Biglang nalungkot si Yuna nang sandaling iyon.Dahil ang damdamin na iyon ay malapit nang maging alaala na lamang na ibabaon niya ng malalim sa kanyang puso habang buhay.Hindi niya alam kung gaano katagal bago niya talaga makayang bitawan ang lahat matapos silang maghiwalay, pero mapapaghilom ng panahon ang lahat.Kaya pagkatapos ng hapunan, tinanong ni Yuna si Felix."Anong oras ka babalik sa mansion?" Si Felix na kanina pa nakangiti, pero biglang naging malamig ang mukha nang marinig ang sinabi nito."Itinataboy mo ba ako" nakasimangot na tanong nito."Hindi naman pero halos alas nueve na pala. Aabutin ka ng hindi bababa sa kalahating oras upang makabalik sa mansion.Kailangan mong pumunta sa ospital upang bisitahin ang iyong ina bukas ng umaga hindi ba? Kaya dapat bumalik ka ng maaga ngayon." Nang matapos magsalita si Yuna, nagsimula siyang maglinis ng mesa.Natikom ng mahigpit ni Fel ang kanyang mga labi at napakunot ng noo.Maya maya pa, sabay na siyang tumayo at nagligpit.Nang
Sa kabilang banda.Tatlong araw na hindi nakapunta sa ospital si Jessie. Sa ikaapat na araw, naramdaman ni Donya Belinda na baka may nangyari kaya tinawagan nito si Jessie. Marahang nagsalita si Jessie ng sagutin ang telepono,"Madam, sa tingin ko hindi na ako dapat pumunta sa ospital para makita ka ulit. Madam ang itinawag niya dito at hindi tita. Napasimangot si Donya Belinda."Bakit?anong nangyari?" Saglit na namang nanahimik si Jessie, at bumulong"Wala lang, Madam, dapat magpahinga ka ng mabuti."Bakit Madam ang tawag mo sa akin?" Hindi nagsalita si Jessie."Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari." pilit ni Donya Belinda sa kanya.Tila hindi na nakayanan ni Jessi ang tanggihan si Donya Belinda, at napabuntong hininga,"Madam, naging matagumpay na ho ang iyong operasyon. Sinabi ni Felix na wala siyang balak na pakasalan ako, at hiniling na lang niya sa akin na huwag pumunta sa ospital upang guluhin ka." Nagdilim ang mukha ni Donya Belinda,"Sinabi ito ni Felix sa iyo?" hindi mak
Hindi mapakali si Yuna kaya dinayal niya ulit ang numero ng biyenan. Medyo hindi nakatiis si Yuna, gusto niyang siguruhin kung galing nga ba dito ang mensahe. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Pero maya maya ay nakatanggap siyang muli ng mensahe."Wag mo na akong tawagan, hindi mo ako makokontact. Kailangan mo lang malaman na nagsasabi ako sa iyo ng totoo. Huwag ka nang magtiwala kay Felix. Galit siya sa tatay mo. Kung magtitiwala ka ulit sa kanya, paglalaruan ka lang niya" sabi sa mensahe."Kung hindi ka naniniwala sa akin, hintayin mo na lang lumabas ang tatay mo at tanungin mo siya kung si Felix nga ba ang nanakit sa kanya" dagdag pa nito.Lalong nalito si Yuna, alam niyang pinarurusahan siya ni Felix dahil sa shotgun na kasal at ang ama ay makukulong naman ng ilang taon dahil sa isang pagkakamali sa pera.Laya gulat na gulat siya sa isiniwalat na ito. Kung totoo nga ito malamang ay habang buhay siyang magbabayad ng kasalaan.Sinubukan ulit ni Yuna na tumawag muli sa num
