Prinsesa Atyrrah POV
Narito ako sa balkonahe ng aking silid. Pinagmamasdan ang mga kumikislap na mga bituin. Saka ko tiningnan ang maliwanag na buwan. Malaki iyon at maliwanag. Nagsasabi na kahit nag-iisa ito, siya pa rin ang magniningning at mapapansin ng lahat. Hanga ako sa buwan simula noong ako ay bata. Mag-isa lang sa madilim na langit ngunit palaging napapansin. Nagliliwanag at nakakatawag-pansin. Kapuri-puri tingnan.
Habang nakaupo ay ngumuso ako saka yumuko sa bariles. Gabi na ngunit ang Ginoo ay hindi pa umuuwi. Simula nang sundan niya si Binibining Yaret ay hindi ko na ito nakita pa. Sabi ni Biyola, itulog ko na lang daw ang gabing ito dahil hindi darating ang Ginoo ngunit ang aking mata ay nananatili sa pagkakabukas. Inaantok na ko ngunit kahit anong posisyon ko sa malambot na kama ay hindi ako makatulog. Kusa itong naghihintay sa kaniyang pagdating.
"Prinsesa" nag-angat ako ng tingin para makita si Aireen na lumilipad at may lungkot sa ka
Viola POV5 days. 5 days ang lumipas nang di umuuwi si Kuya Yvo. In my entire life, ngayon lang ako nakaramdam ng awa. Awa para kay Atyrrah.For 5 days, sobrang lamya niya kumilos. It seems she's a walking dead. Ni hindi ngumingiti which is unusual. Mahina kumain. Tulala. Minsan tamad pang maligo.'Eww, yuck'I don't know but I hate girls who's waiting for someone who didn't waiting for them nor thinking of them. It's dramatic and pitiful. Kuya Yvo's already have family so better if she'll move on. What's difficult in moving on?"Princess" napatingin ako sa pinto. Kapapasok lang ni Kuya Yves. Malaki ang ngiti niya at katulad ng mga nakaraang araw, may bitbit siyang mga plastics sa magkabilang kamay. Lagi siyang nandito at dumadalaw. Hindi siya nagi-stay in dito dahil aware naman siya kay Kuya Yvo. Baka biglang dumating at mayari siya."Hi Kuya" nakangiti kong bati saka tumayo mula sa pagkakasalampak sa sofa. Today is
Prinsesa Atyrrah POVNakatulala lamang ako. Pakiramdam ko'y nababaliw na ako. Iba't ibang palabas ang naiisip ko na ang dalawang tao ang bida.Ang Ginoong Ibo at si Binibining Yaret. Para akong mababaliw kakaisip sa kung anong ginagawa nila o kung nasaan sila? Kumain na kaya ang Ginoo? Niyakap ba siya ng Binibini katulad ng ginawa ko? Iniisip niya rin kaya ako? Napalunok ako. Dama ko ang lalong paglungkot ng mukha ko.'Bakit naman niya ko iisipin kung mas pinili niyang makasama ang Binibining Yaret kaysa sa akin?'Limang araw akong nagdurusa. Hindi ko maintindihan dahil ngayon ko lang ito naramdaman. Gusto ko siyang makita kahit saglit. Kahit pa lagi lang siyang nakasimangot, gusto ko pa rin iyon makita. Nadudurog ang puso ko sa bawat eksenang ako lang ang nakakakita."Atyrrah" gusto kong matulog ngunit para akong binabangungot. Puso ko pa ba ito o pati isipan ko itinutulak na rin sa kaniya?"Hey, Atyrrah" ilang beses ko man sabi
Prinsesa Atyrrah's POVPara akong nakalutang. Masaya ang aking pakiramdam. Hinalikan ako ng Ginoo sa noo sa harap ng maraming tao. Kahit pa sinabihan niya ko ng masama, nawala ang inis ko dahil sa ginawa niya. Masarap sa pakiramdam ang ginawa niya."Para kang tanga" napatingin ako kay Biyola. Nakaupo kami sa isang magandang upuan na may puting tela at may lasong kulay pula bilang disenyo. Moderno rin ang kulay ng mesa. Sa pinakaharap kami ng entablado inilagay ng Ginoo bago umalis. Naalala ko pa ang sinabi niya.Pagbabalik-Tanaw***Matapos niya kong halikan sa noo ay nakita ko ang pag-alis ni Binibining Yaret. Lihim naman akong napangiti dahil sa aking konklusyon.'Mas maganda ako kaya hindi ka na napansin ng Ginoo'"Tara" aya niya't tumingin pa sa mga kasama namin. Hinawakan niya ang aking kamay dahilan para mapangiti ako nang todo. Si Primo naman ay na kay Ibes na. Pinaupo niya kami sa pinakaunang mesa kaharap ng entablado.
