Share

Chapter 6

Nagising ako sa liwanag na tumapat sa aking mga mata, agad akong bumangon at nagtungo sa cr upang gawin ang aking morning routine. Pagkatapos kung naligo, nag desisyon akong bumaba upang mag breakfast ngunit hindi pa ako nakaka layo sa pintuan ng kwarto ko, nagulat ako sa aking mga nakita.

Hindi naman sa away kung nandito sila pero kasi sa tuwing pupunta sila rito ugali nilang tumawag muna bago magtungo dito. Pero ngayon, biglaan ata.

"Anong ginagawa nyo dito? Ang aga-aga." nagmadali akong bumaba ng hagdan upang lapitan ang apat kung mga kaibigan.

"MJ naman, matapos mo kaming iwan sa bar, hindi ka manlang tumawag sa amin!" Felix said. He's very annoying.

"Paano yan mag magpapakita, Eh busy yan kay Mr. 'SSG PRESIDENT."  aba isa rin to si karen talagang diniin pa talaga nya yung salitang ssg president. Inirapan kuna lang silang dalawa ang aga aga nagsasabon na pwede bang banlawan nyo muna akong dalawa. Lumapit ako sa dalawang mga kaibigan namin wala atang pakialam sa mundo ni hindi nga nila ako tinaponan ng tingin. Tinignan ko muna sila bago umupo sa sofa.

"Teka nga lang bat ba kayo nandito?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Eh, Saturday kaya ngayon kaya nag-usap usap kami na puntahan ka." sagot ni felix sa tanong ko.

"Okay." tipid kung sagot at tsaka hindi na nagsalita. Sakto namang dumaan ang katulong ng mansyon, ang mansyon na ito ay pamana ng mga magulang ni dady. Si momy ay isang probinsyana ng pangasinan, lumaki sya sa bayan ng Bugallon.  Na ikwento nga sa akin ni momy na ang bayan ng Bugallon ay isang apelido ng isang military officer na walang iba kundi si Jose Torres Bugallon y Gonzanles was a Filipino Military Officer who faught during the Philippine Revolution and the Philippine-American War. He is known as the 'Hero of the Battle of La Loma' where he was fatally wounded.

Na kakatuwang isipin na ang bayang kinalakihan ni momy ay makasaysayan rin pala dahil si Jose Torres Bugallon noong namatay sya sa bisig ni Heneral Luna. Noong 1921 ipinangalan sa kanya ang kinalakihang bayan ng Salasa, Pangasinan. Sana dumating yung araw na makapag bakasyon kami sa bayang iyon at makita ang rebulto ni Lieutenant Colonel, Second lieutenant Jose Torres Bugallon. Si dady naman ay taga Quezon City Manila hindi sya nag kwe-kwento kaya wala akong alam.

"Yaya, nasan sila momy at dady tsaka nasan rin si kuya?" Tanong ko.

"Naku ma'am maaga po silang umalis may bussiness meeting raw po sila, Sakto namang pagkaalis nila dumating po silang apat, kaya pinapasok kuna rin po." mahabang tugon ni yaya bali siyam lahat ang katulong ng mansyon pero sa syam na yun may mayorduma at isa lang na driver kaya bali sampo.

"Ganun po ba sige salamat." napatingin naman ako sa apat na nasa harap ko.

"Sige po ma'am may gagawin papo ako" tanging tango lamang ang isinagot ko.

"Bhess may tanong ako?" Tanong ng kaibigan kung si Jasmine sa wakas nagsalita rin.

"Ano yun?" Tugon ko pero parang alam kuna kung anong itatanong nito.

"May girlfriend naba yung kuya mo?" Sabi na eh, si kuya ang itatanong nya.

"Ewan ko, pero satingin ko wla pa, kasi nong isang araw nag kausap kami. Focus muna raw sya sa trabaho para maka-ipon." tsk basta  pagdating kay kuya napaka interesado nya. Don't worry my dear friend Jasmine, I will support you. Bigla naman syang nahiya, Alam ko namang gusto ni Jasmine si kuya simula ng first year college pa kami, ewan kuba dito sa dinami dami ng lalaking magugustuhan nya yung lalaking torpe, na hindi marunong manligaw sa babae. Imbes na sya yung nanliligaw sya pa yung nililigawan.

Bigla naman akong napasimangot ng maala-la ko si Professor/Dean Mark Daniel Reyes, Paano ko kaya sa sabihin sa kanila yung tungkol sa amin? At dapat kupa bang sabihin o hindi na? Ugh naiinis ako!! 

Bumalik ako sa ulirat ng magsalita si Andrew ito isa rin to. Mahilig mangulat.

"Ano ba, Andrew nandito lang ako." nabingi kasi ako sa boses nya, nangulat pa.

"Bakit ka kasi nakasimangot riyan." usisa nito, sasabihin koba? O mananatiling lihim nalang ito? Pero kaibigan ko sila, at sila lang ang pwedeng makatulong sa akin baka nga mabigyan nila ako ng solusyon.

"Eh may problema kasi ako." hiya kung tugon.

"Ano naman yun?" Si Andrew.

" Na s-subukan n-nyo n-nabang m-makipag o-one night s-stand?" Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ayon ang natanong ko.

"Ano?!" Sabay nilang tatlong utas puwera lang si Jasmine.

"May naka one night stand ka! Kanino, kailan at bakit hindi mo agad sinabi sa amin?" Ang lakas naman ng boses mo tsang karen, pwede bang hinaan mo at baka may makarinig sa atin.

