PABABA pa lang si Ava sa hagdan ay sinalubong na siya ng nakakamatay na tingin ni Creed.
"Problema mo?"
Ngunit ikinurus lang nito ang mga braso at maya-maya ay umalis na sa harapan niya. Hindi niya masisisi ang binata, puno kasi ng kalmot ang katawan nito dahil lang ay hindi niya nagustuhan ang ginawa nito sa kanya kagabi.
The guy did horrible things to her at iyon pa ang kauna-unahan niyang pagkakataon na may kasamang lalaki sa pagtulog at ang katotohanang si Creed Morgan pa iyon ay talagang literal na kakila-kilabot.
Then there was Avery na isa pang sakit sa ulo para sa kanya. Kamuntikan na kasi silang mabuko ng tumawag sa kanya ang kapatid na may malaking problema sa kadahilanang na-hold pala ito sa isang boutique dahil hindi nabayaran ni Ave ang pinamili ng malamang wala na palang laman ang credit cards na hawak nito.
Hindi niya sinadyang sigawan ang kakambal dahil baka ay mabuko siya at malaman pa ng mga tao rito sa bahay na hindi siya si Avery kundi ay si Aviona.
She don't want to be discovered as a fake Avery dahil hindi pa niya nasimulan ang plano na ipaghiganti ang kakambal.
At ngayon nga ay hindi mapigilan ni Ava ang mapangiwi dahil lamang ay inaakay siya ni Creed pasakay sa kabayo sa kabila ng kanyang pagtanggi ay nakatanggap pa ito ng singhal mula sa kanya.
"Sabing huwag mo akong pilitin e. Wala ako sa mood ngayon kaya ikaw nalang ang sumakay riyan kung gusto mo."
"Bakit tumatanggi ka na ngayon? Noon naman ay ikaw pa nga ang nang-aalok sa akin na ipasyal kita sa dako paroon?"
Natameme si Ava kasunod niyon ay ang pag-irap niya. Hindi pinahalata na bahagyang kinabahan siya.
"P-people change, babe kaya tumigil ka na riyan dahil hindi mo ako mapipilit." Sumama pa ang timpla ng mukha niya dahil ay hindi siya sanay na tawaging 'babe' ang lalaking nagbigay kalbaryo sa buhay ng kapatid niya.
Umingos ang lalaki, dahan-dahan na lumapit at ang sunod na ginawa nito ay napahiyaw na lang si Ava.
Creed is now carrying her just to be with him on top of the horse.
"Oh God! Oh God—Creed!" Nakalmot pa niya ng todo ang braso nito ng biglang inalis nito ang pagkakahawak sa kanya sa pag-aakalang iiwan siya ni Creed ngunit kumambyo lang pala iyong huli upang sumampa na rin sa kabayo sa kanyang likurang bahagi.
Nang gumalaw ang kabayo ay natuod na si Ava sa pwesto at nalukot pa lalo ang damit na suot ng binata dahil sa kanyang tensyon.
"C-Creed! M-make the horse stop! Damn—Creed! Oh God."
"Why do you keep on yelling? Hindi ka naman ganito dati—"
"S-sinusumpa talaga kita na kapag mahulog ako dito p-papatayin k-kita." Kulang nalang ay tigilan niya na ang paghinga ng muling ihinakbang ng kabayo ang isang paa ay mas lalong nakaramdam ng takot si Ava.
Hakbang palang iyan, paano pa kaya kung tumakbo na?
"C-Creed p-patigilin mo ang kabayo—oh God!"
"Don't be hysterical. Nararamdaman ng kabayo na hindi komportable ang nakasakay sa kanila kaya'y nagiging agresibo rin ang ang mga ito. Now, keep calm or you can lean your back on my chest ng maging komportable ka. Hawakan mo rin ang lubid like this." Ipinakita nito sa kanya kung paano ang tamang pwesto ng kamay at noon niya lang rin namalayan na masyado na palang dikit ang likuran niya sa harapan ni Ceed.
Ngunit ng humakbang muli ang kabayo ay muling naalarma si Ava.
"I said don't panic. Baka mahila mo ang lubid at tatakbo pa ng mas mabilis ang kabayo na minamaneho mo kapag nagkataon."
"K-kung bakit ba k-kasi ay pinasakay mo pa a-ako rito—Creed! P-patigilin mo ang kabayo please."
"You're overreacting Avery." Kapagkuwan ay bumaba ang mukha nito at itinapat ang bagang sa kanang balikat niya. Hinawakan rin ni Creed ang baywang niya na parang pinapakalma siya.
