan kanina. Napalingon siya at nakita ko na nangislap ang mga mata niya nang makita ako.
“Akala ko umalis ka na at iniwan mo ako dito.” Ngumisi ako at umiling.
“No way! Dinala kita dito kaya kargo kita. Here, the wet wipes and the tissue.” Ibinaba ko sa tabi niya ang mga binili ko. Agad niyang kinuha ang wet wipes at tissue.
“Sorry, wala akong dalang pera but I can pay you back once I get back my things,” sabi niya sakin na may kasamang ngiti. Muntikan na naman akong mapangiwi dahil sa itsura niya.
“Yeah sure. Pero sige na punasan mo na ang mukha mo.” Tumango siya at ginawa naman niya. Kumuha ako ng canned beer sa plastic bag at binuksan ito para inumin. Maya-maya ay natapos na siya tanggalin ang make-up sa mukha niya at nagulat ako ng makita ang kaniyang maamong mukha. Hindi ko mapigilang mapakurap ng ilang beses. I suddenly got pissed. Why? Sinong loko ang ipagpapalit ang magandang babaeng ‘to sa iba?
“Thanks for this again. Wait! Hindi ko pa pala nakukuha ang pangalan mo. Hi, I’m Ari Mendiola.” Itinaas niya ang kamay niya para makipag kamay na agad ko naman tinanggap.
“I’m Geoffre Cruz, nice meeting you, Ari.” Ngumiti siya. Parang nakangiti rin ang mga mata niya. She’s cute and at the same time, beautiful. I can feel my cheeks burn. She’s much more beautiful than Clara.
“Nice Meeting you too, Geoffre!”
Ari Napabuntong hininga ako at napatakip ng mukha. Detelyadong inilahad sakin lahat ni Geoffre ang lahat ng ginawa ko habang lulong ako sa beer. Aaminin ko na lightweight ako pagdating sa beers o kahit anong inumin na may alak buti na lang at mabait si Geoffre at siya ang nagalaga sakin. “You know you’re a lightweight when it comes to beers and alcohol but you still drink. Bilib ako sayo,” sabi ni Geoffre sakin. Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. “Of course, gusto ko din naman na makalimot.” Tumawa lang siya. Inismiran ko siya at napatakip ng mukha ko. “So, anong gagawin mo sa wedding dress mo? Lumapit na sakin ang babaeng nagbihis sayo at tapos na ma-dry clean ang damit mo,” sabi ni Geoffre kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko na may ngiti sa kaniyang mukha. Napabuntong hininga ako at umayos ng upo at sumandal sa sandalan ng upuan bago siya seryosong hinirap. “Gusto kong itapon ang damit pero dahil mahal ang pagkakagawa sa damit na ‘yon ay ibebenta ko na lang or itatapon
Ari Umiinom ako ng tea habang naka harap ako sa mga magulang ko, magulang ni Anton at ang dalawa na parang ako pa ang may malaking kasalanan sa kanilang dalawa. Wow, ang taas ng tingin nila sa sarili nila. "Ari, I didn't like what you did a few days ago! How can you run off like that at ganun pa ang ayos mo, alam mo bang nakakahiya ang ginawa mo?" inis na sabi ni Mama sakin. Napangiti ako at diretso ko siyang tinignan. "Bakit ma, tinanong mo rin po ba ako kung bakit ganoon po ang naging reaksyon ko?" Nakita kong napatayo ang magulang ni Anton at dinuro ako. "Shut up! Wag kang magsalita na parang wala kang ginawa. You just call of the marriage na parang wala lang! Napahiya kami dahil sa ginawa mo! Mas lalo nang napahiya si Anton." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Anton. Wow, ang galing ng arte niya. Parang totoo. "Talagang dapat po siyang mahiya dahil sa ginawa niya-" nagulat ako ng bigla akong sampalin ng ama ko. It sting an
