"congratulations sa inyong dalawa finally kinasal na rin kayo "pag bati ni si Zia sa kanila. "paano yang kaibigan mo ang tagal bago siya pumayag na magpakasal na kami " natatawang sagot ni Kurt sa kaibigan ni Helen . "sus ang sabihin mo nalate kang nag propose kasi ! " natatawa nalang si Helen sa dalawa dahil walang nagpapatalo sa kanilang usapan . ''love !" bulong ni Kurt kay Helen ng makaalis na ang kanyang kaibigan. "magtimpi mister Bizon " nakikiliti siya sa paghaplos nito mula sa kanyang likuran.Natawa nalang din si Kurt at tinawag sila ng kanyang ama para pumunta sa ibang bisita . "grabe mister Bizon hindi namin alam na maganda pala ang napapangasawa ng anak mong si Kurt ?"ngumiti lang si Helen sa mga pumupuri sa kanya mga bisita. "hayy nako kumpadre alangan naman pipili ang anak ko ng hindi kagandahan.Alam mo naman lahing gwapo ang aming pamilya" dalawang lalaki ang anak niya at hindi nakauwi ang kuya ni Kurt dahil abala ito sa training mula sa ibang bansa . "bakit wala
Lumabas muna si Kurt at iniwan na nakatulog si Helen sa kanyang kwarto ."nakatulog na ba ang magaling na babae" iilan na ang mga bisita at sila sila nalang din ang nasa hardin ."alam pinsan umiiyak kanina si Eunice hindi matanggap na yang babae na yan ang pinakasalan mo " alam niyang buong pamilya niya ang ayaw sa napangasawa niya dahil ang gusto nila si Eunice pero dahil kailangan niya si Helen na siyang lola lang niya ang may gusto dito sa kuya niya san ipaasawa si Helen at yon ang ayaw niya dahil kung sino ang aasawahin ni Helen ang siyang magmamana sa malaking lupain nila sa Makati na siyang gusto niyang mapunta sa kanya dahil marami siyang pangarap gawin sa lupang mamanahin .''pwede bang pakisamahan siya ng maayos lalot darating si lola bukas " bukas ang dating ng lola nila na siyang nag stay sa isang kapatid ng kanyang ama."hindi mo naman makukuha yon kung hindi mo mabubuntis si Helen remember yon ang gusto ng mama" madali lang buntisin si Helen kung kinakailangan. "naku ti
Hindi makapaniwalang nakatulog si Helen na hindi pa siya nakapag palit sa kanyang wedding dress. Bumangon siya para makapagpalit at amoy alak ang kanyang hininga .Pagtingin niya kay Kurt mahimbing ang tulog nito .Alam niyang pagod ito .Napalingon siya sa orasan na sa tabi ng lampshade kita niyang mag alasinko na ng madaling araw . Kaya nagpasya siyang magpalit ng gown .Kumuha siya ng pajama at isang maluwag na damit para ito ang kanyang isuot.Ngayon sana ang honeymoon nila pero nalasing siya kaya hindi niya nagawang pagbigyan ang kanyang asawa .Pagkatapos niya naligo ay nagpasya siyang magblower muna ng buhok sa loob ng kanilang lagayan ng damit .May sariling area ang closet nila .Noong isang araw lang siya lumipat kaya nangangapa pa siya .Hindi na pinadala ni Kristof ang ibang gamit niya mula sa kanyang apartment dahil binilhan siya ng mga damit .Pero mas gusto niyang isuot ang dati niyang damit kumpara sa bago .Parang tingin niya sa mga bago ay panlabas lang yon at hindi nababa
