YUMANIG sa kabuuan ng mansyon ang malakas na boses ng mga taong nagra-rally sa labas. "Bakit ang ingay naman?" Bulalas ni Margaret na saktong nagdidilig ng mga halaman nang sandaling iyon. Sa katunayan ay nagpresinta siya kay Simon na siya na ang magdidilig ng mga halaman sa hardin at para na rin makapaglakad-lakad siya ngayong kabuwanan niya na."Anong nangyayari?" tanong ni Aleng Francia na narinig ang malakas na sigawan." Hindi nakasagot si Margaret dahil wala rin naman siyang ideya kung saan nagmumula ang galit ng mga tao. Hanggang sa nalinawan sila pareho ni Aleng Francia sa mga narinig. "Ibigay ang huling sahod! Ibigay ang huling sahod!" Paulit-ulit na sigaw ng mga tao. Nang pagmasdang mabuti ni Margaret ang mukha ng mga ito ay napagtanto niya na ito ang mga dating empleyado sa pabrika, at nagra-rally ang mga ito dahil hindi naibigay ang kanilang huling sweldo simula nang ipasara ito. Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Tamara na halatang napilitang harapin ang mga ito. "Hoy!
SA KABILA nang mga pangit na nangyari sa kanilang pamilya ay unti-unti namang nasolusyunan nina Tamara at Andrew ang kanilang problema sa mga dating empleyado ng pabrika. Kaya naman naibigay na nila ang huling sahod ng mga ito. Ito ay dahil walang pag-aalinlangang ibinalik sa kaniya ni Andrew ang pinaghatian nilang pera at sa halip ay naisip nito na mag-ipon na lang ayon sa kaniyang pinagpaguran. Sa ngayon ay nagtatrabaho si Andrew bilang security guard sa isang subdivision kung saan ay malaking tulong naman ang kinikita nito upang makapagbigay sustento sa kanilang anak ni Margaret na si Baby Marvin. Sa kasalukuyan ay unti-unti rin ibinabalik ni Tamara ang mga perang nakuha niya mula sa pabrika. Naisip niya kasing itayo ng negosyo ang natira sa kaniyang pera upang lumago iyon at may pagkuhaan kung kinakailangan ng gastusin para kay Yvo. Masaya siyang magkaroon ng sariling water station na malaki ang naitulong sa kaniya. Isa na yata sa tamang desisyon na nagawa niya sa buhay."Sa wakas
"Napakaganda niya, Karadine! Manang-manang sa'yo!" masayang wika ni Rosanna para sa best friend niya habang karga-karga nito ang bata. Katulad ni Isabel ay nag-volunteer din ito na magbantay kay Karadine sa hospital. Bagama't nanghihina pa mula sa panganganak ay tipid na napangiti si Karadine. "Maaari ko bang mayakap muli si Baby Yvanna?" "Yvanna ang ipapangalan mo sa kaniya?" tanong ni Rosanna. "Oo, Rosanna. Kahit sa pangalan man lang ay masabi kong buhay na buhay pa rin si Yvo mula sa katauhan ng anak namin." "Oo nga, 'no? Parang girl version din siya ni Yvo, ang tangos ng ilong kahit baby pa lang, e!" Hindi napigilang mapangiti ni Karadine. "Kung nabubuhay lang sana si Yvo, masayang-masaya siguro siya na makita ang anak niya.." "Hay, Karadine, 'wag mo na munang i-focus ang sarili mo sa kalungkutan. Ang importante ngayon ay kasama mo si Baby Yvanna, bilang isang magandang alaalang iniwan sa'yo ni Yvo." "Ewan ko ba, Rosanna. Parang pakiramdam ko kasi ay nandito pa rin si