Ari Nakatingin ako ngayon sa computer screen tapos nagunat ako. Nagpasa na kasi ako ng resignation letter ko sa pinapasukan ko. Nagtatrabaho ako sa kompanya nila Anton at ayoko na sanang bumalik pa doon dahil alam ko naman na gagawing dahilan iyon ni ate Arielle para pahirapan ako sa kompanya lalo na't wala na kaming dalawa ni Anton at siya na ang pumalit sakin. Also, wala din naman akong mga kaibigan doon. Anton doesn't want me to be friends with anyone kasi daw mahahati daw ang atensyon at gusto niya sa kaniya lang. Bigla akong nakaramdaman ng inis, talagang bulag ako sa pagibig noong mga panahong iyon dahil pumayag ako. Napabuntong hininga ako. Binuksan ko ang isang folder sa computer ko at puro iyon pictures ko at ng mga dati kong mga kaibigan. Si Wenwen, Erxi at Arise. Iniwan ko sila para kay Anton na talaga namang mali. Napabuntong hininga ako. Kamusta na kaya iyong tatlo? Solid pa rin kaya sila? "Tawagan ko kaya?" Hinanap ko ang mga contact number nila sa cellphone ko pero la
Ari Napatingin ako kay Geoffre at kita ko na parang ang bigat ng aura nila sa table na kahit ang pinaka maingay at madaldal na si Greg ay tahimik. Limang lalaki ang nasa table at hindi pa kasama doon si Geoffre. At sa table na 'yon may tatlong babae na tahimik lang din pero sopistikada ang dating. At may isang babae doon na nasa tabi ng isang lalaki at mukhang close silang dalawa ng babae. No, they are married. I saw the ring on their fingers. "Ari, you've come!" Basag ni Greg sa katahimikan. Ngintian ko siya at kinawayan si Greg. "Of course! Minsan lang kaya akong maibitahan ni Geoffre," sabi ko sa kaniya. Napatingin ako kay Geoffre na for some reason ay tahimik lang. "Come, sit here with me!" Tumango ako at uupo na sana ako sa tabi ni Greg pero pinigilan ako ni Geoffre. Nauna siyang umupo sa tabi ni Greg kaya wala akong choice kundi ang umupo sa tabi ni Geoffre. Nakita ko ang pagsimangot ni Greg. "Really, Geoffre?" "Why? She's my guest. Ako nag-imbita," sabi ni Geoffre kay Greg
Ari "Thanks for taking me home, Geoffre," nakangiting sabi ko. He looked at me and he smiled back. "Well, dapat lang na ihatid kita kasi ako nagyaya sayo. Also, thanks for this night." Tumango ako at baba na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko para pigilin ako lumabas. "Wait!" "Hmm?" Napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya pero pilit. Isinara ko ulit ang pintuan pagkatapos ay hinarap ko siya. "What is it?" "I know you know what is my relationship with that woman." Huminga ako ng malalim at umiling. "No, I don't. Nag-conclude lang ako." Napakunot noo siya. "Nakita ko kayo naguusap ng kaibigan ko." Tumawa ako. "Yeah, we did talk but he didn't tell me because I want to know it coming from you." He slowly nodded and looked away. Ngumiti ako. "Hindi mo naman kailangan agad sabihin sakin. If your not comfortable to talk about that then, let's not think about it. Enjoy lang natin kung anong meron satin ngayon." He looked at me and nodded. "Well, swerte talaga ng lalaking makakab
Geoffre Hindi ko akalain na yayayain ako ni Ari na lumabas pero hindi lang siya nag-iisa. Kasama niya ang mga kaibigan niya which is ipinaliwanag din naman niya before kami magkita-kita. Naging daan kasi ang video namin para malaman na wala na si Ari at ang ex niya para magkikita ulit silang magkakaibigan. “Hi, girl! Nice meeting you,” I greet them with a smile on my face. Nakita ko na hindi agad sila sumagot at parang natuod sa kinatatayuan nila kaya napatingin ako kay Ari na natawa na lang. “Pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan ko. Minsan lutang lang talaga sila kapag nakakaharap ng gwapo,” nakangiting sabi ni Ari. Natawa na rin ako. “Well, I am honored if you think I am handsome.” Nakita ko silang lumapit kay Ari at niyakap ang braso niya tapos bumulong pero narinig ko ang sinabi nila. “Ari, hindi mo man lang sinabi samin na sobrang gwapo naman ng friend mo! Para naman nakapag-prepare kami ng matino.” Napangiti na lang ako. “Oo nga! Hindi pa naman maayos ang kilay ko!” “Okay
