TUMAKBO ako. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa pakiramdam ko ay pilipit na ang mga binti ko at hindi na maigalaw pa. Napaluhod na lamang ako sa lupa habang ang mga luha ay panay ang pagpatak. Ang napakainit na mga likido ay patuloy ang pagdaloy sa aking pisngi. Imbes na punasin ay hinayaan ko lamang ang mga iyon, tulad kung paano ko hinayaang saktan ako ng imahe nilang dalawa sa isip ko.
Hindi mabura sa isipan ko ang hitsura nilang dalawa habang magkalapat ang labi sa isa't isa. Gulat na gulat si Onyx na akala mo ay nahuli ko sa isang krimen. Totoo namang krimen iyon. Krimen ang pagpatay at pinatay niya ang puso ko. Corny man pero wala akong pakialam dahil iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Sa lahat pa talaga ng tao, bakit sa kapatid ko pa?
Akala ko ba hindi niya ako kayang lokohin? So totoo pala talagang niloko niya ako dati?
Sa isang park ako napahinto. Umupo ako sa swing doon at saka idinuyan ang sarili gamit ang mga paa. Bawat patak ng luha ay bawat
"ARE you okay, Rose?" alalang-alala ang hitsura ni Angelo nang harapin niya ako. Hinawakan pa niya ako sa tigkabilang balikat para iharap sa kaniya. Gagyunpaman ay tulala pa rin akong napatitig sa kawalan.Dahan-dahang nagsipagbagsakan ang mga luha sa mga mata ko nang hindi nagbabago ang ekspresyon ko. Tuloy-tuloy ang naging pagdaloy ng mga iyon sa pisngi ko. Sinubukan kong tumayo pero napaluhod lamang ako sa sahig at napatungo.Doon ay nagsipatakan ang mga luha ko habang hindi ko na mapigilan pa ang paghagulgol. Agad akong niyakap ni Angelo na hindi ko na natutolan pa. Ang laylayan ng damit niya ay napisil ko habang patuloy lamang ang paghagulgol. "N-Nanay... nanay k-ko..."Hindi ko matapos ang pangungusap na iyon sa sobrang paghagulgol. Patuloy lamang akong niyakap ni Angelo at inalo habang hinahaplos ang likod ng ulo. "Shh...""Magbabayad sila, Angelo. M-Magbabayad sila sa ginawa nila sa nanay ko." Nagkumawala ako sa pagkakayakap ni Angelo pero hinigpi
NASA classroom ang katawang lupa ko pero ang utak ko ay panay layag kung saan-saan. Matapos kong umuwi kagabi ay ibinalita ko kina Tita Divine kung anong nangyari kay Nanay sa ibang bansa. Ipinangako naman ni Tita na iintindihin niya ang mga kakailanganing papeles para makabalik na si Nanay dito sa Pilipinas.Bumuntonghininga ako at itinuon na ang atensyon sa nagtuturong guro sa unahan. May mga sinasabi itong mga terminolohiya na hindi ko maintindihan. Marahil ay dahil hindi ako nakikinig kanina pa.Napansin kong may nakatingin sa akin sa peripheral vision ko kaya nagsalubong ang mga kilay ko at tiningnan kung sino iyon. Napairap naman ako nang makitang si Onyx iyon. Kumulo ang dugo ko nang makita ang mukha niyang animo'y inosente't hindi kayang manloko ng tao.Scam iyon. Scammer ang mukha niya.Bumalik sa isip ko ang paghahalikan ni Onyx at Sheena kaya napakurap ako ng maraming beses, umaasang pigilan niyon ang mga luhang pabagsak na. Nagwagi naman ako d
NAKATAYO akong nag-aabang sa airport para sa pagdating ni Nanay. Mabuti na lamang at naasikaso kaagad ang pag-uwi niya rito sa Pinas. Magbabayad talaga 'yung mga amo niyang nanakit sa kaniya. Hindi ko mapapalampas ang kahayupan nila.Kami lang ni Tita Divine ang narito para sumalubong. Si Sheena ay may lakad daw na aasikasuhin.Naluluha akong lumapit kay Nanay nang makita itong papalapit sa kinatatayuan namin. Umiiyak din ito habang may tangang maleta. "'Nay..." Mahigpit ko itong niyakap.Taliwas sa hitsura niya noong bago siya mag-abroad, mukha siyang minaltrato at inabuso ngayon. Hindi ko mapigilang mapahagulgol habang pinagmamasdan ang mga pasa sa mukha at braso ni Nanay."L-Ligtas na si Nanay, huwag ka na umiyak." Hinaplos nito ang pisngi ko at saka pinunas ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.Muli ko itong niyakap nang sobrang higpit. "Kung alam ko lang na gan'to ang kahahantungan ng pag-a-abroad mo, hindi na sana ako pumayag noon."
