Kinabukasan, maaga akong nagising. Plano ko sanang magluto para makakain si Mr. Shein ng maaga ngunit nagulat ako nang makita na mas nauna siya sa 'kin magising. Gising na siya at kasalukuyang nagluluto sa kusina. May suot na apron sa ibaba at topless sa itaas. Napanganga ako sa gulat at agad na kinusot ng mata to check kung hindi ba ako namamalikmata lamang. Nang makabawi sa gulat ay lumapit ako sa kaniya. Sumulyap siya sa akin, "good morning." Simpleng pagbati niya. Ngumiti pa siya and it's the genuine one I've ever seen mula ng makabalik ako. I blink thrice dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya at nagluluto. "Umupo ka na," aniya kaya napaupo rin ako. "S-Sorry. Ikaw pa nagluto," mahinang sabi ko. Ngumiti lang siya sa 'kin at tumango. "It's fine," sagot niya. Maya-maya pa ay dumating si Vicente, dala ang envelope na agad niyang ibinigay kay Mr. Shein. Napatitig ako kay Vicente nang makita ang bagong ayos nito sa kaniyang katawan. "Ang gwapo mo," mahinang sabi ko. N
"Dito tayo mag di-date?" tanong ko kay Mr. Shein nang makita na tumigil kami sa plaza. Pagdating palang namin sa lugar na ito, kinakabahan na ako. Tumingin siya sa akin at tumango. "Stress food date tayo," Wala sa sarili kong nakagat ang pang-ibabang labi ko dahil madalas dito sa plaza ang mga anak ko. Dito sila dinadala ni Zee kapag gusto nilang mag bonding at hindi malabong narito nga sila dahil may okasyon ngayon sa sentro buhay ng opening of lights. Pinapanalangin ko nalang na sana ay hindi niya ilabas ang mga bata ngayong hapon. "Why? You look so tense. My problema ba?" tanong niya. Hindi malabong hindi niya mahalata. Naiihi na nga ako dito sa kinatatayuan ko. Gusto ko nalang siyang hatakin pabalik sa amin. "Pwede bang huwag nalang tayo dito?" kumunot ang noo niya. Tumingin ako sa paligid, nagbabasakaling baka makita ko ang mga bata. "Pwede naman tayong doon sa atin sa plaza. Huwag dito." Sabi ko pa sa kaniya. Pinag-crus niya ang kaniyang braso at kunot noong tinitigan
She looked so tense. I wonder anong iniisip niya bakit ayaw niyang manatili kami dito. "Ilan po sir?" tanong no'ng nagtitinda ng tubig. "Dalawa," hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya. Parang anytime ay maiiyak siya na hindi ko alam kung bakit. Hindi rin siya mapakali sa inuupuan niya. At hindi ko maiwasang isipin na may itinatago siyang sa tingin ko ay iyong kabit niyang lagi niyang katawagan na ayaw niyang makita ko. Malakas tuloy ang pakiramdam ko na nandito iyon. Nang maiabot ko ang bayad sa ale, nagulat ako nang may bumangga sa 'kin. No'ng lingunin ko ito, nakita ko ang isang batang nakasuot ng sombrero. "How dare you to hurt my mama?" galit na galit na aniya at pinagsusuntok ako. Hindi masakit ang mga suntok niya but I wonder kung kaninong bata ito. He's mad. Ako nag pinagdidiskitahan niya. Lumingon ako sa paligid, nagbabasakaling may naghahanap sa kaniya ngunit lahat ay busy sa sariling ginagawa. "Bad ka! You hurt my mama! Bad ka!!! Bad ka!!!" Hurt his mama?
