Share

Kabanata 0002

Author: Kara Nobela
last update Huling Na-update: 2024-11-02 21:46:44

Ella POV

Nakalahad ang palad ni Miguel at para bang kay hirap para sa akin na tanggapin yun. Ganun pa man ay kailangan kong paglabanan kung ano man ang aking nararamdaman. Wala akong makitang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. Natural at tila ba ngayon lang kami unang nagkita. Kabaliktaran naman sa aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako ano mang oras mula ngayon.

“Nice meeting you too Mr. dela Vega.” pilit akong nagsalita nang pormal. Propesyonal akong ngumiti at tumingin sa kanya upang hindi ko maipagkanulo ang totoong nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Sabay kaming naupo. Nilingon ni Sofia si Miguel na kauupo lang.

“Sorry I’m late.” mahinang wika ni Miguel sa nobya nang magsalubong ang kanilang mga mata.

“It’s okay Migs, hindi pa kami nagsisimula.” maaliwalas ang mukha ni Sofia na sumagot.

Migs? Walang ibang tumatawag ng “Migs” kay Miguel kundi ang malalapit na tao lang para sa lalaki. Kagaya ng magulang at ang dalawang nakababata kapatid nito. Yun din ang tawag ko sa kanya noong bago pa lang kami. Itinigil ko lang ang pagtawag ng Migs sa kanya dahil mas pinili kong “babe” na lang ang tawagan naming dalawa. Kung ganun, talaga ngang importanteng tao si Sofia para sa kanya. Lihim akong natawa. Ano pa nga ba? Ikakasal na nga sila diba?

Nagkunwari akong may hinahanap sa packet at yumuko. Sa ganitong tagpo kasi hahalikan ng nobyo ang kanyang nobya bilang pagbati sa isa’t isa. Parang hindi ko yata kakayanin na makitang may kahalikan siyang iba.

“Dyos ko! Bigyan nyo po sana ako ng maraming lakas ng loob!” bigla akong napadasal nang wala sa oras.

Humugot ako ng hininga at tumikhim. Naghanap ako ng salita na pwedeng panimula. Naisipan kong humingi muli ng paumanhin sa hindi pagdating ni Macy. Pang-alis lang ng kaba.

“Pasensya na kung hindi makakarating si Macy today. Papunta na sana siya dito nang biglang isinugod ang mother niya sa hospital. You will meet her on your next consultation, but I'll be her substitute for today. Initial consultation lang po tayo ngayon so don’t worry dahil si Macy pa rin ang bahala sa kasal nyo. I assure you, she is highly skilled in her field.” tuloy tuloy na paliwanag ko.

Salitan ang tingin na ibinato ko sa kanila. Hindi ko alam kung nakakatulong ba ang estrangherong tingin ni Miguel upang hindi makadagdag sa tensyong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa kabilang banda naman ay may kirot itong dulot sa aking puso dahil wala na ang init sa mga tingin nito na dati ay punong puno ng pagmamahal para sa akin.

Ibinigay ko sa kanila ang consultation packet at isa-isa kong ipinaliwanag ang nilalaman nito which is tungkol sa lahat ng kinakailangang impormasyon mula sa mga services at budget hanggang sa mga sample ng designs at kontrata. Masakit man sa dibdib ay kailangan kong buksan ang topic tungkol sa expectations sa dream wedding nila.

Dream wedding? Dati ay kami ni Miguel ang nag-uusap at nagpaplano ng dream wedding namin. Napakasakit lang na ibang babae na ang makakasama nito sa kasal na dati ay pinapangarap nito para sa amin. Ang pinakamasakit sa lahat ay sa harapan ko pa at ako pa mismo ang tumutulong at nangangako na matutupad ang dream wedding na inaasam nila.

Tumikhim akong muli upang alisin ang bara sa aking lalamunan.

“Okay, let’s start with your vision.” pagsisimula ko sa professional na boses at saka nagpatuloy.

“What kind of wedding do you guys have in mind?” tanong ko sa kanila.

