Napatingin si Matteo kay Victoria sa realization na iyon. Si Victoria ay nakatitig lang sa kaniya habang ang mag-asawang Bianchi ay naaliw sa napapansin nila kay Mahalia. Lihim na kinabahan si Matteo sa posibilidad na katotohanan. Napatingin siya kay Finn, kaya si Finn naman ay kinausap sandali ang mga magulang. "Mom Dad, is it okay, kung kausapin ko lang si Matteo? May importante lang akong sasabihin, sandali lang po, iwan lang po namin si Mahalia."Tumango ang ina nito at matamis na ngumiti. "Of course go, okay si Mahalia sa amin dito.""Mom she's innocent, 90%," sabi pa ni Finn. Kumunot ang noo ng mga magulang nito. "I'll explained later po." "Don't worry, son, she's okay with us," sabi ng ama nito. Lumabas lang sila ni Finn, at katulad ng inaasahan niya, sumunod si Victoria. "Buck," untag ni Finn nang nasa labas na sila, kaunting hakbang na nakasunod ito sa likuran niya at saka siya huminto na humarap dito. "I'm nervous."Kahit siya, ramdam din iyon. Huminga siya nang malalim m
Hindi napansin ni Mahalia ang reaction ni Finn. Nanginginig na kasi ang mga kamay nito na naiiyak na para bang gumuguho ang mundo, ngunit siya dahil guho din ang mundo niya, hinawakan niya sa braso si Matteo na tila hindi na nakarecover sa kung ano man ang naging dahilan ng pagkatulala nito. "Uwi na tayo," iyak niyang pakiusap. "Matteo uwi na tayo."Saka lang napasinghap si Matteo, at napahilamos ng mukha na may pumatak na luha sa mga mata. "W-What happened?" "Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Hunter nang napansin ang reaction ng dalawa. Saka lang napaangat ng mukha si Mahalia at napatingin kay Matteo na umiiyak pala, pero pilit na kumakalma at si Finn naman, mas luhaan. "Bakit? Ano yan, Buck?" tanong pa ni Hunter sabay turo sa papel na hawak ni Finn. Tinago ito ni Finn at umiling. "Nothing...I mean, I'll tell you later." "Ang gulo nila don sa loob, yung kapatid mo nagwawala," ani na lang ni Hunter para ipaalam sa mga ito ang tunay na kaganapan sa loob. "Why? Is it because of Ma
Surprise na surprise si Mahalia sa gabing iyon. Maraming nagpalakpakan, at bumati sa kaniya. Napansin din niya, parang kakaunti lang ang guest, ngunit hindi na niya nagawang itanong pa dahil lumapit sa kaniya si Sezy na lumusot lang sa maraming tao. "Happy birthday!" Patalon-talon pa itong pumunta sa kaniya at niyakap siya. Gusto niyang maiyak lalo na ng ibigay nito sa kaniya ang hawak na regalo. Tapos sunod na lumapit si Yanvi na may binigay din na regalo at halos yupiin siya sa pagyakap nito. "Happy Birthday! Thank you kasi dito ka nag-celebrate." "Woi ako din, payakap," singit ni Miarta at katulad ng dalawa yumakap din ito sa kaniya at nagbigay ng regalo. "Happy birthday sana dalaga ka na." Natawa siya. "Bakit hindi ba ako dalaga?" "Sa cute mong yan, ugali mukha, hindi halata," sabi naman nito. Tambak ang regalo ng tatlo sa kaniya tapos mayroon pang iba at pati si Ma'am Regina, may regalo din sa kaniya. "Happy Birthday Mahalia." "Nakakahiya po, pumayag kayo na dito ako ma
Kasal, ito ang pinaka-importante parte ng buhay ng lalaki at babae lalo na sa babae. Titig na titig si Mahalia sa napakaseryosong mukha ni Matteo. Kitang-kita niya, na tila ba'y napaka-importante niya sa lalaking ito. Alam niya, ilang beses na sinabi ni Matteo na mahal siya nito, ngunit minsan, ang tiwala niya ay nasisingitan ng pagdududa sa tuwing iniisip niya kung paano sila nagkakilala at kung ano ang buhay nila sa simula. Dahil sa rason na iyon, nagsalita siya. "Kasal, Matteo...Kasal, hindi na biro yan." "Exactly, hindi na biro to, dahil seryoso ako, Mahalia. Gusto kitang makasama habang buhay," anito na halos tumalon ang puso niya sa kilig, sa tuwa, kahit naroon ang pagtataka niya. "H-Hindi ka ba natatakot? Kailangan na talagang hahantong tayo sa kasal?" tanong pa niya na siyang awtomatikong pagguhit ng pagkadismaya sa mukha nito. "A-Ayaw mo ba? Wala ka bang may nararamdaman sa akin kahit konti? Mahirap ba akong mahalin?" tanong nito, animo'y nalungkot pa. Parang hindi siya