Dahan-dahan na ring umaayon ang katawan niya sa bawat galaw ng kabayo and for some reason, she became in a normal state dahil sa ginawa ng lalaki na nakapwesto sa kanyang likuran.
"Horses are sensitive. Why'd you seems like afraid to travel around with a horse where in fact, mas mahilig ka pa nga sa horseback riding kaysa sa akin noon."
Nakagat ni Ava ang labi dahil isa pala iyon sa kaibahan nilang dalawa ni Avery. She's afraid of heights lalo na kung maggalaw ang isang hayop ay talagang magtitili na siya dahil sa takot.
"P-people do change, Creed. Nabanggit ko na iyon sa iyo kanina—"
"OK. Are you comfortable now?" Inalis nito ang pagkakayakap sa baywang niya bilang suporta sa likuran ng kabayo ngunit ng maramdamang parang mahuhulog siya ay hinila niya ang kamay niyong huli at pinirmi na roon.
"I s-swear Creed. Papatayin talaga kita kung nagkataong balak mong ihulog ako—Creeeeed!"
"Head straight up, Avery."
Pakiramdam ni Ava ay humiwalay ang kaluluwa niya ng biglang tumakbo ng mabilis ang kabayo dahilan kung bakit isiniksik pa niya lalo ang likuran sa lalaki. Hawak nito ng mahigpit ang mga kamay niyang nakahawak sa lubid at mas lalo pa niyang naramdaman ang katigasan ng kanyang katawan.
"C-Creeeeeed! Make it stop!"
Ngunit wala na itong naging tugon at diresto na ang pagmamaniobra sa kabayo paharap.
Aviona was struggling to take a breath dahil ang takot na baka mahulog siya ang tanging dinaramdam niya lang sa puntong 'yon.
Okay pa sana kung kotse itong sinasakyan nila ngayon subalit hindi e. It was an immigrated animal na isa sa kinakatakutan niyang masakyan.
"Bumaba ka na. Nandito na tayo." Ngunit hindi umimik si Ava. Nanatili lang nakapikit ang mga mata niya dahil sa sobrang takot na dinaramdam.
She was even stomped her feet on both sides of the horse upang iparating kay Creed na hindi siya baba.
Ngunit isang malamyos na mga braso ang humawak sa tagiliran niya kung kaya't dahil sa sobrang gulat na baka malaglag nga siya, diresto niyang nahagilap ang leeg ng binata at isiniksik pa lalo ang mukha roon.
"P-papatayin talaga kitang hayop ka!" Sikmat ni Ava subalit tumawa lang si Creed at maingat pang ibinaba siya.
"Safe ka na. Hindi ka na malalaglag kay Scorpion." She even felt his heart pounded too fast ng dumukwang ito upang maibaba siya.
Creed was taking all of her weight wholly at wala man lang naging reklamo ang lalaki and was even taking care of her the way she doesn't feel the same.
Napabuga siya ng marahas na hangin lalo na ng iginala niya ang tingin ay literal na nalaglag ang panga ni Ava ng makitang nasa isang rancho pala sila. A good sight to see lalo na ang mga kabayo na nagtatakbuhan sa isang malawak na patag ngunit may nakaharang na bakod sa bawat end of line ay namangha siya.
"Come. Nandito na marahil sina Acevel, trunks and Kit."
Wala mang ideya kung sino ang pinangalanan ni Creed ay nagpatianod na lang siya ng hinawakan nito ang kanang kamay niya at ipinagsalikop iyon.
Napatingin si Ava sa magkadikit at magkahalugpong nilang mga kamay habang binabaybay na nila ang malawak na daanan. Samot-saring dayami ang nakikita ni Ava habang tinutungo nila ngayon ang isang malaki at magarang housing sa gitnang bahagi ng rancho with a distance away from the vast yard of the horses filets.
"Creed!" Masiglang sigaw ng isang magandang babae ngunit ng makita siya nito ay bahagyang umismid iyong huli at humina rin ang tono.
Dismayado.
"Ace!" Balak pa sanang bitiwan ni Creed ang kamay niya ngunit nang mag-angat siya ng tingin at sinamaan iyong huli ay bahagya pang nagulat ito ngunit hindi na rin naman tumuloy.
"Creed! Avery!" Sabay na nilingon nilang pareho ni Creed ang dalawang gwapong lalaki na suot ang riding gears at bota habang binabaklas ang magkaibang klase ng latigo at kahit hindi maalam si Ava sa pangangabayo, she can say na iyon ang gagamitin once on field na upang imaniobra ang kabayo na sinasakyan.
"Avery, kumusta?" Tinapik ng bagong dating iyong balikat niya kung kaya't sumunod ang tingin ni Ava roon.