Pareho ko silang tinatapunan ng tingin, mabilis lang para sa bawat isa. Wala talaga akong maramdamang tensyon sa mga tingin ni Miguel para sa akin ngayon. Para lang itong nakikipag-usap sa esranghero kaya masasabi kong walang epekto sa kanya ang muli namin pagkikita. Hindi gaya noon na parang ako lang ang tanging nakikita nya at wala ng iba.

“Simple yet elegant.” tipid na tugon ni Sofia. Ngumiti ito at tumingin kay Miguel.

“Migs loves minimalist style.” anito. Tumingin si Miguel sa nobya at tumango ito bilang pagsang-ayon.

“How about you Mr. dela Vega?” baling ko kay Miguel

Ilang beses ko nang nagawa ito sa mga naging consultations ko pero bakit ba napakahirap itanong nito ngayon ganung protocol at normal lang na pati groom-to-be ay hinihingan rin namin ng opinyon. Napalingon si Sofia kay Miguel na kagaya ko ay nag-aabang sa isasagot ng lalaki. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Parang tinusok na naman ang aking puso. Tinginan pa lang ay nagkakaunawaan na silang dalawa. Tila kilalang kilala na nila ang isa’t isa at napakalalim na ng kanilang pinagsamahan.

Dati ay ganun din kami ni Miguel. Ang sakit na makitang may ibang babae na ang nakakaunawa sa kanya sa simpleng tinginan lang kahit hindi sila magsalita. Gaano na ba talaga kalalim ang kanilang relasyon? Ang mga mata ni Miguel na ngayon ay nakatingin sa kanyang nobya ay kagaya pa rin nang dati na tila nangungusap. Biglang lumingon si Miguel sa akin at huling huli niya ang pagkatitig ko sa kanya. Sinalubong ni Miguel ang tingin ko. Lihim tuloy akong napalunok.

“Whatever makes her happy.” wika nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Sunod sunod ang aking paglunok dahil tila nanunuyot ang aking lalamunan. Tumango ako bilang pagsang-ayon at pilit na itinatago ang walang tigil na pagkirot ng aking puso.

Upang makaiwas ako sa tingin niya ay pakunwari kong hinagip ang aking notebook at isinusulat ang impormasyon na nakuha ko sa mga sagot na ibinigay nila, ngunit ang totoo ay gustong gusto ko nang magtatakbo upang makalayo sa sitwasyon ko ngayon.

“Pareho lang kami ng gusto so hindi kayo mahihirapan sa pagpaplano ng kasal namin.” si Sofia naman ang sumagot.

“We trust that you’ll take care of everything. Just let us know what you need. ” si Miguel ang nagsalita.

“Thank you, we’ll do our best to make your dream wedding come true.” tugon ko at muling nagsalubong ang mga mata namin ni Miguel. Marahan akong tumango sa kanya at saka umiba ng tingin.

Nasa harapan ko na pero parang hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na siya sa ibang babae. Para tuloy nais kong siyang tanungin kung nakalimutan na ba nya talaga ako.

Nang mapalingon ako kay Sofia ay bigla akong binalot ng konsensya na nag-isip ako ng ganun. Mukhang napakabait nitong nobya at hindi maitatanggi na ikinokonsidera nito palagi ang opinyon ni Miguel. Deserve ni Miguel ang babaeng kagaya ni Sofia. Ang babaeng hindi siya sasaktan at hindi siya pababayaan. Hindi kagaya ko na basta na lang siya iniwan ng walang paliwanag at malinaw na dahilan.

Nang matapos ang aming pag-uusap ay nagpaalam na ang magkasintahan. Nang tumayo ang mga ito ay tumayo na rin ako bilang pag galang sa kanila. Nang tumayo si Miguel, ang mga mga mata nito ay na kay Sofia habang maingat nya itong inaalalayan na parang ayaw niya itong masaktan- tila isang babasaging baso na baka magkalamat. Ngumiti naman si Sofia sa nobyo na tila idinadaan palagi ang pasasalamat sa kanyang mga ngiti. Nilingon akong muli ni Sofia at nagpaalam. Samantalang si Miguel ay tanging kay Sofia lang nakatuon atensyon at hindi na ako muling tinapunan pa ng tingin.