"Hello po." Sagot ni Yuna sa tawag ngunit ang kanyang puso ay tumibo ng malakas. Ang pakiramdam niya para siyang gumagawa ng pagkakasala na itinatago. Pakiramdam niya ngayon pa lang ay gumagawa na siya ng mali."Nagpapalit ka na ba ng benda sa ulo mo? " Banayad ang boses ni Felix sa kabilang dulo ng telepono habang nagtatanong."Oo, napalitan na, bago na." Maiksing sagot niya."Saan ka pa nagpunta " tanong nito alam niyang alam ni Felix na hindi pa siya umuuwi, na wala siya sa bahay. Medyo naguilty si Yuna at napasulyap kay Myca bago nakangiting sinabi."Nasa studio ako. Ilang araw na rin akong hindi nagtatrabaho, at marami akong nakasalansan pwnding na trabaho.Sumaglit lang ako para harapin sandali ang mga pending" pagsisinungaling ni Yuna.Nakasimangot si Felix ng marimig na nagpunta sa trabaho si Yuna."Pasyente ka pa rin ngayon, bawal kang magtrabaho, umuwi ka ng maaga, sasabihan ko si Manang Azun na magluto ka ng masarap." utos nito sa kanya.Napaka gentle ni Felix sa kanya nito
Pasensya ka na Myca, kailangan sa ibang lugar tayo magita at kailangan mong mag disguise muna""Okay lang naman 'yan." Ipinaalala sa kanya ni Myca."Na activate ko na ang card at mobile phone para sa iyo, at nag withdraw ako ng 100,000 sa cash. Medyo mabigat nga lang. Pwede ko bang ilagay sa isang maleta?""Oo, salamat, Myca.""Yuna, magiingat ka, nagaalala ako pero alam kong alam mo ang ginagawa mo.Sa susunod na pagkikita natin, sana sabihin mo na sa akim ang lahat." Pakiusap ni MycaNapuno ng luha ang mga mata ni Yuna."Okay." sa puntong ito, may kumatok sa pinto sa labas laya nataranta si Yuna. Bimilis ang tibok ng puso ni Yuna at nanuyo ang kanyang lalamunan. Inalarma niya ang sarili at sumagot"Sino yan?""Ako ito. ?" Boses ni Felix iyon. Nakatayo ito sa pintuan ng banyo.Takot na takot si Yuna kaya muntik nang mahulog ang phone sa kamay niya. Hindi niya alam kung narinig ba nito sng usapan nila ni Myca. Agad niyang binaba ang telepono at lumabas ng banyo.Paglabas niya, nakit
Matapos noon, nagmatigas si Yuna, ibinaba ang kanyang mga mata at sinabi,"Well, gusto ko nang matulog.""Okay." Banayad ang mga mata ni Felix ng sumagot at tinakpan nito ng kumot ang asawa. Pumikit si Yuna.Matapos ang mahabang sandali ay hindi umalis si Felix sa tabo niya, Sa katunayan, hindi pa talaga siya inaantok sinabi lang niya iyon para iwan na siya ni Felix, ngunit naroon pa rin si Felix , at ang kanyang presensya nito ay masyadong malakas, kaya hindi niyang magawang makatulog.Wala ng magawa si Yuna kaya napapikit na lang siya.Hindi ko alam kung gaano katagal, pero dumapo ang kamay ni Felix sa noo niya at marahang hinaplos ang pisngi nito.Bahagyang nanginig ang mga tuhod ni Yuna lalo na ng hinalikan siya ito. Hinalikan siya nito ng marahan.Iba sa bawat nangingibabaw at mariing halik noon, maingat siya itong hinalikan ngayon.Unti-unting nag-init ang halik na nag-aapoy sa kanyang mga ugat.Hindi na nangahas si Yuna na magkunwaring tulog at biglang idinilat ang kanyang m
Dinala mo ba ang lahat ng damit para sa akin? " tanong niya."Oo, ibinili na din kita ng sportwear, at sumbrero saka itong request mo na mask" pabulong na sabi ni Myca.Para makatakas, siyempre kailangan niyang magsuot ng sportswear at sumbrero.Isinuot ni Yuna ang dala ni Myca ng tumunog ang kanyang cell phone.Ang kanyang mobile phone nasa kanyabg bulsa, kinuha niya iyon at bumulong kay Myca.Si Felix ang tumatawag" sabi niya na halos pawisan ang kanyang ilong, ngunit kailangan niyang tratuhin ito nang mahinahon at ipinikit ang kanyang mga mata."Hello." " Narinig kong nagpunta la daw ng Time Square?" Alam na agad ni Felix kung nasaan si Yuna.Kanina lang ay tinawagan niya si Leon. Sinabi nito na si Yuna ay namimili sa Times Square. Sa una ay hindi masaya si Felix dahol hindi pa ito magaling, ngunit ang sumunod na pangungusap ni Leon ay nagpakalma sa kanyang inis. "Sir, sinabi ng iyong asawa na malapit na ang Pasko. Gusto raw niyang pumili ng regalo para sa iyo." Pagkarinig nga