Maybe this guys are Creed's friends.
"Hindi na dapat siyang kumustahin Kit. Literal na aktingera at mahilig mamilog ng ulo ang babaeng iyan."
"Acevel!" Umirap ito ng binalingan si Creed at madilim ang mukha ng lumipat ang tingin sa kanya.
Ava doesn't have an idea. Though mainit ang salubong ng mga ito sa kanya ngunit above all that, she can say na mukhang distant sa kanya ang mga ito.
Even the guys named Trunk and Kit ay masyadong makulit sa tuwing nakikipagbibiruan kay Creed ngunit even just a seconds she turned her gaze to them, bigla itong matatahimik kasunod niyon ay ang lagaslas nalang ng tubig sa batis at ang simoy na hangin na lang ang maririnig.
Ngayon ay napagpasyahan ng mga lalaking mangabayo at naglikha pa ng paligsahan pagkatapos ay naiwan si Ava sa may porch ng housing kasama si Acevel na kanina niya pa napapansin ang masamang paninitig nito sa kanya.
Ano kaya ang problema ng isang ito?
Gusto niyang tanungin ang babae subalit sa tuwing tangkain naman ni Ava na lumapit, ay dumidistansya rin ito kaya'y naiinis siya ngunit hindi niya pinahalata.
"Haven't thought na pagkatapos niyong nangyari ay hindi ka magpapakita pa muli rito? Maayos ba ang tulog mo noong araw Avery?"
Ibinaba ni Ava ang pamaypay sa sinaing na isda at binalingan si Acevel. "Okay lang naman. Bakit mo naitanong?"
May alam ba ang babaeng ito sa nangyari noong araw sa boutique dahil ay hindi nabayaran ni Avery ang gusto nitong iuwi na mga dresses?
"Good for you. Bad for Creed."
"Huh?" Umismid ito.
"You're not dumb not to realize things. Hindi na tayo mga bata Avery at iyong ginawa mo ay literal na hindi dapat bigyan ng isa pang pagkakataon, but because Creed loves you. Itinapon niya nang basta na lang ang galit niya kahit kapalit niyon ay ang pagiging tanga niya na."
Kumunot ang noo ni Ava. Walang ideya kung bakit ganito kung pagsalitaan siya ng dalaga kung kaya't hindi niya mapigilan ang makaramdam ng pagkairita.
"What are you saying then—"
"Oh God! Please don't act like a victim here because you're not."
Nanlilisik ang mga mata nito na kulang nalang ay gusto siya nitong sabunutan sa hindi niya malamang dahilan. Ganoon rin ang nararamdaman ni Ava, parang gusto niyang kalmutin ang mukha nito dahil halatang ka-plastikan rin lang naman ang pakikitungo nito sa kanya.
"H-hey! A-anong nangyari dito?"
Siyang pagdating ni Trunks at Kit habang nasa likuran si Creed na kaagad nahanap ang mga mata niya na nakakunot ang noo bago dagliang nilapitan siya.
Niyakap siya nito at hinalikan pa sa noo bago sinuri ang mukha niya only to find herself that she was catching for her breath.
"Are you okay? Anong nangyari?" Magsasalita na sana siya ng biglang pumailanlang ang boses ni Acevel.
"You're really pity Creed. Nakakainis ka na. Hanggang kailan ka kaya magpakatanga riyan sa asawa mo?"
Then the woman stormed outside at hindi na muling bumalik pa. Trunk and Kit did go follow Acevel kaya naiwan siya sa porch kasama si Creed.
"Ano ba ang nangyari? Nagkasagutan na naman ba kayo? Hindi ka naman ba nagpaawat Avery?"
Tinulak niya si Creed upang mabigyang espasyo ang mga katawan nila dahil pakiramdam ni Ava ay hindi na siya makahinga.
"Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagagalit ang isang iyon habang nagdadaing ako ng bangus dito. Pagsabihan mo iyang kaibigan mo ha? Nakakairita."
"You can't blamed her, Avery."
"And why can't I blamed her? Siya iyong bigla-bigla na lang umaapoy kahit na hindi ko pa sinindihan—"
"She can't forgive you after what you've done. It isn't acceptable para sa kanila."
Umalis si Creed sa harapan niya upang abutin ang hawak niyang pamaymapay at ito na ang nagpresintang ipagpatuloy ang ginagawa niya.
"Maupo ka lang riyan. Don't stress yourself—"
"Hindi ako imbalido Creed kaya ibalik mo iyan sa akin." Madilim ang mukha nito ang bumungad kay Ava pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Atleast just today, don't act like you want to do things. Iyon naman ang gusto mo diba? Palaging nakaupo at gustong walang ginagawa?"