Sinundan ko sila ng tanaw papalayo hanggang makalabas sila ng pintuan ng restaurant at mula sa aking kinauupuan ay natatanaw ko pa rin ang labas dahil yari sa glass wall ang restaurant. Kitang kita ko kung gaano ka-gentleman si Miguel kay Sofia, hanggang sa makapasok ang mga ito ng sasakyan. Nang makita kong nakalayo na sila ay nanlalambot akong napasalampak ng upo na tila naubos lahat ng aking enerhiya.

Kaugnay na kabanata

  • Planning His Wedding   Kabanata 0003

    Ella POV Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking sasakyan. Mula sa restaurant hanggang sa maka-upo ako sa driver seat, pakiramdam ko ay nakalutang ako. Hindi ko namalayang basang basa na pala ang aking magkabilang pisngi dahil sa walang humpay na pagpatak ng aking mga luha. Muling rumehis

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • Planning His Wedding   Kabanata 0004

    Ella POV Isang linggo na ang nakalipas mula nang magkita kaming muli ni Miguel. Wala na akong narinig pang update tungkol sa kasal nito. Alam kong sinasadya ni Macy na wag nang banggitin ang tungkol dito na siyang ipinagpapasalamat ko. Mabuti na rin yun, tanggap ko nang wala talagang pag-asa sa pa

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • Planning His Wedding   Kabanata 0005

    Ella POV“What?” gulat na sambit ko.“You heard me right. Gusto ni Miguel na ikaw ang maging field assistant nila. Alangan namang tanggapin ko yun. C’mon Ella, hindi ko magagawa sayo yun, kahit pa gipit na gipit na ako, and besides, hindi naman naghihirap ang company natin kaya hindi pa ’ko desperad

    Huling Na-update : 2025-01-01
  • Planning His Wedding   Kabanata 0006

    Ella POV Be my field assistant?!?! Tama ba ang narinig ko? Buong pagtataka akong napatingin kay Miguel. Nagbibiro ba siya? Kilala ko ang tingin na yun. Kilalang kilala ko siya at alam kong seryoso talaga siya sa sinasabi nya. Nilingon ko muna Jerald na tahimik lang na nakayuko. Halatang kina

    Huling Na-update : 2025-01-01
  • Planning His Wedding   Kabanata 0007

    San ba kumukuha ng inspirasyon ang mga writers para sa mga kwentong isinusulat? In my case, mostly ay galing sa mga totoong pangyayari. Yung mga linyahan na binibitawan ng mga characters lalo na sa comedy ay ganun din kung paano ako magsalita sa totoong buhay kaya natural na lumalabas kapag isinulat

    Huling Na-update : 2025-01-02
  • Planning His Wedding   Kabanata 0008

    Ella POV 4 years ago…. Silang, Cavite“Wala pang isang bote yang naiinom mo pero namumula ka na agad.” puna ni Macy sa akin.First time ko kasi mag-inom. Napasubo lang ako dahil nagkasiyahan ang mga kasamahan ko sa boarding house. Lima kaming nangungupahan at kaming dalawa lang ng bestfriend kong

    Huling Na-update : 2025-01-02
  • Planning His Wedding   Kabanata 0009

    Ella POVPagkarating ko galing sa mall ay dumiretso ako ng uwi sa unit namin na nasa 2nd floor. 4 storey building ang apartment na tinutuluyan ko. Nasa middle ang parking lot kaya tanaw ang ibang unit na nasa kabilang side ng building. Habang naglalakad ako ay natanaw ko sa unit 208 ang gwapong l

    Huling Na-update : 2025-01-02
  • Planning His Wedding   Kabanata 0010

    Ella POVKahit nakauwi na ako mula sa school ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula kay pogi. Pagkarating ko sa parking lot ay tanaw ko na agad ang kanyang magarang sasakyan. “Naka-uwi na rin siguro siya” bulong ko sa aking sarili.Nang papalapit na ako sa pintuan ng unit namin ay sinulyapa

