Malakas ang tawa ni Jessie at tinawag si Yuna."Yuna.." tawag sa kanya ni Jessie habang hawak ng dalawang kamay ang bakal na pinto.Inaalog nito ang gate na tila gusto nitong sirain para lang makapasok sa loob.Pero hindi siya pinansin ni Yuna, mabilis na bumalik sa villa at umakyat, nakatayo sa harap ng bintana at tahimik na pinapanood si Jessie sa ibaba.Maya-maya, tumunog ang cell phone ni Jessie. Inilabas niya ito at hindi napigilang sumimangot,"Felix....""Bakit ka pumunta sa mansion para hanapin si Yuna?" Tanong ni Felix sa kanya."Gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya""Ako ang gumawa ang mga bagay na iyon sa online, bakit hindi ka sa akin pumunta at humingi ng tawad sa akin." Galit na sabi ni Felix."Oh, baka naman may iba ka na namang binabalak?" "Paano iyon posible? Ang gusto ko lang ay mapatawad ako ni Yuna at mamuhay tayo ng mapayapa sa hinaharap.""Naniniwala ka ba sa mga salitang mong ito?" Ngumisi si Felix."Alam mong buntis ka, ngunit lumuhod ka sa tarangkahan ng m
Pagkapasok sa ospital, dumating ang nurse para sunduin si Yuna. Magalang na nagtanong si Yuna sa nurse. "Miss nurse, nasaan si Dr. Shen? "Si doc Shen po ay nasa isang seminar ngayon" sagot ng nurse at dinala na siya sa ICU.Mula sa salamin na bintana ay kita niya ang ama na umiinom ng tubig sa loob. "Itay!" sigaw ni Yuna. Lumingon si Mr. Shintaro, ang kanyang mukha ay maputla at mas payat, ngunit pinanatili pa rin nito ang kanyang matikas na ugali. "Yuna..!" Lumapit si Mr.Shintaro at hinawakan ang pisngi ni Yuna sa salamin, basa ang kanyang mga mata. Napaluha rin si Yuna ng makitang umiiyak din ang kanyang ama. "Tatay, ano ang nararamdaman mo ngayon?" Nagaalalang sabi ni Yuna.Pagkatapos sabihin iyon, umubo si Shintaro ng ilang beses at sinabing..."Ayos lang ako anak. Nakontrol na ang kondisyon ko. Sa yugtong ito, may kaunting pang ubo na lang" balita ng ama ni Yuna."Nitong nakalipas na buwan may sakit ako. Nahulog ako sa kama at hindi ako makabangon.Ngunit pagkatapos ng kalaha
"Hindi naman ako sumigaw ah" sabi ni Yuna at pinalo si Felix sa braso."Hindi...talaga..?" nanunudyong tanong ni Felix na natutuwang makitang pulang pula ang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito at tiningnan ito ng mas malalim. Lalo namang namula si Yuna ng tumingin sa kanya ng ganun si Felix at sa sumunod na segundo, muli na naman siyang hinalikan ni Felix ng mas mas malalim st sabik pa.Napaungol na lamang si Yuna sa maligayang pakiramdam at lalong humigipit ang yakap sa batok ni Felix na kulang na nga lang ay pumulupot sa kanya.Hinawakan ni Felix ang kanyang beywang ni Yuna habang unti unting pinagagapang na sa maputing leeg ni Yuna ang kanyang mga halik at naging mas mapanganib ang kanyang mga mata saka napabuntong-hininga ito."Okay, kung patuloy kang lilikot at uungil ng ganito, hindi ko na kailangang dumalo sa Chamber of Commerce " sabi pa nito na lalong nanukso ang mga titig."Lalong nilokob ng hiya si Yuna natahimik siya at tumingin kay Felix. "Pupunta ka ba sa Chamber o