I let out a deep sigh nang makuha ang text ni Mia na nakarating na sila sa bahay ni Zee. So wala na akong dapat na ikakakaba pa dito. "You seemed relax now," ani ni Mr. Shein sa gilid ko. Sumulyap ako sa kaniya at nakatingin siya sa harapan habang pinapanood ang mga tao sa harapan namin. "Bakit? Gusto mong mataranta ako?" sinulyapan niya ako at umiling. "No." Aniya at sandaling natigilan. "You know what, I met a kid kanina." Panimula niya. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. "He's mad at me claiming na inaway ko raw ang mama niya." Sabi niya sa akin. Nakauwi na nga ang mga anak ko but hetong kasama ko.... "Then I met his parents. The one that I saw in the mall... Iyong akala ko ay..." sumulyap muna siya sa akin bago nagpatuloy, "na kabit mo." Aniya. Natahimik at napatingin na rin ako sa harapan. Pakiramdam ko lumiliit ang mundo nila ng mga anak namin at ngayon, nadamay pa si Zee. "I'm confused. He's mad dahil inaway ko ang mama niya e kanina ko pa lang din nakita ang mama niya."
“Rico? Why are you so quite?” naiinis nang sabi ni Sico habang nakatingin sa kakambal niyang tila ay hindi siya pinapansin. “Go and play with your gadgets, Sico. I’m not really in the mood.” Tumayo si Rico at tuluyang umalis papunta sa kwarto kung nasaan si Zee nakahiga. Nagbabasa ito ng medical books at nang makita niya si Rico na papunta sa kaniya ay itniklop niya ang libro at yumabi dito. “Dad....” Iyon lang ang sabi ng bata, nanggigilid na ang luha sa mga mata habang paakyat sa kama kung saan nakahiga si Zee. “Why my baby is sad?” umupo si Zee at sinalubong ng yakap si Rico. Hindi sumagot ang bata, basta nalang siya yumakap kay Zee. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang lalaki habang nakatingin kay Rico na nakahiga sa lap niya. Kumuyom ang kamao ni Zee. ‘It’s his fault,’ aniya sa kaniyang isipan habang nakatingin sa bata na malungkot at parang anytime ay iiyak. “Dad, our father is alive… isn’t he?” tanong ni Rico sa mababang boses. “That man in the plaza… he looks like
“Shein, may kailangan kang malaman.” Nang sabihin palang iyon ni TG ay agad na tumayo si teacher Han at hinawakan ang kamay nito. Nangungusap ang kaniyang mga mata na tila ay mag gustong ipahatid. “What is it?” matigas na ani ni Mr. Shein. Umiling si teacher Han, naroon ang pag-aalala sa kaniyang mukha. “Nothing.” Malamig na sabi ni TG at ibinaba ang tawag. Nakahinga ng maluwag si teacher Han at napahawak sa mga tuhod niya habang nakatingin sa ibaba. Halos atakihin na siya sa kaba kanina. Hindi niya alam ung bakit niya ito ginagawa siguro kasi no’ng nagkausap sila ni Lorelay, nakita niya dito ang sitwasyon ng kaniyang ina noon. “What’s the meaning of this?” hindi na matunugan sa boses ni TG na natutuwa siya. Parang anytime ay sasabog na siya sa gulat at pagkalito. “Come,” tawag ni teacher Han kay TG at bumalik sila sa loob ng classroom kung nasaan ang mga bata na naghihintay kay teacher Han. “Who is he, Rico?” tanong ni Sico habang nakatingin kay TG na nakatingin sa kanila ng tai
