Vivien
“Sweety, wake up. we're here.” Pupungas pungas ako ng umayos ng upo at tumingin kay Mommy.
“Mukhang puyat na puyat ka anak. Kanina pa kita ginigising. Tayo na lang ang naiwan dito. Mag-ayos kana at sumunod sa‘kin, Hinihintay na tayo ng lolo at lola mo sa loob.”
Tumango ako kay mommy bago ito naunang bumaba, Sumilip ako sa bintana, Wow! Nakakamiss dito sa Bulacan!
Kahapon hinatid nga ako ni Alexander pero sa labas lang ng subdivison dahil hindi na ako pumayag na sa mismong tapat pa ng bahay namin niya ako ihatid, Baka magulantang si mommy kapag nakita siya, Baka sabihin niya nag bar lang kami ni Penelope tapos may instant boyfriend na agad ako.
Then pag-dating ko sa bahay saktong sinalubong ako ni Mommy, Sinabi niyang pupunta kami dito sa Bulacan, may sakit daw kase si Lolo, Mukhang na sobrahan sa pag-akyat ng bundok. Saka nag-lalambing ang mga ito na mag-stay muna kami dito kahit one week lang daw.
Wala naman problema sa‘kin dahil pahinga ko naman, Saka chinat ko si Penelope na sumunod dito.
Kami lang nila Kuya Vince at mommy ang pumunta dito sa Bulacan, Nag-paiwan si Daddy sa manila dahil may mga kailangan daw siyang tapusin na papers, Habang wala si Kuya Vince.
Pag-baba ko ng Van, napangiti ako ng malawak ng makita ang bahay nila lola, Hindi pa rin iyon nag-babago, Mas pinili talaga nila ang buhay na simple dito, Ang alam ko nga ay tumutulong pa rin sila sa pag-kuha ng uling sa bundok, Umaakyat pa sila doon. Tapos nag-tatanim pa rin sila ng palay, May malaki kaseng palayan ang mga ito dito sa Bulacan, Noong bata pa ako madalas akong sumama kay Mommy dahil nag-eenjoy akong sumama kela lola papunta sa palayan.
May baboyan din sila, Nasa likod bahay ang mga kulungan nito. Ilang taon din akong hindi naka-dalaw sa kanila dahil naging busy ako sa pag-aaral.
Pagpasok sa loob, naka-upo na sila mommy at kuya habang masayang kausap sila lola. Nang mapansin nila ako ay malawak na ngumiti sa'kin ang mga ito.
“Vivien, Apo! naku, napaka gandang bata!” Agad akong lumapit sa kanila para mag-mano. Tumayo naman si Lola para yakapin ako ng mahigpit.
“I miss you La, kamusta na po kayo? Hanggang ngayon po ba ay umaakyat at bumababa pa rin po kayo sa palayan?” Pabirong tanong ko, natawa lang ito ng mahina bago tinapik ang braso ko, sinenyasan na makaupo sa tabi nila ni Lolo, Niyakap ko naman agad si Lolo na malawak din ang pagkakangiti samin, namamaga pala ang paa kaya hindi makatayo.
“Nako, hindi na ako umaakyat sa bundok, Kaya naman iyon ng tito Rey mo, Etong lolo mo lang ang makulit ayan namaga tuloy ang paa. Abala ako sa mga baboy na alaga ng tito Rey mo, Iyon na ang libangan ko.” Si tito Rey ay bunsong kapatid ni Mommy pinili ni tito na dito na lang manirahan para may kasama sila lolo at lola.
“Buti naman po kung ganoon, may mga tao naman po na katulong si Tito Rey para sa pag-aasikaso ng Ulingan at Palayan. Dapat po nag-papahinga na lang kayo at nag-rerelax.” Pangaral ko sa mga pasaway kong lolo at lola.
“Pasensya kana Apo, nasanay lang kami ng lola mo na kumikilos, Oo nga pala, Nalaman namin na graduate kana. Congrats apo, Proud na proud kami sainyo ng kuya Vince mo.”
“Salamat Lo,” sabay naming sambit ni kuya.
Maraming na kwento si Lola tungkol sa ulingan na ngayon ay mas lumaki na pala, Pati ang baboyan sa likod ay mas nadagdagan. Pati ang kabataan namin ni Kuya noon ay nakwento nila. Parang ang sarap tuloy na dito na tumira, Simpleng buhay at sariwa ang hangin.