"A-ano? Aba! Sa aming magkapatid ay ako iyong mahilig sa mga gawaing bahay. Avery is just a cornpit because she's fragile at kaunting galaw lang ay hihikain na iyon—" natigilan si Ava ng ibinaba ni Creed ang pamaypay at mariin na tinitigan siya.
"Why are you mentioning yourself in your statement? Are you not Avery?"
Nanlaki ang mga mata niya at huli na upang bawiin pa niya ang sinabi dahil rinig na rinig na iyon ni Creed.
"Well, are you not Avery? Hmm?"
Damn it!
"I-I mean...I am fragile kaya nga uupo na lang ako rito gaya ng nakasanayan ko yeah?" Pekeng ngumiti pa siya upang ipakita rito na talagang pagod na rin siya.
Pinaypayan niya pa ang sarili na parang naiinitan ngunit ang totoo ay kinakabahan talaga siya dahil baka sa walang preno niyang mga salita ay mabuko pa siya ni Creed ng wala sa oras.
"Sino ang gustong magtampisaw sa batis?" Inangat ni Trunk, Kit at Acevel ang mga kamay ng matapos na silang nananghalian ay pareho na silang narito sa malawak na bakuran.
Only Ava and Creed did not raised a hand kaya'y ng bahagyang nalukot ang mukha ng tatlo ay nagulat na lang siya ng biglang umangat ang kamay niya only to find that Creed raised her hand too, together with his.
"I don't know why my wife today is not in the mood to take a swim. Pero dahil gusto ko at gusto nating lahat, Avery will join us!"
Napalunok si Ava dahil hindi siya marunong lumangoy unlike Avery na eksperto sa kahit anong anggulo pa iyon.
Hindi niya sinadyang tingnan si Acevel na ngayon ay walang reaksyon na nakatingin sa kanya. Umirap pa ito kaya'y inirapan rin niya ang dalaga.
"Aba't—Creed! Iyang asawa mo—"
"Let's go Ave." Inangat ni Creed ang kanyang katawan mula sa pagkakaupo kaya'y napahawak na lang siya sa leeg ng binata sabay tampal sa didbib niyong huli.
"Put me down Creed ano ba!"
"I saw you and Acevel. Hindi talaga kayo magkakasundo kung ganyang parehong mataas ang pride niyo sa isa't-isa."
Diretso na ang tungo ni Creed sa malinis at malinaw na batis na nagmula pa ang tubig sa mabatong bahagi roon sa itaas kung kaya't ng nilubos-lubos na ng binata ang pagsuong sa malalim na parte ng tubig ay naalarma siya.
"C-Creed, b-baka may ahas—"
"Kakaiba ang ikinikilos mo ngayon as what I've observed. You are afraid to ride a horse na noon ay siyang pinakapaborito mo sa tuwing tutungo tayo sa may rancho at ngayong nandito tayo sa batis ay aayaw—"
"Kindly put me down Creed!"
"OK then."
Ibinaba nga siya ng lalaki at ng maramdamang hindi niya naapakan ang buhangin sa ilalim ay nakagat na lang ni Ava ang labi at bahagyang todo na ang tahip sa kanyang didbib.
Napalunok pa siya ng biglang umalis si Creed at lumangoy sa mas malalim pa ng parte kung kaya't hindi na talaga nakagalaw si Ava sapagkat lagpas leeg na kasi niya ang tubig at wala pa siyang naapakan kahit na ano kaya'y hirap siya na huminga ng mas malalim pa.
Oh God! Please allow me to live several years.
