Nang gabing iyon ay natagpuan ni Felix ang sariling nilulunod na lang ang sakit ng kalooban sa alak.Ang laser light sa bulwagan ng club ay tumatama sa gwapong mukha nito na nag-iwan ng malamig na madilim na kulay. Ang kalungkutan ng malamyos na musika ay nakadagdag sa makulimlim na atmospera.Pagkaraan ng ilang sandali, dumating ay si Doc Shen, umupo ito sa tabi niya at tinapik ang kanyang balikat."Kuya Felix kamusta, Bakit hindi ka magstay ng bahay nyo at magcelebrate kasama ang iyong asawa ngayong Bagong Taon?bakit nandito ka at uminom kasama ng mga single? Bakit ka naririto at mas pinili mo magsolong uminom?" "Umupo ka at salohan mo ako?" Sabi nito sa pinsan."Hindi ako malakas uminom.. Teka anong problema?" puna ni Doc.Shen "Ayos lang mukhang malapit na rin akong maging single eh" "Huh?" "Gusto akong hiwalayan ni Yuna" deretsong sagot nito.Natigilan si Shen.Nakitang seryoso ang kausap."Ano...eh bakit daw? Baka naman ginalit mo na naman?" Humigop ng alak si Felix , tina
Kung tutuusin ay matagal nabg plano ni Felix na ipadala si Rowena sa America at doon na ipagamot para mas maraming dalubhasa.Planado na talaga ni Felix na gawin iyon dahil nagiging madalas nilang pagawayan ni Yuna ang kapatid. Natakot si Felix na lumala ang away nila ni Yuna pero mukhang nangyari na nga.Ngunit ganun pa man ay itutuloy pa rin niya ang binabalak.Nabigla si Rowena sa narinig at agad namutla.Hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Felix. "Kuya, di ba ngayon lang ako nag-aral ng design? Bakit kailangan ko nang pumunta ng America para magpagamot?"usisa nito na dismayado."Pwede ka naman mag-aral ng design sa America, habang nagpapagaling diba? mas maganda pa ang resources doon." Simpeng dahilan ni Felix. Meron pa rin namang takot sa dibdib niya dahil naka maulit ang nakaraang ginawa ni Rowena."Pero..." Nanginginig ang mapupulang labi Rowena, nang marinig niya ang suhestion ng kapatid ay ramdam niyang gusto siyang paalisin siya ni Felix kaya nagpaawa siya sa kapatid at na
Tinapos ni Yuna ang kanyang pagkain, inilapag ang kanyang mga kubyertos, tumayo, at naglakad-lakad sa bakuran sa labas. Habang lumilipas ang araw ay lalong naiinip si Yuna.Mabuti na lang at nandito siya sa lumang villa kahit papano pakiramdam ni Yuna safe siya.Tumingin si Felix sa bintana ng kusina at ponanood si Yuna na naglalakad sa bakuran Pumitas si Yuna ng ilang bunga cherry at inilagay ito sa kanyang bibig, nakangiting kuntento."Pagkatapos bumalik ni Yuna sa umang Villa ay mukhang masaya talaga ito" bulong ni Felix.Matapos magpahangin ay hindi na muling kinausap pa ni Yuna si Felix at nagpaalam ng aakyat ng silid.Kinabukasan.Biglang nakatanggap ng tawag si Yuna mula kay Felix na pumayag na ito sa usaping hiwalayan. Labis na nagulat si Yuna."Sumasang-ayon ka na?"takang tanong niya.Napakabilis kase nitong sumangayon hindi katulad noong una."Oo, tutulungan na din kita sa pagpa file." sabi pa ni Felix. Hindi ine-expect ni Yuna na ganun kadali niyang makakausap ang asawa. K