“Lumiliit ang mundo!” Napahilamos si Lorelay sa kaniyang palad matapos sabihin ni TG na alam na niya lahat. Nasa labas sila ng LSB, nakaupo sa gilid kung saan may maliit na fountain sa gilid. "Sasabihin mo ba?" tanong ni Lorelay. Sa ngayon, gulong gulo na rin utak niya. Masama pa rin ang loob niya sa ginawa ng asawa niya sa kaniya kanina. "He needs to know." Buong tapat na sabi ni TG sa kaniya. Ngumiti lang si Lorelay. Naisip niya kung may magagawa pa ba siya? She’s hoping na kagaya ni TG si Richmoon at Lee na maiintidihan ang sitwasyon niya but sa narinig niya ngayon, she was wrong. "Kahit sabihin nating galit na galit ka sa kaniya, wala namang kinalaman ang mga bata. Huwag mo sanang idamay ang mga anak ninyo sa kung ano man ang alitan na meron kayo." Gustong prumotesta ni Lorelay. Gusto niyang sabihin na wala sa lugar si TG para sabihin iyon ngunit pinili nalang niyang tumahimik. Ayaw nalang niyang magsalita at baka may masabi pa siyang ikakapahamak niya. "Sasabihin ko sa kaniya
Isang buwan na ang dumaan, busy ang lahat at kahit ako sa paghahanda para sa gaganaping annual party na ito. Halos hindi kami nagpa pang-abot ni Mr. Shein dahil kada umuuwi siya ay nakakatulugan ko na siya at sa umaga naman ay nauuna siyang gumising sa 'kin at wala na siya pagmulat ng mga mata ko. Masiyado siyang busy lately kaya hindi siya naglalagi sa bahay. Kasama ko si Richmoon at Lee. Sa bahay gaganapin ang annual party kaya todo ayos kami. Marami ring pinapunta na tauhan dito para tumulong. Masiyadong busy ang lahat ng tao. Hindi ko alam bakit nga dito naisipan ng asawa ko na e held ang party. Ang bahay na minsang ng naging haunted house ay naging mala-palasyo ngayon buhat sa maraming tao ang nagtulong-tulong para pabonggahin ang party na ‘to. "Kinakabahan ka ba?" umiling ako kay Lee. Alam ko na ang tinutukoy niya ay si TG. Nakilala na ni TG ang mga anak ko at kilala na rin siya ng mga anak ko. Pero dahil sa siya ang Governor sa lungsod, wala siyang oras para mabonding si Si
“Wife,” inaamoy ni Mr. Shein ang balikat ko habang nasa sala kami nanonood ng palabas. Nasa sahig ang tatlo naming anak at tutok na tutok sa Tarzan. “Stop saying it. Masisiko talaga kita!” Bulong ko sa kaniya. “Mamaya,” bulong ulit nito. “Magtigil ka nga!” He’s horny. Kailan ba ito hindi naging horny? Jusko talaga. Minsan napapa sign of the cross nalang ako sa asawa ko. “Quickie,” “Pa, stop talking. You’re disturbing us.” Reklamo ni Sico na kahit hindi nakatingin sa amin ay alam kong nakakunot ang noo. Pinandilatan ko siya ng mata. Heto na. Nag ri-reklamo na itong anak niya. Hindi ba siya nahihiya? Nag pout siya at sumandal sa sofa. Parang postora ng spoiled brat. Hindi niya masabi ng direkta dahil alam niya kung gaano ka sensitibo ang tenga ng mga anak niya. Akala ko ay titigil na siya ngunit nagulat ako ng kumalabit ulit siya sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin. “Use your hands.” Sabi ko. Ngumuso siya tuloy ay natawa ako. Tumayo ang bunso namin kaya agad siyang napaupo
“Mama!” kinuha ko si Moni na nagpapakarga habang kausap namin si Dave. Nasa downtown kami para sa coffee shop na ipapatayo ko.Pinapaliwanag niya sa ‘kin ang mga plano niyang gawin sa coffee shop ko. Kasama namin ang kaibigan niyang architect na siyang gumawa no’ng blueprint na binigay niya sa ‘kin.“Asus! Nagpapalambing sa mama,” aniya nang makita ang pamangkin niyang nagpakara sa ‘kin.“Ngayon lang ito. E halos ayaw ng humiwalay nitong bulilit na ‘to sa kuya mo.”“Speaking of, asan pala si kuya, ate?”“Nasa trabaho pa. Kailangan na niyang pumasok or else kukunin na talaga ni Vicente ang kumpanya.” Napailing si Dave.“No wonder panay ang reklamo ni kuya Vicente sa gc namin.”“Saan ka pala uuwi mamaya?”“Kay auntie Lorena siguro ate. Alam mo na,”Tumango ako at sinilip ang nasa likuran niya. Nakita ko si Sico at Rico na nag-uusap. Kumunot ang noo ko sa nakikita. Anong pinag-uusapan nila?“Pwede pakihawak muna itong si Harmonia, Dave? Puntahan ka lang iyong dalawang anak ko.” Sabi ko sa