"AVERY, come here for a moment. Hindi ba mabato riyan?"Tawag ni Creed sa asawa na kaagad sinalubong ang mga mata niya habang naroon pa rin ito sa binabaan niya nito kanina.Mistulang natuod sa pwesto at makailang beses niya na ring napansin na bumadha sa mata nito ang takot, but he doesn't feel scared. Avery knows how to swim at siguro ay acting na naman nito ang ganoong emosyon."C-Creed a-atleast hold my hand for—""Come on Avery. Mas bet mo ang mga malalim na parte right? Now I'm granting your wishes."Namataan niya sina Kit at Trunk na lumulusong na rin sa tubigan palayo sa kanila kaya'y nagkaroon si Creed ng pagkakataong lapitan iyong dalawa lalo pa ng makita niya si Acevel na nakabusangot na ang mukha sa kadahilanang parating na ang kaibigan niyang si Gulliver Hernandez upang makisali sa pagligo nila ngayon dito sa batis."Doon muna ako sa kanila Avery." Pamamaalam niya ng hindi binalingan ang asawa dahil may tiwala naman siya rito na hindi ito mapaano dahil marunong naman kasi
"JUST ENSURE na hindi ka mabubuko ni Creed Ava. Problema na si Avery sa kanya at sure ako na kapag malaman niya itong pagpapanggap mo, he will not be broken twice, but thrice."Ngunit umirap lang si Ava bilang tugon sabay ayos ng salawal na ibinigay ni Gulliver sa kanya upang hindi siya mahamugan."He beats up my sister. Avery was damn abused on his hands kaya'y pansamantalang lie-low muna si Ave ngayon dahil gusto ko na ako mismo ang maghiganti sa kapatid ko."Mula sa diretsong tingin sa unahan, humarap si Gulliver sa kanya at hindi alam ni Ava kung bakit ganoon ang paraan ng paninitig ng kaibigan sa kanya.Gulliver Hernandez was her friend at hindi niya inaasahan na dito pa talaga niya muling makikita ang kaibigan at ang mas lalong kagimbal-gimbal na katotohanan ay kaibigan rin pala ni Creed Morgan ang lalaki."Are you pretty sure that you really know your twin's persona? I-I mean, kapatid mo siya pero kilalang-kilala mo na nga bang talaga iyang kakambal mo Ava?""What do you mean,
AVIONA rushed over to Gulliver's condo upang magpatulong na hanapin ang kakambal niya dahil hindi niya talaga ito makontak."Please help me Liver. Avery is still cannot be reached at nag check out pa talaga sa compound na binili ko para sa kanya. I even left Creed's house para lang mapuntahan ka rito kaya sana ay tulungan mo ako." She was almost pleading at kung maaari lang na lumuhod siya ay gagawin niya iyon matulungan lang siya nito.Gulliver is wearing his bathrobe at gwapong-gwapo ang lalaki sa disposisyon na iyon ngunit wala namang epekto iyon sa kanya."Liver please. Help me find Avery to where she was now. I can't contact her and her phone now was off. Ni hindi man lamang niya inalam kung kumusta na ako tungkol sa nangyari noong araw." Maluha-luha na si Ava lalo pa nang nanumbalik sa utak niya ang galit na mukha ni Creed kagabi at muntikan nang mauwi sa panghahalay sa kanya."Calm down, Ava!" Inalalayan siya ni Gulliver upang makaupo sa long sofa. He even embraced her bilang s
MAGDAMAG na walang tulog si Creed dahil ay panay ang pag-inom niya sa beer at sa tuwing mauubos ang basyo niyon ay kukuha naman siya sa ref.He was in despair. Nagtataka kung bakit kakaiba ang ipinapakitang kabaitan ni Avery sa kanya kanina. Or was that her bait upang magpaawa na naman at malaglag na naman siya sa kamandag ng asawa niya?Creed don't know..."Why are you still drinking at this late hour Creed? Go to your room and sleep." Natawa na lang siya kasabay ng kanyang pagbahing. Katawagan niya through video call ang nakakatandang kapatid niyang si Nicholai."Don't mind me brother. Matutulog ako or maybe not." Because his mind were travelling on a different dimensions and only Avery's actions recently is the content."Wala ba si mommy riyan ng sa ganoon ay mapagsabihan ka? I heard about your wife, Creed. I suggest you to broke up with her now. Don't be intrigued by her whims. I hated her for treating you like a dumbed. At ikaw naman itong ugok, pinalaking disinte ay nagpapakatan
