Maraming maraming salamat po sa mag nagbabasa! Kila ate @Corazon sobrang nakakataba po ng puso ang sinabi niyo about sa story ko at pagbibigay ng 5 star ratings para mas makahakot pa ng readers, thank you po! @Ruth Liguan lalo na sa mga binibigay mo po na gems, top 1 fan po kita kaya sobra sobrang thank you po! And lastly kay @Joygcus! Sobrang thank you sa inyong lahat, lalo akong na-iinspired para bukas! Sa tingin niyo ano na kayang susunod na mangyayari? Bumait na nga ba talaga si Daisy? Tingin niyo guys? Hahaha comment kayo dali nagbabasa ako hahaha
“HEY! Are you okay?” Napakurap ako ng yugyugin ni Daisy ang balikat ko ngunit nagulat ako ng hilahin ako palapit ni Tanner sa kaniya at hinarang ang sarili sa harapan ko. “Don’t you dare touch her!” “S-Sandali, Tanner ‘wag kayong mag-away. Inaalam lang ni Daisy kung ayos lang ba si Anastasia.” Biglang singit ni mommy sa gitna nilang dalawa ni Daisy. “No, it is okay mommy. Naiintindihan ko si Tanner kung bakit over protective siya sa kapatid ko. Niloko ko siya, nagsinungaling ako, at alam ko na magiging ganito ang reaction niya. Pero Tanner, sana maniwala ka saakin na nagsisisi ako. Sorry sa nagawa ko.” Natahimik sila dahil sa sinabing iyon ni Daisy at humarap ito saakin. Nilampasan niya sina mommy at Tanner pagkatapos ay lumuhod ito sa harapan ko na ikinagulat namin.“D-Daisy…” “Anastasia, patawarin mo ako. Humihingi ako ng tawad mula sa kailaliman ng puso ko. Sorry sa nagawa ko, patawarin mo ako. Gusto ko ng mag bago. Gusto ko ng baguhin pagkakamali kong nagawa sa buhay Anastasi
NAABUTAN ko si Tanner sa may sala kung kaya agad kong itong nilapitan. “Tanner…” lumingon siya saakin at nakikita ko ang naiinis na emosyon sa kaniyang muka. “Bakit ganon mo nalang kadaling patawarin si Daisy, Anastasia?! Siya ang dahilan kung bakit muntik ng mamatay ang anak natin! Siya ang dahilan kung bakit inakala ko na siya ay ikaw! Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito!” Hinawakan ko ang kamay ni Tanner at deretsyong tumingin sa mga mata niya. “Naiintindihan ko ang kinagagalit mo Tanner… Pero nakita mo naman diba? Nagsisisi na siya? Lumuhod pa siya sa harapan ko—” ngunit hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumingit siya. “Because she is expert on that part! She can pass as an actress!” Natigilan ako sa sinabi niya at bumalik sa ala-ala ko ang mga panahon na umaarte siya sa harapan nila mommy at daddy. Mga panahon na pinagmumuka niya akong masama na ang totoong dahilan ay siya naman talaga. “See? I told you.” Ngumiti ako kay Tanner at umiling sa kaniya. “Kung totoo man n
ANASTASIA NGAYON na ang araw ng kasal nila mommy at daddy. Maaga akong nagising dahil sa alarm clock na bibig ni Serene pero pagtingin ko sa orasan ay alasingko palang naman ng umaga. 10 pa ang kasal kaya talagang ang sama ng tingin ko sa kaniya, naalala ko na sa sobrang lasing ko ay nawalan na ako ng malay. Maaga kaming sinundo ni Tanner na mukang ito ang gumising kay Serene base na ‘rin sa kwento niya. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari kagabi ngunit sabi niya ayun nalasing nga kami at siya nalang nagbuhat saamin. Hindi kasi dito kami aayusan, sa isang hotel na malapit sa simbahan. Pagkarating namin sa hotel ay naghiwalay na kami ni Tanner dahil iba ang room niya saamin. Sama-sama kami nila mommy, Daisy, Serene, at Becca. Pagdating namin doon ay katatapos lang maligo ni Becca habang si Daisy naman ay agad na lumapit saakin at niyakap ako. “Naku sis! Sorry kagabi ah?” ngumiti at umiling lang ako sa kaniya. “Ayos lang Daisy, at least we have fun.” “Yeah, sobrang fun.” Pagkasab
PAGKARATING nila sa reception ay ang dami na agad tao doon at mga reporters. Nagsimula na ang event habang ang mommy at daddy nila ay nakaupo sa pinakang unahan. Sila naman ay nakaupo sa iisang lamesa na tingin ni Anastasia ay hindi magandang sitwasyon dahil ang sama ng tingin na ipinupukol sa kaniya ni Daisy. Si Serene naman ay hindi nagpapatalo at tinitignan niya ng masama si Daisy at Becca. Maging si Tanner ay ganoon ‘din, tanging si Anastasia lang ang naiilang at gusto nalang umalis. Hanggang sa dumating na ang oras ng pagkain ay nagsimulang umingay sa paligid. Nagsimula na ‘ring maglibot ang mommy at daddy niya sa mga bisita na naroroon na siyang alis ni Becca at Daisy sa kanilang kinauupuan. “Mabuti naman at umalis! Gusto ko na siyang sabunutan e!” inis ni Serene habang nakatingin sa papalayong si Daisy. “Hayaan mo siya Serene, aalis na tayo bukas ‘wag kang mag-alala.” Pilit na ngiting sabi nito sa kaniya na ikinairap naman ng babae. Naramdaman ni Anastasia ang paghawak sa kan
