Hi, readers! Ask: what time po kayo usually nagbabasa? And okay lang ba sa inyo ang haba ng story bawat chapter? ✧◝(⁰▿⁰)◜✧
Agad na nagpunta ang mga ambulansya ro'n. Hindi na rin nakalapit si Brett kay Thyra nang makababa si Felip mula sa sasakyan."I want to see if she's okay," parang nagmamakaawang sambit niya kay Felip habang tinitignan nila si Thyra na ilagay nila sa stretcher. Nakaharang naman ang kamay ni Felip sa harapan ni Brett."Can't you see she's not okay?" Kunot-noong tanong ni Felip."B-But—""Sir, sumama na rin po kayo para magamot po kayo," sabi ng isang rescuer na nagsakay kay Thyra sa ambulansya habang nakatingin kay Felip.Agad namang sumunod si Felip habang iika-ikang maglakad.Nandoon na rin ang mga pulis upang imbestigahan ang nangyari.Naiwang nag-aalala si Brett at nakatingin lang sa paalis nang ambulansya.Nang makaalis ang mga pulis sa kalsada ay umalis na rin doon si Brett. Agad siyang nagpunta sa hospital kung saan dinala si Thyra.Nagsama siya ng dalawang bodyguards upang hindi siya dumugin ng mga tao."Hi. Gusto naming itanong kung may dinalang pasyente rito kanina. Her name i
Nang makaalis sina Bettina at ang kapatid ni Laureen ay natahimik si Thyra."You need to tell me what's going on," saad ni Felip.Napalingon naman siya."Naalala mo 'yong nakuwento ko sa'yo dating nakita ko? Noong sinundan ko si Laureen sa building nila, tapos nakita ko doon 'yong lalakeng nag-threat sa buhay ni Brett," sabi ni Thyra.Tumango naman ito."The one you said is Laureen's brother who also kidnapped you?""Oo.""What about him?" Kunot-noong tanong ni Felip."Siya 'yong kasama ni Bettina kanina, at tinawag niyang 'hon'. Ibig sabihin ay may relasyon sila," sagot niya.Napatigil naman si Felip at napaisip."Teka. Paano kung alam ni Bettina ang lahat ng nangyari, at siya ang may pakana ng lahat ng threats sa buhay ni Brett?" Sambit niya."What could be the reason?"Nagkibit-balikat naman siya."What if pakana na naman ito ni Laureen? At si Ma'am Bettina ang target niya?" Wika ni Felip.Napaawang naman ang bibig niya saka tumango-tango nang ma-realize din niya iyon."Oo nga, ano?
Napatakip si Nadia sa kaniyang bibig nang tanungin iyon ni Thrina.Nag-peace sign siya kay Thyra, ngunit hindi iyon pinansin ni Thyra dahil sa kabang nararamdaman."G-Guest kasi namin siya kanina, anak," wika ni Thyra.Napalunok naman si Brett nang makitang masama ang tingin ni Thrina sa kaniya.Humakbang palapit si Brett sa kaniyang anak, ngunit tumakbo itong lumapit kay Thyra."Mommy, siya ang nagsabi sa aking bad si Papa. I hate him," sambit ni Thrina saka nag-angat ng tingin sa kaniyang ina.Agad namang napalingon si Thyra kay Brett."I-I'm sorry. Nagsinungaling lang ako sa'yo. F-Friends kami ni Felip—""You should not hurt a friend," pamumutol ni Thrina sa sasabihin nito.Natahimik naman si Brett at napatingin kay Thyra."Mommy, siya ba 'yong sinasabi niyong friend na hindi niyo na nakakasama kasi bad siya?" Tanong ni Thrina.Tumango naman si Thyra habang nakatingin kay Brett."Siya nga, anak. Pero labas ka rito. Hindi ka puwedeng sumali sa away ng mga matatanda."Ibinaling ni Thy