Matapos ang mahabang pakikipag-kwentuhan, Kumain na muna kami bago nag-pahinga, medyo mahaba din ang naging biyahe kanina. Saka ako talaga pagod na pagod simula kahapon. Tsk, naalala ko na naman tuloy ang lalaking iyon.
*******
KINABUKASAN
5:00 palang ng umaga gising na kami ni Kuya, Gusto naming bumaba sa palayan at tignan kung ano ang nabago doon. Saka ang sarap mag-lakad lakad kapag ganitong oras dahil malamig at mahamog.
“Let's go Vi,” Napatayo ako sa kinauupuan ng lagpasan na ako ni Kuya at na-una ng lumabas. Hindi naman siya Excited ano? mag 5:30 palang naman, Hindi kami mag-dadala ng sasakyan, hindi naman kalayuan ang pababa sa Palayan.
Ang kulit nga ng lugar na ito nila lola, Sa likod bahay kung nasaan ang baboyan nila ay may daan papaakyat ng bundok, habang sa kabilang kalsada naman makikita doon ang pababa sa isang malawak na palayan,
Ang mga palayan na iyon ay marami ang may nag-mamay ari, pero isa sina lola sa pinaka malaki ang lupa doon.
“Nakakamiss 'yung ganitong fresh na hangin. Tapos makapal na hamog sa ibaba ng palayan. Buti nalang sumama ako sa'inyo ni Mommy, Sobrang stress ko this week sa mga clients natin.” Sambit ni Kuya habang nag-lalakad kami. Nasa kabilang gilid kami ng kalsada kung saan makikita sa baba ang malawak na palayan At sa kabilang gilid naman ng kalsada ang mga bahay.
“Yeah, sobrang nakakamiss dito, Buti na lang mabait si Dad kaya siya muna ang pumalit sa'yo.” Nakangiti kong sabi.
“Alam kase ni Daddy na stress na ako. Saka ilang taon na rin akong hindi nakakapag-leave.”
“Masyado mo kaseng ginulgol ang sarili sa pag-tatrabaho, Sabi naman ni Daddy p'wede ka mag-bakasyon 'e.” Iba kase mag-trabaho ang kapatid kong 'to, Tignan mo nga at wala pa rin nagiging Girlfriend.
“Inaral ko muna kase lahat at sobrang daming clients this past years. Anyway anong balak mo pala ngayon? Graduate kana, Papasok kana ba sa kompanya?” Tumigil kami saglit, tipid ko siyang nginitian bago bumaling sa papasikat na araw.
“I want to push my modeling career first kuya, Alam mo naman na sa una palang iyon talaga ang pangarap ko. Kaso dahil gusto nila Daddy na sa kompanya natin ako mag-trabaho. Sinunod ko ang kagustuhan nila, Mahilig din naman talaga ako mag design at drawing kaya hindi ako nahirapan sa kursong Architecture. Sorry kuya ha? hindi muna kita matutulungan sa kompanya sa ngayon.” Nilingon ko siya taimtim itong nakatingin sa'kin. Humakbang ito para akbayan ako.
“I know na 'yan ang isasagot mo sa akin, don't think about the company, kayang kaya ko iyong patakbuhin ng maayos, Tinanong lang naman kita kung ano ng balak mo, For now enjoy your life and pursue your true dream. I'm just here to support you.” Yumakap ako sa kanya, I miss this bond. Ngayon na lang kami nakapag usap ng ganito.
Bumaba na kami sa palayan at saktong may mga trabahador na nandoon. Naiwan ako sa ilalim ng malaking puno ng mangga habang si Kuya ay kausap ang namumuno sa mga ito.
Tumayo ako ng makita ang mga asawa ng mga trabahador na nag-aayos. Mukhang pumitas sila ng mga sariwang gulay, Siguro iyon ang lulutuin nila mamayang tanghalian.
Nag-lakad ako patungo sa kanila, Napansin naman ako ng isang ginang at binati.
“Magandang umaga Iha, Ikaw ba 'yung Apo ni Mang Basyon?” Ngumiti ako sabay tango.
“Opo, ano po pala ang ginagawa niyo?”
