"Yael." Nagtatakbo si Freya sa kinaroroonan ng natutulog niyang anak at hinalíkan ito sa noo. Rumagasa ang masaganang luha sa kaniyang mga mata habang nakangiti niyang pinagmamasdan ang kaniyang anak. "Anak…" Pupunasan niya sana ang kaniyang mga luha nang bigla itong pinahid ni Jacob gamit ang panyong hawak nito. Tumingala siya kay Jacob. "Thank you," pilit niyang sabi."She's still mad." Jacob murmured as he smiled.Narinig iyon ni Freya pero hindi na niya iyon pinansin. Hinaplos niya ang buhok ni Yael at muling tinitigan ang mukha nito habang mahimbing na natutulog."Anak, sorry. Sorry kung iniwan kita ng araw na 'yon sa loob ng sasakyan. Kung hindi kita iniwan, hindi mangyayari sa iyo ang lahat ng mga naranasan mo. Patawarin mo si mommy." Hinalíkan niyang muli sa noo si Yael. "Sorry rin kung napaniwala nila akong patay ka na. Sorry kung hindi man lang kita nahanap. Anak, magsisimula pa lang si mommy na hanapin ka pero ibinigay ka na agad sa akin ng Diyos. Napakabuti Niya 'no? Kahit
FREYA'S POV Isang linggo matapos mag-proposed sa akin ni Jacob ay agad kaming lumipad papuntang Balesin Island para magbakasyon. Two days na kami rito sa isla at masasabi kong napakaganda talaga rito. Kasama namin sina Yael, Diana at Hulyo. Hindi nakasama si papa dahil may schedule siya ng check-up sa Florida. Sina Inay Rhea at Tatay Ramil naman ay busy mag-island hopping sa El Nido. Mukhang magkakaroon pa yata ako ng kapatid. Kidding aside, masaya ako para sa mga magulang ko. Ramdam na ramdam ko ang nag-uumapaw na pagmamahal nila sa isa't-isa. Jacob booked the whole Costa Del Sol. As explained by the staff, Costa Del Sol means “coast of the sun". It features Spanish colonial architecture with arched thresholds, stucco walls, and manicured courtyards. May anim na casas sa loob nito– Estepona, Fuengirola, Malaga, Marbella, Ronda, and Torremolinos. Sa may Casa Marbella nag-stay sina Diana at Hulyo. Nandito kami ngayon sa Casa Torremolinos. Wherever Casa we're in, we can still have a pi
Hi! This is Docky and I want to thank all of you for your unwavering support for this story. ONE NIGHT LOVE and ONE NIGHT DEAL (Tagalog) is NOW SIGNING OFF. Magkasama na po rito ang book 1 at book 2 since nag optimized po ang libro kong ito. DATE STARTED: SEPTEMBER 11, 2022 DATE FINISHED: JUNE 03, 2023 Gray Series 1, One Night Love (Tagalog) will be having a third book entitled Nights with the Billionaire. Muli niyo pong makakasama sina Jacob, Freya at Yael sa third installment ng series na ito. Hindi pa po tapos ang kuwento nila. Ang kasal ay simula pa lamang ng buhay may asawa. Sana po ay samahan niyo ulit sila sa kanilang journey. Ilalapag ko po ang blurb ng BOOK 3 after ko po sigurong manganak, taong kasalukuyan (2024) at magsisimula po akong mag-update ulit dito next year, 2025. Kadugtong po nitong book na ito ang book 3. Dito po mismo ako mag-a-update. COMPLETED na rin po rito sa GoodNovel ang Gray Series 2 One Night Darker (Tagalog), Jackson Gray and Mereya Wrights' sto
Cold Nights with my Billionaire Husband A Mystery-Romance Novel by: Docky Book 3 of One Night Love (Tagalog) Kabanata 1 Eight years later 5am at Monte Carlos Airport “Mommy! Daddy!” Tuwang-tuwang sinalubong ni Yael ang kaniyang mga magulang sa airport. Ilang buwan ding nawala ang mga ito sa kaniyang tabi dahil kinailangang dalhin ng mga ito ang nakababata niyang kapatid na si Jia sa abroad para ipagamot. Sa tulong ng panalangin at medisina ay gumaling naman agad ang karamdaman ng kaniyang kapatid. “Yael!” Abot-tainga ang ngiti ni Freya habang kumakaway sa kaniyang panganay. “Sige na. Puntahan mo na siya. Ako na ang bahala sa ating prinsesa,” nakangiting sabi ni Jacob habang pasan-pasan niya ang natutulog na si Jia. Sinalubong din sila nina Set at Jun sa airport at ang mga ito ang may bitbit ng kanilang mga maleta. Mahigpit na niyakap ni Freya si Yael. Hinalikan niya ito sa noo at inakbayan. “Sobrang namiss kita, anak. Marami akong pasalubong sa’yo na tiyak na magugust