Ari Hindi ko napigilan ang mapatalon sa sobrang saya! Iyong kompanya na pinaka gusto kong talagang mapasukan. May interview ako sa Wednesday and today is Monday. I have two days to prepare. I called for my friends and ask them to go with me to the mall to help me buy some clothes. Nagkasundo kami na magkita sa isang coffee shop sa mall. Nauna akong dumating dahil medyo excited ako makita ang mga kaibigan ko. Mga busy din kasi sila dahil may kanya-kaniya silang buhay pero masaya ako dahil binigyan nila ako ng oras na samahan ako mag-shopping. “Oh! Fancy meeting you here.” Natuod ako ng marinig ang pamilyar na boses sa likod ko kaya napalingon ako at nakita ko si Ate Arielle. I can’t stop myself from rolling my eyes. Kasama niya ang tatlong kaibigan niya. Binigyan ko sila ng pekeng ngiti. “I didn’t expect to see a cheater like you here.” Ininom ko ang kape na nasa harap ko habang inaantay ko sila Erxi. “You’re always alone, Ari. Wala ka bang kaibigan na sasamahan ka,” sabi ng kaibiga
Geoffre Nakakunot noo ako habang nakatingin kay Greg na tumatawa ng sobra. Ano bang nakakatawa sa kinukwento ko? “My goodness, I didn’t know you have that in you!” Napabuntong hininga na lang ako at inonom ko ang order kong Americano Coffee. Nandito ako ngayon sa coffee shop ni Greg kung saan madalas siya kesa sa sarili niyang kompanya. He really likes coffee but why does he need to stay here instead of asking his assistant to buy him coffee instead of doing it himself? Well, I can understand since it was the same with me if I am interested in something. Like collecting golf balls and collecting small toy cars. “It’s not like I can’t help it,” sabi ko. Nakangisi siya habang nakatingin sakin. “Admit it, you like that woman named Ari.” I glared at Greg before looking away. “Shut up. Do you think that I will fall in love with someone so easily? More on falling in love with Ari? She’s a friend of mine not someone!” I said angrily. Greg smirked and shakes his head. “Yeah right! Who is
Ari Nakita ko ang gulat sa mukha ni Geoffre ng bigla siyang halikan ni Clara sa harapan ko. Aaminin ko na nasaktan ako sa nakita ko pero alam ko na hindi naman sinasadya ni Geoffre or more like napilitan lang siya. Lumapit ako sa kanila at tinaggal ang pagkayakap ni Clara kay Geoffre. “Are you shameless? You’re a married woman and you do this kind of thing?” galit na sabi ko kay Clara. Ngumisi siya. “Whatever you say, Geoffre loves me and only me! Kahit anong gawin mo, ako pa rin ang mahal niya,” sabi ni Clara. Tumingin ako kay Geoffre para malaman kung totoo ang sinabi ni Clara pero agad na umiling si Geoffre at hinarap si Clara. “Clara, stop this nonsense! You’re deluding yourself!” Inis nasabi ni Geoffre sa kaniya. Napatingin ako kay Clara at napailing. “May gana ka pang magsabi ng ganyan gayong may asawa ka na? Hindi ka ba nahiya sa mga magulang mo, sa parents ng asawa mo at sa mismong asawa mo?” Ngumisi siya sakin at lumapit sakin. “Ikaw ba? Hindi ka rin ba nahiya nung umali
Geoffre Napasandal ako sa sandalang ng swivel chair ko at napahilot ng sentido. I feel so light right now. Okay na si Ari at ang mga Guillermo. What I just need to do is to think about is my life. Mukhang guguluhin ako ng magulang ako sa susunod. Napailing na lang ako. Biglang pumasok ang Secretary ko na si Mark. Napataas ang kilay ko nung pumasok siya. “Sir, Mrs. Clara Rizon was outside.” What? What is she doing here? Anong kailangan niya sakin? “Tell her I am busy,” I told and faced the papers that I need to deal with. Nakita ko na nakatayo lang siya at hindi pa rin umaalis. Napakunot noo ako. “Why are you still standing over there?” “Yes sir,” sabi niya at lumabas. I need to call Ari. Pwede na kaya siyang lumabas? I can treat them out later. I was about to call her when I heard the door burst open and Clara went inside. “It’s been a few days, hindi mo pa rin ba ako haharapin?” tanong niya. Nakatingin lang ako sa kaniya. She really is a stubborn one. Ibinaba ko ang cellphone ko