Viola POV"Oh my God!" I shockly said. Ang pagbangga ng labi ni Hariette kay Kuya Yvo ay talagang takaw-atraksyon. Nagmukhang engagement party ang nangyari sa birthday party ng pamangkin ko dahil sa announcement ni Hariette lalo pa nang dumagdag ang romantic song na isinalpak bigla ng DJ.Napatingin ako kay Atyrrah para lang mapalunok sa takot. Hindi katulad sa mga nababasa at napapanood ko na aalis si girl dahil nakita niya ng harapan na ang lalaki niyang mahal ay kinakalantari ng iba. Ang Atyrrah'ng nakikita ko ay may madilim na aura. Wala nang bahid ng saya sa mukha niya. She is still looking at the stage with her blank expression pero ang mata niya, Nagliliyab iyon sa galit. Sa paraan niya ng pagtitig kay Hariette, para sinasakal niya na ito or more brutal than that.Hindi ko nagawang alisin ang paningin sa kaniya kahit pa kumakabog ang dibdib ko sa takot sa hitsura niya ngayon. Ang dilim-dilim masyado ng mukha niya at parang bigla nalang kukunin ang t
Yvo Artemis POVI am here at the front of my mansion. Madilim, tahimik at malakas ang hangin. Nakasandal ako sa kotse habang nasa bulsa ang mga kamay. Looking at my own house, I feel loneliness.It's 2:54 am. Kararating ko lang dito galing sa birthday party ng anak ko. I am drunk, upset and a mess. Hindi ko akalaing babalik ako dito nang wala ang saya. Inaasahan kong sasalubong sa'kin ang ngiti... ni Atyrrah pero hindi iyon nangyari. I made something to her. Something that may hurt her feelings.A tear form in my eyes. I get my cigarette ang light it up using my lighter. Humithit ako sabay buga nito sa hangin. Muli akong napa-buntong hininga ako.Bakit ba kailangang masaktan? Bakit kung kailan may na-realize ka na saka magkakaroon ng mali? Hindi ba pwedeng magmahal tapos puro saya lang ang mararamdaman? Challenges make you stronger? But challenge make you weak. Nandoon 'yong dadaan ka sa proseso ng sakit tapos gagaling ulit, after that, anothe
Yvo Artemis POV"Argh!" Inis akong napasabunot sa buhok ko pagtapos umalis at tumakbo paalis ni Atyrrah papunta sa kwarto niya."Hey, stop it, son" Dad tried to calm me down. Naiinis akong tumingin sa kaniya na lalo ko pang ikinainis nang makita ang malaking ngiti niya sa mukha."Seriously Dad?" I asked irritated."What? I didn't do nothing---" I cutted his words."Good then. Ayokong magkaroon ng iba pang ugnayan sa mga De Vego maliban sa apo ko. Anak, kung gusto mo nang magpakasal, tell it to me. Pwede naman si Atyrrah bilang asawa mo." I make face. "Seriously, asawa?""Bakit, ayaw mo ba?" Pilit niyang sineseryoso ang mukha niya pero masyadong mapaglaro ang boses niya. Tuloy ay lalo akong naiinis. Lalo na pag naalala ko ang mukha ni Atyrrah na talagang nagulat."Dad!" I scream because of frustration. Naiinis ako sa katotohanang kailangan ko siyang suyuin kahit wala kaming label. "Nagulat kaya siya! Kahit ako n