"SUMUNOD ka na lang sa akin dahil nauna na ako. Nagkaroon kasi ng problema sa may port kaya'y kailangan ko pang mag-arkila ng magaling na taga-ayos ng makina."Basa ni Aviona sa mensaheng ipinadala ni Creed sa kanya. So ganoon na lang iyon? Ang akala pa naman niya ay sabay silang aalis ng kabahayan ngunit hindi pala.Kagabi pa niya naimpake ang mga gamit dahil masyado siyang excited kung saan man kaya sila pupunta, but then again. Susunod lang pala siya. She doesn't have an idea kung saang lugar sina Creed at ang kakambal niyang si Avery nag-honeymoon noon."Liver, do you have an idea kung saan sina Creed at Avery nag-honeymoon noon? Wala akong alam at wala pang ikinalabit na address ang lalaking iyon. Naku lang talaga!?"Nandito pa siya sa kwarto nila ni Creed na kung tutuusin ay sa kakambal niya dapat siyang magtanong subalit hindi na talaga makontak ni Ava ang magaling na kakambal niya."Your twin is really getting into my nerves Ava. Wala pa bang napapansin si Creed na hindi ikaw
GALANTE ang entrada ng asawa niyang si Avery hanggang sa tuluyan na itong nakasakay sa yate. Creed smirked at nagkaroon ng kagustuhang harapin ito subalit natigilan siya ng makita ang lungkot sa mga mata nito.Leaning on the railway of the left wing, Creed can say that his wife is really expressing her real emotion. Hindi peke at walang halong acting or what.Hindi alam ni Creed kung bakit siya ay ganoon rin ang nararamdaman. Kaya'y sa halip na gawin ang pagtalikod at tunguhin ang silid sa loob ng yacht. He found his way slowly crossing the distance between them.Hindi niya inaasahang haharap si Avery kung kaya't natigilan si Creed sa paghakbang at huling-huli nito ang mga mata niya. At doon ay mas lalo niyang nasaksihan ang katamlayan nito base sa emosyon.But then Avery smiled. But Creed wasn't convinced. Kaya'y sa halip na umatras bunga ng kahihiyan. Creed found his arms hugging his wife for a comfort and said;"What's wrong? Why are you pale? Nalulungkot ka ba dahil hindi mo nakas
PALALIM na palalim na ang gabi subalit kanina pa hindi mapakali si Ava habang nasa loob siya ng silid while Creed was in the shower room too early.Kinakabahan siya. Hindi kasama sa pagpapanggap niya bilang si Avery ang isiping ang asawa ng kakambal niya.Sinipat niya ng tingin ang pintuang nakasara habang nasa loob pa rin niyon si Creed at tanging lagaslas lang ng tubig ang naririnig niya mula roon.Bumaling ang tingin ni Ava sa nakapatong niyang cellphone sa side table kung kaya't mabilis siyang tumayo at nang napasakamay na ang cellphone ay mabilis siyang lumabas sa kwarto kasabay niyon ay ang pag-dial niya sa numero ni Gulliver."What Ava? Nasa meeting ako dahil sa isang confidential na kaso na dapat kong malutasan." Bungad sa kanya ni Gulliver kung kaya't isinantabi na lamang niya ang sinabi ng kaibigan.Tinungo niya ang malapit na railing sabay sandal niya sa malayang kamay roon habang nasa kaliwang tainga ang cellphone. Malalim na ang gabi kaya'y malamig na rin ang simoy ng han
"SIR, WE only gathered the—uhh-uhh! Excuse me."Daglian siyang itinulak ng asawa ng marinig ang boses ng isang coast guard. Napatayo rin si Avery sabay pamumula ng mukha nito dahilan kung bakit nakagat ni Creed ang labi dahil tuwang-tuwa siya sa naging reaksyon ng magandang asawa niya."Hey, what's wrong?" Alam niyang nahihiya ito. Nakaalis na iyong head sa coast guard kaya'y muli niyang hinatak si Avery dahilan kung bakit bumagsak ang pang-upo nito sa kandungan niya."Creed?!""Yes? May problema?" Masuyo niyang hinalik-halikan ang likuran ng asawa sapagkat tila ba ay nauulol na siya sa sobrang sarap nitong amuy-amoyin. "Malapit na tayong dumaong. Get ready of yourself. Ipapasyal kitang muli sa mga bayan roon. And since you didn't like the idea of walking, mag-sasakyan tayo."Naalala niya pa si Avery na halos sakmalin na siya dahil ayaw nito ang ideya na maglakad sa pamamasyal kung kaya't ngayon, ay iibahin niya na."Do you like that, Avery?""Yeah. But can you please get away your ha
"ARE you sure you can handle it by your own, Ric?"Makailang ulit nang tanong ni Creed iyon sa lalaki bago ito muling nagpaskil sa kanya nang ngiti."I am pretty sure about this one, Mister Morgan. That one thing you wanted me to elude about was very easy to fixed.""That's good. Ayaw ko lang naman na ma discourage sa akin si Avionna." Saka si Creed ngumuso dahilan kung bakit humagalpak sa tawa si Ric."You are not a kid. And I'm not getting used of you acting like one. Not so you, Creed. Very cringed!" Sikmat nito na hindi nakaligtas sa paningin ni Creed ang pabirong pagkasuka.He planned to put some artistic designs on Avionna's restaurant. Hindi ni Creed ipinaalam kay Ava sapagkat gusto niyang sorpresahin ang dalaga, with the help of his most trusted men.Richard was known as being an expert in architectural designs and interior kung kaya't sa lalaki si Creed humingi ng saklolo sapagkat madali nga lang naman para rito iyon. Isa pa, nais niya talagang ayusin ang infrastructure ng re