Pagkatapos ng almusal, naghanda si Manang ng isang kaldero ng sopas para sa kanya, at dinala ito ni Yuna sa ospital. Pagdating niya sa ospital, pinindot ni Yuna ang elevator button. Ngunit ang ospital ay masyadong abala sa umaga, at hindi niya mahintay ang dalawang elevator.Tumalikod siya at nagpunta sa kabilang elevator sa mas malayo. Walang tao sa elevator na iyon, dahil medyo malayo ito at kailangang dumaan sa isang corridor sa gitna. Napahinto si Yuna nang hindi namamalayan, tumibok ng mabilis ang kanyang puso ng marinig ang pamilyar na boses."Doc, pwede bang hindi ko na alisin ng bata?" boses iyon n ni Jessie. Sumagot naman ang kausap na doctro nito."Miss Jessie, wala na tayong magagawa. Nagkaroon ka na ng dalawang B-ultrasound na eksaminasyon sa nakalipas na dalawang linggo, at ang resulta ng dalawang beses ay pareho. fetal arrest. Ang batang ito ay...Hindi tinapos ng doctor ang sasabihin....pagkatapos ay muling nangsalita,"Nararamdaman mo ito kamakailan diba? Nakita mo
"Kung meron man siguro po akong nagawang. masama, Iyon po ay naging sakim ako sa kabaitan niyo at ni Felix. Nahulog po ako ng husto kay Felix, at minahal ko po siya ng sobra at natakot ako na hindi nyo ako matatanggap kapag nalaman mo ang totoo. Kaya po ako nagsinungaling" Paliwanag ni Jessie."Pero kayo naman po ang makakapagsabi kung papaano po ako naging mabuti naman sa inyo. Hindi ho ba pwedeng lahat ng nagawa kong mabuti sa nakaraan ang makita at hindi mabalewala na lamang dahil may isa akong kasalanan nagawa" sabi pa nito."Pero kitang-kita ng lahat ang kabaitan ko sa inyo. Hindi sana dahil sa isang mali na ginawa ko, mabubura lahat ng magagandang nagawa ko noon? Noong wala kang malay sa ospital, ako ang nag Dinadala ko ang tae mo araw-araw, magdadala ako ng ihi, magpupunas sa iyong katawan, magmasahe sa iyong mga kamay at paa, sa panahon ng iyong paggaling, ipagdadasal kita araw-araw, gagawa ng sabaw, at pupunta sa ospital upang samahan ka para sa muling pagsusuri. " tila may
Si Jessie ay itinulak palabas ng operating room, umiyak nang husto na ang kanyang buong katawan ay nanginginig."Tita, wala na po ang anak ko..." Mangiyak-ngiyak nitong sabi, maputla ang mukha, at talagang sincere ang performance nito. "Ayoko na mabuhay, ayoko nang mabuhay..." Paos na sigaw nito kahit nanghihina. Hindi agad nakapagsalita si Donya Belinda."Sayang naman.malusog naman naman ang bata, pero dahil pagkakabagsak mo ay napaaga ang paglabas ng bata. Apat na buwan pa lang. Natay siya matapos huminga ng ilang beses lamang" sabi ni Doktor Lin.Halatang kausap ng doktor si Jessie ngunit sinadyang lakasan na psrang kinakausap na rin si Donya Belinda.Medyo nakonsensya pa rin si Donya Belinda nang marinig niya ang mga salita ni Director Lin, at sinulyapan niya si Yuna. Samantalang tumayo lamang si Yuna sa sulok at walang sinabi.Hindi pa lumalabas ang nurse, at hindi pa alam ni Yuna kung ano ang sasabihin. Sinundan ng lahat si Jessie sa ward nito. Pumasokdin si Donya BelindaHi
Nang ihayag ni Felix ang bagay na ito, si Director Lin ay mukhang natakot at gustong tumakas mula sa ward."Hulihin nyo siya!" utos ni Felix ng makitsng patakas ang doktor, at nahuli naman ni Marlon si Director Lin at napigilang lumabas.Nakaluhod na si Director Lin sa lupa. Alam niyang hindi na niya ito maitatago, kaya ipinagtapat niya ang lahat,"Kalahating buwan na ang nakalipas, pumunta si Miss Jessie sa ospital para sa B-ultrasound. Ang mga resulta ng B-ultrasound na iyon ay hindi masyadong maganda, kaya hiniling sa akin ni Miss Jessie na pumunta ako sa kanya nang pribado, at binigyan niya ako ng isang milyon at hiniling niya sa akin na huwag sabihin sa sinuman ang tungkol sa kanyang ultrasound ganun din ang mga examinasyun pa niya sa hinaharap.." pagamin ng doktor.Pagkatapos pakinggan ang mga salita ni Director Lin, nablangko ang isip ni Jessie at ang kanyang mukha ay namutla. Tapos na ang buhay niya.Wala na siyang pagasa.Mula sa sandaling huminto ang tibok ng puso ng sanggol,
