Maagang umuwi si Trisha mula sa skwelahan para makapag handa siya sa pakikipagkita sa bilyonaryong lalake na nagbayad ng malaking halaga para sa kaniya.
"Anak sa bar ka susunduin noong bilyonaryo. Ihahatid kita doon anak kaya maghanda ka na. Alas siyete ka daw ipapasundo," Saad ni aleng Fiona."Opo inay, maliligo lamang po ako," sagot naman ni Trisha at nag handa na para maligo.Naligo siya ng mabuti dahil nakakahiya naman doon sa bilyonaryong lalaki kung may maaamoy na hindi kanais-nais sa kaniya. Kuskos dito kuskos doon ang hinawa ni Trisha lara masigurong malinis na malinis ang kaniyang katawan. Dalawang beses din diyang nag toothbrush at hindi pa siya nakuntento nag mumog pa siya ng mouthwash para masiguro din niyang mabango ang kaniyang bunganga. Nang masigurong malinis na malinis na siya ay saka niya tinapos ang pag ligo at saka siya nag bihis. Nag shorts lang siya at simpleng tshirt para hindi mag hinala ang mga kapitbahay nilang marites. Mamaya na siya magbibihis pagdating sa bar."Inay, handa na po ako. Tara na po mag aalas siyete na po inay," tawag ni Trisha sa kaniyang ina."Oo anak, andiyan na," sagot naman nito.Pagbaba ng ina ay lumakad na sila dahil baka magalit ang magsusundo kay Trisha pag nahuli ito.Pag dating sa bar ay naghihintay na nga ang magsusundo kay Trisha. Driver daw siya noong binatang bilyonaryo. Kaya pinasakay agad siya sa kotse at hindi na siya nakapag bihis ng damit na ibinigay ng kaniyang ina.Habang nasa byahe ay hindi maiwasan ni Trisha ang kabahan. Natatakot siya sa kung ano ang mangyayari. Gusto niyang umiyak dahil ang iniingatan niyang puri ay mawawala na sa ngayon. Ngunit wala siyang mailuha dahil siguro mahalaga ang kapalit ng kaniyang dangal iyon ay ang buhau ng kaniyang ina kaya tinatagan niya na lamang ang kaniyang loob dahil alam niyang kailangan niyang gawin iyon para sa kaniyang ina.Naputol ang kaniyang pag mumuni-muni ng tumigil ang kotse sa harap ng isang mansiyon. Napakaganda ng mansiyon na iyon na aakalain mong isang palasyo sa laki at ganda. Pagpasok nila sa loob ay pata siyang nalula sa laki. Mas malaki pala itong tingnan sa loob, napakalawak ng sala at napataas ng bahay. Ngayon lamang siya nakakita nito kaya naman manghang-mangha siya at hangang-hanga siya sa kaniyang nakikita lalo na ang mga kagamitan na talaga namang pang mayaman na hindi nya pa yata nakikita sa buong buhay niya kaya hindi niya alam kung ano ang mga tawag dito."Ehem," anang kung sino na nagpabalik ng ulirat ni Trisha. Isang napakaguwaping lalaki na kahawig ni Piolo Pascual ang nasa harap niya ngayon kaya lalo siyang napanganga. Hindi niya malaman kung ano ba ang nangyayari sa kaniya dahil para siyang naeengkanto na nakapasok sa portal ng mga engkantada dahil para siyang nakakakita ng isang napakakisig na prinsipe ngayon.Nagulat na lamang si Trisha ng may mag sara ng bunganga niyang nakanganga.Isinara pala ng guwapong binata ang kaniyang bibig dahil halos tumulo na ang kaniyang laway sa pagkakanganga niya."So, you are?" saad ng binata."A-a-ako pa-pa-pala si Trisha," utal-utal na sagot ni Trisha"So, ikaw ang ipinadala dito ni Alma, right? saad nito sa malamig na boses."Cold," bulong ni Trisha."What?" tanong ng binata."Wala! Sabi ko opo, ako nga," pagtataray naman ni Trisha."Ok, let's go to my room." Tinalikuran sita nito ng walang anu-ano."Aba't bastos to ah!" bulong ulit ni Trisha ngunit wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang sa binata.Tuloy-tuloy naman ang binata sa 2nd floor at pumasok sa isang kuwarto doon. Nahiya naman sumunod si Trisha sa loob kaya nanatili siya sa labas ng pinto."Come in!" maawtoridad na anito."Napakasuplado naman nito hindinman lang marunong mag entertain ng bisita," bubulong-bulong si Trisha habang pumapasok."Excuse me, hindi kita bisita at alam kong alam mo ang gagawin mo dito," supladong sagot naman ng lalaki na narinig pala ang ibunulong niya kanina.Napahiya naman si Trisha kaya nanahimik na lang siya."Huwag ka ngang mag astang inosente diyan simulan mo na ang trabaho mo! " supladong saad ng binata."Bababa lang ako sandali pag akyat ko dapat ready ka na," cold pa ring anito at saka lumakad palabas.Pagkalabas ay dumiretso si Luke sa mini bar ng kanilang bahay at lumagok ng isang basong wine. Hindi kasi siya makapaniwala na mukhang anghel ang ipapadala sa kaniya. Sa kagustuhan niyang hindi aiya mahalata na nagustuhan niya ang babae ay pinili niyang maging cold at suplado para hindi siya mahalata dahil naglalaban pa rin ang puso at isip niya. Lahat kasi ng tingin niya sa babae ay manloloko kagaya ng ginawa ng kaniyang ina na ipinagpalit sila sa ibang lalaki. Kaya ganoon na lamang ang galit niya sa mga babae. Wala pa siyang naging seryosong relasyon dahil ayaw niya ng commitment dahil sa galit sa mga babae ay lahat ng naging girlfriends niya ay hindi niya sineseryoso. Niloloko niya lang din ganoon, kaya hindi siya pwedeng magpadala sa ganda ng babaeng nasa kuwarto niya dahil alam niya ang karakas ng mga babae. Pero bakit lumambot aiya ng makita niya ang babaeng iyon kanina?"Basta pare-pareho lang sila saka hindi siya naiiba dahil sa klase ng trabaho niya ay tiyak na marami nang lalaki ang dumaan at nagpasasa sa katawan niya," pagkausap pa nito sa sarili.Lumaki kasi si Luke na wala ang kaniyang nanay dahil ipinagpalit nito ang kaniyang ama sa mas bata. Bata oa siya noon ng iwanan sipa nito kaya hindi biro ang lungkot at hirap ang pinagdaanan niya bilang isang bata na walang ina. Sa mga gabi na gusto mo siyang kayakap at gusto mo ng paghele niya ay wala siya. Ang yaya niya na ang halos nagpalaki sa kaniya. Oo mahal siya ng yaya niya ngunit iba oa rin ang pagmamahal ng isang ina. Kaya lumaki siyang malungkuyin at galit sa mga babae. Ang tingin niya sa mga babae ay lahat manloloko. Kaya ginagawa niya lang laruan ang mga babae. Palibhasa guwapo at mayaman ay maraming babae ang mahuhumaling sa kaniya. Pinagsasabay-sabay niya ang mga ito kaya minsan ay may nag pang-abot ang dalawang girlfriends niya kaya ayun nagsabunutan pero dahil hindi niya naman mahal pareho ay iniwan niya na lang ang dalawa na nagsasabunutan at hindi na rin siya nagpakita sa mga ito total marami pa naman siyang girlfriends kaya ok lang. Wala din naman kasi siyang pakialam sa feelings ng mga babae. Basta ang alam niya nag eenjoy siya lalo na sa kama.Nang maubos ang wine na iniinom ay bumalik na siya sa kuwarto. Nabigla siya sa kaniyang nakita. Isang dalaga na nakahiga sa kaniyang kama na tila ba anghel na bumaba sa lupa. Napaka inosente ng itsura nito at tila ba nahihiya o natatakot ang itsura nito na itinatago sa likod ng napakagandang ngiti sa mga labi.Hindi maintindihan ni Luke kung bakit kumakaba ang kaniyang dibdib. Sa dami na ng baabeng dumaan sa buhay niya ay ngayon lamang siya kinabahan ng ganito. Naguguluhan si Luke sa kaniyang nararamdaman. Bakit sa