"Maupo ka, hija," imik ng abogado matapos kong pumasok sa office nito. Sinamantala ko na ang libreng oras para makipagkita rito."Ano po pala ang kailangan ninyo at ipinatawag ninyo ako, Mr.—""Cruz. You can call me Mr. Cruz, hija. Regarding your question, I want to talk to you about the assets your late father gave to you. Nakasaad sa kaniyang last will na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng mga ito."Napaawang ang bibig ko. Ito na ba ang sagot sa paghihirap namin ni Nanay? Kapag naibigay na sa akin ang mana na binabanggit ni Mr. Cruz, hindi na kakailanganing magtrabaho ng nanay ko. Hindi na niya kakailanganing makipagsapalaran sa ibang bansa. At higit sa lahat, hindi na siya aabusuhin pa ng kung sino-sino."Ang kailangan ko lamang ay ang pirma mo kapag 18 years old ka na.""Paano po ang kapatid ko? At si Tita Divine?" taka kong tanong. Alam kong hindi papayag ang mga iyon sa ganiton
"SAAN ka galing, Rose?" tanong ni Tita Divine sa akin, oras na makita niya ako sa pintuan.Natigilan ako, hindi inaasahan ang tanong na iyon. "May inasikaso lang, Tita."Tumango-tango si Tita at saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok na lamang ako sa paraan niya ng pagtingin sa akin. Akala ko ay may sasabihin pa siya pero tinalikuran lang niya ako saka siya dumiretso sa kusina. Nakahinga ako nang maluwag sa hindi ko rin malamang dahilan.Nakasalubong ko sa daan si Sheena pero ako na ang umiwas. Pagod na ako sa taong iyon. Tama na ang katarantaduhang ginawa nila ni Onyx sa akin. Hindi ko siya inaway, respeto na lang sa pagiging magkapatid namin. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi ako galit. Galit na galit ako sa kanilang dalawa.Ngumisi si Sheena sa akin na lalong nagpakulo ng dugo ko. Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin.Lalampasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko dahilan par
"HA!" Hingal akong napabangon sa pagkakahiga. Napalingon ako sa katabi ko at naluha nang makita roon si Nanay."Binabangungot ka, Rose." Hinaplos nito ang ulo ko habang yakap namin ang isa't isa.Hindi ako makatigil pag-iyak. Pakiramdam ko ay totoong-totoo ang panaginip na iyon."Shh... tahan na. Panaginip lang iyon.""A-Akala ko, 'Nay, totoong patay na kayo."Bumuntonghininga ang kayakap ko. "Buhay ako, Rose. Buhay na buhay ako kaya tumahan ka na diyan, okay?"Tumango ako nang maraming beses habang pinupunasan ang mga luha. Ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang nagwawalang puso. Parang totoong-totoo ang panaginip kong 'yun. Hindi ko talaga kakayanin, hinding-hindi.Pinainom akong tubig ni Nanay at saka bahagyang hinagod ang likuran. Ilang segundo rin ay nagbalik na sa normal na bilis ang tibok ng puso ko."Gusto mo bang sumama papuntang resort? Mamaya-maya ay aalis na sila Sheena at Divine."Umiling a
ISANG puting liwanag ang nagpasilaw sa akin kaya't agad akong napatakip sa mga mata ko. Ilang minuto ang itinagal bago nawala ang liwanag na iyon. Nang oras na nawala iyon ay iminulat ko rin agad ang aking mga mata. Kung sobrang liwanag kanina, ngayon naman ay sobrang dilim.Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Wala. Wala akong pakiramdam. Kinurot ko ang pisngi ko. Talagang wala akong nararamdaman.Lito akong nagpalinga-linga. Nang ihakbang ko ang mga paa ko ay nagulat ako sa bahagyang pagliwanag. Hindi man ganoon kaliwanag ay sapat na upang mapagmasdan ko ang kinaroroonan ko. Bahagya pa akong natigilan nang mapansing narito ako sa kwarto ko.Tumulo ang pawis sa aking sintido. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapansin ang mga nakataas kong braso sa ere na animo'y sumusuko sa isang pulis. Agad akong napatingin sa paligid. Parang nangyari na ito!Dumagundong ang dibdib ko nang iharap ko ang mukha ko. Iyong la
"WHAT? You're going pa rin kahit hindi ka nila pinayagan?!" gulat na tanong sa akin ni Karen sa kabilang linya. My eardrums almost bursted with that question. I am talking to her on my phone while I'm busy fixing my things on my bag. Lahat ng posibleng kakailanganin ko, inilagay ko sa malaking maleta. "Tss. I'm old enough, Karen. Hindi na kailangan pang lahat ng kilos ko ay ipapaalam ko sa kanila." "That's not just a simple decision. You're going out of the country and you're not telling your own family about it?!" "I literally told them about it, Karen. Kaso nga hindi sila pabor sa idea na iyon." Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Karen sa kabilang linya. "Oo nga naman, sinabi mo, pero the fact na hindi sila pumayag and you're still going to do it..."
ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek
"SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri
"A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib
NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin
NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala
NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin
NANG imulat ko ang mga mata ko ay ikinagulat ko nang mapagmasdan ang mga puno at halaman sa paligid. Taka akong nagpalibot-libot ng tingin at saka tumayo. Where am I? Nasaan na ang nasusunog na kwarto na kinaroroonan namin? At si Onyx...Tears escaped from my eyes as scenes flashed into my mind. Hindi ko siya nagawang iligtas. Napahagulgol ako habang bahagyang nakahawak sa dibdib. Napakabigat ng dibdib kong iyon at kailangan ko pang hilutin para mabawasan ang bahagyang sakit."Rose..." Boses iyon ng isang lalaki.Agad akong napalingon sa palagay ko'y pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. Napaawang ang mga labi ko nang makilala kung sino ang lalaking bumanggit ng pangalan ko. Lalo pang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng medyo may edad nang lalaki at umiiyak na niyakap iyon. "P-Papa!"Ginantihan nito ang yakap ko."P-Patay ka na po, 'di ba?" tanong ko matapos ang ilang segundong katahimikan.Ti
"THE two of you will pay for everything," mariin kong bulong. Sapat na ang lakas niyon para marinig ako ng kaharap ko. Hindi pa rin mawala ang masama kong pagkakatitig dito.Tinawanan lamang ako nito. "Anong kaya mong gawin ngayon? Wala kang kalaban-laban, Rose. Mamamatay kang hindi nalalaman ng mga tao ang tunay na mga nangyari. Papaniwalaan pa rin ng lahat na si Sheena si Rosanne Oliveros. Kami ng anak ko ang makikinabang sa mga yaman na para sa iyo talaga. Saklap 'no?""Totoo ang karma, Divine. Kung sa akin at sa ibang tao makakatakas kayo sa mga kasalanan niyo, pwes sa karma hindi."Ngumisi ito. "Basta ba ang kapalit ng karmang iyon ay ang pagkamatay mo, okay lang. Handa akong harapin ang karma ko basta mapapatay kita."Lumapit ito sa akin at saka mahigpit na hinawakan ng isang kamay ang tigkabilang pisngi ko. Nagkumawala ako sa pagkakahawak niya pero sinampal lang niya ako. My cheeks were already feeling numb. Ilang beses nang nasam
NAILINGON ko sa kanan ang mukha ko nang sampalin na naman iyon ni Sheena. Napangiwi ako nang makaramdam ng hapdi sa gilid ng labi. May likidong dumaloy doon at nang tingnan ko ang pagpatak niyon sa sahig ay nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng dugo.Nginig ang mga labing napatingin ako sa kaharap. I glanced at her nervously, her eyes were screaming resentment. Gustuhin ko mang magalit at sigawan siya ay nadadala ako ng takot sa hitsura niya. I am intelligent enough to restrain myself. Baka ikamatay ko pa ang pagpapairal ng emosyon ko.Napakagat labi na lamang ako habang pinapakiramdaman ang pagdaloy ng dugo sa baba ko. Ikinagulat ko naman nang hilahin ni Sheena ang buhok ko. Napangiwi ako at agad na napatingala. I looked at the ceiling. "S-Sheena, let go of me. P-please..."Napapikit naman ako nang may malamig na metal na dumaan sa leeg ko. I flinched after realizing what it was. That cold metal went up until my cheeks. Ilang beses akong na