"Ang aking ama, si Ferdinand naaalala mo ba siya?" Umupo si Felix at tinanong siya.Tumango si Shintaro,"Natatandaan ko, siya ang boss ng aming team?""Bakit mo siya pinagtaksilan noon?" Tiim ang bagang niFelix habang nagtatanong. "Noong oras na iyon..." Naalala ni Shintaro ang nangyari maraming taon na ang nakalilipas. "Noong oras na iyon, pito sa amin ang nagdala ng bagong binuo na chips sa Amerika para talakayin ang pamumuhunan. Tuwang-tuwa kaming isipin na naakit kami kaagad ng America Com. ngunit nang maglaon ay nalaman namin na gusto ng America Com. na ibenta namin ang produkto pero hindi kami papayag na gawin ito sa hinaharap.” "Noong una, ayaw namin, ngunit ang ibig sabihin ng America Com, na kung hindi namin naibenta ang produktong iyon, hindi kami makakabalik sa aming bansa. Sa ilalim ng pamimilit na ito, ilang miyembro ng koponan ang nanindigan sa pagbebenta, sa pag-aakalang walang paraan upang makabalik sa ating bansa gamit ang teknolohiyang ito, maaari pa rin
"Saan sila nagpunta?" Umalingawngaw ang boses ni Felix sa buong kabahayan."Ang dinig ko po ay inalok niyang kumain sa labas ang inyong asawa" Ngumisi si Felix ngunit nakuyom ng mariin ang kamao.Si Patrick ay kakaputol pa lamang ng kanyang engagement sa kanilabg pamilya ngunit heto at nagsimula ng makipag-date sa kanyang babae..Ngumisi ng mapait si Felix.Ngayon ang isa sa kanila ay walang engagement at ang isa ay nakikipagdiborsyo.Hindi bat napakalaking pagkakakaton. Kung sila ay talagang magkakasama, wala dahilan upang tumutol.Sa pag-iisip nito, lalong nagdilim ang mga mata ni Felix at inutos niya sa malalim na boses."Ihanda mo ang kotse Marlon" madilim na madilim ang mukha ni Felix.Nagawan nan iya ng paraan noon para hindi na mangulit at umepal si Patrick kay Yuna ngunit ngayon na nakagawa ito ng dahilan para makawlaa sa pagkakatali kay Natasha. Muli na namang nabalisa at napuno ng panibugho ang dibdib ni Felix."Sir, ipapaalala ko lamang sayo na tumawag si Miss Rowena at sin
Matapos namang humingi ng paumanhin ni Patrick sa marandang Altamirano ay malugod nitong tinanggap."Nauunawaan ko iho, Hindi kita masisisi pwede.Pakiabot sa iyong pamilya ang aking paghingi ng paumanhin sa kaguluhang ito. Maari ka nang bumalik sa inyo" sabi ni Don Julio.Tinanggap ni Natasha ang lahat ng responsibilidad,at salamat at hindi nasira ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya.Si Patrick ng sandaling iyon ay lubos na nasisiyahan at bahagyang kinulot ang kanyang mga labi kung saan walang makakakita. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang ngiting ito ay nakakuha ng atensyon ni Felix.Ang malamig na mga mata ni Felix ay naglalaman ng malalim na kahulugan. Ngumiti sa kanya si Patrick na may malamig na mga mata.Matapos malutas ang mga katotohanan sa pagtanggi ni Patrick na ituloy ang kasal si Natsha ay humabol sa kanya habang umiiyak."Kuya Patrick, nakikiusap ako na pakinggan mo ang aking paliwanag. Na-frame ako sa pangyayaring iyon" pagmamakaawa ni NatashaNgunit inalis lamang