    Huling Na-update : 2025-01-03

Pinakabagong kabanata

  • Planning His Wedding   Kabanata 0123

    Ella POVHindi agad ako nakapagsalita dahil sa kanyang sinabi. Inisip ko na lang na lasing siya kaya kung ano na lang ang nasasabi nito.“Pinuntahan mo ba ako dahil lasing na ako? Kailangan bang makita mo munang nagkakagnito ako?” mahinang anito at halatang lango na sa alak. Nakuha pa nitong tumungh

  • Planning His Wedding   Kabanata 0122

    Imi-meet sana ni Alejandro sa Cebu ang kabusiness deal niya bago bumagsak and helicopter na sinasaktan niya sa pagitan ng Romblon at Mindoro. Nakita agad ang piloto pero hindi si Alejandro. Nakatulong ng malaki ang life vest na suot nito para magpalutang lutang sa karagatang at nNatangay siya ng m

  • Planning His Wedding   Kabanata 0121

    Ella POVSalitan kong tiningnan ang dalawang tao sa aking harapan nang buong pagtataka.Anong ginagawa ni Xandro dito? Magkakilala sila ni Sofia?Nilinga ko ang bandang pintuan ng restaurant at hinahanap kung papasok mula roon si Miguel.Nasaan si Miguel?Nang muli kong ibaling ang tingin sa dalawan

  • Planning His Wedding   Kabanata 0120

    Ella POV Matapos kong pakalmahin ang aking sarili ay nagtungo ako sa bahay ni Macy para ibalik ang susi ng bahay bakasyunan nila. Si tita Melby lang ang unang kong nadatnan. Medyo napaaga kasi ako ng konti , nasa biyahe pa si Macy mula sa trabaho sa mga oras na ito. Maya maya pa ay may narinig ako

  • Planning His Wedding   Kabanata 0119

    Ella POVSa halip na Serenity ay sa hospital muna kami nagtungo. Naalala ko na naroon nga pala si Miguel. Kung hindi pa nakakaalis si Sofia ay siguradong doon ko daratnan si Miguel. Sa front desk muna ako nagtungo upang alamin kung anong room number ni Sofia. Kliyente ko siya kaya alam ko kung ano a

  • Planning His Wedding   Kabanata 0118

    Ella POVSiniguro kong malinis ang buong paligid bago ako umalis. Nakakahiya naman kay nanay Ope kung iiwan ko ang bahay na ito na hindi man lang inayos. Sunod kong inayos ay ang aking mga gamit. Konti lang naman ang aking mga damit kaya hindi ganun katagal ang aking pag-iimpake. Babalik na ako ng

  • Planning His Wedding   Kabanata 0117

    Ella POVNakaalis na ang golf cart nang makita ko ang wallet na nasa kalsada kung saan ko nakitang nagsusuntukan sina Miguel at Xandro kanina. Baka isa sa kanila ang may-ari ng wallet kaya agad ko itong dinampot at binuklat upang malaman kung sinong nagmamay-ari.Driver’s license ni Miguel agad an

  • Planning His Wedding   Kabanata 0116

    Ella POV“Sige na, ano nga yun?” pangungulit ni Isagani.Nakita kasi ng mga katrabaho ko ang paglapit ni Miguel sa akin kanina kaya naman mula sa labas hanggang sa makapasok ako ng spa ay tinadtad na nila ako ng mga katanungan. Hindi nila narinig ang pag-uusap namin pero obvious naman sa itsura ni M

  • Planning His Wedding   Kabanata 0115

    Ella POV Bigla akong naestatwa sa narinig ng marinig ang pangalan ni Sofia. Kaya pala napaka pamilyar ng boses niya. Para akong pinanlamigan ng buong katawan. Pinagpawisagn bigla ang aking mga palad. “I’m so sorry ma’am, but we’re not allowed to share information about our guests. It’s against our

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status