ganitong klaseng babae pa titibok ang puso niya. Bakit?Bago tumuloy sa loob ng Kuwarto ay huminga muna ng malalim si Luke para kahit papaano ay marelax ang kaniyang puso.Bumangon si Trisha at paluhod na humarap kay Luke. Pinapungay niya ang kaniyang mta mata upang mag mukha siyang kaakit-akit habag nakababa ang isang strap ng night gown niya at ang laylayan nito ay nakaangat sapat uo5ang makita ng kaunti ang panty niya. Palibhasa nakainom na si Luke ay hindi niya na napigilan ang sarili nang makita ang itsura ni Trisha sa kama na tila ba bumabang Diyosa mula sa langit l. Kaya naman halos sa isang iglap ay narating niya ang kama kung nasaan si Trisha at sinibasib niya agad ito ng halik sa mga labi. Mga halik na mapangahas. Lumaban ang dalaga sa halik na iyon na animo'y sanay na sanay sa ganoong uri ng trabaho, mabuti na lamang naturuan aiya ng kaniyang ina at nanood din siya ng mga porn sa social media kaya kahit papaano ay may nalaman siya kahit kaunti sa pakikipag halikan at pakikipag talik. Habang hinahalikan ang dalaga ay unti- unti
"Let's go," aya ni Luke nang masigurong handa na rin si Trisha. Sumunod nalang si Trisha nang nag patiuna na si Luke lumakad. Nagtataka siya at hindi niya alam kung saan sila pupunta. Nahihiya naman siya mag tanong sa lalaki kaya halos magkanda dapa-dapa na siya sa paghabol dito dahil sa bilis. nito mag lakad."Get in," anito nang pag dating nila sa parking area kung nasaan ang kotse ng binata. nakabukas na ito kaya pumasok na si Trisha ng walang reklamo.Sumunod naman si Luke pumasok at pinaandar nito ang kotse.Sa isang bangko sila bumaba at hinawakan nito ang kamay niya saka sila lumakad papasok."Good morning sir!" bati ng guard at may pag duko pa ito kay Luke. "Good morning!" sagot naman ni Luke.Ipinagbukas sila nito ng pinto kaya tuloy-tuloy sila sa loob ng bangko. Iginiya siya nito papunta sa isang upuan. "Upo ka muna diyan Trisha at may aasikasuhin lamang ako sa loob."Good morning sir!" bati ng halos lahat ng empleyado sa bangko. Nagtataka naman si Trisha at namamangha
"Luke, hindi mo kailangang gawin ito. Hindi mo ako kailangang kaawaan. Kung pakakasalan mo ako dahil naaawa ka lang ay huwag na Luke dahil ayokong nang dahil sa akin ay pati buhay mo ay masira," malungkot na saad ni Trisha. "Trisha, hindi naman basta awa lang ang nararamdaman ko sa iyo eh. Di ba sabi ko minahal na kita una pa lang kitang makita?" seryosong ani Luke. "Pero paano naman ako? Ayoko naman maging unfair sa iyo. Kung pakakasalan kita na hindi naman kita mahal?" nakakunot noong saad ni Trisha. Ayaw niya kasing matawag na gold digger kung papayag siya magpakasal sa lalaki dahil hindi niya naman ito mahal."Kagabi lang tayo nagkakilala Luke, kaya hindi mo ako masisisi, hindi naman ganoon kadali ang sinasabi mo! Ayokong maging mapagsamantala at lalong ayokonna masabihan na gold digger!" patuloy pa nito."Trisha, alam ko na nabigla kita. Alam ko na hindi ka papayag pero gagawin ko ang lahat para matutunan mo akong mahalin. Alam ko na nabibilisan ka, ako nga rin eh hindi ko rin