Naalala pa ni Yuna na ng noong gabing iyon, sinabi sa kanya ni Patrick na hindi ito magpapakasal kay Natasha ngunit pinakiusapan siya nitong isekreto iyon at umaasa itong maaasahan siya sa isang lihim.Kaya ngayon, paano niya sasabihin sa pamilyang ni Natasha ang sinabi ni Patrick noong gabing iyon. Pero kung sasabihin naman niya iyon, hindi ba ito ang magpapatunay na si Patrick ang may plano na putulin ang engagement nila ni Natasha noon pa man at wala siyang kinalaman?.Kapag magalit si Don Julio baka pumunta ito sa pamilya ni Patrick, at hindi magiging masaya noon si Patrick.Kahit papaano sa mundong ito si Patrick ay itinuturjng niyang kaibigan bukod kay Myca ay palagi niyang naaasahan si Patrick. Hindi gustong saktan ni Yuna si Patrick kaya nasabi na lang niya. "Hindi ko masasabi sa iyo ang napag-usapan namin noong gabing iyon. Nangako ako kay Patrick na ililihim iyon para sa kanya."Magaling, ang galign mo ngang msmgtsho ng lihim. Palihim kang nakipagkita kay Kuya Patrick, pero
Lalapat na sana ang palad ni Natasha sa pisnge ni Yuna ngunit Itinaas ni Yuna ang kanyang kamay at hinawakan ang kamay ni Natasha kaya napigil ang nais sanang pagsampal nito."Natasha, hindi ko sinira ang kasal mo, wala kang karapatang saktan ako" sigaw ni Yuna na hindi na rin nagawang magtimpi sa mga bintang ng mga ito."Ang lakas ng loob mong hawakan ang kamay ko pagkatapos mong gumawa ng isang bagay na nakakahiya?" halos magluwa na ng apoy ang mga mata ni Natasha at muling, itinaas nito ang isa pang kamay para muling sampalin siya.Hindi iyon nagawang iwasan ni Yuna sa oras at gusto sana niyang ipikit ang kanyang mga mata upang hindi masyadong maramdaman ang sakit.Ngunit ang inaasahang sakit ng pagtama ng sampal sa kanyang pisnge ay hindi dumating.Bagkos ay isang malagim na boses ang dumating."Tumigil ka Natasha!" Sigaw ng malagim na boses ni Felix na dumating na pala ng hindi nila namamalayan. Malalaking hakbang ang ginawa nito saka tumayo sa harapan ni Yuna at agad na hinata
"Hindi ko ho alam ang sinasabi ninyo?Anong nangyayari?" "Hindi rin ako sigurado pero nagpunta ako dito para magbigay ng pagbati sa Bagong Taon at nakita ko silang nagkakagulo kaya inutusan ako ng lolo mo na tawagan kita" sabi ni Donya Belinda. Medyo kumplikado ang pakiramdam ni Yuna Akala kase ni Yuna siya ay hinihiling na magpunta upang makipag-usap tungkol sa diborsyo, ngunit ito pala ay tungkol kay Natasha na naghahanap ng gulo. Kailangan ni Yuna ang manatili kung hindi ay hahanapin siya ni Natasha at gagawa pa ulit ng gulo. Pamilya ng mga Altamirano si Natasha.Si Felix ay maari pagsabihan at balaan si Natasha pero hindi iyon maaring gawin ni Yuna. Kung hindi niya maharap nang maayos ang sitwasyon ngayon, maaaring sundan siya ni Natasha pagkatapos ng diborsyo. Huminga ng malalim si Yuna at tinanong ang kanyang biyenan, "Mama, nasaan po si Natasha ngayon?" Tanong niya sa biyenan. "Nasa sala sila. Ang buong pamilya ay naroon" sagot ng kanyang biyenan. "Si Mr.Patrick p
"Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyari kamakailan mula kay Yuna. Sinabi ni Yuna na hindi siya masaya sa kanyang kasal at gusto niyang hiwalayan ka. Pumayag ang pamilya namin dito" bungad ni Ginoong Shintaru."Medyo natakot si Yuna na salubungin ang mga mata ni Felix, kaya ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin sa hugis kuneho na cotton na sapatos sa kanyang mga paa."Ito ang inihanda kong kontrata sa paglilipat." Inilabas ni Ginoong Shintaru ang isa pang dokumento, na siyang kontrata ng paglipat na ibinigay ni Felix sa Parson Group noong panahong iyon."Ito ang kontrata ng paglilipat ng Parson Group. Hiniling ko sa isang abogado na i-notaryo ito ngayong hapon. Kung gusto mong bawiin ang Parson Group, pipirmahan ko ito. Ganun din ang Villa na ito.Kung gusto mong bawiin, ibabalik ko sa iyo ang lahat ng iyon."Sinulyapan ni Felix ang mga dokumento sa mesa at walang sinabi. Ang mga salita ni Shintaru ay nagpaunawa kay Felix na sa pagkakataong ito, sila ay talagang maghihiwalay n