"Ssshh." inilagay ko ang hintuturo ko sa bibig nya at tumingin sa paligid, baka kasi may nakarinig mahirap na. Salamat at wala naman dahil busy ang mga katulong na naglilinis sa kanya kanya nilang gawain. 

"Pwede ba hinaan ninyo ang mga boses nyong mga ulangab." suway ko. 

Tinangal naman nito ang kamay ko sa bibig nya.

"Eh bakit kasi ano ba kasing ngyari?" Tanong ni Felix.

"Eh, kwento mo kung paano nag simula at bakit ka nahantong sa ganyan?" Si karen. Si Jasmine naman nanatiling nakikinig. 

" Sino naka one night stand mo? Yung lalaki bang kasama mo?" Tanong rin ni Andrew.

Potek pinaalala pa,sya ang may kasalanan nito kung bakit ngayon ako may problema.

"Hindi! Pero sya ang may kasalanan nito." ikinuwento ko sa kanila ang mga ngyari at kung paano ako nalagay sa ganong sitwasyon, Syempre nong sinimulan kunang ikwento galit na galit yung dalawa na ngingibabaw ang pag mumura pero nong nalaman na nila kung sino yung naka one night stand ko kinilig si Andrew at Felix suwerte daw ako kasi sya yung naka one night stand ko, ay ang galing naman ng Andrew nato kanina lang galit galitan tapos nong nalaman na kung sino sya kinilig na? Pero si Karen, hindi na nagsalita.

"Ano ba Andrew, hindi iyon nakakatuwa, oo sabihin nating si Mr. Dean yun pero parang pangit naman tignan." utas ni Jasmine.

"Ano kaba jasmine, age dosn't matter kung mahal nila ang isat isa, walang problema," si Andrew.

"Pero ang tanong mahal ba sya ni Mr. Professor?! Eh one night stand yun, hindi porkit nagtalik kayo mahal kana, sige nga may mga lalaking mga ganyan,matapos maipasok ang laguna ng lalaki sa bataan ng babae iiwan na sila!" Tama si karen, hindi purkit may ngyari sa amin mahal nya na ako. Eh hindi ko nga sya mahal.

Kusang pumatak ang luha ko, hindi ko mapigilan. Pero masaya ako kasi nasabi kuna ang tungkol dito sa problema ko.

Nilapitan ako ni Jasmine at niyakap.

"Sssh, tahan na." pang hihimas nya sa likod ko.

"Hindi ako nag iingat," sinasabi ko ito sa kanya habang nakayakap at umiiyak.

"Ikaw kasi karen," bulong ni felix.

"Why?! I'm telling the truth"

"Kahit na sana hindi muna lang yun sinabi."

"Tama sya felix." kumawala ako sa yakap kay jasmine.

"I'm sorry MJ, may kasalanan rin ako,sana sa bahay nalang tayo nag celebrate ng birthday ko wala ka sanang problema," paunmanhin ni Karen. Pinunasan ko naman ang luha ko at ngumiti sa kanya.

"Ayos lang, ngyari na eh may magagawa paba tayo? Eh ngyari na, ah basta kung ano man ang kalalabasan nito buong puso kung tatanggapin, nag kulang rin kasi ako eh." at nagyakapan kaming lima.

Bigla namang tumunog ang tyan ko hudyat na nagugutom na ako. Hindi pa pala ako kumakain.

"Opps sorry hindi pa kasi ako kumakain eh," at nag tawanan kami.

"Sige dahil may kasalanan rin ako,ako na ang magluluto," si karen.

"Luh! Wag na hindi kaya masarap luto mo." reklamo ni andrew.

"Bakit ikaw ba yung lulutuan ko, hindi naman ah." sagot naman nya kay andrew.

"Tignan muna, tignan muna Mj ipapakain nya sayo yung luto nyang ubod ng sarap!" At nagtawanan na nanaman kami. Si Andrew at Karen nagtatalo habang papuntang kusina kalukuhan nilang dalawa mamaya sila pa ang magkatuluyan nyan.

Samantala sina felix at jasmine naman inaayos na ang mesa naglapag narin sila ng mga kutsara at tinidor at plato pati narin ang baso. Kwentohan kami ng kwentohan habang kumakain ang nagluto sina Andrew at karen pero halos lahat si Andrew assistant nya si Karen. Ang kursong kinuha ni Andrew ay Chef si Karen ay Entreprenuership at si Felix naman ay Bussiness administration si Jasmine Flight Attendant ako naman HRM mas gusto kung mag work sa restaurant, hotel at etc. 

Dahil 11: 30 na ako kumain parang lunch kuna rin yun 10 kasi ako nagising, syempre pagkatapos naming kumain nagligpit na kami ng pinagkainan namin kahit anak mayaman itong mga kaibigan ko ay wala silang arte si Felix at Jasmine na nag naghugas ng pinggan kanina nga lumapit dito yung isang katulong ng mansyon na sya naraw maghuhugas pero ayus lang daw sabi ng dalawa nahiya pa yung katulong baka raw kasi pagalitan sya ni mayordoma ng mansyon. 

Pagkatapos naming nagligpit nagdesisyon kaming pumunta ng sala upang manoud ng movie. Napili naming panourin ang Just the way you are na pinagbibidahan nila Liza Soberano at Enrique Gil.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status