Kinabukasan ay maagang umuwi sina Thyra at Thrina dahil may pasok na siya sa trabaho at may klase rin ang kaniyang anak.Hindi pa niya nasabi kay Felip ang nangyari dahil busy ito sa kaniyang negosyo.Ipinaayos na rin ni Brett ang sasakyan niya at inihatid ito sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya.Hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ni Thrina na naawa siya kay Brett at kaibigan na rin niya ito.Nagkaroon pa siya ng utang-na-loob kay Brett dahil sa nangyari.Ilang beses siyang huminga nang malalim nang matapos ang duty niya nang maramdamang naninikip ang dibdib niya.Kakasakay niya lang sa kaniyang sasakyan nang mag-ring ang kaniyang cellphone.Si Nadia ang tumatawag."Hello? Pauwi pa lang ako," agad niyang sambit."H-Hello, Thyra? Dumiretso ka sa hospital. Dalian mo," natatarantang sambit nito.Napatigil si Thyra."B-Bakit?""S-Si Felip, nabangga ng sasakyan. Wala pa rin siyang malay."Tila nabingi si Thyra sa kaniyang narinig at hindi agad nakapagsalita.Nagmamadaling pumasok si
Nanikip ang dibdib ni Thyra at bahagyang nanghina habang humahagulgol. Niyakap niya si Felip at umiling-iling."B-Babe! Gumising ka!" Paulit-ulit niyang sambit.Nag-flashback sa isipan niya ang mga alaala nilang dalawa ni Felip. Kung paano niya ito nakilala, kung paano niya ito naging kaibigan, kung paano siya nito ilang beses iniligtas, kung paano siya nito pinagsabihan, kung paano siya nito inuna kaysa sarili niya, kung paano siya nito hindi iniwan, at kung paano nila minahal ang isa't isa. Ang pinakamasakit para sa kaniya ay maalala kung paano niya nito tinanggap si Thrina na parang tunay niyang anak.Pati si Thrina ay hindi napigilang yakapin ang katawan ni Felip.Napatakip naman si Nadia sa kaniyang bibig nang madatnan silang ganoon kasama si Anthony."N-No. No. No, F-Felip!" Napaiyak na lang si Nadia at nanginginig na nakatingin sa kaniyang kaibigan. Napasandal siya sa pader at hindi makapaniwala.Napaupo si Anthony at napayuko. Hindi niya maiwasang maiyak dahil naging malapit s
Niyakap ni Nadia ang baywang ni Thyra upang pigilan ito.Naiyak naman si Thyra at napatigil."H-Hayop siya. Hayop si Bettina," paulit-ulit niyang sambit habang umiiyak."Paniguradong makakalabas din si Bettina kapag nakulong siya," komento ni Anthony.Napalingon naman si Thyra sa kaniya."H-Hindi ko hahayaang hindi siya magbabayad," galit na sabi niya.Inalalayan nila paupo si Thyra at pinakalma. Baka kung ano pa ang magawa niya kay Bettina habang nandoon pa sila.Makalipas ang ilang araw ay inilibing na si Felip. Habang nasa sementeryo sila ay hindi pa rin tumigil ang pag-iyak nina Thyra at ang mga naiwan ni Felip.Nang maiayos nila ang lahat ay hindi pa rin umaalis sina Thyra doon. Nakatingin pa rin sila sa puntod ni Felip.Nagsialisan na ang mga tao at hindi naman sila nakausap ni Thyra dahil sa kaniyang paghagulgol doon.Hindi na rin napansin ni Thyra ang pagpunta ng mga Forteluna dahil nakihalo sila sa mga tao."Thyra!" Pigil ni Nadia kay Thyra nang makita nilang hinuhukay niya a