Paguwi ni Yuna sa lumang Villa, pagpasok niya pa lang sa bahay, ay naramdaman na niyang may mali.Nakaupo sa sala ang lola ni Yuna.Nang makita nito si Yuna ay agad na tumayo ang matandang babae at nagtanong."Yuna, totoo bang gusto mo hiwalayan si Felix?" nang makita ni Yuna ang kanyang ama na nakaupo sa sofa ay tumango si Yuna mula sa kanyang puso at, sumagot."Kase lola, nakapagdesisyun na ako...""Yuna nahihibang ka na ba.Kinailangan ng matinding effort ng ama mo para makuha natin ang kasal na ito. Pagkatapos ay sasayangin mo lang. Si Felix ay napakabuti sa iyo. Bakit bigla kang makikipaghiwalay?" Sumbat nito.Tahimik na lamang na itinago ni Yuna ang kanyang pag-iyak, ibinaba ang kanyang mga mata at sinabing."Pasensya na po, lola, hindi na po tayo maaarjng umasa sa kanya. Buo na po ang pasya ko." Ulit ni Yuna."Paano kung magdiborsiyo tayo pagkatapos magpakasal, ano ang gawin ni Felix.Paano kung bawiin niya ang Parson Group?" balot ng pagaalala ang tanong na iyong ng lola niya.
"Hindi niya alam ang resulta Yuna, Kinailangan niyang umalis matapos ka niyang ihatid sa hospital" "Myca, huwag kang magsabi ng kahit ano sa kanya." "Bakit..?" sagot ni Myca."Myca, gusto ko sanang panatilihing sikreto ang aking pagbubuntis. Sa ngayon ay kailanganin ko nang makipagusap kay Felix para sa diborsyo."Kung malalaman ni Felix na buntis siya, siguradong hindi niya ito papakawalan" sa isip isip ni Yuna. Noong nakaraan, walang muwang niyang inisip na kung hindi mahal ni Felix si Jessie, maghihintay na lang siya at aasa pa. Ngayon naiintindihan na niya si Jessie ay nariyan lang at hindi mabitawan ni Felix dahil kailangan nito ang dugo upang iligtas si Rowena, at si Rowena ang pinakamahalagang tao sa puso ni Felix.Si Rowena ay may malubhang anemia at sakit sa pag-iisip at kung hindi siya maikakasal sa buhay tiyak na mananatili si Felix sa pagaalaga sa kanya. At siya...siya ay walang halaga kay Felix at hindi na siya papansinin nito. Pagod na si Yuna sa lahat. Ayaw na niy
Inakay ni Myca ang kaibigan at pinakahiga sa kama, kumuha ito ng towel para punasan ang katawan nito."Demonyo ang asawa mong iyon Yuna.Isa siyang halimaw na nananakit ng babae. Naku! galit talaga ako at parang gusto ko siyang kagat kagatin saka paghahampasin ng ganito" sabi ni Myca na pinaghahampas ang hawak na unan.Ayaw na ni Yuna na pagusapan ang tungkol kay Felix at ang nangyari kaya nakiusap siya kay Myca na gusto na niyang matulog"Sige Yuna magpahinga ka na.Marahil ay grane anf nato mong stress, maaari ka ng matulog.Dito lang ako babantayan kita." Sabi ni Myca.Tumagilid na si Yuna para ipikiy ang mga mata. Halos hindi niya mapigilan ang masaganang luha pati na rin ang paghikbi.Naninikip ang dibdib niya sa hinanakit at sa ng loob. Niyakap na lang ni Yuna ang kumot at kinagat upang hindi na maabala si Myca sa kantang malakas na pagiyak, saka isinuklob upang itago ang kalungkutan.Kinabukasan bagamat nagising ay natulala si Yuna.Bumangon ito at wala sa sariling naglakad papu