Yvo Artemis POVNag-alala ako bigla nang umiyak siya matapos kong magtapat ng damdamin. Even I, didn't expect that I'll confess it to her right now as what we've plan, we just coax her. Confessing isn't part of the plan."Hey, why you are crying hmm?" I asked with a worrying tone. Hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa mukha ngunit iniwas niya iyon at nagpatuloy sa pag-iyak.Rinig ko pa rin ang pagtugtog ng gitara ni Kuya Yves."Atyrrah..." I ran out of words. I don't know how to comfort her because from the very first start, I don't know why she's acting like this."P-Paano si B-Binibining Yaret?" Humihikbing tanong niya na nagpakunot sa noo ko.'Binibining Yaret? Who the f*ck is that?'"Y-Yaret? Sino 'yon?" Tanong ko. Bigla ay nag-angat ito ng tingin. Nakatakip ang dalawa niyang kamay sa bibig niya habang ang mga mata na may luha ay deretsong nakatingin sa'kin."Ang iyong nobya! Ang iyong mapapangasawa---"
Aireen POVMula sa kinaliliparan kong bahagi ng abandonadong gusali ay kitang-kita ko ang galit sa mga mata ng Prinsesa. Dama ko pati ang nagliliyab niyang galit na idinadaan niya sa hangin. Kahit ako nagagalit dahil sa hitsura ng Prinsesa. Ni kahit na isipin ay hindi ko nagawa na magiging ganito ang hitsura niya. Mula sa maayos, malinis at mabango niyang hitsura ay mukha na siyang gusgusin, mabaho at nakakasura. Gustong-gusto kong tulungan siya at kalagin ang tali sa binti at kamay niya ngunit nasa tamang wisyo pa ang aking utak.'Hindi ako maaaring makita ng mga tao'Kinakabahan ako dahil hindi na makontrol ng Prinsesa ang kaniyang galit. Nag-iiba ang kulay ng kaniyang mata. Mula sa itim ay nagiging asul ito. Imposibleng hindi makita ng mga tao'ng binihag siya.'Kaya hindi ako lalo maaaring magpakita'Napahawak ako sa mataas na bakal nang umihip muli ang malakas na hangin. Tila galit rin ito, nakikisama sa plano ng Prinsesa at g
Hello!Maraming Salamat sa suporta'ng ibinigay niyo kayla Atyrrah at Yvo. Maraming Salamat sa mga nanatiling magbasa hanggang dulo. Maraming Salamat sa bumoto, nagbasa, nagbigay ng gems at nag-aksaya ng coins. Doon pa lang sa part na nagbigay kayo ng coins para mabuksan 'yong chapter, thankful na po ako. At lalo akong nagpapasalamat sa pagbibigay ng gems at vote.Salamat sa pag-intindi ng kabuuan ng istorya kahit maraming typographical and grammatical errors. I'm still learning bud so I highly appreciate that you'd understand Atyrrah and Yvo's lovestory.I did my best to create this story. This is part of Pentagon Series at sana na-satisfy ko kayo. Marami pa'ng lalakbayin ang Pentagon, at ito pa lang ang simula.Napasaya ko ba kayo?Nalungkot ba kayo?Nagalit ba kayo?Kasi kung naramdaman niyo iyan sa pamamagitan nila Atyrrah, Yvo, Lucidiro, Hariette at Reyna Karis, then, maybe I'd satisfied you.Bud, it isn't yet the epilogue.