“Namitas kami ng gulay, mag-luluto kami ng Chapsuey mamaya at pancit. Saktong sakto Iha, Dito kana kumain para matikman mo ang sariwang gulay na ito.” Pinag-masdan ko ang mga gulay na nasa lamesa, Bigla akong natakam, Matagal tagal din na hindi ako nakakain ng gulay.
“Sige po, dito na po kami mag-tatanghalian ng Kuya ko, Sandali po puntahan ko lang po muna siya para masabi.”
“Sige Iha.”
Iniwan kona sila, gusto ko sanang tumulong kaso ang dami na nila doon mukhang hindi na ako kailangan. Napatigil ako sa pag-lalakad ng makita si Kuya na kausap pa rin ang mga trabahador doon. Siguro maya maya na lang mukhang importante ang pinag-uusapan nila e. Hindi ko muna sila iistorbohin, maglalakad lakad na lang muna ako. Marami na rin pala talaga ang nagbago dito.
Naisipan kong picturan ang lugar kaya kinuha ko sa bulsa ng gray hoodie ang phone ko. Naka-jacket pa rin ako kahit 6:30 na, Malamig pa rin kahit ganitong oras, siguro mamayang 7 or 8 kona aalisin ito.
Pag tingin ko sa phone ay napataas ako ng kilay ng may 4 na message galing sa isang unknown number. Sino naman kaya ito? I open it and read the text.
+639957224***
Goodmorning, It's me Alexander, please save my number.
+639957224***
Hey, Gising kana ba?
+639957224***
You still haven't seen my text?
+639957224***
Nasa bulacan ka right? Saan kayo sa Bulacan? Malapit ba kayo sa Norzagaray? I'm on my way to bulacan right now to check my grandma's business. When you read my message, reply to me please.
Napaawang ang labi ko ng mabasa ang text, what the?! How did he know I was here in Bulacan?! And where did he get my number?! I didn't give it to him! ano siya stalker?!
Saka shems! sa laki ng Bulacan bakit dito din ang Business ng lola niya?! Tinignan ko kung anong oras siya nag-text 3:38 am kanina pang madaling araw?! Napatapik ako sa noo, Bakit hindi ko chineck kanina pag-alis namin ni Kuya ang phone ko? Excited din kase ako kanina 'e!
Problemado akong na-upo sa isang mahabang upuan malapit sa kinaroroonan ko, Akala ko matatahimik ang isip ko ngayon, Siguro hindi naman kami mag-kikita dito hindi ba?
“Looks like you've already read my text, Why didn't you reply?” Halos mapatalon ako sa gulat ng may mag-salita sa gilid ko, Nang-iangat ko ang tingin ay gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko ng makilala ang nag-salita. What is he doing here?!
Walang pasabi na na-upo ito sa tabi ko at seryoso akong binalingan ng tingin.
“I told you to reply when you read my text, Why didn't you reply?” Hindi ko sinagot ang tanong niya, bagkus ay pinaningkitan ko siya ng mata.
“What are you doing here? Are you following me? How did you know my number?” Sunod sunod na tanong ko. Kakasabi ko lang kanina na, siguro naman hindi kami mag-kikita 'di ba? kaso may lahi atang kabute ang isang 'to, Bigla bigla nalang sumusulpot!
“I have my ways, and I told you earlier that I will go to bulacan to see my grandma's business. At Iba din ang tadhana nakikita mo ang kabilang palayan na 'yon? Ayan ang palayan ni grandma, Isa ang lola ko sa may pinaka malaking palayan at manggahan dito.” Sinundan ko naman ng tingin ang tinuro niya, Jeez! Katulad ng palayan nila lola ganoon din kalawak ang kanila, Marami na rin tao na nag-tatrabaho doon. Small world, magkatabi pa talaga ang palayan ng lola ko at lola niya! Kaya hindi na ako mag-tataka kung nakita niya ako dito.
Continuation sa next chapter..