HINDI ni Ava lubos maisip. Lahat nang magagandang pangyayari ay sa buhay niya mismo naitugma. Lying in the bed with the most solitable man on earth, there is Creed Morgan smiling gently at her."Good Morning, Sweetie." Creed with a happy smile on the face.Hindi rin kayang ipaliwanag ni Creed ang sayang nararamdaman ngayong kapiling niya na ang babaeng tunay na nagpapatibok ng puso niya.But both of them still had a hesitation with the connections of Avery Rodriguez that is until now was missing in action. Maging si Avionna ay hindi rin mapigilan ang matakot at mangamba. Though she has a right...but still, her twin wasn't aware about all of it.It's just Creed, Ava and the rest was history."...I'm not sure about it. Sigurado ako na one at a time. Tatawag sa akin si Avery dahil wala na siyang pantustus sa ka pritso niya.""W-what do you mean, Creed?" Still glanting her sight to him. Nagtatanong ang mga mata ni Ava na nakatitig kay Creed.Creed just sighed."Avery has my ATM's, Ava."H
SA MALAMBOT na folding bed ay iling-iling na tiningnan siya ni Ace at Nicho habang pinupunasan ni Gulliver ang mga dugo niya sa katawan.Mula sa nakasaradong pintuan ng rooftop ay pumasok roon si mommy Kiara.Humahangos at nagmamadali."They are routing the room number 45. Iyon ang sabi sa'kin ng nurse na siyang tinanong ni Aviona." Binalingan siya nito. "How are you son? Wala bang masakit sa'yo?"Sasagot na sana si Creed nang sumabat si Nicholai."I can't believe you almost killed yourself just for this Creed. I really can't." Umiling ito halatang hindi makapaniwala. "Your love for her can kill you at this point. Minahal ko si Aviona pero hindi humantong sa ganoong se—""Shut up Nic. I was desperate."Si Ace naman ay tinaliman siya nang tingin habang nakasandal ang likuran sa couch."You're stupid and a dumbass. Delikado iyon Creed. Napaka-suwail mong lalaki ka. Paano kung natuluyan ka nga nitong si Gulliver?" Mula sa kanya, si Gulliver naman ang binalingan ni Ace. "Isa ka pa. Magkai
"YOU SHOULD give Creed a chance to talk and to prove na inosenti nga siya. Kung may nangyari man sa kanila ng kakambal mo ng gabing iyon ay ako mismo ang kakalampag sa gwapong itsura ng Morgan na iyon."Giit ni Cassie nang kinwento niya isang araw ang mga posibleng nangyari noong gabi na kasama ni Creed ang kambal niya sa isang bubong.Wala mang sinabi ang lalaki dahil ayaw niyang pakinggan ang eksplenasyon nito, alam ni Ava na hindi lang magtitigan ang negatibo at positibong nilalang sa loob ng isang mapusok at malamig na panahon.Ayaw man niyang mag-isip ng kung ano-ano, but knowing Creed and Avery has the same level of relationship, mag-asawa. Alam niyang may nangyari nga sa dalawa.Sa palaisipang iyon ay labis na nadudurog ang puso niya.Nang gabing hinintay siya ni Creed sa restaurant ay totoong malapit na siyang bumigay. Halik pa lang kasi ay siguradong nangangatog na ang tuhod niya at gusto na lamang luhuran ito. Pero pinairal niya ang dignidad. Lalo na sa tuwing maiisip niyang
MAINIT ANG ulo ni Creed. Umatras kasi ang bigating investor niya na mula sa Bhutan.Kung anuman ang rason nito ay nanatili pa ring blangko sa kanya.Buong araw siyang nanunuplado sa mga empleyado na iniintindi ang pagkamainitin ng ulo niya. Nasayangan siya kay Mr. Dominguez. Ngunit alam naman niyang hindi niya mapipilit ang lalaki na mag-invest ng malaking halaga sa kompanya niya.Tinawag siya ni Ricky. Nasa isang construction site kasi sila ngayon dahil inimbita siya ng kanyang kakilalang engineer. Hawak niya ang floor plan, foundation plan pati na rin ang biometrics habang nakaangat ang tingin sa may scaffold area na nasa itaas."I'm sorry kung naimbitahan kita rito Creed. Gusto ko kasing hingin ang persepsyon mo tungkol sa availability and sustainability nitong mga materyales na inangkat ko."Inayos niya ang suot na engineer's cap bago ibinaba ang tingin sa foundation plan."Walang problema Laxus. Alam mo namang mahilig rin ako sa mga engineering stuffs." Ngumiti ito. "Kaya nga ika