Kinabukasan, dumating si Felix sa tahanan ng mga Parson. Lalabas na sana si ginoong Shintaru ng makita si Felix sa pinto.Tumango lamang ito kay Felix.Matamlay naman na tumango si Felix.Ang dalawa sa kanila ay nakatadhana na hindi maging madamdamin."Itay." Tamad na bumaba si Yuna mula sa itaas na nakasuot ng damit na pantulog."Bakit ang aga mong lalabas?" Tanong ni Yuna sa ama ngunit nagulat si Yuna ng pagbaba niya ng hagdan ay hindi niya makita ang ama at si Felix ang nabungaran niya."Nasaan ang Itay ko? ""Lumabas siya?""Ah, nandito ka ba para alamin kung inasikaso ko na ang diborsiyo?" sumimangot si Felix."Ikaw ang nangungulit sa akin halos araw-araw, ganoon ka ba talaga kainip?" Ngumiti si Yuna."Oo." Kung hindi niya hinihimok, si Felix. Lalong ayaw niya ring galitin ito dahil baka hindi na siya muling mag-follow up.Nababanggit lang ito ni Yuna sa tuwing nakikita niya si Felix. "Dala mo na ba ang mga bagay?l na kailangan natin?" "Oo," walang buhay na sagot ni Felix"Si
Pumasok ng sabay ang dalawa sa loob ng gusali pero makalipas ang ilang hakbang ay napagtanto ni Yuna hindi na nakasabay sa kanya si Felix. Lumingon si Yuna at nakita siyang huminto sa entrance ng Civil Affairs Bureau, si Felix na tila balisa at hindi alam ni Yuna kung ano ang iniisip nito."Bakit hindi ka na sumunod? Anong tinatayo tayo mo dyan?" tanong ni Yuna."Sigurado ka bang gusto mong makipagdiborsiyo?" muling tanong ni Felix sa kanya."Oo naman." Si Yuna ay sigurado pa rin na ikinagigil ng mga panga ni Felix ngunit napayuko na lang. Pumasok ang dalawa sa Civil Affairs Bureau, kumuha ng numero, at pagkatapos ay pumila.Ang lugar ng diborsiyo ay puno ng ingay ng mga mag-asawang nag-aaway at nagtatalo.Inis si Felix sa ingay, kumunot ang noo at naglakad palabas. Natakot si Yuna na tumakas siya, kaya sinundan niya ito palabas at nakita siyang nakatayo lamang ito sa pintuan na naninigarilyo, ang silweta niyang tila malamig at malungkot. Nang makita siyang paparating, ngumiti ito."B
Si Yuna ay masyadong malapit sa kinauupuan ni Felix kung kayat malinaw na narinig niya ang mga salita ni Rowena. Nilukot ni Yuna ang kanyang bibig saka nanulis."Alam kong hindi magiging masunurin si Rowena" sa isip isip niya.Ngayon ang araw na magparehistro sila para sa diborsyo.At malamang maaaring si Rowena ay sabik na sabik na malaman kung sila ay diborsiyado na.Walang siglabg sinagot ni Felix si Rowena,"Sasabihan ko si Marlon na samahan ka""Kuya, hindi ka ba pupunta?""May kailangan akong gawin ngayon" "Kuya nagpunta ka ba sa Civil Affair ngayon para i divorce si Hipag?" Tulad ng inaasahan na ni Yuna nagtanong nga ito.Nalukot ni Felix ang kanyang manipis na labi at napayuko at sinabi sa mahinahong boses,"Oo, nakarehistro na ako" sa mga salitang ito, nakahinga si Rowena tila may malamig na hangin ang bumalot sa kanya.Naramdaman ni Yuna na marahil ay masayang-masaya na si Rowena sa sandaling ito, ngunit ang bagkos ay nagpaawa pa ito sinabing nais sisihin ang sarili,"Kuy
Hindi na halos kumain ng agahan si Yuna, kaya siya maagang gumising dahil, papasok si Yuna para tapusin ang ilang trabaho. Nang makita siya nito na bitbit ang kanyang bag, nagtanong ang kanyang ama. "Yuna, magtatrabaho ka ba?""Oho itay, ngayon ang ikapitong araw mula ng bakasyun ng unang buwan at malapit nang mabuksan ang studio" matapos sumagot ni Yuna ay yumuko ito at isinuot ang kanyang flat shoes. Tumayo si Patrick at nagalok ng tulong"Yuna, Hayaan mong ihatid na lamang kita doon" alok nito. Saglit na natigilan si Yuna. "Ah, pababalik na din kase ako sa lungsod, kaya pwede kitang isabay." Tumango si Yuna, "Okay, salamat kuya Patrick"kailangan pa rin niyang sumakay ng taxi, sabayan pa ng masama niyang pakiramdam kaya minabuti na nga ni Yuna na magpahatid na lang.Si Ginoong Shintaru ay nakaupo sa tabi niya at nakikinig Nang marinig niya ang inisyatiba ni Patrick na ihatid ang anak, tumingin si Ginoong Shintaru kay Patrick nang may pagtataka.Si Patrick ay agad na tumayo n