"Nay?" tawag ni Trisha sa kaniyang nanay nang mabuksan ang pinto ng kanialng bahay. Hindi naman ito nakalock kaya nabuksan niya at saka tuloy-tuloy siyang pumasok. Nagtaka siya kung bakit wala ang nanay niya gayong nakabukas naman ang pinto, kaya tumuloy na siya sa silid nito dahil baka sakaling andoon lamang ang kaniyang nanay."Nay!" tawag niya ulit at saka niya kinatok ang pinto. Kaagad naman itong bumukas at bumungad ang kaniyang nanay na hilam sa luha ang mga mata."Anak, mabuti nakauwi ka na alalang-alala ako sa iyo alam mo ba yun?" anito habang umiiyak."Ok ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?" sunod-sunod na tanong nito dahil sa sobrang pag aalala sa kaniya."Nay, ok na ok lang po ako at wala hong nangyaring masama sa akin! Huwag ka na pong umiyak," saad ni Patricia saka niya niyakap ang ina. Awang-awa siya dito dahil halatang hindi ito nakatulog mag damag dahil sa pag aalala sa kaniya.Nakita naman ni Luke kung paano mag alalakay Trisha ang ina nito. Ngayon siya naniniwala
"Anak, sabihin man na masamang ina ako pero wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao dahil pumapayag na ako sa alok ni Luke kung iyon ay sa ikabubuti mo anak," naiiyak na saad ni aleng Fiona."Inay, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Sa isang iglap ay nabago ang buhay nating dalawa. Hindi ko kayang malayo sa iyo inay pero kung para naman sa ikagaganda ng buhay mo ay kakayanin ko ang lahat inay, " umiiyak nang saad ni Trisha."Aleng Fiona este pwede ko na rin ba kayong tawaging inay?" nahihiyang tanong ni Luke. "Aba oo naman anak," masayang sagot naman ni Aleng Fiona. "Inay ang pera na ito ay huwag mong isipin na bayad ko sa anak mo. Isipin mo na tulong ko po ito para sa iyo para makapag bagong buhay ka na po at para makaalis ka na sa club na pinag tatrabahuhan mo." Iniabot ni Luke kay Aleng Fiona ang attache case na may laman na ten million pesos. "Inay, sasamahan kita para idiposit sa bangko ang pera dahil mahirap na kung dito lamang iyan sa bahay baka malaman pa n
Makalipas ang isang linggo ay panatag na ang loob ni Trisha dahil maayos na ang buhay mg nanay niya. Sumama na siya kay Luke sa bahay nito kagaya ng napag-usapan."Welcome to our palace my Princess!" bungad ni Luke kay Trisha pag kapasok na pag kapasok nila ng pinto.Namangha naman si Trisha dahil hindi niya inaasahan na pinag handaan pala ni Luke ang pag dating niya. May pa tarpaulin pa ito na may nakasulat na welcome to our palace na kagaya ng sinabi sa kaniya ni Luke at binigyan pa siya ng bouquet nito. Feeling niya tuloy isa siyang tunay na prinsesa na sinalubong ng kaniyang prinsipe.Sa sobrang tuwa ni Trisha ay niyakap niya ng mahigpit si Luke."Salamat Luke! Hindi ko naman deserve to eh. Hindi naman ako special na tao para pag handaan mo ng ganito," naluluhang ani Trisha."Special ka para sa akin Trisha. Kaya deserve mo ito. Halika na sa kusina dahil nag pahanda ako ng masarap na pagkain, alam kong nagugutom ka na," aya ni Luke kay Trisha.Nagulat si Trisha sa dami ng pagkain na
Nagising si Luke isang umaga pero hindi niya makita si Trisha. Bigla siyang nakadama ng pangamba dahil baka iniwan na siya ng dalaga.Kaya naman hinanap niya ito sa lahat ng sulok ng bahay ngunit hindi niya pa rin ito makita. Napagod siya sa kahahanap at hinihingal na din siya dahil umakyat pa siya sa second floor ngunit hindi niya naman natagpuan doon ang dalaga kaya nag pasya na muna siyang pumunta sa garden para makalanghap ng sariwang hangin. Umupo siya sa swing na nasa gitna ng garden at nag swing ng marahan ng makaramdam siya na may tumilamsik na tubig sa likuran niya. Kaya tumayo siya para tingnan kung ano ang nasa likod ng mataas na halaman."Ay palaka ka!" sigaw ng gulat na gulat na si Trisha ng biglang hawiin ni Luke ang makapal na dahon ng halaman.Nagulat din si Luke ng sumigaw si Trisha at nabitawan niya ang sangang hawak niya kaya pumalo ito sa mukha niya "Ay! Aray!" sigaw ni Luke ng tamaan ng sanga."Ano ba kasing ginagawa mo dito Luke. Bakit bigla-bigla ka na lamang d
