“Para sa isang tagapagmana ng multi-million company, bakit ka mababagabag sa mga taong hindi kayang bayaran ang pagpapadala sa kanilang mga sarili sa magnadang ospital? Paano mo mapapaganda ang pasilidad ng Fuentebella District Hospital kung ang target market mo ay ang mahihirap na populasyon sa lungsod?” kaswal na ipinunto ni Timothy Steel. Ang mga mata niya ay sumingkit habang naghihintay ng kanyang sagot.“Hindi ko kailangan ng pera ng mahirap para pagandahin ang ospital. Ang mayayaman ay may kakayahan, kaya ibibigay ko sa kanila ang mag pasilidad na willing silang bayaran ng galante. Sa oras na gawin nila, madali na ang pagpopondo sa mga walang pribilehiyo,” seryoso niyang paliwanag.“Ang mga mahihirap ay mapride at hindi hihingi ng limos para sa sarili nila. Ang kailangan nila ay sustainable medical program. Ang kahanga-hangang medical service na hindi uubos sa mga bulsa nila. Mangyayari lang ito sa pagpapaganda ng mga pasilidad sa Fuentebella District Hospital,” nararamdaman ni
“Kakatakutan ko ba si Madame Sandoval?”Nagulat ang lahat dahil tumawa si Timothy Steel. Pero walang sumabay sa kanya. Walang makasukat kung natutuwa ba talaga siya o naiinis.“Nasasa iyo na iyon, Mr. Steel. Pero huwag mo ako tignan ng ganyan. Hindi ako mapakali,” kalmadong sagot ni Abby.“Matapang ka. May naalala ako sa iyo,” habang masaya ang dating, bumulong siya.“Pakiusap, sana hindi ex mo,” bulong niya. Pero narinig ito ni Timothy Steel at tumawa siya muli.“Hindi, hindi ex ko,” sumagot siya sa kanya at nagulat ang lahat maliban kay Lam.Naiinis si Alice habang si Simone ay napapagod sa kanyang lakas ng loob.“Hindi ako makapaniwala na ang mga magkakapatid na ito ay pareho ng taste sa babae,” mahinang bulong ni Timothy Steel habang umiiling-iling.“Pasensya na, Mr. Steel? Anong sinabi mo?” sinubukan ni Abby na linawin matapos hindi maintindihan ang sinabi niya.“Ang mga pinsan ko ay may parehong mga taste pagdating sa mga babae,” nagsalita siya ng mas malakas para sa akn
Ilang linggo na simula ng bumisita ang grupo ni Timothy Steel sa F&D. Pero walang balita sa kalalabasan ng proposal na isinumite nila. Mukhang bumisita lang ang lalake para bumati.Hindi kinausap ni Abby si Lam tungkol sa inis na kumakain sa kaluluwa niya. Sinimulan niyang kuwestiyunin ang kanyang sarili sa ugaling ipinakita niya sa lalake. Pero wala na siyang magagawa dito. Bukod pa doon, hindi siya magkukunwari para lang sumangayon ang isang tao.Madalas siyang bumibisita kay Lam, umaasa na makakarinig ng magandang balita. Desperado siyang makakuha. Ang pondo niya ay paubos na at hindi na nito masusustentuhan ang ospital ng matagal.Makalipas ang ilang linggo, tumigil na siya kakaasa. Nakakawalan ng gana, pero at least sinubukan niya.Patuloy niyang sinamahan si Lam sa opisina. Hindi lang para mag-aksaya ng oras pero para mag-ensayo din. Itinuturo ni Lam sa kanya ang mga tungkol sa kumpanya at kahit na wala siyang background sa kahit na anong business dealings, nagulat si Abby ku