********
Busangot ang mukha ko habang nakasunod sa kanya, Hinatak na lang niya ako patungo dito sa kubo nila kung nasaan may mga taong busy sa pag-gawa ng suman. Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-katabi ang palayan ng lola ko at lola niya. Sobrang liit naman ng mundo naming dalawa. Ngayon ay may kausap ito sa kanyang cellphone, Inabala ko naman ang sarili sa pagkuha ng picture, dahil namamangha ako sa pag gawa ng suman at halaya ay pinicturan ko iyon, Inang-guluhan ko at pinost sa I*, ang nilagay na Caption ay 'Yummy' lang. Simple as that. Tapos ay nag-scroll scroll lang ako, Heart heart sa mga post ng kilala ko. Nangunot ang noo ko ng makita ang nag-follow sa'kin, Saktong umupo sa tabi ko si Xander. “I follow back mo ako.” Utos nito na nakatingin pala sa phone ko, Nilayo ko agad iyon sa kanya at inirapan siya. Alam ba niya ang salitang 'privacy'? Tsk. Sinunod ko
“Omg! really?! Your so called boyfie, seems fascinated by your beauty girl! Kaya pati dito sa Bulacan ay sinundan ka, Take note alam ang number mo at alam na pumunta ka dito. Alam mo girl, lovelife mo na 'to, Push mona!” Napairap ako dahil sa sinabi ng magaling kong bestfriend. Kanina matapos kaming mag-lunch ni Xander, Hinatid niya ako sa tapat ng bahay namin, Hindi na ako nag-abalang papasukin siya sa loob, Hindi pa ako handang ipakilala siya sa pamilya ko no! Saktong pag-uwi ko naman dumating si Penelope. At eto na nga kinukwento ko sa kanya ang nang-yari. “Tinanong ko sa kanya paano niya nalaman lahat, sagot lang sa‘kin 'I have my ways', Pero feeling ko naman na mabuti siya, kase tignan mo girl, one night stand dapat kanya kanya na kami pero tignan mo, hindi niya ako iniwan doon sa VIP room sa Bar, tapos pinag-handa pa ako ng almusal at hinatid sa bahay. Tapos may sinabi pang responsibili
Inayos na muna namin ang mga gamit bago nag-palit ng Bikini, I wear Red Bikini with my cover up, Nilugay ko lang ang buhok ko, Nag-liptint din para hindi naman napaka plain ng mukha ko at hindi maging maputlang tignan, Kinuha ko rin ang sunglasses bago lumabas ng CR. Saktong kakatapos lang din ni Penelope mag-palit ng damit. She's wearing a black bikini with cover up, her hair is in a messy bun. Nang mapatingin siya sa gawi ko ay pinag-masdan niya ang kabuuan ko. Napangiwi pa ako habang pinag-mamasdan niya, Lagi na lang siyang ganito. “Ok lang ba? bagay ba sa'kin ang swimsuit na 'to?” Kabadong tanong ko na kinataas naman niya ng kilay. “Seriously girl tinatanong mo talaga 'yan? Halos lahat naman ng isuot mo bagay sa'yo. You‘re so beautiful and hot, you have a perfect body, Tsk, I hope I also have perfect boobs like yours! nakakainggit.”
KINABUKASAN Maaga akong nagising dahil sa excitement na nararamdaman, Nag-text ulit ako kay Daddy at Mommy, Nag-update ako sa kanila, baka kase mag-alala ang mga iyon kapag hindi ako nagparamdam, Saka nag-text na rin ako kay Xander, katulad ng pinangako ko sa kanya kagabi na i-aupdate kona siya. Hindi naman sila nag-rereply pa, Baka busy sila mom and dad tapos baka tulog pa si Xander. Binaba ko ang hawak na phone sa kama, mamimili na ako ng isusuot ko ngayon, Hmm, kinuha ko ang kulay blue na bikini tapos isang maong shorts, tapos pumasok na ako sa CR para mag-hilamos, toothbrush at palit ng damit, hindi na ako maliligo dahil mababasa lang din naman kami ni Penelope mamaya, Speaking of that girl nasaan na kaya iyon? hindi pa bumabalik ang babaita, Sabi niya lalabas lang daw siya saglit. Napag desisyunan namin na mag-Island hopping, actually namili kami ng package tour kagabi, pinag-usapan naming dalawa kung anong gagawin today, Pinili namin ang package one, Island hopping,