Ang Bagong Taon ay nagdala ng bagong pag-asa sa kanila, kaya gusto nilang bigyan ng magandang kapalaran ang kanilang mga empleyado. Pagkatapos ipamahagi ang mga pulang sobre, sumabay na umakyat si Myca sa kanya, "Nakarehistro ka na ba para sa diborsyo nyo ni Felix?"Oo" maiksing sagot ni Yuna."Totoo na ba sa pagkakataong ito?" Talagang sinabi ni Yuna sa matigas na tono na totoong naghiwalay na sila ng tuluyan.Buong araw ay abala si Yuna pero naglaan ng ilang oras upang tawagan ang kanyang ama, Sinabi niya sa kanya ama na ang dalawang katulong sa bahay ay naniniktik sa kanila at hiniling niya sa ama na tanggalin sila.Sumang-ayon si Ginoong Shintaru.Pagkatapos noon wala pang isang oras, ay tumawag si Felix."Bakit mo pinaalis ang dalawang katulong na iyon?" Puno ng sama ng loob ang boses ni FelixNgumiti si Yuna."Siyempre dahil sinusubaybayan ako ng dalawa. Kung ikaw, papayag ka bang magkaroon ng ganoong katulong? Sa buong maghapon mong sabihin sa iba ang iyong kinaroroonan, sa tin
"I'm sorry, ma'am. Grabe ang pagdugo mo. Hindi na kayang mailigtas ang bata." Nang marinig ito, napaluha si Yuna. Dahil sa kawalan ng pakiramdam, ang kanyang mga luha ay napakababa umagos na parang binuhos na drum ng tubig. "Ma'am, ang mahalaga ay ang buhay niyo.Kuapingan ninyong lumaban, iyon ang pinakamahalagang bagay. Magkaroon ka pa ng mga anak sa hinaharap ngunit ang iyong buhay ay iisa lamang." Sabi sa kanya ng doktor at Inalo si Yuna na labis na nagdadalamhati. "Mga anak...hindi na ako magkakaroon pa..." nagsalita si Yuna na may mugtong mga mata, at pagkatapos ay nawalan muli ng malay. Sumigaw ang nurse, "Doktor, ang blood oxygen level ng nanay ay bumaba na sa isang delikadong lebel. Ang mabigat na pagdurugo ay hindi mapigilan, at ang Rh-negative na suplay ng dugo ng ospital ay hindi sapat..." Ang doktor ay mukhang balisa at nagmamadaling lumabas upang hanapin si Felix"Mr. Altamirano, ang maternal hemorrhage ay hindi mapipigilan, at ang Rh-negative na suplay ng dugo dit
"So, ibig sabihin maari kong ipanganak ang bata tama ba ? Kung ganun ay hindi ako papayag na alisin ang bata." Tumanggi si Yuna na ipaalis ang sanggol. Ito ang resulta ng kanyang pagsusumikap sa 4 na buwang pagbubuntis. Gumagalaw na ang fetus. Paano niya natitiis na hindi ipatanggal ang batang ito? Ngunit malamig na sinabi ni Felix, "Stop talking, ayaw ko na sa batang yan." madlim ang mukhang sabi nito. Nanlisik ng mga mata ni Yuna sa galit lalo na ng tawagin ni Felix ang doktor. Hindi matanggap ni Yuna ang resultang ito, at nang humarap sa kanya si Felix, malamig siyang tumingin sa kanya at galit na sinabi,"Bakit napakawalang puso mo? Malinaw na sinabi ng doktor na maaari ko itong subukan." umiiyak na sabi ini Yuna. "Felix gusto kung mabuhay ang anak ko. Please, kung ayae mo sa bata ayos lang akin na lang siya lalayo kami at mamumuhay magisa. Para mo ng awa huwag mong ipaalis ang bata" pagsusumamo ni Yuna. "Huwag mo nang subukan." Seryosong sinabi ni Felix sa kanya, " Yuna,