Habang nagtatalo sila sa privacy ng opisina ng chairman, ang lobby ay nagkakagulo ng dumating ang mga bisita.Si Justin kasama ng kanyang ama at si Philip Sandoval ang mga naunang mga opisyal na naghihintay para sa mga bisita. Si Simone, Karen at Alice ay nasa likod ng mga lalake kasama ng iba.Sa oras na bumukas ang pinto ng sasakyan, nagkaroon ng bulungan sa loob ng lobby.Isang lalake na matangkad at napakaguwapo ang lumabas ng pinto kasama ng mabagsik na mga security.“Napakaguwapo ni CEO Steel,” gulat ang boses ng isa sa mga opisyal habang bumubulong siya.“Inaasahan nga naman ito. Ang kapatid niyang bumisita noong huli ay guwapo din. Nasa lahi siguro nila ito.”“Nakakatakot. Mukhang hindi niya alam kung paano ngumiti.”“Pangarap ko na lang ang magkaroon ng perpektong nilalang. Mayaman at guwapo.”“Ang akala ko si Mr. Timothy Steel ang huling pinakaguwapong lalake na nakita ko sa F&D. Hindi ako handa para sa kapatid niya,” bulong ng babaeng staff na narinig ni Alice at san
Nakita ng lahat kung paano ang presidente nila ay hindi nabigyan ng pansin at natanga sila. Kung ang CEO ay nakakasindak, ang asawa niya, si Dr. Amara Rechner-Steel ay nakakagimbal. Ang nakakapanindig balahibo niyang lamig ay nakakapagpanerbyos. Kahit ang paraan ng pagtitig niya nakakatakot.Nahiya si Justin at ibinaba ang kanyang kamay habang naiilang na humarap sa iba para ipakilala ang mga opisyal ng F&D. Hindi pa siya nakakaengkuwentro ng malamig na galit at hindi niya inaasahang magmumula ito sa magandang babae sa harap niya.Si Alice ay Karen ay nakatitig kay Dr. Amara. Higit kanino man, gusto nilang makuha ang pabor niya.Naganap ang palitan ng batian at kahit na nangangamba sila sa maaaring mangyari dahil sa asawa ng CEO, tagumpay itong welcome sa grupo ng Steel Corporation.“Hello, Dr. Amara,” lumapit si Alice habang malapad ang ngiti niya kung saan ang natanggap niya ay walang ekspresyon na titig.“Ako si Alice Ocampo, isa sa mga directors ng F&D at fiancee din ni Presid
“CEO Steel, ito ang aming bagong chairman, si Chairman Lam Cartagena,” mabilis si Justin na ipakilala ang lalake. Umaasa na madistract ang mga bisita mula sa atensyon nila kay Abigail Marie.“Welcome sa F&D, CEO Steel,” iniabot ni Lam ang kamay niya, hindi nabagabag sa kaguluhan sa paligid.“Salamat, Chairman Cartagena. Marami akong narinig tungkol sa iyo mula kay COO Steel,” nagsalikop ang mga kamay nila, madiin na kamayan ang ginawa nila habang nakatitig sa mga mata ng isa’t isa.Nanatili si Abby as likod ni Lam kahit na hawak siya nito. Alam niya na tinitignan siya ng kakaiba ng lahat dahil sa suot niyang damit at nakakadagdag ito sa hindi mapakali niyang pakiramdam. Hindi siya nagkaroon ng pakielam sa kung anong tingin sa kanya ng ibang tao, pero natinag siya sa presensiya ni CEO Steel. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang out of place siya sa F&D building.Lalong nadagdagan ang problema niya ng libong beses ng mapansin niya ang magandang abbae sa tabi ni CEO Steel. Kumpara
Kung napansin ng CEO na natatakot siya na baka may masamang mangyari, wala siyang paraan para malaman. Matapos niya bitawan ang kanyang kamay, kaswal siyang humarap sa kanyang asawa at ngumiti ng malambing.“Madame, ipinapakilala ko ang dyosa ng buhay ko, si Amara Steel,” ipinakilala niya ang kanyang asawa ng hindi umiiwas ng tingin mula sa asawa niya.Pinanood ni Abigail ang magkasintahan na nakatitig sa isa’t isa. Nag-uumapaw ang pagmamahal ng CEO sa kanyang asawa na parang molten lava mula sa sumasabog na bulkan. Hindi ito maitatanggi at naintindihan niya kung bakit wala siyang ipinakitang reaksyon sa chivalry ng kanyang asawa sa ibang babae.“Hello, Madame Abigail Marie,” gamit ang sobrang tamis na ngiting hindi inaasahan ng lahat, humarap siya kay Abby.Nagulat ang lahat ng makita ang bihirang ngiti na ipinapakita niya, si Abby ay hindi nagulat. Lingid sa kaalaman niya ang lamig na ipinakita ng doktor kanina sa lahat.Higit pa doon, napagtanto niya ang walang sawang pagmamaha