Napatingin si Felix sa screen ng telepono, kitang kita niyang talagang may itinapon na telepono sa labas ng bintana. Ayun iyon sa cctv ng lugar. Hindi mawari ang ekspresyon ng babae sa sasakyan. Siya ay nakasuot ng isang sumbrero at isang mask."Ano ang sumunod na nangyayari?" Malamig ang buong katawan ni Felix tagos hanggang buto ang takot niya. Nakakakilabot din ang lamig ng boses ni Felix. Ipinagpatuloy ni Marlon ang report..Pagkatapos ay nagmaneho ang inyong asawa patungo sa isang maliit na bayan sa labas ng lungsod. Doon, iniwan niya ang kotse at pumasok sa isang tindahan ng damit. Pagkatapos noon, wala nang surveillance kaya hindi na nakita pa kung saan na nagpunta si Madam."Siguro sa tindahan ng damit na ito nagpalit ng damit at nag disguise ang asawa nyo Sir, at umalis sa likod ng pinto. Walang surveillance doon, kaya hindi namin siya matunton sa puntong ito, nawala siya ng tuluyan sa kanilang paningin.Malungkot ang mukha ni Felix. Sa sandaling iyon tila kinailangan na ni
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p
Kanina ay matatag Si Yuna, ngunit ng mabanggit ang ama at marinig ang pagiyak ni Myca, doon nagsimulang bumangon ang lungkot at takot ni Yuna. Kung tutuusin ay nangpapakatatag lamang siya pero matagal nang para siyang living dead. Mula ng mawala ang kanyang anak ay para na rin siyang buhay na patay. Tanging ang kanyang ama na lamang ang nagiisang hibla ng pisi na nagpapanatili ng kanyang katatagan."Attorney Sandro, maaari ka nang bumalik at sabihin sa kanya na huwag nang mag-alala tungkol sa akin. Wala na akong pagmamahal sa kanya, tanging poot na lamang."Napatingin si Sandro sa kanyang payat na pigura at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, nagtanong si Sandro."Sigurado ka ba Yuna?""Oo. " Tumango siya ng ilang ulit. Walang pagpipilian si Sandro, kundi mag-impake ng mga dokumento at tumayo para lisanin ang lugar. Lugar na alam niyang ayaw ni Felix kahantungan ng asawa nito."Attorney Sandro." Bigla siyang tinawag ni Yuna. Lumingon si Sandr
Halos manikip ang dibdib ni Felix sa mga narinig. Ang dugo sa kanyang katawan ay parang biglang kumulo at umapaw hanggang sa kanyang bumbunan.Halos hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, at gusto niyang pigilan ang mga pulis upang huwag hulihin si Yuna. Ngunit si Yuna ay nakaupo sa itaas ng puno, kaya hindi siya nangahas kumilos ng padalos-dalos. Dalawa ang kinakatakutan ni Felix: una, baka maisip ni Yuna na talon kapag natakot, dahil sa kasalanang iyon; at pangalawa, hindi niya kayang makitang damputin si Yuna ng mga pulis.Tumingin si Yuna kay Felix, itinaas ang gilid ng kanyang mga labi, at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. May bakas ng nakatagong lungkot at poot—para bang sinasabi nito kay Felix na oo, ayaw niyang humingi ng tawad kay Rowena, at tumatanggi itong tanggapin pa ang kabaitan ni Felix.Natakot si Felix. Sa ilang segundo, sa sandaling tinulungan niya si Yuna at ilang pulis sa pagbaba sa puno, halos gusto na ni Felix na lumapit at yakapin ito. Gusto niyang