NANG mabalitaan ng pamilya Monteza na nahuli na ng mga pulis ang kanilang padre de pamilya ay sabik na dinalaw ni Florida at ng magkakapatid ang kanilang ama sa kulungan. "Papa, kay tagal ka naming hinanap. Mabuti at okay ka lang," wika ni Karadine. Bagay na sinang-ayunan naman ni Isabel. Sumunod na napatango si Margaret. Habang nanatiling walang kibo naman si Tamara. "Sana ay matagal ka nang sumuko para hindi na nadagdagan pa ang sentensya ng iyong pagkakakulong," wika ng asawa nito na si Florida. "Ayos lang, Florida, alam ko naman na rito na ako mamamatay sa kulungan. Kaya pakisabi na lang sa mga apo ko na paumanhin dahil nagkaroon sila ng demonyong lolo." "Papa? 'Wag mo ngang sabihin 'yan!" may tonong panenermong wika ni Tamara, na ngayon lang nagkaroon nang lakas ng loob na magsalita. Doon naman nagawang sentruhin ng tingin ni Margaret ang kaniyang kapatid. Kapagkuwa'y mabilis niya itong nilapitan upang hilahin sa kung saan at para makausap ng masinsinan. "Sabihin mo n
MALAKAS na pagsuntok sa pader ang pinakawalan ni Renato matapos aminin mismo sa kaniya ng anak na si Tamara ang tungkol sa malaking perang kinamkam nito mula sa pabrika. Sa katunayan ay hindi pa nito iyon malalaman kung hindi dahil kay Margaret. "Umamin ka nga sa akin, saan mo dinala ang pera, hah?" may tonong galit ngunit kalmado nang pagkakasabi ni Renato. Wari ay hindi makasagot agad si Tamara. Pinapakiramdaman pa kasi nito kung tama ba na sabihin nito sa ama ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lamang itong nagkainteres na angkinin ang perang pinagharapan niya ng mahigit isang dekada. "P-papa--" "Bigyan mo ako ng sapat na dahilan, Tamara!" At tila bumaliktad ang mundo niya sa isinagot ng anak, "D-dahil kay Yvo! Oo, naging desperada ako, papa. Ginawa ko ang lahat para lang mabuhay siya!" Nanlaki ang mga mata niya sa ipinagtapat nito. Hindi niya akalaing magagawa siyang traydurin ulit ng sariling anak, alang-alang sa pag-ibig. Walang pinagkaiba sa ginawang pagtraydor sa
NGAYONG alam na ni Margaret ang pinakalilihim ni Tamara ay nagkaroon siya ng dahilan para gawing pain ito sa pagbabalik loob nito sa kaniya. "Hanggang kailan mo balak ilihim sa pamilya natin ang pinakamalalim mong sikreto, Ate Tamara?" Tila nagulantang naman si Tamara sa ibinungad niya matapos itong matigilan sa ginagawa. Naabutan niya kasi itong nag-iimpake ng ilang damit. Pero sa lahat na yata nang nakilala niya ay si Tamara na ang pinakamagaling pagtakpan ang sikreto at indenial palagi kahit bistado na. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," kaswal na wika nito. Bahagya siyang natawa. "So, ide-deny mo pa talaga sa akin na ikaw ang dahilan kung bakit inakala naming lahat na patay na si Yvo?" Biglang nataranta si Tamara sa sinabi niya at sinigurado nito na walang kahit sino ang p'wedeng makarinig sa pag-uusap nila. "Paano mo--" "Sinabi sa akin ni Andrew. At oo, inamin niya sa akin na magkasabwat nga kayo. Ngayon alam ko na kung bakit madalas kang umaalis dahil lahat pala ng iy
Pinakiramdaman nga ni Andrew ang pagdating ni Tamara, kung saan ay dis oras na rin ng gabi. Sa puntong iyon ay nakahanda na ang plano. Naghihintay lang siya ng go signal ni Margaret kung kailan siya dapat umaksyon. At sa kaniya rin naman manggagaling ang magiging go signal niya kay Florencio. Gamit ang bluetooth hearing device ay malinaw niyang naririnig doon ang boses ni Margaret na itong nagmo-monitor sa kaniya. Lingid sa kaalaman ni Tamara ay nakapaglagay ng safety device si Margaret sa bag nito kung saan ay mamo-monitor nito ang location ng isang tao. Kaya naman sa tulong ng safety device na iyon ay tagumpay na nasundan ni Margaret ang kapatid. "Alukin mo na siya ng makakain, at 'wag na 'wag mong kakalimutan ang ibinilin ko," boses ni Margaret mula sa kabilang linya. Doon nga'y nakita niyang abala si Tamara na kausapin at lambingin si Yvo. Kaya naman naisip niya na magandang tsempo iyon para isagawa ang unang plano. Kung saan ay kinakaikangan niyang lagyan ng sleeping p