AriSabi ni Doc Nick kagabi na ngayon ang labas ng resulta ng Paternity Test. Hindi ko pa rin maiwasan ang magalala pero sinabi sakin ni Geoffre na wag na magalala dahil sigurado sila na ako ang anak nila. Ngayon ay nakahiga lang ako sa kwarto na inilaan nila para sakin. Though it was very childish room but it was big enough. Could I really stay here? Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan kaya lumapit ako para buksan. Nakita ko si Mama Maria na may hawak na tray na may prutas.“Pwede ba akong pumasok?” tanong niya. Binuksan ko ng maluwang ang pintuan para makapasok siya.“Pasok po,” sabi ko. Tumango siya at pumunta kami sa area kung saan ay may maliit na sala. Doon niya ibinaba ang tray sa coffee table. Umupo siya sa sofa at umupo naman ako sa tabi niya. Tumingin siya sakin na may ngiti sa labi.“How are your stay, Ari?” tanong niya. Huminga ako ng malalim at ngumiti.“Okay lang naman po,” matapat na sagot ko sa kaniya. Napahinga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.“Ari, I kno
AriNagse-celebrate ang mga Guillermo at Cruz dahil sa paguwi ko dito. Sa ngayon naiisip ko pa rin na pwedeng magkamali ang mga impormasyon na nakalap ni Geoffre. Na pagdating sa paternity test ay maging negative. Napabuntong hininga ako.“Bakit ka nandito?” Nagulat ako at napalingon. Agad kong nakita si Geoffre.“Ikaw pala, Geoffre.” Napabuntong hininga ako. Umupo siya sa tabi ko. Nakaupo kami sa isang bench sa garden ng mga Guillermo.“Bakit nandito ka magisa? Nandoon na ang parents mo pero bakit parang malungkot ka pa rin?” Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong niya. Natatakot ako dahil… Nagkaroon na ako ng pagasa pero paano kung mali pa rin ako? “Geoffre, what if…”“Ari, what you need to do is to believe. Sila Tita at Tito Alfredo, they only believe that their daughter will came home. Kung tutuusin pwede ka na nilang hindi hanapin dahil nawawalan na sila ng pagasa pero, they saw you on your birthday.” Napatingin ako sa kaniya. Napakunot noo ako. Napangiti siya. “The party t
AriDinala ako ni Geoffre sa mansyon ng mga Guillermo. Agad kaming sinalubong ni Tita Maria. Mahigpit niya akong niyakap pagkakita niya sakin. Nandoon din ang mga magulang ni Geoffre."Ayos ka lang ba, Hija? Tumawag sakin ni Aemie, kinidnapped ka daw. Sino naman ang gagawa sayo ng bagay na iyo," sabi ni Tita Maria. Napangiti ako at hinawakan ko ang kaniyang kamay. Her hands are so warm. Is it really true that she's my real mother? Napalingon kami na may dalawang kotse ang humahangos na pumasok ng gate ng mansyon. At mula sa dalawang kotse, bumaba si Ma'am Aemie. Habang iyong isa naman ay driver at pinagbuksan ang nasa passenger seat. Bumaba mula doon si Tito Alfredo. Agad na lumapit sila sakit at hinawakan nila ako sa magkabilang balikat."Are you okay? Did they hurt you? Those blasted Mendiola's! The next time they laid their hands on you, I will not be merciful!""Ari, may ginawa ba sayo si Arielle? I swear, kakalbuhin ko ang babaeng iyon kung sinaktan ka niya," magkasabay na sabi n