Mataman kong tiningnan ang mga batang naglalaro at nagtatawanan mula sa pinto ng palasyo. Ang kamay ko ay nasa loob ng aking pantalon habang nakasandal ako sa hamba ng pinto.Isang taon na rin ang lumipas.Masagana na ang lahat. Masigla na. Puro masasaya ang mga bata. Maayos na pinamumunuan ang Kaharian ng Cladmus ni Tiyo Atikus habang hinihintay si Viola na maging ganap na tagapag-mana ng kaharian. Sa kabila ng kasalanan ng Reyna Karis sa Kahariang ito at nalaman man ng mga Acrañum ang tunay na identidad ni Viola, hindi nadamay ang bata sa galit nila kay Reyna Karis.Si Tiya Agnes naman ang pansamantalang namumuno sa Kaharian ng Bilbun. Si Atirrah at Galleion sa Kaharian ng Lintuen at mag-isang pinamumunuan ni Reyna Althea ang Kaharian ng Minimulis.Binigyan ng parusa sina Atirrah, Aireen, Lucidiro at Heneral Baron. Ang parusang tinanggap nila ay depende sa kasalanang nagawa nila sa kanilang kaharian.Maraming nangyari sa
Yvo Artemis POVIto ang ika-anim na araw pagtapos ng nangyari sa Kaharian ng Cladmus. Marami na kong natutunan tungkol sa mga narito dahil araw-araw ay wala kaming ginawa ni Atyrrah kung hindi ang umalis at mamasyal sa lugar. Proud niyang ipinakikilala sa akin ang mga bagay-bagay. Halata ang tuwa lagi sa kaniyang mukha. Masaya rin naman ako pero hindi kapag gabi.Sa oras na natutulog dapat ang lahat at nagpapahinga ay hindi ako. Gusto kong titigan siya magdamag at walang pakialam kahit umaga na. Ayokong ipikit ang mga mata ko dahil sa takot na baka pagdilat ko ng mata ay wala na siya.Natatakot ako."Anong iniisip mo?" Ibinaba ko ang tingin kay Atyrrah. Nakaupo kami sa isang puno na mayabong ang mga dahon habang pinagmamasdan ang dapit-hapon."Wala" pagsisinungaling ko. Hinaplos ko ang kaniyang balikat dahil nakaakbay ako sa kaniya habang siya ay nakahilig ang ulo sa dibdib ko. Magkasiklop ang aming kamay at panay ang haplos ng hinlalak
Yvo Artemis POVHumagulgol ang lahat. Lahat sila nakapalibot sa amin. May mga paru-parong nagsiliparan sa paligid na kulay asul at dumarapo sa mga patay na Acrañum. May lumapit na dalawang puting paru-paro na lumapag sa likod ng palad ni Atyrrah.Ayokong paniwalaan. Para akong nakalutang. Ang sakit ng ulo ko dulot ng pag-iyak. Wala pa kong nasasabi sa kaniya. Hindi ko pa napapatunayan ang pagmamahal ko sa kaniya."Atyrrah..." umiiyak kong tawag sa pangalan niya. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na biglang magmumulat ang mata niya kahit alam kong imposible. Wala na ang mainit niyang hininga."Halika na," tumingala ako. Dumapo sa entrada ang mata ko. Isang babaeng naka-trahe de boda at isang lalaking walang mukha ang nakita ko. Unti-unting humarap sa gawi ko ang babaeng naka-trahe de boda. Ngumiti ang labi niya sa akin saka tumango."Atyrrah.." bulong ko sa aking sarili saka binitiwan ang katawan niya. Lumapit ako sa e
Yvo Artemis POVNabitawan ako ng Reyna nang hawakan siya ni Atyrrah sa pulsuhan. I can't believe of what I am seeing right now. The consistency of smirk and glare at her face gave shivers in my body. She is way too far from what she was used to be.Nanghihina kong tiningnan ang laban nila. Simpleng hawak lang sa braso ang ginawa ni Atyrrah pero ang gulat sa mukha ng Reyna ay bakas na bakas. Bigla ay hinawakan niya ang buhok ng Reyna at iniuntog ang ulo nito sa tuhod niya. Hindi nagpakita ng sakit ang Reyna. Hinawakan niya si Atyrrah sa braso at ipinaikot pero mabilis pa sa pagkurap na tumalon si Atyrrah na sa likod ng Reyna napunta. Iyon ang naging dahilan kung bakit tila nakakulong ang Reyna sa sarili nitong braso."Bumitaw ka!" Makapangyarihang sigaw ng Reyna pero isang kakila-kilabot na tawa ang pinakawalan ni Atyrrah."Baka nakakalimutan mo. Ako ang bida sa kwentong ito" hindi ko maipaliwanag ang boses niya. Magkahalo ang boses niya at ng