Vivien Nang makabalik na sila Xander at Chad, sabay sabay na kaming nag-lakad papunta sa bilihan ng kwek-kwek, Napapitlag pa ako ng hawakan ni Xander ang kamay ko. Kahit naiilang ay tiningala ko siya. “Bakit hindi ka man lang nag-text na ngayon ka pupunta?” Bumaba ang tingin nito saka tipid na ngumiti. Finally, ngumiti din kanina pa siya seryoso 'e. “I wan't to surprise you. And I'm glad you followed what I told you not to wear a bikini, it's much better that you're wearing shorts and a crop top.” Napangiwi ako, kung alam lang niya kanina na naka bikini ako, Buti na lang pala naisipan kong patungan ng croptop at shorts ang white bikini ko ngayon. Naguilty naman tuloy ako. Hindi na ako kumibo ng makarating na kami sa tapat ng stall, bumitaw ako kay Xander, Masaya ako
Vivien "Let's go, mag-rent na tayo ng Jetski.” Nakangiti akong tumango kay Xander at humawak sa braso niya. Ok na ulit ako at nakapag pahinga na. Nang-rent kami ng Jetski, Inabutan din kami ng Lifevest, kukunin ko sana iyong akin ng si Xander na ang kumuha, s seryoso ito habang sinusuot sa'kin ang lifevest, Pigil ang ngiti ko dahil kanina pa niya ako inaasikaso. Siya ang unang sumakay sa Jetski, tapos inalalayan niya akong makasakay, Siya na din ang nag-lagay ng mga kamay ko sa bewang niya. “Hold tight.” Sinunod ko ang sinabi niya, napasigaw ako nung una dahil bigla niyang pinaandar ang Jetski, nahampas ko siya ng mahina dahil do'n, Natawa naman siya ng mahina dahil sa naging reaksyon ko. Nag-libot at paikot ikot lang kami ng magsawa nilingon niya ako at nakangiting tinanong.
Vivien Our vacation is over, back to reality na, ngayon ang balik namin sa manila, Grabe ang bilis ng araw natapos agad ang bakasyon namin, Sa natirang araw na kasama namin si Xander at Chad tinapos namin ang package activities, sayang din kase ang binayad namin ni Penelope kung hindi namin magagawa ang ibang activities. Chad and Penelope are ok now, nagkalinawan na sila. Ngayon nanliligaw na si Chad sa kaibigan ko. Finally, magkakaroon na rin sila ng label. At nung gabing doon nag-stay si Xander sa Room namin, Buti na lang naging goodboy siya, Kumain lang kami at nag-kwentuhan sa Terrace no'n, tapos magkatabi kaming natulog, Kinatuwa ko iyon dahil ramdam niya siguro na naiilang ako. Sa ilang araw na nakasama ko si Xander kahit papaano nakilala ko siya, Ngayon na pabalik na kami ng manila parehas na kaming magiging busy, bibihira na kami mag-kita, mas ok 'yun para sa'
Tumingin ako ng condo, para hindi hassle kapag bibiyahe at kung may biglaan na shoot, Kung sa bahay pa kase ako manggagaling aabutin ako lagi ng Traffic, Ayoko pa naman nalalate kapag may trabaho ako. Gusto ko sana sa Sandoval Condominium kaso medyo malayo din sa Agency ko, makaka discount sana ako dahil sila Penelope ang may ari no'n, saka may condo din ang kaibigan ko ron. Hindi ko naman kailangan ng malaking Condo, para sa'kin lang naman, two rooms is enough para kapag gusto pumunta ni Penelope doon may matutulugan siya, Actually hindi pa 'to alam nila mommy at daddy kahit si kuya, Pero kailangan ko kase ng malapit sa agency, Maiintindihan din naman nila ako. Malaki na rin naman ang naipon ko, Lahat ng natatanggap ko noon na pera kapag birthday, Christmas, Newyear, allowance ko noong nag aaral ako, sa modeling ko, sa pagiging ambassadress at noong debu ko inipon ko lahat, Hindi naman kase ako maluhong tao, la