AriNananlangin lang ako habang inaantay ko na makapunta si Geoffre. I believe in his words because I trust him so much. I know he can help me.“Ari, don’t cry. Geoffre will help you,” pangungumbinsi ko sa sarili ko. Napahinga ako ng malalim. I hope I didn’t bother him. Biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon ako only to find ate Arielle at Anton. Napaikot ang mata pagkakita ko sa kanila. Tumayo ako para harapin sila. “And what are you doing here?”“Wala lang, I just want to see how miserable you are.” I saw disgust in Anton’s face. Now, I want to question why did I fell in love with this kind of man?“I didn’t know you like old man, Ari. I’m really glad that I choose your sister over you,” sabi ni Anton. Ngumiti ako at napahalukipkip.“And I am glad that I didn’t marry an a**h*** like you!” Nakita ko na naging masama ang tingin ni Anton sakin lalapit sana siya pero pinigilan siya ni Ate Arielle.“Stop, Anton. Dudumihan mo lang ang kamay mo. Mas magandang huwag kang hahawak ng bas
Geoffre I’m doing my work when I heard a knock on my door. It was my secretary with the detective that hired. I stand up and walked towards them with a professional smile on my face. “Welcome, please have a seat,” sabi ko. Tumango naman ang detective at umupo sa sofa. Ako naman ay umupo sa kabilang sofa. Siya ang kinuhang detective ng mga Guillermo noong panahon na hinahanap nila ang anak nila. “I was surprised you look for me before I do,” sabi ko sa kaniya. seryoso ang mukha na inilapag niya ang envelope. “I am very much delighted to investigate this case because there is a lot of loopholes in before. And there is a lot of things that I found out na sigurado ako na ikakatuwa ninyo,” nakangising sabi nito. Napatingin ako sa envelope at agad na tinignan ang laman. Nanlaki ang mata ko sa mga nalaman ko. The only thing that they needed is Ari’s blood sample to prove that she is the missing daughter of the Guillermo. Nakasaad din dito na totoong nagbuntis si Aramina Mendiola pero ang
AriNakakaaliw kausap ang attending doctor dito sa infirmary at nalaman ko ang pangalan niya ay Nicolas Alfredo. He was the third son of the Alfredo family na sikat na mga doktor sa pilipinas. Pero dahil malaki ang pagkagusto niya kay Ma’am Aemie ay talagang sinusundan niya ito. Stalker in a guise of a bestfriend kung ipaliwanag niya. But at least he said that he just wanted to be there in every Ma’am Aemie’s life. Kahit ultimong pagiging best man sa kasal ni Ma’am Aemie ay ginawa niya.“You did the same thing as Geoffre,” sabi ko. Napatawa siya at napatukod ng siko sa table niya at ipinatong ang pisngi niya sa kamay niya.“Ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao. Kaya mong gawin ang lahat para sa kanila. Kahit na medyo magmukha kang tanga basta maging masaya sila, gagawin mo.” Nakangiti ito at nakatingin sa ibang direksyon na para bang may naalala siya. Kaya ba ganun din ang ginawa ni Geoffre? Di kaya mahal pa rin niya si Clara deep inside.“I see…”“Pero alam mo, nafe-feel ko na
AriPagkauwi ko ng bahay ay nakatanggap ako ng tawag mula kay ate Arielle. Ayaw nila akong tantanan sa buhay ko! Napaikot ang mata ko at sinagot ang tawag niya."Hello? Napatawag ka ate Arielle," bungad ko sa kaniya pero walang gana ang boses ko. Para san pa, madami na ang atraso ni ate sakin pero pinagsawalang bahala ko iyon pero mas masakit ang ginawa nila sakin ni Anton kaya gaganahan pa ba akong kausapin siya?"Ari! Hindi ba sinabi ni Mama sayo na bumalik ka na sa company? Kailangan ni Anton ang tulong mo! Kailangan ng company ang trabaho mo!" Napaikot ang mata ko."Hindi ko na problema kung nawawalan kayo ng client o lumilipat sila dahil hindi niyo kayang ma-meet ang expectation nila. Ate, you're capable enough. Why not you do it? Tutal magaling ka naman sa lahat ng bagay!" inis na sabi ko. Mag-ina nga silang dalawa, nagpapasalamat na lang ako at hindi ako lumaki na kagaya nilang dalawa!"Ano pang silbi mo kung hindi ka din naman mapapakinabangan! Ako? Yes, I am capable enough! B