“PUPUNTAHAN ko si Anastasia!” Walang pagdadalawang sabi ni Kevin at agad na kinuha ang kaniyang wallet ngunit pinigilan siya ni Brandon. “Hindi ka pwedeng sumama, bantayan mo ang kambal. Ako na ang bahala Brandon, leave it to me.” Umiiyak na ang mga babae sa unit nila Anastasia. Nandoon silang lahat upang panoorin ang kasal ng magulang ni Anastasia ngunit simula ng magkagulo sa reception ay kinakabahan na ang mga ito. Ang masama pa ay andoon ‘din ang kambal at kitang-kita nila ang live sa TV ng pagkakalabas ni Anastasia at ng kanilang lolo at lola sa ilalim ng truck. Si Kevin ay hindi makapaniwala sa napanood at tila siya ay nanghina ngunit kailangan niyang maging matatag upang tignan kung ayos lang si Anastasia. Nilapitan ni Sanity at Avery si Asher at Amari na umiiyak na ngayon dahil sa napanood. Sa kanilang lahat ay ang kambal ang pinakang nasasaktan dahil sa nangyayari. “Kailangan ko ng umalis Brandon.” Wala ng nagawa si Brandon ng tuluyan ng umalis si Kevin at nilapitan nala
ILANG oras na ang lumilipas at hindi pa ‘rin nagigising si Anastasia. Nasa tabi nito si Tanner habang hawak ang kamay ng babae at kanina pa niya kinakausap na sana ay magising na. Madaling araw na ngayon at malapit ng sumikat ang araw ngunit wala pang tulog si Tanner. “Tanner, magpahinga ka muna.” Lapit na sabi ni Serene dito ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Napabuntong hininga nalang siya at nilapitan sina Lawrence na natutulog sa isang sofa at ganoon ‘din si Clark. “Huy! Gising!” agad na napadilat si Lawrence dahil sa yugyog sa kaniya ni Serene. Natigilan ito na nakatingin sa babae na naiinis sa kaniyang presensya. “What do you want babe?” napangiwi si Serene dahil sa inasta ng lalaki. Ang ayaw niya pa naman sa lahat ay mga babaero. “Babe mo muka mo! Sabihan mo si Tanner na magpahinga na! Dipa natutulog at kumakain ‘yun.” Napatingin naman si Lawrence kay Tanner na nakaupo sa tabi ni Anastasia. Bumalik lang siya sa pagkakasandal at ipinikit ang mata. “Hayaan mo siya. Mal
"H-HINDI ko kaya Kevin..." Iling na sabi ni Anastasia nang sabihin ni Kevin na oras na para puntahan niya ang kaniyang ina at ama. "Anastasia, that would be the last time you will see them. Sa susunod ay nasa kaba—" hindi naituloy ni Kevin ang sasabihin niya ng makita ang mariin na pagpikit ni Anastasia. "Kevin, 'wag mo na siyang pilitin pa." Napatango nalamang ito sa sinabi ni Tanner na agad ikinayakap ni Anastasia dito at umiyak. Tumalikod na ito sa dalawa upang hindi niya makita ang masakit na tanawin na iyon. Nakita niya na nakatingin sa kaniya si Serene na tila na-aawa kung kaya sumeryoso siya at naglakad papalapit sa mga ito. "Shh... Tahan na wife, alam kong mahirap para sa'yo ang lahat ng ito pero alam ko din na malalampasan mo ito. Don't forget that we are here Anastasia." Hindi nagsalita si Anastasia sa kaniyang narinig mula kay Tanner bagkus ay mas yumakap lang siya ng mahigpit dito. Hindi na nangialam pa ang iba sa dalawa dahil alam nilang nagluluksa pa si Anasta
“HINDI ako papayag na hindi magbayad si Daisy, Kevin!” Pabalik na naupo si Anastasia sa single sofa kung saan siya tumayo kanina. Nasa sala’s sila ngayon at pinag-uusapan ang tungkol sa pagkamatay ni Becca. Ayon kay Clark at Lawrence na nasa bahay ni Becca ng binarily ito sa ulo at binti. Hindi siya makapaniwala na nakakaya ng pumatay ng kaniyang kapatid—o kapatid nga ba talaga? “Pero mapanganib na tao si Daisy paano—” “And what Kevin?” napatingin sila kay Tanner ng magsalita ito. Nakaupo ‘din ito sa isang single sofa na katapat ng sofa na kinauupuan ni Anastasia. Wala doon ang mga bata at hinayaan muna nila sa isang kwarto. Andoon sila ngayon sa unit nila ni Serene sa hotel ni Tanner dahil doon nalang nila napagpasyahan na magpunta. “You will let that brat to kill us one by one?” hindi nakasagot si Kevin dahil doon. Sinusuwestyon kasi nito na umalis nalamang sila ng pilipinas at bumalik sa Paris. Para kay Anastasia kahit na umalis sila ay hindi na mababago ang katotohanan na n