"Anak, may gusto sana akong sabihin sa'yo," naluluhang wika ni Thyra habang naglalaro si Thrina sa kuwarto nito."Yes, Mommy?"Huminga siya nang malalim at nilapitan ito. Hinaplos niya ang ulo ni Thrina habang nakangiti, ngunit naluluha."Hindi ba we told you before na h-hindi mo talaga ama si Felip?" Panimula niya.Tumango naman ito."Opo. Pero Papa ko pa rin si Papa Felip.""O-Oo nga, anak. A-Ano kasi, gusto ko na kasing ipakilala ang totoo mong ama. P-Para makilala ka na rin niya, hindi ba?" Pilit na pinatatag ni Thyra ang kaniyang loob habang naiiyak."Alright, Mommy. Kilala ka pa rin po ba niya?" Tanong nito.Tumango naman siya."Oo, anak. A-Alam mo, nahihiya ako sa'yo kasi hindi ko agad sinabi sa'yo." Namaos ang boses ni Thyra at tumulo ang kaniyang luha.Lumabi naman si Thrina at pinunasan ang luha ng kaniyang ina."Mommy, okay lang po ako. Basta okay lang kayo. At huwag niyo po akong ipapamigay, ha?" Nakangiting saad nito.Tumango agad siya."Oo naman. Hindi kita ipapamigay. B
"Wala tayong dapat pag-usapan," sambit ni Thyra.Nanlambot naman ang tingin ni Brett sa kaniya na parang nagmamakaawa."About you introducing Thrina to my parents, thank you. But what about us?" Tanong nito."What do you mean?" Walang ganang sabi ni Thyra."A-Aren't you going to give our relationship a second chance?" Tumayo si Brett at hinawakan ang kamay niya.Dahan-dahan naman niya iyong binawi."Binigyan na kita ng second chance. I allow you to fulfill your obligation as a father to Thrina, pero tayo? Hindi. Kakamatay lang ng boyfriend ko, at hindi siya mapapalitan," mapait na sagot niya.Matamlay namang ngumiti si Brett at tumango-tango."Sana ay hindi ako ma-disappoint sa'yo this time," dagdag pa niya."I promise."Nang makauwi sina Thyra at Thrina ay nag-aabang na agad sina Nadia at Anthony sa kanilang dalawa."Kumusta? Ano'ng sinabi ng mga Forteluna?" Tanong ni Nadia.Napatingin naman si Thyra kay Thrina na kalaro ang kaniyang lolo Thyrone."Tanggap nila si Thrina. Pero ramdam
"So, 'yon nga, nagkita kami ni Sir Anthony sa event. And he invited me to their family event, he also said you were coming, so I agreed," kuwento ni Nadia habang umiinom sila ng juice sa garden nina Thyra.Hindi naman umimik si Thyra at pinapaikot lang ang straw sa kaniyang baso.Napakunot-noo si Nadia habang nakatingin sa kaniya."Nakikinig ka ba?" Tanong niya.Napatingin naman siya."H-Huh?"Huminga nang malalim si Nadia saka uminom."Tell me what happened.""Huh? W-Wala namang nangyari," saad ni Thyra."Alam kong mayroon. Now, tell me. Hindi ka naman tutunganga nang ganiyan kung wala," sambit nito.Napakagat-labi siya at hindi mapakali ang kaniyang mga daliri. Ilang beses siyang napalunok at huminga nang malalim upang ihanda ang sarili."S-Si Brett," panimula niya saka siya tumingin sa kaibigan."Bakit siya? What did he do again?" Kunot-noong tanong ni Nadia.Umiling naman siya."W-Wala siyang ginawa.""Eh, ano?""S-Sana hindi ka magalit," wika niya.Seryoso naman si Nadia na nakiki
Tumayo agad si Brett at lumapit kay Thyra. Siya naman ay nakatingin pa rin sa mga kasama ni Brett.Natahimik ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.Alam niyang mukha rin siyang belong sa kanila dahil sa suot niyang pang-opisina.Tumabi si Brett sa kaniya at hinawakan ang kaniyang baywang."I'm Thyra. Brett's girlfriend," pagpapakilala niya saka siya ngumiti."Fuck," mahinang sambit ni Brett kaya napalingon siya. Nakangiti ito at parang nagpipigil. Nginitian naman niya ito."Mag-usap tayo mamaya," bulong niya.Napalunok naman ito."Did you eat?""Not yet. Kanina ka pa namin hinahanap," sagot niya."Eat first. Excuse us," saad nito at iginiya sa buffet.Iniwan nila ang kanilang mga kasama ro'n habang nakatingin sila sa kanilang dalawa."Bakit hindi ka tumitingin sa cellphone mo?" Tanong ni Thyra habang kumukuha ng pagkain."I don't know where I put it," sagot ni Brett saka kinuha ang plato ni Thyra at pinaupo siya sa bakanteng table."Kanina ka pa namin hinahanap. Tinawagan ako ni Anth