"Sir, pumunta po si Madam para bisitahin ang kanyang ama na si Ginoong Shintaro? Pero hindi po siya nakapunta sa ward ni Miss Rowena?" Sagot ang tapat na tauhan ni Felix."Hindi niya pinuntahan si Rowena?""Hindi po, Sir." Nakagat na lamang ni Felix ang kanyang mga labi sa pagtitimpi."Ano pa ang sumunod niyang ginawa?" tanong ni Felix. "Pumunta po siya sa lumang villa, Sir," sagot ng tauhan."Anong ginagawa niya roon?" "Sir, si Madam po ay pumunta sa likod ng bundok ng lumang villa. Doon po sa puntod ng kanyang ina." "Um, pagkatapos po niyang pumasok sa lumang villa, hindi na po siya lumabas," dagdag ng unang tauhan."Kaya naisipan ko po na umuwi na lamang. At iniisip ko na maaaring doon na po magpalipas ng gabi ang inyong asawa." Hindi maipaliwanag ni Felix kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting pagkabalisa. Patuloy na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi talaga siya mapakali at tila kinakabahan. Kaya agad kinuha ni Felix ang telepono at lumabas. Pagkatapos ay inutusan ni
"Kuya , ibig mong sabihin, hahayaan mo lang siya na makalapit pa rin sa akin at hahayaan mo na saktan niya ako ulit kahit kelan niya gusto?" naaagrabyadong sinabi ni Rowena."Napakawalang halaga ba ng buhay ko? Gusto niya akong patayin, ngunit hindi ako namatay. Ngayon gusto niyang makipagkompromiso ako at patawarin siya." Tingin ito ng may pagdaramdam kay Felix."Kung patatawarin ko siya, hindi ko mapapangako sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Sa kasong ito, magiging ligtas ba ako sa hinaharap?" Tanong ni Rowena.Natahimik sandali si Felix, Nagisip muna ito ng mabuti pagkatapos ay sinabi kay Rowena ang nais nitong marinig."Kung sasaktan ka niya sa hinaharap, sige poprotektahan kita." Iyon na lamang ang sinabi ni Felix para matapos na ang usapaan nila. Alam niyang iyon ang igigiit ni Rowena at iyon ang hinihintay nitong sabihin niya.Samantala sa kabilang dako........Nakita din ni Yuna sa balita na nailigtas nga si Rowena.Tatlong araw daw siyang naanod sa dagat, at ang pangyayar
"Mr.Felix, Nandito ako para makipag-ayos sa kanya!" Itinuro nito si Yuna. Ang mga mata ni Robert ay may kakaibang titig kay Yuna. Tahimik itong humihigop ng kanyang sopas, at nang marinig niya ang mga salita ni Robert, ngumiti siya at nagtanong, "Patay na ba si Rowena?" Nagbago ang mukha ni Robert nang marinig niya iyon,"Ikaw babae! hindi ako makapaniwalang napakasama mo palang babae! Hindi pa ako nakakita ng ng babaeng ganito kasamang na tulad mo. Matapos itulak si Rowena sa dagat, wala ka man lang bahid ng panghihinayang o takot!" Sabi ni Robert at lumakad para salakayin si Yuna. Hinawakan ni Felix ang kamay ng lalaki saka ito tinitigan g may pagbabanta at sinabi sa malamig at walang malasakit na boses, "Robert Ikaw ay nasa pamamahay ko, kung maglakas-loob kang saktan ang asawa ko ulit, hindi ako magdadalawang isip, gusto mong subukan?""Kapatid mo si Rowena!" Nagulat si Robert. Talagang ipinagtanggol ni Felix ang masamang babaeng ito hanggang sa oras na ito.Si Felix ng