Maagang gumising si Luke para pumasok sa opisina. Medyo napapabayaan niya na kasi ang kumpanya. Nagulat siya pag labas niya ng kusina dahil si Trisha ang inabutan niyang nagluluto ng almusal "Hey! Good morning babe! Bakit ikaw ang nag luluto nasaan si.......""Luke huwag ka nang maghanap dahil ako nag nag insist na magluto ngayon kasi gusto ko na mula ngayon ako ang mag aasikaso sa iyo sa tuwing papasok ka sa trabaho, ok? Kaya umupo ka na diyan dahil ipaghahain na kita," ani Trisha at saka tumalikod para ihain ang kaniyang niluto.Nag luto kang naman siya ng bacon, hotdog, itlog at gumawa din siya ng mainit na tsokolate. Naghanda rin siya ng tinapay dahil hindi siya kumakain ng kanin sa umaga. "Wow! Sabayan na kitang kumain para ganahan ka," nakangiting saad ni Trisha matapos maghain."Sarap talaga kapag may nag aasikaso. Pakasal na tayo babe!" nakangiting ani Luke."Ano ka ba Luke, pinag luto lang kita gusto mo na ako agad pakasalan? tumatawang saad naman ni Trisha saka kumagat ng
"Luke, pwd ba dito na ako sa condo mo tumira? I want to be with you everyday eh!" malanding ani Patricia. Sumama ito kay Luke umuwi sa condo galing sa opisina. Ayaw kasi umuwi ni Luke sa hacienda dahil naaalala niya lang sa lahat ng sulok ang magaganda at masasaya nilang nakaraan ni Trisha."Come on Patricia! You have your own house! Hindi porke't nakipagkasundo ako sa iyo na maging tayo ay papayag na ako na pumasok ka na ng tuluyan sa buhay ko!" tila aburidong ani Luke habang hinuhubad ang Amerikana."Luke, ano ba naman? Kailan mo ba ako tatanggapin ng buong-buo sa buhay mo? Ano pa bang kulang? Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin ng buo? Come on! Tell me! Si Trisha pa rin ba? Huh? Si Trisha pa rin ba?" tila maiiyak na saad ni Patricia. Sobrang sama na ng loob niya sa coldness na pinaparamdam ni Luke. Oo! Pumayag ito na maging sila pero parang wala ding nangyayari dahil nananatili pa ring malamig ang pakikitungo nito sa kaniya at ramdam niya na wala talagang pag ibig para sa kaniya s
Excited na bumangon si Trisha kinaumagahan. First day niya kasi sa kaniyang trabaho."Thanks God! This is the day na mag babago ang lahat sa buhay ko!" nakangiting saad ni Trisha saka ito pakanta-kantang tumungo sa banyo upang maligo.Matapos maligo ay lumabas na siya at naamoy niya nga ang napakabangong amoy ng niluluto mula sa kusina. Kaya naman pumunta siya doon dahil tiyak na ang nanay niya ang nag luluto Hindi nga siya nag kamali ng abutan niya ang kaniyang nanay na nag hahalo ng sinangag.Niyakap niya ito mula sa likod na ikinagulat naman nito."Ay palakang bukid!" sigaw nito dahil sa pag kagulat sa biglang pag yakap ni Trisha. "Anak! Ano ka ba naman anak! Papatayin mo naman ako sa gulat! Aba'y muntik ko nang maitapon ang niluluto kong bata ka!" tila galit na saad ni Aleng Fiona. Tumawa naman ng tumawa si Trisha."Kayo naman inay! Nag lalambing lang eh! Good morning 'nay!" nakangiting sabi ni Trisha saka niyakap at hinalikan ang ina.Napapailing na lamang si Aleng Fiona."Ano p