"mama! " agad na sumalubong si Wesly sa kanyang na naka upo wheel chair at tulak ng isang nurse at may mga kasama itong mga bodyguard . "deretso na tayo sa Mansion Wesly " hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin kahit kailan hindi niya ramdam ang pagiging ina nito .Walang imik na sumunod si Wesly sa ina niya at pinauna muna nila ito pasakayin sa Van. "kamusta ang kasal ng apo ko Wesly?" seryosong salita ng donya sa anak nito . "maayos lang naman mama kahit papaano nakaraos " "mabuti naman kung ganon .Dalawang araw lang ako dito Wesly hindi ako magtatagal dahil kailangan kong manatili sa state dahil naroon ang doktor ko .Hanggat maari ituring niyo ng maayos si Helen. I know hindi niyo siya gusto dahil hindi siya galing sa mayaman na pamilya . But I warn you Wesly wag na wag kong malaman na tinuturing niyo siya na wala lang " napalunok si Wesly sa lahat ng narinig bigla niyang naisip ang mga napag usapan nilang mag asawa . Buong byahe na walang imik na naganap sa loob ng Van
"iba ang saya ni mama kung yang babae na yan ang kasama niya ?" nakasilip mula sa malaking bintana si Vilma at Wesley habang pinapanood nila ang ina nila kasama si Helen . "hayaan mo itong taon na ito huli ng mamasyal ang mama dito sa mansion dahil magpapagamot na siya ng kanyang sakit sa europe so matagal bago siya babalik " ngumisi lang si Vilma at matalim ang tingin niya kay Helen na tumatawa dahil sa kwento ng Donya tungkol sa kalokohan nila ng kaibigan niya noong kabataan nila . "grabe pala kayong mag bestfriend lola .Sana makilala ko rin siya " saad ni Helen .Laging bukang bibig ng Donya ang kaibigan niya noon kaya humahanga siya tuwing laging kinekwento ang kanilang nakaraan . "siya sige kailangan ko ng bumalik sa kwarto Helen dahil mainit na dito sa labas .Kurt ihatid mo ako sa kwarto maiwan si Maxy dito para makapag usap naman ang dalawang ito " nagpasalamat ang dalawa at pinalayo muna nila ang Donya kasama ang apo nito bago sila nagkatinginan . "kamusta ka dito ?" tanong
"mabuti naman at magawa mong tumulong dito sa kusina Helen akala ko nagbubuhay reyna ka dito " lumapit si Vilma kay Helen na abala sa paghihiwa ng mga carots para sa sahog ng kanilang uulamin mamayang lunch ."hindi naman po mommy hilig ko ang po talaga ang magluto dahil sanay na ako dyan " hindi maintindihan ni Helen pero parang ang bigat ng pairamdam niya tuwing lumalapit sa kanya ang pamilya ng kanyang asawa ."ohh really maayos naman iha sige at dapat masarap a dahil ngayon ko palang matitkman ang iyong luto " hindi na umimik pa si Helen at pinagpatuloy ang paghiwa ng mga gulay para sa lulutuin niyang ginataang gulay .Lihim na ngumiti si Vilma dahil nagkunwari lang siyang mabait ng makita niyang dumaan ang isang nurse ng kanyang byenan .Kailangan nilang maging maingat habang narito ang ugod niyang byenan dahil nagsumbong sa kanya ang mayordoma nila na nagtanong ang Donya tungkol sa maayos na pakikitungo nila kay Helen .Hindi niya maintindihan kung bakit malakas ang kapit ni Hele
"nasan si lola ?" tanong nito sa kaibigan niyang abala sa pag aayos ng gamit na kinuha nila sa mansion na dadalhin ng Donya sa Europe."nasa library bakit ?" hindi na niya nilingon pa si Helen dahil kailangan niyang tapusin ang pagligpit ng damit ng Donya ." kakain na kasi .sige Max puntahan ko lang " umalis na siya at tumungo sa library para puntahan. Akma na sana niya bubuksan ang pintuan ng may marinig siyang nag uusap sa loob ."kasal na sila mama kailan mo ililipat kay Kurt ang mana nito na pinangako mong papakasalan niya si Helen para ma ibigay mo ang mana niya " boses ng kanyang byenan na lalaki iyon kaya naging interesado siyang pakinggan lahat at hindi muna siya kakatok para marinig niya lahat ng kanilang usapan."bakit ba ang atat mong ibigay ko sa kanya iyon Wesley hindi pa tinatanong ng apo ko yan pero ikaw itong nagtatanong ?" nalagay na niya sa kanyang lastwill testament ang mana ng bawat iiwan niya dahil bago siya lumuwas ng bansa ay mapagawa na niya sa kanyang abog
