Share

Chapter 83

Mika's POV

Nakasubsob ako sa dalawang tuhod ko habang nag iisip ng kung ano ang dapat kong gawin. Nang biglang may humawak sa balikat ko dahilan para mapatingala ako.

"C-chy.." gulat kong sambit.

Naupo siya sa tabi ko at tila tahimik lamang. Ilang minuto pa ang tinagal ng pagiging tahimik namin.

"Bakit ba ako nagkaron ng kaibigan na tanga?" Biglang salita nito sabay buntong hininga.

Hindi ako nagsalita para alamin ang pinagmumulan niya. Tumingin siya sa akin habang ako ay nakatingin sa mga paa ko.

"Ano masarap ba ha?" tanong niya na mahina pero may diin at pagka- sarkastiko.

Hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Nagpakatanga ka ulit sa kaniya, hinayaan mo na naman yung sarili mo na masaktan," saad niya kasabay ng paghawak niya sa dalawang balikat ko para humarap sa kaniya.

Alam niya na may nangyari sa amin?

"Oo alam ko, narinig ko!" Tugon niya na tila sinagot ang katanungan sa utak ko.

Nahihiya ako, sobra

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status