Vivien's pov Tatlong araw na ang lumipas pero nandito pa rin ako sa hospital at nag-papagaling. Hindi ko akalain na mangyayari sa buhay ko ang ginawa ni Loraine. Parang napapanood ko lang sa TV ang ganoong scenario pero nangyari sa akin. Dahil sa ginawa niya naging usap-usapan ang pamilya namin, Trending sa lahat ng social media. Kahit sa news. Pati sila Xander ay nadamay, pero agad din naman nagawan ng paraan. Binigyan din ako ng one month leave ng boss ko dahil sa nangyari sa akin. Nandito din sa hospital na ito naka-confine si Loraine, okay naman na siya at stable pero kailangan pa rin mag-pahinga dahil baka bumuka ang sugat niya sa tagiliran. Doon ito nabaril ni Xander. Si Vanessa at Daddy pala ay ikinulong ni Loraine sa bahay nila kaya hindi alam ng mga ito ang ginawa ng anak nila. Nagulat nalang sila sa nalaman. Galit na galit si Grandma kela Vanessa dahil sa malaking gul
Tumawa naman ito na parang demonyo bago tumingin sa akin.“Napaka boba mo talaga, alam mo 'yon? Tingin mo ba hahayaan kita na makaalis ng buhay dito? Hindi mo ba naisip na kaya kita pinasama kay Alex ay para mapatay na kita? Para mawala na 'yung hadlang sa akin!”Galit na bulyaw nito. Nanlilisik ang mga mata niya. “Loraine, hindi ito ang usapan natin! Sinabi mong ibabalik mo si Alexis kay Dawn at ako naman ay sasama sa'yo! Ano itong ginagawa mo!” Galit na rin na sambit ni Xander.Binalingan naman siya ni Loraine.“Shut up, Alex! Hindi ako tanga, kailangan ko masigurado na wala ng hahadlang sa pagmamahalan nating dalawa! Kailangan mawala ni Vivien sa mundong ito!”
Isang warehouse na abandonado malapit sa riles ng tren malapit sa Alabang ang sinend sa aming address ni Loraine. Ala's tres ng madaling araw ang sinabi niyang oras na magkita kita kami. Hindi pumayag ang angkan ni Xander na walang gawin, Buti nandoon ang isang pinsan ni Xander at Hinack ang isang CCTV para doon kami mag-usap usap sa isang kwarto. Habang ang iba ay naiwan sa malaking sala para hindi mahalata ni Loraine. Kumilos ang ibang tito ni Xander ng palihim para makausap ang mga pulis. Pinaderetso pa rin nila ang pulis sa mansion pero ang iba ay naka-pwesto sa bawat kanto, Pero mga nakasibilyan para hindi mahalata. Nag-pasya kaming dalawa lang ni Xander na pupunta, nag-suot lang kami ng Invisible micro bluetooth earpiece na bigay ng pinsan ni Xander para marinig nila ang pinag-uusapan namin at isa na rin GPS para ma locate kami kung sakaling mag-ka
MAKALIPAS ANG ISANG ORAS unti-unti ng bumabalik ang ibang miyembro ng pamilya pareho-pareho lang ito ng sagot. Wala si Alexis. Kahit ang mga kasambahay ay hindi rin nakita ang anak ko.Nanghihinang napaupo ako habang nanginginig ang mga kamay, nag-simula ng mangilid ang aking mga luha. My Baby..where are you?Halos lahat ay nandito na pwera kay Alec at Xander. Maya maya ay sabay sabay kaming napatayo ng makita sila Xander na tumatakbo papalapit sa amin, Namilog ang mga mata ko ng makita ang hawak hawak ni Xander! Nanlalambot ang mga tuhod ko ng sinalubong ko sila.Wala sa sariling kinuha ko sa kamay ni Xander ang Ipad ni Alexis! Nang tignan ko iyon ay napasinghap ako ng makitang basag at may bahid ng dugo! Doon na kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan."Oh god! Where is my son?!" Hindi kona napigilan ang sarili na mag hesterikal
Inasikaso naman ni Xander ang pagkain ko, habang si Grandma ay siya na ang nag-asikaso ng pagkain ni Alexis. 'siya daw ang nakatoka ngayon sa aming anak. Bago kumain nilingon kopa sila Mommy, nakakaintinding ngumiti at tumango lang naman ito. Gano'n din sila kuya. Tahimik akong kumain dahil gutom na rin talaga ako. Anong oras na rin kase kaya nakaramdam na ako ng gutom. Then ng matapos ang pagkain ay may speech si Grandma para sa mga kabusiness partner niya. Tinawag pa nga ni Grandma sa stage si Mommy at Kuya para ipakilala sa lahat. Nagulat pa nga ako dahil sa isang hindi inaasahan na anunsyong ginawa ni Kuya.Once na makasal na daw kami ni Xander ang Herrera Furniture and Manufacturing Corp. Ay imemerge sa Montenegro Empire. Hindi ako makapaniwala habang nakatingin kay Kuya kanina.Nakangiting tumango lang naman siya sa akin. Alam ko meron akong parte sa