Kinaumagahan sumama si Helen kay Maxy para bumisita sa bahay ampunan ."uyyy kinakausap kita Helen lumilipad ata ang isip mo hindi kaba napagbigyan ni Kurt kagabi " nagtataka si Maxy dahil kanina pa niya kinakasap ang kaibigan pero wala itong imik at parang malalim ang iniisip .'' sira ka talag kung ano ano ang sinasabi mo !! '' gusto niyang magkwento sa kaibigan ang tunay na ganap nila ni Kurt kagabi .Walang nangyari at hindi na naulit ang kanilang masayang umaga ng may nangyari sa kanila .Natulog ito ng maaga at walang yakap magdamag kaya nagtatampo siya pero hindi niya pinahalata sa lahat lalo na sa Donya."kung ano man yang problema mo Helen mag sabi ka ng totoo dahil kung patuloy mo kimkimin yan hindi mo namamalayan parang bulkan yan na basta basta nalang sasabog at doon ka mahihirapan " natawa nalang siya dahil saan saan na napunta ang sinasabi sa kanya ni Maxy .Hindi niya hilig magsabi ng problema dahil problema niya iyon at ayaw niyang may madamay o may makaalam dahil mas gus
Nilibot ni Helen ang paningin niya sa loob ng kwarto kung nasan siya ngayon . Lumabas siya ng kwarto at nakita niya ang buong kabahayan .Wala siyang masabi dahil napakaganda .Kung ikukumpara niya sa bahay ni Doña Fatima ay mas maganda ang bahay na kanyang nakikita sa ngayon .''nasaan ako ?" tanong niya sa babaeng naglilinis ng sahig .Nakasuot ito ng damit pang katulong .Nagulat naman ang babae at mabilis kumaripas pumunta sa baba na siyang pinagtaka ni Helen kaya sumunod siya sa baba at tignan kung bakit bigla nalang umalis ang babaeng katulong . ''maam Feliza gising na po ang pamangkin niyo'' agad naman lumabas ng kwarto si Feliza at nakita niyang nakatulala si Helen na nakatingin sa kanya paglabas .''ano po ibig sabihin nito ?" tanong niya kay Feliza . ''halika ka iha maupo tayo at ipaliwanag ko ang lahat sayo '' niyaya niya ito sa sala at inalalayan umupo .Pinakuha niya sa katulong ang tsinelas na binili niya para kay Helen dahil paa paa ito na bumaba . '' paliwanag niyo p
'' nawawala nga ang kaibigan ko bakit hintayin niyo pa ang bentekwatro oras sir '' naiiyak na saad ni Zia sa mga pulis . Hindi na siya pumasok pa sa hospital dahil gusto niyang mag focus sa paghahanap sa kanyang kaibigan. ''maam ganon po talaga ang patakaran wag kayong mag aalala pag may bentekwatro oras na gagalaw na kami agad '' madami pa siyang tinanong sa kanya at sinagot naman niya lahat ng maayos dahil sobra na siyang nag aalala kay Helen . '' may awa ang diyos tutulungan niya tayo mahanap si Helen '' kasama niya ngayon ang mga madre maghanap kay Helen . Pagsapit ng gabi ay nagsimula na rin nag imbestiga ang mga pulis na may hawak sa reklamo ni Zia tungkol sa pagkawala ni Helen . ''gandang gabi sir '' nagtatakang tumingin si Kurt sa mga pulis na nasa labas ng kanyang condo akala niya si Helen na ang nagdoorbell pero hindi pala . ''ano kailangan niyo ?" tanong nito sa kanila . ''tanong lang namin kung nakausap niyo ba sa cellphone si Helen Baizon na asawa niyo bago umal