Si Thyra ang naglantad ng pagkatao ni Bettina sa lahat. Nagbayad siya ng tao, at alam niyang hindi nila ito mapapaamin.Nalaman niyang ampon si Bettina nang marinig niya ang pag-uusap nina Leandra at Benjamin tungkol sa mga ipapamana nila.Nagulat din siya sa kaniyang nalaman, at hindi naisip na kakailanganin niya ang impormasyong iyon. Matapos ang pananahimik niya sa mga ginawa nito sa kanila ay doon siya naglakas-loob na ibunyag ang katotohanan sa pagkatao ni Bettina.Sa kabilang banda, ilang beses namang huminga nang malalim si Brett habang nasa opisina siya sa kanilang building.Nakapamewang siya at kunot-noong paikot-ikot na naglalakad sa harapan ng kaniyang table.Hindi pa dapat siya papasok, ngunit marami siyang kailangang tapusin, at madami rin siyang natatanggap na email.Ilang text messages din at mga tawag ang hindi niya sinasagot dahil tinatanong siya ng mga ito kung maaari siyang magpa-interview. Alam niyang tungkol iyon sa kaniyang kapatid.Nakakaramdam siya ng pressure,
Hindi pa rin umiimik si Thyra habang nakatingin sa TV."Magbabago na ang tingin sa kaniya ng mga tao," komento ng kaniyang ama saka nagbuntong-hininga.Magsasalita na sana siya nang mag-ring ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa.Si Brett ang tumatawag."Hello?""Hi. Come here to our building, we have a meeting with my parents. I'll pick you up," wika ni Brett."Hindi na. Pupunta na lang akong mag-isa."Bumuntong-hininga naman si Brett mula sa kabilang linya."Okay. Just be careful," paalala nito.Nang maibaba ni Thyra ang tawag ay muli niyang nilingon ang kaniyang ama."Pupunta po ako sa mga Forteluna, Papa. Kayo na po muna ang bahala kay Thrina. At huwag po kayong mag-alala, may mga nagbabantay po sa labas," sambit niya.Tumango naman ito."Mag-ingat ka, anak.""Opo."Huminga nang malalim si Thyra nang magbukas ang elevator sa floor ng office ni Benjamin. Habang naglalakad siya patungo roon ay hindi niya maiwasang isipin kung ano'ng gagawin at pag-uusapan nila."You're here. I h
Nagmadaling umalis doon si Thyra at agad na nagpunta sa school ni Thrina.Naabutan niyang makapal pa rin ang usok doon at nasa harapan ng school ang mga estudyante at mga teachers.Nanghina siya sa kaniyang nakita habang papalapit doon."T-Thyra!"Napalingon siya at nakita sina Nadia at Anthony na palapit sa kaniya."N-Nasaan si Thrina?" Agad niyang tanong."H-Hindi namin alam. Pagpunta namin dito ay malaki na ang apoy. And her teacher didn't see her," nag-aalalang sagot ni Nadia.Napatakip naman si Thyra sa kaniyang bibig at napaluha.Niyakap naman siya ni Nadia"N-Nasaan ang anak ko? Kailangan natin siyang hanapin," paulit-ulit na saad niya habang umiiyak at nakatingin sa classroom ni Thrina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang mag-ring ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa.Nanginginig niya iyong tinignan at nakitang si Brett ang tumatawag.Napatingin siya kina Anthony at naisip kung paano niya ipapaliwanag na nasusunog ang school ni Thrina at nawawala ang anak nila."H-Hello?
