Bantay-sarado si Miguel sa mga tauhan ni Ryan. Kahit anong gawin niya ay hindi siya pinapakinggan ng mga kapwa niya Pilipino na naninilbihan kay Ryan Salazar. Ilang oras na siyang nagwawala sa kulongan, palaging sinisigaw ang pangalan ni Caroline. Gusto niya itong makita, ngunit pinagtatawanan lang siya. "She's dead. You can't see her," natatawang saad ng isang Spanish na nagbabantay sa kaniya. "Shut up or we'll gonna kill you!" "Then, kill me!" paghahamon ni Miguel habang patuloy na sinisipa ang mga bakal. "Kill me assholes! Or else I'm gonna kill all of you!" "Galit na galit. Gusto ng pumatay," Avery teased him while clapping her hands. "A-Avery?" Hindi makapaniwalang sambit ni Miguel nang nakita kaibigan ni Caroline. "Ako nga." Ngumiti siya at nilapit ang mukha kay Miguel. "How's the gift? Don't worry. She's not dead. We'll sell her organs after some of our men touch every inch of her body." "Paano mo nagagawa ang lahat ng 'to sa kaibigan mo?! She's your friend, Avery! Spare
Nanginginig ang buong katawan ni Ryan nang nakita niya ang mga mukha ng Black Omega Organization Members. Siya ang dating consigliere sa organisasyon pero hindi niya alam kung sino ang taong palagi niyang nakakausap dahil nakasuot ito ng makapal na maskara para hindi siya makilala. Tanging si Yogo at ang ibang mga pinagkalatiwalaan lang ni Don Ernesto ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. Ayaw niyang ipagkalat na siya ang leader ng malaking Mafia Group sa Spain dahil gusto niyang protektahan ang iniingatan niyang pangalan at pamilya. Pinatalsik ni Don Ernesto si Ryan matapos itong mahuling nagnakaw ng pera sa kaniya dahil nabaon ito sa utang. Nawalan ito ng access sa lahat-lahat, kahit ni piso ay hindi siya binigyan ni Don Ernesto. Milyun-milyon ang ninakaw ni Ryan sa organisasyon. Imbes na patayin ito, hinayaan niya itong mabuhay dahil may pamilya pa ito. Ang pagiging leader ng isang Mafia Organization ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Mary sa kaniya noon at napilitan ito
Ngumisi si Avery nang napansin ang pamumutla at takot sa mga miyembro ng Black Omega Organization. Tumawa siya ng malakas habang sinusubokang pindotin ang remote. Pinasadahan ng tingin ni Yogo ang lahat ng mga kasama niya. Nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. "Bitawan ninyo si Caroline kung ayaw ninyong maubos," maawtoridad na utos ni Avery nang napansin niya ang paggalaw ng doktor at mga nurses. Nilingon ni Yogo ang doktor at mga nurses. "Put her down," utos niya. "Bakit hindi kayo makalapit sa akin? Natatakot kayo?" Tumayo si Avery at naglakad papalapit kay Caroline. Sinipa niya ang dalawang nurses. Habang nasa kay Caroline ang atensiyon no Avery, palihim namang nakikipag-usap si Yogo kina Seb at Monica sa kabilang linya. "Nakuha na namin si Miguel. Palabas na kami," saad ni Seb sa kabilang linya pagkatapos nilang ipasok si Miguel sa loob ng helicopter. "May nakalibing na bomba sa buong factory. Hawak ng anak ni Ryan Salazar ang remote nito. Mauna na kayo para madala sa h
"Nasaan sina Seb at Yogo?" bungad na tanong ni Monica pagkarating ng mga kasamahan nila sa pribadong hospital na pagmamay-ari nila at kung saan isinugod si Miguel para magamot ito. Hindi makasagot ang mga nakaligtas na miyembro sa organisasyon. Marami silang natamong sugat sa katawan. Ang iba naman ay putol ang kamay at paa dahil sa malakas na pagsabog ng bomba. Lumapit ang mga doktor at nurses para gamotin sila at para mabigyan ng pangunahing lunas si Caroline matapos itong saksakin ni Avery. Dinala siya sa operating room. "Nasaan sila?" Hindi na maitago ni Monica ang takot, kaba, at pag-aalalang nararamdaman niya nang hindi nakita ang asawa matapos niyang i-check ang lahat ng mga bangkay. Napaupo siya sa sahig at nagsimulang umiyak. Nag-angat siya ng tingin nang lumapit ang pinakamatalik na kaibigan ni Sebastian sa kaniya. "Pinabibigay ni Seb, Mon..." saad ni Luke at inabot ang wedding ring kay Monica. Napasinghap si Monica nang nakitang dugoan ang wedding ring ng asawa. Mas la