''mahal naman talaga kita Eunice at pananagutan ko ang magiging anak natin '' naninikip ang dibdib ni Helen pagkarinig sa mga sinasabi ni Kurt kay Eunice lahat ng narinig niya ay hindi pa niya narinig na sinabi ni Kurt ang mga katagang nabitawan niya kay Eunice . Nasa condo siya ngayon para kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi ni Vilma na hindi totoo ang kasal na meron sila .Sobrang sakit na ang dulot ni Kurt sa kanya . Mabilis siyang umalis sa condo ni Kurt at pumunta kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa . ''mahal mo pala ako Kurt bakit hindi mo ako pakasalan diba peke ang kasal niyo '' hindi niya alam na peke ang kasal nila ni Helen dahil ang nag ayos ng kanilang kasal ay ang ina niya . '' oo mahal kita pero Eunice noon lang yon pero si Helen na talaga ang mahal ko '' ngayon lang naisip ni Kurt na si Helen talaga ang totoo na niyang mahal at kailangan makasama habang buhay .Kaya inayos na niya ang tungkol sa kanila ni Eunice para hihingi siya ng tawad kay Helen . Kaka
''bakit gusto niyo akong makausap .Hindi pa ba sapat sa inyo na nakita kong nagloko ang anak niyong manggagamit ?" nasa restaurant sila ngayon ng kanyang hilaw ng byenan .Tumawag ito at gusto siyang makausap sa una hindi niya gustong makita ito pero dahil may nag udyok sa kanya na makipag kita siya ay pumayag na rin siya kalaunan . ''dito mo ba sa condo binili ang perang nakukuha mo kay mama ?" masamang tingin ang pinukol niya sa byenan niyang walang tama pagdating sa kanya . '' pera ? ni hindi ko pa nga ginalaw ang binigay na mana para sa akin .Sayang nga at sa akin binigay ni lola hindi sa anak niyong nanggamit lang para sana makuha '' medyo nayabangan si Vilma sa pananalita ni Helen kaya masama niya itong tinitigan .Hindi rin nagpatalo si Helen dahil kulang ang tingin na pwedeng ibigay sa byenan niyang matapobre . ''itong condo na ito matagal na regalo ni lola sa akin .Hindi ko tinanggap pero naipangalan na niya sa akin kaya no choice ako kaya tinanggap ko '' tapang tapangan m
'' may inaasahan ka bang bisita ?" nagulat silang dalawa sa tumunog na doorbell .Natahimik bigla si Helen walang nakakaalam sa kanyang condo . ''wala naman kasi ako lang ang nakakaalam dito at ikaw lang ang kauna unahan kong sinama'' ngkatinginan silang dalawa at nag isip kung ano ang dapat gawin .Tatlong beses ng nag doorbell ang tao sa labas .''sabay natin tignan '' tumayo na sila para tignan . Nagtataka siya kung saan pupunta ang kaibigan .''ano ginagawa mo?" tanong nito .''kuha ako pamalo dahil baka mamaya masamang tao yan ''''eh!!'' tinignan niya ang kinuha ni Zia at walis tambo natatawa siya sa kaibigan nito dahil masyadong advance ang mag isip . Nagkatinginan muna sila bago binuksan ni Helen samantala si Zia ay nasa likod lang ng pintuan at nakaamba ng pumalo . ''Helen ?'' kunot noo siyang tumitig kay Kurt .Hindi niya inaasahan na alam ni Kurt kung saan siya ngayon .''ano ginagawa mo dito ?" naluluha niyang salita naalala na naman niya ang sinabi ni Krizel kanina na gi
'' ano yung nalaman kong nakipag away ka kay Helen nasaan ang asawa ko saan mo siya nakita ?" nalaman ni Kurt na nagaway ang kapatid niya at asawa nito ayon sa driver niya narinig niyang inugod ni Helen ang mga ito kasama si Eunice . ''aba malay ko bakit mo ako tinatanong '' galit na singhal ni Krizel sa kuya niyang basta basta nalang magtatanong hindi man lang siya kakamustahin kung okey lang ba siya . ''ohh come on Krizel sabihin mona sa akin saan mo iniwan ang asawa ko '' gustong gusto na niyang makausap si Helen para na siyang baliw sa kakaisip kung nasaan na ito .Sinubukan niyang patignan sa isa niyang tauhan sa bahay ampunan at kumbento pero wala ito kaya nagtalaga ulit siya ng iba para mahanap ito . ''hindi ko alam dahil ang may ari ng restaurant ay pina iwan silang magkaibigan doon at wala na akong balita dyan sa magaling mong asawa .Alam niyang buntis si Eunice pero kung makasugod ay parang hindi nag iisip desperada '' naisip na naman niya ang sinabi nito tungkol sa