“Kung maaari lamang, kaninong pagtatrabaho, Miss Ocampo?” kalmadong tanong ni Dr. Amara.“Sa iyo ba?” dagdag niya ng magkasalubong ang mga kilay. Tinitigan niya ng malamig si Alice bago siya umiwas ng tingin at tinignan ang iba.“Empleyado ka ng F&D Group of Companies, higit pa sa pagiging fiancee ni President Del Castillo, Miss Ocampo. Kaya inaasahan ka na magtrabaho ng mabuti para kumita ng ikabubuhay mo. Anumang pera ang nakukuha ni Madame Abigail mula sa kumpanya ay nararapat lang sa kanya bilang major stockholder. Hindi siya nagnanakaw ng kahit na ano mula sa inyo,” habang malamig ang ngiti, sinuri ni Dr. Amara ang mga tao sa paligid bago napatitig muli kay Alice.Lumunok ng madiin si Alice, ininda niya ang nakabibinging tibok ng kanyang puso dahil sa malamig na mga matang nakatitig sa kanya.“Itama mo ako kung mali ako, President Del Castillo. May ninakaw ba na kahit na ano si Madame Abigail Marie Sandoval mula sa kumpanya at mga empleyado nito?” Humarap si Dr. Amara kay Just
“Wow, nakakatulala. Ang laki ng diamante!” hanggang sinabi ni Karen.“Ilang carats ito?” tanong ni Simone sa staff. Hindi dahil sa nakalimutan niya pero dahil gusto niyang magyabang.“Five carats in VSI1 clarity, Madame.”“Wow, kahanga-hanga. Kaya pala ang mahal nito,” bulong ni Alice, kinuha ang singsing para isuot sa daliri niya.Kumikinang sa mga mata niya ang nag-iisang bato.“Binayaran na ito ng buo ni Justin,” mayabang na anunsiyo ni Simone habang sinusulyapan si Lam.“Isusuot ko na ngayon,” deklara ni Alice ahbang nakataas ang kamay niya sa ere.“Well, may mga cheap sila na diamante para bayaran ng asawa mo, Abigail,” ngumiti si Karen.“Anuman ang mayroon siya, pera pa din ito ng Fuentebella. Si Abigail pa din ang bumibili para sa sarili niya,” tumaas ang kilay ni Simone ng mapanglait habang tumataw ang dalawa.Ineenjoy nila ang panlalait habang sina Abby at Lam ay nananatiling hindi nababagabag.“Dahil may pera kayo ngayon at ako ay wala, ikaw ang magbayad ng mga sing
“Puwede ba natin tignan ang loob?” maingat ang tanong ni Abby kay Lam noong tumigil siya sa labas ng isa sa mga jewelry shops sa mall.Humarap si Lam sa loob ng salamin. Ang shop ay halos walang tao.“Siyempre,” ngumiti siya at humakbang para hatakin si Abby papasok.Maraming iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas ang nakadisplay sa mga istante at kumikinang sila sa liwanag ng ilaw, natuwa ng husto ang itsura ni Abby.“Welcome sa Symphony Diamonds,” bati ng staff habang nakatingin sila sa paligid bagay kung saan magalang silang sumagot.Pinanood ni Lam ang nasasabik na mukha ni Abby habang sinusuri ang mga piraso ng diamond-studded collections. Ang kahinaan ng babae. Diamante.“Anong balak mong bilhin?” tanong niya habang kasama siyang tumitingin sa loob ng mga salamin sa istante.“Puwede ba?” napalingon ang ulo ni Abby sa direksyon ni Lam.“Bakit hindi? Maganda sila,” kibit balikat niya.Ilang sandali na tumitig si Abby sa kanya ng walang sinasabi, mukhang inaalam niya an