"M-Mama?" Mahinang sambit ni Thyra.Napahawak siya sa kaniyang ulo at napapikit. Agad siyang hinawakan ng kaniyang ama nang unti-unti siyang dumausdos habang dumada*ng sa sakit ng kaniyang ulo."A-Anak? Anak, ano'ng nangyayari?"Yumuko ang kaniyang ama upang hawakan siya sa kaniyang balikat habang nakahiga siya sa sahig."M-Mama... Aah!" Sigaw ni Thyra.Lumuluha siya, lalo na nang maalala niya ang mukha ng kaniyang ina noong bata siya.Wala pang limang beses niya itong nakita noong bata siya. Ang huli ay ang malabong alaala na laging nagpapakita sa isipan niya. Nakatayo ang kaniyang ina sa pintuan nila habang umuulan at may tao sa likod nito, ngunit hindi ito maaninag ni Thyra dahil malabo pa rin ito.Naluluha namang nakatingin si Thyrone sa kaniya habang hinihintay siyang matapos.Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay nakita niyang lumuluha ang kaniyang ama kaya agad niya itong niyakap."S-Si Mama," wika niya.Hindi naman ito umimik at patuloy lang din sa pagyakap sa kaniya haba
Ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha ni Thyra sa mukha ni Brett.Biglang nagmulat ng mga mata si Brett."What are you doing?"Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra saka inilayo ang kaniyang mukha at napatayo."M-May dumi lang sa mukha mo, tinanggal ko," pagpapalusot niya.Nakatingin lang ito sa kaniya kaya nailang siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.‘Ano ba ang ginagawa mo, Thyra?’"My left arm suddenly hurt because I slept on my side," wika ni Brett saka hinaplos ang kaniyang braso.Napalunok naman si Thyra saka naupo ulit."Saang banda? Imamasahe ko na lang," prisinta niya.Napangiti si Brett saka inilahad ang kaniyang braso.Huminga naman nang malalim si Thyra saka hinawakan iyon at minasahe."I wish I always had accidents so you could be here," malumanay na sambit nito.Hindi naman siya tinapunan ng tingin ni Thyra."Don't say that. Kasi hindi naman ako pupunta lagi."Lumabi si Brett saka tumingin sa nga kamay ni Thyra na nakahawak sa kaniya."Malambot pa rin ang
"Mommy! Si Daddy?" Agad na tanong ni Thrina habang tumatakbo palapit kay Thyra. Naghihintay naman siya sa labas ng operating room. Kasama nito sina Nadia, Anthony, at ang kaniyang ama. Nauna niyang tinawagan ang mga ito bago ang pamilya ni Brett.Nanginginig naman si Thyra na yumakap sa kaniyang anak. Umiiyak na ito."N-Nasa loob pa ang Daddy mo, baby," saad niya habang hinahaplos ang likod ng kaniyang anak."W-Who did this to Daddy, Mommy?" Umiiyak na tanong ni Thrina sa kaniya at nag-angat ng tingin.Napalunok naman siya."H-Hindi ko pa alam, anak."Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak, habang si Thyra ay hindi mapakali dahil sa kaba."Ano ba kasi ang nangyari, anak?" Tanong ng kaniyang ama habang nakaupo sa kaniyang tabi."Nagpunta po kami sa shop para magpa-sculpt. T-Tapos napansin ni Brett ang isang lalakeng nakatingin sa amin. Umalis kami agad doon. Hindi ko naman inakalang susundan pala niya kami," sagot ni Thyra at hindi makatingin sa kanila."A-Ako nga dapat ang nasaksak, eh. Kaso
"What? Tell me! Why are you doing all this?" Tanong ni Brett at hindi naiwasang magtaas siya ng boses.Napakuyom naman ang mga palad ni Thyra."Maraming ginawang masama si Bettina sa akin. Hindi mo ako masisisi kung bakit ko ginagawa 'to!" Kunot-noong sagot niya.Napalunok naman si Nadia at hindi alam kung paano sila aawatin."Pero humantong ka sa gagamitin mo si Thrina para maghiganti? Why? Because you know we will be happy with her? Will you use us too?" Kunot-noong tanong ni Brett at itinuro pa ang kaniyang sarili.Hindi naman nakaimik si Thyra at unti-unting namumuo ang kaniyang luha."Itigil mo na 'to, Thyra. I know we did a lot of bad things to you, but don't use Thrina. And you can talk to my sister—""Pinatay niya si Felip! Paano ako makikipag-usap nang maayos sa pumatay sa boyfriend ko?" Pamumutol ni Thyra sa sasabihin nito.Napatigil naman si Brett at tila nagulat sa narinig."Siya ang pumatay kay Felip. Felip did nothing wrong to her. Maybe Bettina just found out about what