Labis ang naging pagdaramdam ni Yuna, puno ng lungkot ang puso niya. Naaalala niya na malinaw na ipinangako ni Felix wala na siyang pakialam kay Rowena, ngunit ngayon, pumunta pa rin siya doon. Pakiramdam ni Yuna na siya ay dinaya at labis na nadismaya. Pero hindi maiwasang isipin ni Yuna kung nagkamali ba siya dito. Dapat niya bang hintayin na bumalik si Felix at tanungin siya ng mas malinaw? Nang gabing iyon, nang bumalik siya sa bahay, nakita niya ang coat ni Felix na nakalagay sa sofa. Humigpit ang hininga niya. Bumalik na ba si Felix? Tumingala si Yuna at nakakita ng ilaw sa ikalawang palapag. Naglakad siya pasulong nang hakbang na may hindi mapakali na puso. Si Felix ay nakatayo sa balkonahe at naninigarilyo. Sa katunayan, bihira itong naninigarilyo, at naninigarilyo lamang kapag siya ay partikular na iritable at depress. Tahimik na nanood si Yuna saglit, at hindi napigilang magsalita, "Bakit ka nakatayo sa balkonahe at naninigarilyo?" Huminto si Felix sa muling paghithit
Nag-aapoy ang sakit sa kanyang puso. Sa isang bahagi ay ang kanyang ama, at sa kabilang panig ay ang kanyang asawa at anak. Pakiramdam niya ay masusunog siya hanggang sa maging abo.Bumuhos pang lalo ang malakas na ulan sa kanyang mukha, na pumapasok sa basag na salamin sa harapan ng lanyang kotse, hanggang sa unti-unti siyang nawalan ng malay.Sa dilim, biglang huminto ang isang kotse sa harap ng kotse ni Felix, bumukas ang pinto, at tumakbo si Marlon palabas ng kotse. Nag-alala siya sa Amo niya kaya sinundan niya ito palabas pero hindi niya inaasahan na naaksidente na pala ang amo niya.Mabilis na tumawag ng ambulansya si Marlon.Nang dalhin na si Felix sa ospital, basang-basa ang kanyang damit at nag-iinit ang temperatura ng kanyang katawan. Nilalagnat si Felix. Isang napakataas na lagnat.Nakahiga siya sa hospital bed, medyo nanginginig. Bumalik ang kanyang alaala sa kanyang pagkabata nang itulak ng daddy niya ang pinto ng silid, lumuhod sa kanyang harapan at tumawag siya. "Ana
Pagkarating ni Felix sa Amerika, sinisiyasat niya ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang ama base sa tawag ni Rowena. Ngayon, may resulta na sa wakas. Matagal niya itong hinintay, bagamat may pagtataka kung paano nakakuha si Rowena ng impormasyun, minabuti niyang alamin na rin. Nagkaroon ng malakas na storm nang gabing iyon.Kaya naging mahirap ang biyahe niya.Huminto ang kanyang sasakyan sa bahay na tinutuluyan ni Rowena na siya ang nagbabayad Bumaba si Felix sa kotse at pumasok sa loob. Nakahiga na ai Rowena sa kama sa master bedroom sa ikalawang palapag, mukhang mahina ngunit maganda. Nang makitang paparating si Felix, sumigaw si Rowena,"Kuya, nandito ka na." Sinabi ni Felix pagkaraan ng mahabang sandali."Oo," "Nabalitaan ko na may nakita kang ebidensya?" "Oo." Tumango si Rowena, "Pagkatapos kung magpunta sa America, para hindiabagot ay naisioan kong magusisa, noon pa man ay gusto kong tulungan ka na malaman ang katotohanan ng taong iyon, kaya nakipag-ugnayan ak
"Masakit ba kapag sinipa ka ng bata?" "Medyo lang. Okay na ngayon." Sa katunayan, nagsisinungaling siya sa kanya, ngunit nang makita siyang kinakabahan at medyo nagi-guilty, yumakap siya sa mga bisig nito at mahinang sinabing, "Huwag kang magalit, okay? Huwag na tayong mag-away at kumain na lang ng masarap." "Oo." Pumayag naman siya.Tahimik na kumain ang dalawa. Kinuha ni Felix ang isang piraso ng abalone mula sa sopas at ibinigay sa kanya, "Buka ang bibig mo." Si Yuna ay masunuring ibinuka ang kanyang bibig at kinain ang abalone. Ang kapaligiran ng malamig na digmaan ay ngayon lang nawala at naging sobrang init.Sa gabi bago matulog, bigla siyang dinalhan ng ilang lata ng kung ano mi Felix. "Ano ito?" Kinuha ni Yina ang bote at tumingin. May mga probiotics para sa mga buntis na kababaihan, calcium para sa mga buntis na kababaihan, bitamina para sa mga buntis na kababaihan, at AD. "Lahat ba ito ay makakain ng mga buntis?" Nagulat si Yuna. "Well, tinanong ko ang doktor, at