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 2Mabilis na tumakbo si Freya palabas ng kanilang mansyon at agad na hinanap si Jia. Halos mapatid na ang mga ugat sa kaniyang leeg sa kasisigaw ng pangalan ng anak niya samantalang wala pang kaalam-alam sina Jacob at Yael sa nangyayari.“JIA! Anak! Nasaan ka?” Tumulo na ang mga luha ni Freya sa kaniyang mga pisngi habang patuloy siya sa pagsigaw at pagtakbo. Bawat makakasalubong niya ang tinatanong niya kung may nakita ba silang apat na taong gulang na batang babae pero ni isa sa kanila ay walang nagkita kay Jia.Nagpatuloy sa pagtakbo si Freya habang patuloy rin niyang isinisigaw ang pangalan ng kaniyang unica hija at bunsong anak. Saka niya lang napansin na dumudugo na pala ang kaniyang paa nang mapatakan ito ng butil-butil na pawis niya. Hinubad niya ang suot niyang heels at iniwan na ito sa may kalsada. Wala na siyang proteksyon sa kaniyang mga paa pero hindi niya ininda ang mainit na singaw ng kalsada, mahanap lamang ang kaniyang
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 3Mabilis na tumayo si Freya nang marinig niya ang sinabing iyon ni Jacob. Tama ang kaniyang hinala. Si Jia nga ang batang nabiktima ng hit and run. Walang kakurap-kurap niyang niyakap ang bangkay ni Jia. Maya-maya pa ay pumalahaw na siya ng iyak.“JIA! ANAK KO! ANG KAAWA-AWA KONG ANAK!” sigaw ni Freya habang walang tigil sa pagdaloy ang kaniyang mga luha.Napaatras si Jacob. Hanggang ngayon ay gusto pa rin niyang kumbinsihin ang kaniyang sarili na ibang bata ang walang buhay na nakahiga sa stretcher bed. Sinabunutan niya ang sarili at inalog ang kaniyang ulo.“Hindi. Hindi ito totoo. Panaginip lang ang lahat ng ito,” bulong ni Jacob habang nakatitig kina Freya at Jia. Muli siyang umatras hanggang sa nawalan siya ng balanse.Hinawakan ni Freya ang batok ng kaniyang anak at idinikit ito sa kaniyang dibdib. “JIA! MY POOR BABY!” Halos mawalan na siya ng boses sa kasisigaw. Umupo siya sa stretcher bed at tuluyang kinandong si Jia. “SINO? SI
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 4Mabilis na bumaba si Freya sa ambulansya. Agad naman siyang sinundan ni Jacob.“May problema ba?” tanong ni Jacob.“There's someone…”Kumunot ang noo ni Jacob. “Saan?”Itinuro ni Freya ang malaking puno ng acacia sa hindi kalayuan. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang biglang umalis ang lalaki. “He's trying to escape. We need to go after him!” Aalis na sana siya nang pinigilan siya ng kaniyang asawa. “What are you doing, Jacob? Let me go!”Tiningnan ni Jacob ang malaking puno ng acacia na itinuro kanina ng kaniyang asawa. “Freya, there's no one there. Halika na. Kailangan na nating pumunta sa mor—”Marahas na inalis ni Freya ang kamay ni Jacob sa braso niya. “Are you saying that I'm seeing things? Are you saying that I'm lying?” she said furiously.Huminga nang malalim si Jacob. “Yes. No! I mean, wala na ‘yong taong sinasabi mo. Nakaalis na siya.” Ang totoo, wala talagang nakitang tao si Jacob doon.Tumahimik si Freya at bumalik na sa l
Cold Nights with my Billionaire Husband Kabanata 5 “Imposible,” naiiling na sambit ni Jett habang chine-check ang surveillance cameras footage ng mansyon ng kaniyang kapatid na si Jacob. “Ano na Jett? Hindi mo pa rin marecover?” inip na tanong ni Jackson habang hawak ang anak niyang si Baby Sonya. Umiling si Jett sabay sabunot sa kaniyang buhok. “Kung sinuman ang gumawa nito, he's a fúcking genius!” Nagsama-sama ang mga Gray sa isa sa mga villa ni Don Vandolf dahil sa pagkamatay ng bunsong anak nina Jacob at Freya na si Jia. “Jam, if you need my help just tell me. I know someone who's also good at doing your craft. May mga kilala rin si lolo na mga taong p'wedeng makatulong sa inyo.” Nakatayo si Arya sa may tabi ng pinto habang pinapanood ang nagkukutingting na si Jett. “Miss Armani, thank you for your concern but we can't accept your help since marami ka rin namang pinagkakaabalahan sa ngayon. Alam naming hanggang ngayon ay hinahanap mo pa rin si Dra. Santos. Also, your ex-husb
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and