Share

CHAPTER 11

"Sir Jaron, welcome home po salamat naman at safe po kayong nakabalik dito sa atin," magaang wika ni Manang Didit kay Jaron.

"Oo nga po, Nay," nakangiting tugon naman agad ng binata sa ginang.

Samantalang alumpihit naman ngayon si Luisa sa kaniyang kinatatayuan at pakiramdam niya kahit anumang oras ay babagsak na siya sa dahil sa kaniyang nakikitang mukha ngayon.

"Siya nga pala, Sir Jaron ito po si Luisa ang bagong kawaksi at siya na rin po ang bahala pagdating sa mga personal ninyong mga kailangan," pagpapakilala ni Luisa kay Jaron.

Mula kay Manang Didit ay nabaling ang tingin ni Jaron kay Luisa sa isip-isip ng binata ay parang pamilyar ang bago nitong katulong kaya mapanuring naglakbay ang tingin mula ulo hanggang paa sa babaeng kaharap niya.

Kung kanina ay hindi na mapalagay si Luisa ay mas trumiple pa ngayon ang kaniyang nararamdaman kulang na lang tumiklop na ang buong katawan niya sa panginginig. Kung makasuyod kasi ng tingin si Jaron sa katawan ay para bang may atraso siya sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status