Tiningnan ni Mahalia ang Marriage contract. Unang nakita niya, pangalan ni Matteo, sunod ang pangalan niya, ngunit kumunot ang noo niya dahil ang pangalan niya doon ay, Mahalia Bianchi. "Huh? Bakit hindi Ramirez ang apelyido ko?" taka niyang tanong at tumingin rito. "Bakit? Mas gusto mo pa rin ba ang apelyido na iyon?" tanong naman nito, pasayaw-sayaw pa ang mga mata na tila naiilang tumingin sa kanya."Eh shempre diba? Apelyido ito ni Finn?" Sobrang gulong-gulo siya. "Hindi kasi bagay sa'yo ang Ramirez at apelyido yun ng babaeng never ka naman tinuring na anak. Tanggalin mo na sila sa buhay mo, Mahalia at kaya Bianchi yan, kasi shempre close kayo ni Finn, kaya mas maigi na makiapilyedo ka na lang sa kaniya," mahabang sabi nito. Bumusangot siya. "Pwede ba iyon?""Tsk! That's okay, kasi after mong mapirmahan yan, Elioconti ka na. Temporary lang iyang Bianchi. Pero wag mo na lang sabihin kay Finn ha. Sige na pirmahan mo na," paliwanag nito at tinuro ang hawak niyang papel. Kahit ma
Hinayaan ni Finn at Victoria na mag-sama ng sila lang, pinili niya munang makasama si Daphne na ngayon ay brokenhearted ulit. Malinaw na hindi pa nga ito naka-move on kay Matteo. Kapag kasi masama ang loob ng kapatid niya, wala itong ganang kumain kaya siya ang naglalagay ng pagkain sa plano nito. "Kain na, babagsak ang katawan mo kapag lagi kang ganiyan," mahinang wika niya. Tamad nitong kinuha ang kutsara at walang ganang tinusok ang karne. "Why is Matteo like that?" mahinang tanong nito. Umakto siyang walang pakialam sa tanong ngunit hindi niya maiwasang tumugon kaya naging tamad ang pakikipag-usap niya rito. "Just forget him, he's with someone else now.""I understand kung si Victoria ang pinalit niya sa akin," anito. "But there's nothing between him and Victoria. Kasi kung meron, hindi sila close ni Mahalia," paglinaw niya. Nagpatunog ito ng dila at nakabusangot na bumuntong hininga. Binaba lang nito ang tinidor at sarkastikong tumitig sa kaniya. "And even you, malapit ka sa
"Are you ready?" Kasalukuyang nakaharap sa salamin si Mahalia habang nag-aayos ng sarili. Sexy na damit na ngayon ang suot niya at si Matteo ang nagtanong kung ready na ba siya. Nagpatunog siya ng dila at ngumiti sa salamin. "Tapos na ako. San ba kasi tayo pupunta?" "Just bonding with friends, random. Check ko lang si Finn, tanong ko kung makakapunta siya," anito sabay labas ng kwarto habang ang kamay ay nagdudukot ng phone sa bulsa. Siya naman kinuha ang bag sa ibabaw ng kama, kinuha na rin niya pati ng susi ng sasakyan na nasa tabi nito. Napangiti siya sa isiping hinahanda niya ang mga bagay na kailangan ni Matteo bilang asawa at hindi babae lang. Hinayaan niya itong makipag-usap sa kanilang linya, at siya naman ay sinasara ang kwarto. Maya-maya binaba nito ang phone at lumapit sa kaniya. "Sasama daw siya?" "Oo daw, mukhang basag ang boses niya, nagkaproblema yata. Pero susunod siya, dun na lang natin siya kikitain," anito habang nilalagay naman niya sa bulsa nito ang susi ng
Napansin ni Mahalia na sinamaan ng tingin ni Finn si Matteo. Maya-maya umalis itong si Finn at siya naman binigyan ni Matteo ng pahintulot na kumuha pa ng pagkain. Magkasama naman sila ni Bree na namili ng kakanin nila. "Ano steak ka ulit?" tanong ni Bree sa kanya ng pabulong. "Ang sarap kasi eh," aniya at tinuro niya ang lasagna. "Tsaka may lasagna sila.""Don't tell me kakain ka pa ng lasagna?" animo'y gulat na tanong nito. Sinisilip pa nito ang mukha niyang tila ba'y may kinakatakahan sa kaniya. "Eh kasi...." Nagpatunog siya ng dila at napangiwi. "Alam mo ba, parang ang sarap kumain ngayon, tapos puro lahat paborito ni Matteo yung gusto kong kainin." Napansin niya ang pagbuka ng bibig nito na animo'y nagulat. Kumunot naman ang noo niya at napatanong ng, "Bakit?" Nagtikom ito ng bibig at nagpanggap na parang wala lang, sa pamamagitan ng pag-iling at sinabing, "Wala." Nagtataka man, pinili na lang niyang baliwalain ito. Nag-order na lang siya ng pagkain na gusto niya, at habang
"Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam
Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su
Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"
Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang
Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M
Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan
"Kailan kayo kinasal ha? Wag mong sabihin nagpirmahan lang kayo, at hindi mo siya hinarap sa simbahan, wala akong nababalitaang ganon, Matteo." Dinuro-duro siya ng ama ni Finn at Mahalia at tanging pagyuko lamang ang ginawa niya. Frustrated itong napahilamos ng mukha na para bang hindi nito alam ang dapat gawin sa kaniya. "I'm sorry, Uncle—""I don't know what to say, Matteo. This is what you are, right? This is how you manipulate people, right?" gigil na singhal nito. "W-What?" nagtataka naman niyang tanong. Dinuro ulit siya nito, pero sinasayaw nito ang daliri na parang pinapakita lang nito sa kaniya na kinukontrol nito ang galit. "You confessed... right here. Right time para sa'yo na masabing kapag nagalit ako, you can make me feel how dare I am. Na ngayon ko lang nalaman na anak ko siya, at mas ikaw ang nakasama niya from the start ibig sabihin, who am I to be mad, right?" Maang siyang napabuka ng bibig at napailing. "N-No, I just confessed to admit my mistake, Uncle. And yes
Habang yapos na yapos ng yakap si Mahalia ni Frenon Bianchi, luhaan siyang napanganga na napatingin kay Matteo. Hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito. Binaling niya ang kaniyang mga mata kay Finn na luhaan habang nakahingin sa kanila. Nang naging malinaw sa pandinig niya ang iyak ng nagsasabing ama niya doon na rin siya napaiyak dahil ramdam niya ang pamilyar na yakap. Nakanganga pa rin siya, at nadaluyan pa talaga ng luha ang bibig niya. Ngunit hindi niya ito alintana, dahil mas nangibabaw ang emotion niya. Kumalas ng yakap sa kaniya ang kaniyang ama at mukhang desperadong hinawakan ang pisngi niya. "How come na anak kita? I don't understand..." "H-Ha? Hindi mo alam?" nanginginig ang boses niya sa pagsasalita dulot ng hikbi.Umiling ito at humahagulhol na sinabing, "The result said yes. Pero hayaan mo na, kung sino man ang nanay mo, I don't care ang importante, nandito ka na. Nandito na ako, walang gagamit na ibang tao sa'yo para punan ang pansarili nilang intensyon."N
The DNA result says... it's 99.9% positive. Anak nga ito ng daddy ni Finn kaya naman lihim na napakuyom ang kamao niya sa ilalim ng lamesa. It means, his dad cheated on his mom. Napansin ni Mahalia ang reaction niya kaya napatanong ito, "Bakit, Kuya?" Pilit siyang ngumiti at umiling. Hindi niya muna sinabi sa kapatid ang katotohanan kahit na expected naman. Tinapos lang nila ang pagkain doon at saka bumalik na sila sa studio pero iniwan niya si Mahalia kay Victoria at siya naman ay umalis. Lumong-lumo siyang pumasok sa sasaktan thinking na pinagtaksilan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Matic na naawa siya sa kaniyang ina dahil wala itong kaalam-alam. Tumutulo lang ang luha niyang magmamaneho, at tinawagan ang kaniyang ama. Narinig niya itong tumunog sa kabilang linya at sinagot din agad. "Yes, son?" "Papunta na ako sa opisina mo. I have the result now," sabi niya sabay off ng call. Tinawagan niya para makapag-handa ito, in case may client sa loob ng opisina. Nang makarating na