“Nakakailang iyon,” buntong hininga niya ng maluwag matapos silang makapasok sa sasakyan.“Bakit ka hindi mapakali? Wala iyon sa kanila, moppet ko,” natutuwa siya sa kakaiba niyang ugali simula ng lumabas sila ng apartment.May bahid ng pink ang mga pisngi niya at alam ni Lam na hindi siya naglalagay ng makeup.Dahil pasado tanghalian na, ang karamihan sa restaurant at café sa paligid ay wala halos tao, nakahinga siya ng maluwag dahil dito. Wala siya sa mood na mapaligiran ng maraming tao.Tahimik silang kumain habang nag-uusap ng kaunti.Ang tunay na hirap ay nagsimula ng makarating sila sa kumpanya.“Welcome back, Chairman Cartagena,” ang bati ni Justin ay may panlalait at ang mga mata niya ay nalipat kay Abby. Pumasok ang magkasintahan ng magkahawak kamay.Tumango lang si Lam sa kanya ng hindi tumitigil at hindi natuwa ang lalake dito.“Puro ka chikinini, Dr. Sandoval. Nakakagulat,” malakas ang boses ni Justin kung saan nairirnig siya ng mga tao sa lobby.“Wala ka ng pakiel
Paano niyang haharapin ang mga kapitbahay niya at si Kara bukas, hindi pa din niya alam.Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nakabalik na si Lam.Totoo na si Kara ay hindi makapaniwala matapos ang unang mga ungol na narinig niya mula sa kuwarto. Dapat aalis na siya ng dumating si Lam pero tinatamad siyang bumangon. Pero ng marinig niya ang ungol ni Lam at Abigail na dumadagungdong sa buong apartment, nagmamadali niyang inimpake ang cot niya.“Anong ginagawa mo dito ng gitna ng gabi?” kontrolado ang boses ni Kara habang tinititigan ng masama ang lalakeng gumulat sa kanya ng buksan niya ang pinto.“Iniisip ko na baka mainggit ka sa ginagawa ni Lucas at Abigail kaya pumunta ako,” habang mukhang tanga na nakangiti at arogante, nagpaliwanag siya.“Urgh…” Dahil sa hindi madaming beses na nangyari ito, napayuko sa sakit si Carl dahil sa suntok na tinamo niya mula kay Kara sa kanyang sikmura.“Hindi ka talaga natututo, Carl Petrov,” galit niyang sinabi bago siya itinulak.Habang hawak ang s
Masalimuot ang paghihintay ni Abigail. Ang apat na araw na delay na kanyang inaasahan ay naging mahigit sa isang linggo.Habang patindi ng patindi ang pangungulila niyak ay Lam, may mga gabi na umiiyak siya hanggang sa makatulog. Tulad ngayong gabi, basa pa ang mga mata niya ng siya ay makatulog na.Tulad ng karamihan sa mga gabi, nananaginip siya na nagmamahalan sila ni Lam. Namimiss na niya ito ng sobra at halos nararamdaman niya ang kanyang mga halikan.Namilipit siya sa sarap habang hinayaan niyang halikan siya sa leeg, ineenjoy ang mga kagat niya sa kanyang balat.“Ahhn…” ungol niya ng may pares ng mga lalakeng pumasok sa damit niyang suot. Nililibot nito ang hubad niyang katawan sa loob.Nilalamas siya at hinahawakan. Pagkatapos, bumukas bigla ang kanyang mga mata.“Panaginip lang ba ito?” bulong niya habang kinukumusta ang kanyang sarili.May mabigat na nakadagan sa kanya at may tunay na nakahawak sa dalawa niyang bundok.“Lam…” bulong niya habang maluha-luha.“Nandito
“Siyempre. Akong bahala,” balik na siya sa masayahin niyang mood at kumindat muli sa kanya.“May problema ka ba sa mga mata mo?” hindi makapaniwala si Kara sa kanyang ugali.Nawala ang ngiti ng lalake sa sinabi ni Kara.“Wala ka talagang sense of humor, Stepanov. Chill ka lang kahit kaunti pambihira naman. Mas tumatanda ka lalo kaysa sa kapatid mo,” panlalait niya ng nakatitig ng masama.“Kasi mukha kang tanga, papikit pikit ka pang nalalaman,” titig ng masama ni kara sa lalake habang nasisindak sa ginawa niya.“Ang tawag doon ay kindat,” hindi siya makapaniwala sa pagiging ignorante niya o baka insulto ito. Pero dahil kilala niya si Kara, alam niyang insulto ito.“Wala akong pakielam, hindi ito bagay sa iyo,” umirap siya ng hindi makapaniwala.“Ito talaga,” inabot niya ang likod ng pantalon niya para sa kanyang wallet.“Heto,” Kinuha niya ang kamay ni Kara at naglagay ng itim na card sa palad niya.“Para saan ito?” napapaisip siya ng husto kung bakit ibinigay niya ang kanyang