Agad kaming sinalubong ni Grandma ng makita niya kami ni Xander. Agad na nag-mano si Xander sa kanyang lola, Ako naman ay bahagyang yumuko para nag-mano tapos ay pinasadahan nito ng tingin ang aking kabuuan. "You are so beautiful Iha, the dress I chose is suit on you." Nahihiyang ngumiti naman ako. "Thank you Grandma, kayo din po napakaganda nyo sa suot niyong dress." Kimi namang ngumiti ang matanda. Totoo naman ang sinasabi ko kahit matanda na ito ay kitang kita pa rin ang kagandahan. "Thank you Iha, Let's go on our table." "La, Bakit ang Fiance ko lang ang binati mo, samantalang ako na Apo niyo hindi niyo man lang ako tinignan, buong atensyon niyo ay nasa kanya," Kunwareng nagtatampong sambit ni Xander, Tinignan siya ni Grandma mula ulo hanggang paa tapos sabay ismid. Napamaang tuloy si Xander sa ginawa ng lo
KINABUKASAN Hindi ako pumasok sa kompanya dahil hindi ako pinayagan ni Kuya kahit ala sais pa naman ang start ng engagement party namin ni Xander. Mag-relax at pahinga lang daw muna ako. Wala naman akong nagawa kung hindi umabsent, kahit sa agency ay gano'n din. Pupunta rin si Annie mamaya dahil ininvite ko siya. Pag-gising ko kanina ay abala na ang lahat, si Manang Fe ay inaayos ang mga susuotin at pinapadala sa kanya ni Mommy, Habang si Alexis ay hindi ko naabutan dahil sinundo pala ng kanyang lola sila daw ang mag-aassist sa mga mag-aayos sa mansion at sa catering. Feel na feel nila maglola ang ginagawa. Si Xander naman ay sumaglit sa Montenegro Empire dahil may isang meeting na sobrang importante na kailangan siya. Buti pa nga ito pinayagan na pumunta ng kompanya. Samantalang ako hindi. Bali ako lang ang wal
Habang abala ang lahat at kinakausap ni Xander si Alexis ay napansin ko ang pananahimik ni Alec sa isang gilid habang umiinom ng wine. Mula kanina ay nandoon lang siya, hindi man lang ako nilapitan para batiin kahit ang kanyang pinsan. Nang mapansin niya na papalapit ako ay umayos ito ng tayo. Malamig ang tingin na ginawad niya sa akin."What are you doing here? Bakit hindi ka nakiki-sali sa kasiyahan?"Marahan kong tanong kahit na naiilang ako sa ginagawa niyang paninitig. "I'm ok here." Seryosong sagot nito sabay simsim sa kanyang wine glass. "Come on join us, hindi 'yung nandito ka. Feeling ko tuloy ayaw mo talaga pumunta dito." Pangungulit ko sa kanya. Narinig ko ang pag-Tsk nito bago binaba ang hawak na wine glass sabay may kinuha sa kanyang suot na coat. Nakatingin lang
"My Dawn..My Baby..Will you marry me?" Natuptop ko ang aking bibig, ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay unti-unti ng nag-baksakan habang nakatingin sa lalaking nakaluhod sa aking harapan. Totoo ba itong nakikita ko? Nagpopropose siya sa akin? Hindi naman ito isang panaginip right? Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Kakaiba ang intensidad ng mga tingin niya sa akin na siyang mas nag-papakabog sa aking dibdib. "Baby, we've been through so much, maybe it's time for the two of us to be happy and build our family. I am not a perfect man but I promise you that I will love you and Alexis more than my life. Babawi tayo sa panahon na inagaw sa atin. Sana ay isang matamis na 'Oo' ang isagot mo. I love you Dawn. Please marry me.."Ang mga mata nito'y nagsusumamo. Nakatingin lang ako sa kanya habang lumuluha. He'