"Agad-agad tinanggap mo si Trisha, Khalix?" hindi makapaniwalang tanong ni Angela kay Khalix ng makaalis si Trisha."Yes! And what is your problem with that Angela?" sagot naman ni Khalix na tila ba walang pakialam sa kausap habang nag pipirma sa mga papeles na na tambak na sa lamesa niya."Ganoon ka na pala kabilis mag hired ng mga applicants ngayon? Nakakakapag taka lang dahil dati-rati naman ay halos umiyak lahat ng mga applicants bago sila matanggap dito?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Angela."She is qualified at nasa kaniya na lahat ang hinahanap ko sa isang personal secretary. Take note! My secretary!" sagot naman ni Khalix na binigyang diin pa ang pag sasabi ng "my secretary. "And it's not your business! Personal secretary ko iyon at nasa akin ang lahat ng rights na mag hired ng isang aplikante ayun sa gusto ko, Angela!" dagdag pa nito."Alright! Alright! Your personal secretary na kung personal secretary mo, but my point is bakit parang ang bilis-bilis naman ata! Kas
Dumiretso si Trisha sa isang malaking kumpanya na kilalang-kilala hindi lamang sa kanilang lugar kundi pati na rin sa buong Pilipinas, ang kumpanya ng mgay Montecalvo na isa rin sa pinaka mayaman sa kanilang lugar at kakumpetensya sa negosyo ng pamilya ni Luke.Hindi pa man niya kabisado ang lahat ng miyembro ng pamilya ng mga Montecalvo ay nag lakas loob na siyang mag apply sa kumpanya ng mga ito bilang isang executive secretary."Good morning kuya! Mag aapply po sana ako kasi nabasa ko sa labas na hiring po pala sila!" bati ni Trisha sa security guard na tila inaantok pa.Tila naman nagulat pa ang guwardiya sa biglang pag sulpot at pag sasalita ni Trisha."Go-good morning miss! Sige, tumuloy ka na lamang doon sa loob. Mag tanong ka doon sa magandang dalaga na nakaupo sa may gilid!" nakangiting saad ng guard."Sige po! Thank you!" nakangiti namang sagot ni Trisha saka dumiretso na sa loob at lumapit sa babaeng itinuro ng guwardiya. "Good morning miss! Dito ako itinuro ni manong guard,
Sobrang na depress si Trisha dahil sa pag hihiwalay nila ni Luke. Halos ayaw niya nang mabuhay dahil sa sakit na nararamdaman niya."Anak, please naman! Ayokong nakikita kang ganiyan! Huwag mong hahayaan na masira ang buhay mo dahil sa walang kwentang lalaki na iyon! Hindi ka niya deserve anak! Maganda ka! Matalino! Marami ka pang makikilala! Bumangon ka anak!" nakikiusap na saad ni Aleng Fiona. Awang-awa na kasi siya sa kay Trisha dahil halos mula ng umuwi ito sa kaniya ay palagi lamang itong nag kukulong sa kuwarto at iyak lamang ng iyak! Halos parang namatay na ito dahil sa nangyari sa kanila ni Luke. Ngayon nga ay nakadapa lamang ito sa kama na tila ba wala nang balak pang tumayo. Kung pwede nga lang siguro na huwag na itong huminga ay ginawa na nito. Kaya naman habag na habag si Aleng Fiona sa kaniyang nag iisang anak."Inay, hindi ko alam kung paano ako mag sisimula ulit! Durog na durog ako inay!" ani Trisha na muli na namang nag uunahan ang mga luha sa pag patak mula sa mga ma
Araw-gabi na lamang ay laman ng bar si Luke. Masyado kasi siyang nasaktan sa ginawa sa kaniya ni Trisha. Feeling niya ay wala nang kwenta ang buhay niya.Palagi naman nakasubaybay si Patricia sa lahat ng ginagawa ni Luke. Oo, naaawa siya dito pero iyon din naman kasi ang gusto niya. Ang malugmok ito at saka siya papasok para mahulog ito sa kaniya. At ito na ang tamang pag kakataon upang isakatuparan niya ang kaniyang plano.Habang lasing si Luke isang gabi sa bar ay nag hihintay naman ng tamang timing si Patricia upang malapitan ito. Nang mahalata niya na medyo lasing na ito ay saka siya nag pasiyang lumapit."Luke, tama na! Hindi makakatulong sa iyo ang mga ginagawa mo!" ani Patricia nang makalapit siya kay Luke."Huwag mo akong pakialaman Patricia! Buhay ko ito at wala kang pakialam kung anong gagawin ko! Just stay away from me!" tila galit na saad ni Luke.Ngunit hindi susuko si Patricia kahit anong gawin na pag tataboy ni Luke sa kaniya."Luke, nabalitaan ko ang nangyari sa inyo n