Dalawang linggo na ang nakaraan ngunit hindi pa rin nila alam kung nakaligtas ba si Sebastian bago tuloyang sumabog ang lumang factory. Hindi rin nila alam kung nasunog ba ito kasama si Avery at ang iba pang mga taong hindi nakalabas dahil kahit buto nito ay wala silang nakita. Dalawang linggo na ring naghihintay si Monica na makita ang asawa niya. Hindi siya makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung nasaan ang asawa niya. Hinahanap na rin si Seb ng anak nilang si Zeke. Wala siyang maisagot kung nasaan ang ama nito. Abot langit naman ang sayang nararamdaman nina Roxanne at ang pamilya ni Miguel nang nagising na sila pareho. Hindi mapigilan ni Monica ang mainggit sa kanila lalo na't napahamak ang asawa niya dahil sa kanila. Naiinggit siya nang nakitang masaya at kumpleto na ang pamilyang pinaglilingkuran nila. "Monica," sambit ni Caroline nang napansing tahimik lang ito sa gilid. Bumaba ang paningin niya kay Zeke na kagigising lang. "Mommy, where's Daddy?" tanong ng bata at n
Hindi maitago ang tuwang nararamdaman ng lahat nang nakitang buhay si Seb, lalong-lalo na ang ibang miyembro ng organisasyon na tinulongan niyang makaalis sa factory. Para silang dumalo ng isang reunion. Nasa iisang kwarto silang lahat at nakikinig kay Seb kung paano ito nakaligtas. "Hindi ko talaga alam at maalala kung papaano ako napunta sa dagat. Ang huli ko lang naalala ay kasama ko si Yogo," saad ni Seb at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. "Hindi ko alam kung papaano ako nakaligtas. Malayo ang factory sa dagat. At si Yogo lang ang kasama ko. May tama siya sa hita at nahihirapan siyang huminga. Pero nang nagising ako, hindi ko na siya nakita." Napasinghap si Seb at pinunasan ang namumuong luha sa mga mata niya. "May nakakita sa akin at tinulongan ako. Malayo ang lugar na 'yon dito. Ginamot nila ang mga sugat ko at pinatira roon hanggang sa umayos ang kalagayan ko." "He's dead, Seb..." emosiyonal na saad ni Luke sa matalik niyang kaibigan. Bumuhos ang luha ni Seb. Hindi s
Caroline's POV After a long process, Mommy was able to regain ownership of her previous company. Today is the official launch of the company after it closed down for several months. Many were surprised by Mommy's comeback. They could not believe she was still alive. Many were angry and accused her of being deceitful and a usurper. Mommy remained steadfast because she believed that it's never too late. Sa tulong ni Don Ernesto, nakahanap ng bagong mga investors na mapapagkatiwalaan si Mommy. Tinanggal niya ang mga dating investors na konektado kina Daddy at Glenda. Ibinalik niya ang dating pangalan ng kompanya bilang alaala sa yumaong niyang ama. Nalaman namin na isinangla pala ng kapatid niya ang ilang mga ari-arian nila. Ang mga hotel, malls, at mga resorts na pag-aari ng pamilya Gutierrez ay ibinenta ni Glenda. Gustohin mang bawiin ni Mommy ang lahat-lahat, hindi niya na lang ginawa matapos naming malamang hindi pa pala fully paid ang iba. Baon sa utang sina Daddy at Glenda kaya
Ipinagsiklop ni Miguel ang mga kamay namin habang hinihintay namin ang pagdating nina Cecile, Glenda, at Daddy. Nandito kami ngayon sa kulongan. Dadalawin namin sila. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling dumalaw rito dahil naging abala ako sa pagtulong kay Mommy sa kompanya at palagi rin kaming wala sa Pilipinas. Ibang klase rin kasi 'tong si Miguel kung magyaya ng date dahil sa ibang bansa niya kami dadalhin ni Kalix. Hindi rin siya papayag na iiwan si Kalix. Nagtataka tuloy ako kung ako ba ang nililigawan niya o ang anak namin. "Patungo na po sila rito, Ma'am," saad ng babaeng pulis na nag-assist sa amin para makita ang pamilya ko. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Miguel at hinalikan ang kamay ko. Ngumiti ako at tumango. "Hindi mo na dapat ako sinamahan dito. You cancelled all your meetings para lang dito." "Don't worry about it, Baby. Hindi naman ganoon ka importante ang meeting." "Kahit na, Miguel. Hindi sa lahat ng oras o panahon ay kailangan mo akong samahan. May buhay ka