“Asawa ko lang ang sasamahan ko kumain o kaya samahan kahit saan,” tumanggi si Abby sa kanyang alok.“Hindi niya malalaman,” pilit niya habang nakasingkit ang kanyang mga mata.“Pero alam ko, Mr. Carlos. Ako ang nagseset ng mga rules para sa sarili ko. Hindi kailangan ng asawa ko na ipaalala sa akin ang aming commitment, ihohonor ko ito kahit na anong sitwasyon. Lalo na kapag wala siya,” kaswal na deklara ni Abby.“Lagi mo talaga akong napapahanga, Doctor,” bulong niya ng natatawa.“Hindi ko sinusubukan na pahangain ka, sir,” kontra ni Abby, dahilan para tumawa siya lalo.“Sana alam ng asawa mo ang iyong katapatan, Doctor,” naging seryoso siya.“Sinisiguro ko saiyo, Sir. Alam niya,” sumpa ni Abby, kung saan napatitig si Mr. Carlos ng matagal.Bumuntong hininga siya ng malalim at umayos sa pagkakaupo.“Well, naintindihan ko na ang punto mo at suko na ako. Hanggang sa susunod muli, doktor. Kailangan ko isalba ang pride ko sa ngayon,” hawak niya ang kanyang dibdib at ibinulong ang
May dugo din ako ng pagiging philanthropist, Dr. Sandoval. Makakatulong ako kung kailan mo man kailangan,” patuloy niya.“Anong kapalit, Mr. Carlos?” matapos ang matagal niyang katahimikan, nagsalita si Abby.“Wala, doctor. Tulad ng sinabi ko, gawain ito ng philanthropist,” Tinignan ng sinsero ni Mr. Carlos ang mga mata ni Abby na tila ba mandudukot ng mata.“Anong kailangan mo, Mr. Carlos?” Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Wala akong oras para dyan,” habang nakapahinga ang likod ni Abby sa high-back chair, nagsalikop ang mga kamay niya sa kanyang harap. Handa siyang makinig sa kahit na anumang kalokohan ng lalake sa harap niya.“Prangka ka talaga,” natawa si Mr. Carlos at nagrelax siya sa kanyang kinauupuan.“Interesado lang talaga ako sa mga mapagkawanggawa na gawain, doktor. At naniniwala ako na may kakayahan ako na tumulong,” sinsero siyang nakatitig at sinambit.“Hindi madaling magpatakbo ng ospital, pareho natin itong alam, doktor. Lalo na sa klase ng gusto mo. Ang gumawa n
“Anong kailangan mo, President Del Castillo?” tanong agad ni Abby sa oras na pumasok siya sa pinto ng opisina ng Chairman.Pinilit ni Abby na manatili sa opisinang ito ng pansamantala kaysa magkaroon ng sarili niya. Ang makasama si Lam ang pangunahing dahilan niya para sa comfort at privacy na higit pa sa mga binibigay nilang ideya.Ngunit, nagulat siya ng may isa pang tao na kasunod. Ang mga mata niya ay napunta sa lalake na nakilala niya sa lobby kahapon. Nagkatinginan sila pero wala siyang napala sa mga mata niyang walang ekspresyon.“Magandag araw din sa iyo, Dr. Abigail,” sagot ng lalake ng may panlalait pero hindi ito binigyan ng pansin ni Abby. Mas nag-aalala siya tungkol sa kasamang lalake ni Justin.Nanatili siyang nakaupo sa likod ng lamesa habang nakatitig sa kanya at si Kara naman ay nakatayo ng ilang dipa mula sa kanya. Ang babae ay walang pahiwatig ng kanyang iniisip. Hindi siya nakatingin sa kung sino habang nakatayo lamang sa kanyang puwesto.Sinulyapan ni Justin s