Hindi inaasahan ni Felix na babalik pa si Patrick. Isa talaga siyang langaw na hindi maitaboy!"Aakyat ako sa taas para puntahan ka." Sabi niFelix at Ibinaba na ang telepono nang hindi hinihintay na magsalita si Yuna.Nakaramdam ng kaunting kawalan si Yuna at tumingin kay Patrick. Naunawaan nito ang ekspresyon niya sa isang sulyap at ngumiti, malamig at malinaw ang boses, "Si Felix ba ang tumawag?""Oo.""Bumalik ka ba sa mansion para tumira sa kanya?""Oo, hindi bat nasabi ko na sayo na may tumulong sa akin na tanggalin na kalabanin si Jhiro, at si Felix iyon. Tapos nalaman ko na si Jhiro pala ang may utos sa ginawa ng uncle ko" sabi ni YunaMasyadong busy si Felix noong mga panahong iyon at hindi niya alam kung ano ang nangyari sa aming kompanya kaya umabot sa pagkalugi At hindi niya kasalana ang lahat tulad ng dati kong bintang. Nalutas ang hindi pagkakaunawaan, at walang hadlang sa pagitan nila.Nang hindi alam ni Yuna kung ano ang sasabihin, pumasok si Felix sa kanyang opisina
Kapag ganitong mabait si Felix sa mga tao,hindi naiiwasang manumbalik ang paghanga ni Yuna dito na noon pa niyan inaalagaan. Mabait naman talaga ito, natutulungan niya ang mga tao nang hindi pinaparamdam sa kanila ang pagkakautang.Bagama't si Felix ay medyo chauvinistic, siya ay napaka responsable sa mga mahahalagang sandali, na nagpaparamdam sa mga tao na napakaligtas at maaasahan.Walang ibang sinabi si Yuna,masaya sng puso niya, ngunit hindi rin niya nagawang pumasok sa silid at iean si Felix. Sumandal na lang siya sa upuan at doon na nakaidlip.Pagod na pagod siya pagkatapos ng isang abalang araw kaya marahil pagsandal ng likod ni Yuna sa sofa ay inakay na siya ng antok.Halos madaling araw na nang muli magising si Yuna. Napansin niya na nakahiga na siya sa loob ng silid, natatakpan ng malambot at mabangong kubrekama at ang amerikana ni Felix."Siya ba ang nagdala sa kanya kagabi sa kuwarto?"Hinawakan ni Yuna ang kanyang ulo at umupo, pagkatapos ay narinig niyang may tumatawag
Aalis na sana si Yuna dahil ayaw naman niyang makita ng lola niya ang galit sa mga mata niya ayaw niyang baunin ito sa paglisan.Nang marinig ang kanyang mga salita, tumango ang matandang Parson at ngumiti.Masaya itong hindi nagtanim ng galit sa kanya ang apo. Ipinikit ng matanda ang kanyang mga mata, at natulog ng payapa at mahimbing...Ang electrocardiogram sa tabi niya ay naging isang tuwid na linya. Natulos sa kinatatayuan si Yuna, pumanaw ang kanyang lola a harap niya. Para naman binagsakan ng langit at lupa si Ginoong Shintaru, wala itong nagawa lundi ang mapasobsob sa tabi ng ina at umiyaknang umiyak na lamang.Pinanood ni Yuna ang kanyang ama na umiiyak at nalungkot. Ang susunod na hakbang ay ang ayusin ang burol at libing at kailangan niyang maging matatag para sa ama.Ang kanyang ama ay wala sa maayos na kundisyon para pangasiwaan ang mga bagay-bagay ngayon, at si Yuna naman ay walang karanasan. Nakatayo siya sa corridor, nakatingin sa mga tauhan ng punerarya na dumating