Pag kaalis ni Trisha ay saka naman nilabas lahat ni Luke ang kaniyang galit. Lahat ng bagay na mahawakan niya ay itinatapon niya kung saan-saan."Ahhhhh! Taksil! Napaka walang hiya mo Trisha! Ahhhhh! Lahat binigay ko sa iyo!! Pero ano?! Anong isinukli mo sa akin?" galit na galit na sigaw ni Luke."Anak, huminahon ka! Hindi iyan makakatulong sa problema mo!" anang kaniyang ina."Ang sakit eh! Ipinag laban ko pa siya sa inyo eh! Iningatan ko siya! Nang malaman ko na virgin pa siya ay iginalang ko siya! Nag tiis ako! Dahil ang gusto ko ay mapanatili niya ang kalinisan niya hanggang sa maikasal kami! Pero pu*ang i*a! Pinag taksilan niya lang ako at ibinigay niya sa iba!" humahagulhol na saad ni Luke dahil sa sama ng loob niya sa ginawa ni Trisha.Hindi naman malaman ng kaniyang ina ang sasabihin dahil kahit siya ay hindi makapaniwala sa nagawa ni Trisha. Hindi niya maisip na kayang gawin iyon ni Trisha, samantalang kitang-kita niya naman na mahal na mahal nito si Luke."Anak, mag pakatat
Maagang nagising si Luke at hinanap niya agad ang kaniyang cellphone. Ngunit hindi niya ito mahanap. Inalala niya ang nangyari kagabi at naalala niya na naiwan niya pala ito sa upuan ng kaniyang kotse. Lasing na kasi siya kaya hindi niya na naisipan pang dalhin ito pag baba niya sa kotse.Nag mamadali siyang lumabas at pinuntahan ang kotse niya sa parking lot.Agad niya namang nakita ang cellphone dahil nakapatong nga lang ito sa upuan. Ngunit nakuha ang attention niya ng isang sobre na nasa sahig ng kaniyang kotse.Kinuha niya ito at dinala sa loob. Doon niya na lamang bubuksan ang sobre dahil inuna niyang tingnan ang cellphone kung may tumawag o may nag message sa kaniya.May isang message nga kaya binuksan niya ito upang basahin."Anong masasabi mo sa pinadala ko?" sabi sa text message ng kung sino dahil number lang naman ang naka lagay doon."Sino na naman kaya ito? At anong pinag sasasabi niyang pinadala niya? Hindi kaya itong sobre?" nag tatakang ani Luke.Kaya naman nag mamad
Pinuntahan nga ni Luke si Patricia sa bahay nito dahil hindi ito pumasok nang araw na iyon."Patricia, lumabas ka! Mag-usap tayo!" sigaw ni Luke pag kapasok sa sala ng mansiyon nina Patricia.Nag taka naman si Patricia sa pag dating ni Luke. Nag mamadali siyang bumaba para kausapin ito dahil parang galit na galit si Luke sa kaniya."Hey! Luke! Na pasyal ka!" nakangiting ani Patricia. Hahalik pa sana siya kay Luke ngunit umiwas ito."Patricia, talaga bang hindi mo kami titigilan ni Trisha ha? Nananahimik kami pero puro panggugulo ang ginagawa mo! Ano ba talaga ang gusto mo Patricia?" galit na saad ni Luke."I don't know what you're talking about? I can't do anything! Hindi na nga ako pumapasok sa office para hindi ka na magalit sa akin eh! Ikaw ang pupunta-punta dito tapos manggugulo ka at kung anu-ano pa ang sasabihin mo sa akin! Aba parang nakakasobra ka naman!" saad naman ni Patricia."Huwag ka nang mag kaila pa Patricia dahil walang ibang gagawa noon kundi ikaw!" galit pa ring saad