MAAMBON na sa labas. Lahat ng mga empleyado ni Ava ay isa-isa ng sinusundo ng mga asawa nito."Ma'am Ava. Hindi pa po ba kayo uuwi?" Sita sa kanya ng isang teller sa may cashier department."Hindi pa. Aasikasuhin ko muna ang iilang dokumento at iyong kita rito sa kainan."Ngumisi ito. Tumugon na rin siya kahit hindi niya kilala ang babaeng ito sa sobrang dami ng mga empleyado niya. Akala ni Ava ay tutuloy na ang babae sa labas nang bigla itong lumingon ulit sa kanya dala ang hindi gaanong kabigatan na bag."Matanong ko lang po sana kayo ma'am Ava kung hindi ninyo mamasamain."Napanting ang tainga niya roon.Nasa wedding event kasi ngayon ang kaibigan niyang si Cassie dahil ito ang organizer. Samantalang si Nicho naman ay tutok rin sa lappy dahil sa HongKong nga kasi nakabase ang trabaho nito."Ano iyon? May problema ba sa mga customers kanina?" Pang-uusisa ni Ava."Hindi iyon ma'am. Tungkol po sana kay ma'am Avery." Umangat ang tingin ni Ava sa makahulugang boses ng babae na bahagya p
PAYAPA ang araw ni Creed na makitang masaya si Aviona kasama ang mommy niya maging sina Cassie at Acevel sa pagsa-shopping.Mukhang nakakalimutan na siya ng dalaga sa tuwing may girls night out ang mga ito nang hindi niya na mabilang. He was damn happy and was sad. May karibal na kasi siya sa oras ni Ava kahit noon ay siya lang palagi ang aatupagin nito dahil kukulitin niya.Though he can't subside the fact that it was the whole he wanted for his lover together with the relationship of his mother and even his friends. Hindi pa rin niya mapigilang mainggit sa kapamilya niya na masyadong aroused kay Ava.Kung noon ay masyadong malayo ang loob ni Ace kay Ava, ngayon ay ultimo kahit sa pagsi-cr ay dapat magkasama pa. Naiinis siya ngunit hindi niya nalang pinapahalata. His mommy Kiara always bring foods for their breakfast sa tuwing umaga dito sa tinirhan nilang compound ni Aviona.It was all started noong nalaman ng lahat na nagpapanggap lang si Ava bilang si Avery dahil ikinabit niya na
"HOW ARE you today Aviona, right?"Kabado man ay tumango si Ava pagkatapos maibaba ang baso ng pineapple juice na sinerved ng serbedura. She must have her sense of mind lalo na ngayong kaharap niya na ang supladang ina ni Creed na si Kiara.She wanted Creed beside her ngunit alam niyang mas lalo siyang mag-re-rely sa lalaki kung sasanayin niya ang sarili na kasama ito palagi.Nakasunod ang mga mata niya sa pinong galaw ng ginang at kahit may kaedaran ay nanaig pa rin ang pagka-elegante sa napaka-proper posture and movement nito kahit na ganoon katiting."So you owned the restaurant I like?" Tanong nito na may halong pananantya at paninigurado. Kaswal na idinantay ni Ava ang kaliwa niyang binti sa kanan bago sumagot sa ginang. "Oho. Ako at si Avery ang nagmamay-ari niyong kainan."Pansin niya ang pag-angat ng kaliwang kilay nito bago tumango-tango."Since you were talking about Avery. Nasaan na ang ambisyosa at malanding kakambal mo ngayon? Uhh...I'm sorry for addressing her such words
NAKAABANG na kay Aviona ang unang taong tinawagan niya nang magkaroon siya ng pasya na bisitahin ang restaurant niya at ni Avery. Or, it would passable as her sweat and tears only. It was only her who built such establishment para sana ay dagdag income man lang.Nakasakay sa taxi dahil hindi niya pinahintulutan si Creed na sumama sa kanya o kahit magpahatid man lang, pasan niya na ang consequences laban sa lalaki. Hindi siya ang asawa ngunit pakiramdam niya ay pagmamay-ari niya si Creed. The feeling of being touched by him and cuddling with him in the same bed after the romantic sex. Naipikit ni Ava ang mga mata dahil nararamdaman niya pa ang kahabaan ni Creed sa sinapupunan niya na humuhugot-baon na nagtatagis pa ang bagang dahil sa labis na kapusukan.Ngunit aminado si Ava sa sarili na labis niyang nagustuhan ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Kung mangyayari mang magkaproblema ay masaya siyang isuko si Creed sa kakambal niya. Hindi siya naniniwalang on processing na ang annullm