ONE NIGHT DARKERKabanata 52.3 “Don Desmundo, sigurado na po ba kayo sa gagawin natin? Paano kung kamuhian po kayo ng apo niyo pagkatapos nito?” tanong ni Octa. Kausap niya ngayon sa telepono ang tunay niyang amo. [“Mauunawaan ako ng apo ko. Alam kong mas mahal niya ang kaniyang papa kaysa sa lalaking ‘yon. Matagal na ring naghahanap ng hustisya si Eya kaya sigurado akong matatanggap niya kung anuman ang maging desisyon ko.”] “Nakasakay na po ba kayo sa private plane niyo? Marami po ba kayong kasamang bodyguards?” Nagmasid si Octa sa paligid. Walang dapat makarinig nang pinag-uusapan nila ni Don Desmundo. Malaking kabayaran ang sisingilin sa kaniya nito kapag pumalpak ang kanilang plano. [“Huwag mo na akong alalahanin. Ikaw ang mag-ingat diyan. Matalas ang pakiramdam ni Jackson. Matalino rin siya kaya huwag na huwag kang gagawa kahit isang pagkakamali. Kumusta pala ang apo ko? Alam na ba niyang nakalaya na ako sa kulungan?”] “Maayos naman po si Senyorita Eya. Sa pagkakaalam ko po
ONE NIGHT DARKERKabanata 52.4 “Sir Jack! Tumawag na po si doc. May resulta na raw po!” Ibinaba ni Jackson ang telepono bago humarap sa kaniyang tauhan. “Sige. Salamat sa impormasyon.” May isa pang tauhan ang tumakbo palapit kay Jackson at may ibinulong. Dumilim ang mga mata ni Jackson. “Sigurado ka?” “Opo, Sir Jack. Kumpirmado na po.” “Makakaalis ka na,” utos ni Jackson. Tumayo siya mula sa upuan at humiga sa malambot na kama. Kanina pa siya nakarating sa hotel. Sa likod siya dumaan kaya walang nakapansin sa kaniya. Dumiretso siya sa VIP room na inihanda ng may-ari ng hotel para sa kaniya. “I thought everything will be smooth.” Jackson sighed. He closed his eyes for a while. “Am I that bad? It's like the universe doesn't want me to be happy.” Tumulo ang mga luha ni Jackson. Hinayaan niya muna ang kaniyang sariling umiyak. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumangon siya at inayos ang kaniyang sarili. “Failing is not on my vocabulary right now. I cannot afford not to win. I shoul
ONE NIGHT DARKERKabanata 52.5 “Jett! Sandali!” Tumigil sa paglalakad si Jett nang marinig niya ang boses ng kapatid niyang si Jacob. “Oh, Hakob! Bakit naririto ka? Huwag mong sabihing sasama ka sa akin? Paano si Freya?” sunod-sunod na tanong ni Jett. “Hindi ako makakasama pero…” Napatingin si Jett sa brown envelope na hawak ni Jacob. “Ano ‘yan?” “Brown envelope,” pilosopong sagot ni Jacob. “Punyemas naman oh. Alam kong brown envelope ‘yan. Ang ibig kong sabihin, ano ang nilalaman niyan? Para ba ‘yan kay kuya?” Binitiwan muna saglit ni Jett ang dala niyang maleta at saka naupo roon. “This is my wedding gift for him. Please give it to him before the ceremony starts,” Jacob pleaded. He handed the brown envelope to his half-brother. Ngumusi si Jett bago niya kinuha sa kamay ni Jacob ang brown envelope. “Sige pero mas magiging masaya sana kung makakasama kayong mag-anak.” “Alam naman ni Jackson ang sitwasyon ng mag-ina ko. Alam kong mauunawaan niya kami. Siya nga pala, totoo ban
ONE NIGHT DARKERKabanata 53.1 “Yael, dito ka lang ha. Naiihi si tito,” bilin ni Jett sa kaniyang pamangkin matapos niyang ilagay ang lahat ng gamit sa overhead bin. Ipinatong niya ang brown envelope sa kaniyang upuan. “Opo, tito. Hindi po ako aalis dito,” mabilis na tugon ni Yael. He put on his headset and selected some music to soothe his soul. Napapapikit pa siya habang nakikinig sa musika. Nang makita ni Nadia ang seats nina Yael at Jett ay dali-dali siyang tumungo sa likuran ng mga ito. May dala siyang isang brown envelope na kaparehas na kaparehas ng bigay ni Jacob kay Jett. Habang nakapikit pa si Yael ay dali-dali niyang pinalitan ang brown envelope na nasa seat ni Jett. Lumingon siya sa paligid bago muling umalis ng eroplano. “Got it,” Nadia whispered with a wide smile on her face. “Finally, the truth is in my hands. Makakatulog na ako nang mahimbing sa gabi.” Bago pa man makalayo sa may boarding gate si Nadia ay tumawag na ang kaniyang papa. (“Nasaan ka? Bakit hindi ka