''anong dahilan at bakit kayo nakipag away ? ''nakayuko lang ang dalawa dahil aminado sila ang unang sumugod . ''kumain naba kayo '' agad agad umiling si Zia dahil totoong gutom na siya nawala ang lakas niya dahil sa pakikipag bardagulan sa hipag ni Helen . ''papanagutin niyo po ba kami ?" nahihiyang tanong ni Helen kay Feliza . '' of course not .Pinaalis ko yung dalawa dahil alam kong hindi papayag ang mga yon na sila ang paparusahan ko '' tinitigan niya si Helen naawa siya bigla sa itsura nito .Gusto niyang pagsasampalin ng ilang beses sana si Eunice kanina pero walang dahilan kaya nagtimpi na muna siya . ''sige pwede na kayong umuwi .Kunin niyo ang pinahanda kong take out para sa inyo '' natuwa si Zia dahil nakipag away lang sila pero may libre na silang pagkain . ''naku nag abala pa po kayo !!'' nahihiyang saad na Helen . ''ano kaba grasya na ito tanggihan mo pa girl .Gutomsss na ako kaya please lang uwi na tayo sa condo mo at gusto ko ng magpahinga may long hours duty
'' talagang alam mo kung saan mo ako dadalhin ah '' nasa magarang restuarant sila ngayon at sapat lang sa kanila ang naroon para makapag isip pa siya ng maayos . Pagkapasok nila ay nabungaran niya agad sina Eunice at Krizel na nakatingin sa kanila papasok . Para siyang kandila na natutunaw dahil sa tingin nilang dalawa . ''Oh, look at the world, it's so small for the two of us, Helen, because of the many Karinderya out there, are you really going to eat here?'' napataas ang isang labi ni Zia dahil naartehan siya sa pananalita ng babaeng nakasuot ng sexy dress na kulang nalang lumuwa ang kaluluwa . ''"What if we eat here? Do you own this restaurant?" mataray na sagot ni Helen sa kanya .Hindi uso sa kanya ang magtaray at makipag away pero nasasaktan siya ngayon kaya hindi apak apakan nila ang pagkatao niya dahil galing lang sila sa bahay ampunan . ''gara ng english mo girl .I love it'' natutuwang bulong ni Zia mula sa kanyang likuran .Hindi niya alam na marunong palang makipagsag
''huwag mo na siyang hanapin Kurt dahil sa totoo lang dapat lang nangyari ang mga bagay na ito para sa ikabubuti ng relasyon niyo ni Eunice '' nasa mansion siya ngayon para humingi ng tulong para hanapin ang asawa pero isang pagkakamali pala desisyon niya dahil wala siyang magandang naririnig tungkol kay Helen kundi puro paninira lang .Hindi niya alam kung anong klaseng pamilya ang meron siya .''hindi kami pwede ni Eunice mom dahil tapos na ang meron kami '' malamig nitong sagot . ''wait !!!! anong pinagsasabi mo kuya ..uyy remember Eunice is pregnant because of you '' napapikit at haplos nalang siya sa mukha dahil lalong hindi siya babalikan ni Helen kung malaman niya ang katotohanan tungkol sa plano niya noon na siyang pinag sisihan niya . ''pwede ba Krizel tumahimik ka. I don't need your help because I remember that you would rather lose Helen and don't force me to choose Eunice because I would still choose my wife'' natahimik bigla si Krizel dahil sa pagkabigla .Lagi niyang nak