Prinsesa Atyrrah POVHindi ko magawang magsaya. Ang puso ko ay nilulukob ng takot at lungkot dahil sa mga naririnig na sigaw at iyak ng mga Acrañum. Sa pagkakataong ito nasabi ko na mahina ako. Bilang Prinsesa, dapat ko silang ipagtanggol ngunit heto ako. Nakasakay kay Havok kasama ang Ginoo.Hindi.Hindi ang aking sarili ang pwede kong isipin ngayon. Hindi ang Ginoo kung hindi ang responsibilidad ko. Hindi ako ipinanganak upang marinig ang tangis at makita ang paghihirap ng mga Acrañum."Bumaba ka Havok--""Ano?! Hindi!" Salubong ang kilay na tiningnan ko ang Ginoo. Kunot ang noo niya."Kailangan ako ng mga Acrañum" ani ko. Umiling siya at saka hinawakan ang aking tiyan."Hindi ka pwedeng masaktan. Nasa iyo ang anak ko Atyrrah" kunot man ang noo ay kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Inilapit ko ang labi sa kaniya saka iyon inilapat sa labi niya."Huwag kang mag-aalala. Sa'
Yvo Artemis POVHabang dumadampi ang hangin sa aking mukha na ginugulo ang aking buhok ay hindi ko maiwasang matakot. Fear is creeping me out not by me but for those creature. I saw the messy place. I saw how powerful the Queen is. And I can't help myself but to get worried about them especially to Atyrrah.Bumaliktad ang sitwasyon namin. Ako naman ang ignorante sa nakikita pero hindi ko ma-appreciate ang paligid dahil sa pag-aalala.Habang nililipad ako ni Havok ay lumilipad rin ang aking isip. Ano ang pwede kong gawin para makatulong? Hindi ako sumama dito para lang magtago.Inilapag ako ni Havok sa isang bundok. Kakaiba rito dahil nagliliwanag ang mga puno. May mga alitaptap rin na nagpapaganda sa lugar. I roam my eyes at the place. My hands are in my pocket as I withdraw myself from Havok's back.This place was breath-taking. It is charming. A fantasy. What I am seeing right now makes me amaze.How God created this kind
3rd Person POVNaging marahas ang bawat isa, alisto sila. Ang mga kawal at ibang Acrañum ay nakatutok ang mga palaso sa mga nag-alyansa laban sa Reyna na pinamumunuan ni Heneral Baron. Nanatili itong nakaupo sa kaniyang kabayo.Ang mga opisyal ay handa na ang kapangyarihan habang nakatingin kina Prinsesa Atyrrah at Reyna Karis. Bakas naman ang takot sa mukha ni Yvo Artemis. Hawak niya ang brasong nakapalibot sa kaniyang leeg.Ang Reyna na may apoy sa kaniyang palad ay desidido sa gagawin. Kapag naipasa sa kaniya ng pormal ang Kaharian ng Cladmus, mapapasakaniya na ang buong kaharian. Nang dumating ang Tiyo at Tiya ng magkapatid na Prinsesa ay kinabahan siya. Ayaw niyang mawala ang Kaharian na simbolo ng kaniyang kapangyarihan."Kapag sinunod niyo ang nais ko, papakawalan ko ng walang galos ang taong ito" banta niya sa lahat lalo na kay Prinsesa Atyrrah na ngayon ay walang makikitang emosyon sa mukha. Palipat-lipat na rin ang kulay
Prinsesa Atirrah POVBumuntong-hininga ako. Nalulungkot ako na magagaya ang tadhana ng aking kapatid sa akin. Natatakot ako na magaya ang kapalaran niya sa akin. Ano pa kapag nalaman ni Lucidiro na may bata sa kaniyang sinapupunan?Tiningnan ko ang aking anak. Seryoso niyang iginagala ang tingin sa Kaharian ng Cladmus. Sobra akong naaawa sa kaniya. Halata ang pagiging ignorante niya sa mundong ito. Paano nga ba mabubuksan ang isip niya kung ikinukulong siya ni Galleion sa kaharian? Na hanggang pagtingin nalang mula sa bintana ang tanging nagagawa niya.Iniangat ko ang tingin. Hinihiling kong matapos na ang paghihirap, hindi ng sarili ko kung hindi ng aking anak.Tumunog ang gong. Senyales ng pagpasok ng mga opisyal. Pangungunahan ni Narnion ang pagpasok. Ang unang pumasok ay ang mga kawal na nasa kinse ang bilang.Nag-martsa sila sa pasilyo at nang tumapat ang pinuno sa hilera ng gintong upuan ay huminto siya, gano'n rin ang mga k