DUMATING ANG araw na pinakahihintay ni Yvo, ang magkita silang muli ni Karadine. Iyon ay nang totohanin na talaga niya ang pagpapanggap bilang isang bagong hardinero ng pamilya Monteza. Suot niya ang isang baseball cap at pekeng balbas na binili lamang sa kaniya ni Margaret upang gamiting pagbabalat kayo. Sa isip niya ay kailangan niya ng kooperasyon upang hindi maging padalos-dalos ang kaniyang mga aksyon. "Ikaw pala ang bagong hardinero?" Nanginig ang kaniyang buong kalamnan habang gayundin naman ang pagbilis nang pagtibok ng kaniyang puso. Batid niya na sa mga sandaling iyon ay magkakaharap na silang muli ng kasintahan. "Ah, o-opo." Bahagya siyang napalingon dito habang pinag-aaralan naman ni Karadine ang kabuuan ng mukha niya. Nang sandaling iyon ay hindi maintindihan ni Karadine kung bakit bigla na lang nakaramdam ng bahagyang kasiyahan ang puso niya. "Nakapagtataka," aniya sa isipan. "Anong pangalan mo? Ahm, pasensya ka na, hah? Kailangan ko lang kasing kilalanin ang
HINDI PA rin natigil ang masamang tinginan nina Maria at Tanya sa isa't isa kahit na kanina pa sila inawat ng mga tao sa mansyon. Sadyang nagkalamat na nga ang pagkakaibigan ng dalawa bukod pa ang katotohanang naging magkaribal ito noon sa puso ni Renato. Sa kasalukuyan ay masayang kinakarga ni Yvo ang kanilang anak na si Yvanna. At dahil may taglay na rin itong kalikutan ay mabilis sumuko ang mga braso niya. Natatawa naman siyang pinagmamasdan ni Karadine. "Mukhang kailangan mo pang magsanay na mag-alaga ng bata," pabirong sabi nito. "Mukha nga," pagsang-ayon niya rito. At doo'y hinayaan niya ngang si Karadine na muna ang mag-alaga nito. Kapagkuwa'y agad siyang nilapitan ni Renzo na kanina pa siya pinagmamasdan at gustong lapitan. "Yvo, bro." Doo'y nagpakita sila nang pagka-miss sa isa't isa. "Salamat at tama ang kutob ko noong una na ikaw si Yvo," pasimpleng bulong nito sa kaniya. Bagay na nagpalaki mismo ng mga mata niya. "Naisip mo pala 'yon? Kahit na nag-ibang katauhan
"Bakit mo ginawa 'yon?" takang katanungan sa kaniya ni Karadine. Naiilang ma'y bumwelo na rin siya upang makaisip ng tamang dahilan. "Ah, pasensya na, madam. Masyado lang akong nadala sa mga sinabi mo. Patawarin mo sana ako kung umaasta agad ako na isang malapit mong kaibigan." Doo'y bahagya siyang nilingon nito. " Pero bakit? Naranasan mo na rin bang mangulila sa mahal mo sa buhay bukod sa iyong pamilya?" "Oo. At sa totoo lang ay ganiyan din ang nararamdaman ko ngayon," sinserong aniya na bahagyang nakapagpatahimik sa pagitan nila. Segundo ang lumipas at narinig niya ang mahinang pagtawa ni Karadine. "Nakakatuwa naman na may taong nakaka-relate sa nararamdaman ko, kung ganoon ay hindi pala ako nag-iisa." Hindi niya alam kung bakit nang magtamang muli ang kanilang mga mata ay bahagyang napakunot ang noo nito. Kaya naman kinabahan siya nang mas titigan pa siya nito. "Alam mo, iniisip ko tuloy na baka pinaglalaruan lang ako ng tadhana." Nanatiling nakakunot ang noo niya haba