“Mistey Sheyn!” Magiliw na sabi ni Moni habang nagpapabuhat sa papa niya. Sumimangot si Mr. Shien ngunit halata naman ang kasiyahan sa mukha niya.Lately, mas gusto ni Harmonia maglambing sa papa niya kesa amin ng mga kapatid niya.“It’s papa baby. I’m your papa!” Pagtatama niya sa anak namin.“Moni dapat papa. You should call papa as papa and not Mistey Sheyn!” Sabi ni Rico ngunit hindi siya pinakinggan ng kapatid niya.“Wife, your daughter is such a bully.” Ani ng asawa ko sa walang tono. Tinawanan ko lang siya at kinain ang pancake na nilagyan ko ng syrup kanina.“Ma, grounded pa rin ba kami?” napatingin ako kay Sico.Tinaasan ko siya ng kilay. “Ma naman!”Hindi nagbago ang itsura ko kaya siya na mismo ang nagbaba ng tingin at humaba ang nguso. “Fine ma.” Napipilitang aniya.“Anong oras uwi niyo mamaya?” nagtatakang tanong ko.“By 4 siguro ma nandito na kami,” ani ni Rico na kanina pa maganda ang mood.“Why are you happy?” pinagkunutan ko siya ng noo.“Why? It is bawal ma?”“It’s w
LORELAYHinihintay ni ko si Mr. Shein sa paglabas sa conference room. Araw kung saan bibitawan na namin ang position sa org. At nasa meeting siya with the Don kasama na ang ilan s head ng org.“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Lee na siyang kasama ko ngayon.“Dapat ba akong kabahan?” umiling si Lee at ngumiti.“Dito hindi magkapareho si Mr. Shein at Don kahit na pareho sa maraming bagay ang dalawa. Pagdating sa ‘yo at sa mga anak niya, napaka makasarili niya. Wala siyang ibang gusto kun’di ang unahin kayo while the Don thinks other people than his own family.”Natahimik ako. I know Lee. I know but “Is that a bad thing?”Umiling si Lee. “It’s a nice feeling. It’s a good thing lalo’t wala naman siyang ibang hinangad kun’di ang makasama ka. Mula pa man noong bata pa kayo, ikaw na pangarap niya. At marami ang pinagdaanan niya bago ka niya nakuha.”Pinamulahan ako sa sinabi ni Lee ngunit hindi ko ‘yon makakaila. Alam ko lahat ng pinagdaanan ng asawa ko. Kaya hindi kataka-taka kung ako man ay
Malaking palaisipan sa lahat kung sino ang pumatay kay Edmund. But his case was the least priority as of the moment dahil lahat pumunta sa bahay ni Zeym matapos sabihin ni Sico ang balitang iyon. Lorelay dying to know paano nakuha ng dalawang anak niya ang kapatid nila. But na o-overwhelm siya sa balitang ligtas na ang bunso nila. Pagbukas ni Zeym nang pintuan, hindi na siya nagulat makita si Lorelay kasama ni Mr. Shein. Pinagbuksan niya ang lahat at naunang pumasok sa kwarto niya. She’s quite but alam niya ang kahihinatnan niya. She ought na magiging loyal siya sa org. Ngunit hindi niya kayang maatim na suwayin ang master niya. Her loyalty will only be to Rico. Sa kwarto, nadatnan nila si Harmonia na gising na gising at nakasaksak ang bottle milk sa bibig niya. She’s watching CocOO melon. Tumingin siya sa mga bagong dating ngunit una niyang makita ang dalawang kuya niya kaya agad siyang bumangon. “Ku-ya!” Masayang sabi nito. Kahit pa hawak ni Pocholo ang dalawa ay agad itong na