ONE NIGHT DARKERKabanata 53.2 “Sir Jett, Yael!” Kumaway si Yuna para mapansin siya ng mga Gray. Ibinaba ni Jett ang kaniyang salamin. Napangiti niya nang makita niya ang isang magandang dilag. “Tito Jett, alam ko po ang ibig sabihin ng mga ngiti mong ‘yan. Tsk. Tsk. Huwag mo na pong ituloy ang binabalak mo, tito. Si Ate Yuna ‘yon. Bff ni Tita Eya,” naiiling na wika ni Yael. Nawala ang ngiti ni Jett sa halip ay tumaas ang itaas na sulok ng kaniyang labi nang maalala niyang may alaga nga pala siyang kasama. “Bakit alam mo ang iniisip ko? Mind reader ka bang bata ka? Big boy ka na nga talaga ano? Sige. Ikaw na ang magbitbit nitong maleta mo!” Inis na ibinigay niya ang maleta ng kaniyang pamangkin dito. Napatawa si Yael sa inasal ng kaniyang tito. “Wala ka po bang balak mag-settle down tulad nina daddy at Tito Jackson?” tanong niya. Sumeryeso ang mukha ni Jett. “Hindi ko pa ulit nakikita ang babaeng nararapat na magdala ng apelyido nating mga Gray. Siguro, kapag nakasalubong ko si
ONE NIGHT DARKERKabanata 53.3 “Boss, wala po sa lumang gusali ang target natin.” “Hinalughog niyo na ba ang bawat sulok ng nabubulok na bahay na ‘yon?” Humigpit ang kapit ni Linda sa kaniyang baril. “Opo, boss. Wala po talaga sila roon.” “Magsikalat kayo! Sigurado akong hindi pa sila nakakalayo sa islang ito. Huwag kayong magpapakita sa akin hangga't hindi niyo kasama sina Cindy, Sevi at ang higad na Noeming ‘yon!” Ikinasa ni Linda ang kaniyang baril. Itinutok sa taas at saka iyon pinaputok. “Ano pang tina-t@nga-t@nga niyo? Alis na!” Papunta na sana sa Europa si Linda kasama ang mga binayaran niyang mga tao nang bigla siyang tinawagan ni Merella. Agad siyang pinalipad nito patungo sa isang isla sa probinsya matapos makatanggap ng tip mula sa dati nitong tauhan na nagbalik-loob dito. “Noemi, hindi mo pa p'wedeng patayin si Cindy. May kailangan pa akong impormasyon sa kaniya.” Umupo si Linda sa ilalim ng isang malaking puno ng acacia. Kinuha ang kaniyang tumbler at uminom ng tubi
ONE NIGHT DARKERKabanata 53.4 “Senior, bakit po tayo naririto?” wala sa sariling tanong ni Set habang bumababa sa eroplano. “Nasaan na ang ating ibang mga tauhan?” Napakamot sa kaniyang ulo si Set nang sinagot siya ng isa ring katanungan ng kaniyang matandang amo. “Paparating na po, senior. Ano po bang nangyayari? Bakit po tayo napunta sa lugar na ito?” Hinampas niya ang kaniyang braso nang may kumagat na lamok sa kaniya. “May hinihintay lang akong kaibigan ng isa kong dating kaibigan,” matipid na tugon ni Don Vandolf. Kumunot ang noo ni Set. Sinundan niya ang tingin ng matanda. Nakatingin tingin ito sa kalapit na isla. ‘Sino na namang poncio pilato ang tinutukoy ni senior?’ “Tawagan mo si Dos. Pakisabi sa kanila na pakibilisan ang kanilang pagresponde. Mahalaga ang bawat segundo,” mahinang sabi ni Don Vandolf. Mabilis na tinawagan ni Set sina Dos na ngayon ay naglalakbay na papunta sa nasabing isla mula sa El Nido. “Sino ba kasi ang nagsabi sa kanilang doon sila mag-landing?
ONE NIGHT DARKERKabanata 53.5 “Minahal mo ba talaga si William?” Napatigil sa paglalakad si Noemi nang marinig niya ang tanong na iyon ni Cindy. “We need to walk faster,” she said, avoiding her question. Tumawa nang pagak si Cindy. “I was so madly in love with that man and with his wealth back then. I'm sorry if I became the cause of your separation.” Napalunok siya. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay. “Kahit sa unang gabi namin bilang mag-asawa, kahit walang impluwensiya ng alak ang katawan niya, pangalan mo pa rin ang tinawag niya habang may nangyayari sa amin. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon?” Hinarap ni Noemi si Cindy. Walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha niya. “Our life is in danger. Ngayon mo pa talaga ibabalik ang nakaraan?” “Women,” bulong ni Sevi habang nakangisi. Bahagyang tumaas ang boses ni Cindy. “Sagutin mo kasi ang tanong ko. Minahal mo ba si William?” “Parang tinanong mo ako kung kailangan ko ba ng tubig at hangin para mabuhay.” Tumalikod na si N
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and