“Sico! Stop it!” Natatawang sabi ni Zeym nang itinutok sa kaniya ni Sico ang hose. Nasa garden sila at naabutan ng malakas pa ang ulan. Dahil dito, napagpasiyahan nila na maligo nalang sila. Ni hindi na nga niya natatawag na master si Sico at panay takbo na si Zeym makalayo lang kay Musico. The babysitter named Rico ay nasa salbabida na nasa damuhan habang nakahiga sa kaniya ang baby sister niya. Natatawa silang dalawa habang pinapanood nila si Sico and Zeym na naglalaro sa harapan nila. Napatingin si Rico kay Harmonia na bumubungisngis sa kandungan niya. “They are so funny kuya,” sabi ni Moni na ngayon ay medyo maayos na magsalita. Tinuturuan ito ni Zeym ng tamang pag pronounce ng words at letters. He’s happy watching his sister laughing with them. Sa tatlong linggo na kasama nila ang kapatid nila ay mas lalo nilang naiintindihan ang buhay. “Are you cold?” tanong niya nang makita ang panginginig nito. Moni nodded at hudyat na iyon para buhatid niya ito at maunang pumasok sa loob
“Rico, how to stop her? She’s crying for 3 staright hours now!” Ani ni Sico na hindi na alam ang gagawin sa kapatid na umiiyak. Tumayo si Rico matapos niyang masigurado na ayos na ang tali ng duyan sa bahay ni Zeym. Tumingin siya kay Sico at napailing. Kaya hindi siya tumitigil umiyak dahil hindi siya comfortable sa hawak mo. Rico didn’t said that. He just let his brother find a solution to his own ‘katangahan’. “Can I hold her master Sico?” malambing na sabi ni Zeym. Natigilan si Sico at natulala sandali. Saka lang siya gumalaw ng kusa ng gumalaw ang kapatid niya para magpabuhat kay Zeym. “Aww. Ang ganda naman ng master Moni ko.” Naaaliw na sabi ni Zeym sa bata. Si Rico naman ay napailing lang at pumuntang kusina para mag timpla ng gatas para sa kapatid. Lumabi si Sico at dumikit kay Zeym. “Bakit ayaw niyang tumahan kapag ako ang may hawak sa kaniya?” nagtataka niyang tanong kay Zeym. “You’re holding her in a wrong way.” Ani ni Zeym at tinuran si Sico paano hawakan ng tama si H
“Where is mama?” biglang sumulpot si Rico na nagmamadali at nadatnan ang lahat na nakaupo sa sala at naroon si Lorelay na nakaupo at walang kabuhay. They were currently having ameeting. It’s been 1 week after niyang makabalik yet wala pa rin silang makuhang lead kung saan dinala ni Edmund ang anak niya. Nang makita ni Lorelay ang anak ay kumunot ang noo niya ngunit agad rin siyang naluha. Tumakbo si Rico sa kaniya at niyakap siya. Nagbabadya na ang luha sa mga mata. “Mama,” “Oh my God! I missed you so much baby.” Bulong ni Lorelay nang mayakap ang anak. Hindi na napigilan ni Rico ang umiyak. “Is this real? Are you real mama?” Tumango si Lorelay at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa anak. He changed. Mas tumangkad na siya ngayon kumpara dati. Sobrang laki ng ipinagbago niya sa loob ng tatlong taon. Lorelay think. “Mama, I missed you so much. I thought you died without waiting for us. Don’t do it again.” Umiiyak na sabi ni Rico. Oh God! He’s still the clingy baby to me. Umiling s
“Shoot me,” panghahamon ni Gregor. Kita niya ang panginginig ng kamay nito sa galit. Ngunit alam niya rin na hindi siya kaya nitong saktan dahil iniisip nito ngayon na hawak niya si Harmonia. Ginagamit ni Gregor ngayon ang bata dahil alam niyang mahal ni Edmund si Harmonia. “Baby, anak, papa is here. Halika,” tawag ni Edmund habang nakatingin sa nakabalot na manika na hawak ni Gregor. Napapikit si Gregor sa kaba. Ito ang dahilan kung bakit niya nilagyn ng takip ang tenga ng bata. Dahil alam ni Gregor na sasama si Harmonia kay Edmund. At he anticipated it already. Ayaw niyang marinig ni Harmonia ang boses ni Edmund. Dahil alam niya, na kahit si Lorelay pa ang nasa harapan nila, sasama at sasama si Harmonia kay Edmund na kinikilala nitong tunay na ama. Sumilip si Gregor sa pinagtaguan ni Moni at nakaupo pa rin ito habang nakatingi sa itaas kung saan naroon ang chopper. Young miss, please huwag ka munang lumabas. Gregor begged. Hindi niya napansin na unti-unti ng natatanggal ang tin