"Diana, Don Vandolf, we have to go. Something urgent came up," Rhea said as she stood from her seat."Hindi ka ba pwedeng mag-extend kahit five or ten minutes? You will miss the highlight of the night!" ani Don Vandolf."I would love to but we really need to go. Pasensya na kayong dalawa ha. Please congratulate Ivana and Jacob on our behalf." May kinuha sa kaniyang bag si Rhea at iniabot iyon kay Diana. "Kindly give this to your brother, hija. It's my present for them," nakangiting sambit ni Rhea."Sige po. Ako na po ang magpapasalamat on my brother's behalf. Ingat po kayo," nakangiting turan ni Diana."Nice meeting you again." Nakipagkamay si Rhea kina Don Vandolf at Diana. "Yvette, tumayo ka na riyan. We have to go," aniya."Mama, hindi po ba natin hihintayin ang highlight of the night?" kunot-noong tanong ni Yvette.Umiling si Rhea. "Get up. Let's go."Habang naglalakad palayo sina Rhea at Yvette ay abang na abang naman si Don Vandolf sa sunod na lalabas sa screen. Nagkaroon pa ng
Nang matapos ang pagkanta ng Asia's Songbird, isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa mansyon ng mga Gray. Ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa screen sa unahan. "Love, ikaw ha! May pa suspense ka pang nalalaman!" maarteng turan ni Ivana. Hinahampas-hampas niya nang marahan si Jacob sa dibdib nito. Ngumiti ng peke si Jacob. Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Love, a-ano kasi eh …" Hindi niya masabi kay Ivana na pati siya ay kinakabahan at nae-excite na rin sa susunod na mangyayari. "Hmmm? Spill it love. I can't wait any longer," nakangiting sambit ni Ivana. "You're the prettiest star tonight, love. Let's make each other the happiest people on earth, later," Jacob whispered. Nakiliti si Ivana sa init ng hininga ni Jacob. His breath smells so good that she wants to kiss him torridly. "Ikalma mo Jacob ha. Mamaya mo ibuhos lahat ng gigil mo sa akin," natatawang sambit ni Ivana. "Oo love. Panggigigilan talaga kita after nitong party," pagsang-ayon ni Jacob. "Buong katawan mo, ti
Papikit-pikit na naglalakad si Freya papunta sa direksyon ng banyo. Gulong-gulo ang kaniyang buhok at may kaunti pa siyang tuyong laway sa tabi ng kaniyang labi. Hinahaplos-haplos pa niya ang kaniyang tiyan habang nag-aalis ng kaniyang muta. Binuksan niya ang pinto ng banyo at pumasok na roon."MU-MULTO! MULTO!" sigaw nang umíihing si Jackson. Mabilis niyang itinakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata. Tanging briéf lang ang suot niya ngayon dahil katatapos lang din niyang maglinis ng kaniyang katawan.Dahan-dahang hinawi ni Freya ang buhok niyang nakalaylay lahat sa unahan. Nang makita niya ang hubad-barong si Jackson ay napasigaw rin siya."Aaaahhhh! ANONG GINAGAWA MO RITO SA BANYO?" tarantang sigaw ni Freya. Agad siyang tumalikod kay Jackson. Naubos ang natitira niyang antok dahil sa nangyari.Inalis ni Jackson ang kaniyang mga kamay na nakatakip sa kaniyang mga mata nang mabosesan niya si Freya. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang pants at sando sa sampayan at isinuot an
"Good morning, Yael," bungad na bati ni Jackson.Kinusot ni Yael ang kaniyang mga mata. "Good morning po Tito Jackson. Where's mommy?""She's cooking our food. How's your sleep?" Jackson asked."Okay naman po. Alam mo ba tito, napanaginipan ko po si daddy," nakangiting sabi ni Yael.Jackson plastered a fake smile. "Really? Ano namang klaseng panaginip 'yon, Yael?" aniya."Niyakap niya raw po ako tapos sabi pa po niya, malapit na raw po kaming magkita. Tito posible po ba 'yon? 'Di ba po patay na si daddy? Paano po kami magkikita?" kunot-noong tanong ni Yael.Tumikhim si Jackson. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa tanong ni Yael. "Ah Yael, hindi ka pa ba nagugutom? Bumili ako kanina ng pandesal sa may bakery. Baka tapos na ring magluto ng almusal ang iyong mommy," sabi ni Jackson. Kailangan niyang ilihis ang usapan at baka kung ano pa ang masabi niya sa bata."Hindi pa naman po nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan," pabirong tugon ni Yael."Ikaw talaga. Joker ka rin pala," nat
Nagulat si Diana nang mukha ni Jackson ang bumungad sa kaniya. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?""Answer me first," Jackson demanded. He put his hands on his hips.Napalunok si Diana. "I'm here to visit my … FRIEND. Ikaw anong ginagawa mo rito?" she answered.Tumaas ang mga kilay ni Jackson. Tumawa siya nang pagak. "FRIEND? ARE. YOU. KIDDING. ME?"Diana rolled her eyes. "Fine! I'm here to visit my nephew … OUR NEPHEW. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Napansin niya ang ayos ng damit ni Jackson at ang buhok nitong hindi pa nasusuklay. "Don't tell me?" Itinakip niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig."Nakitulog lang ako rito. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ako katulad ng Kuya Jacob mo!" ani Jackson."Gising na ba sila?" Sinubukang silipin ni Diana ang mag-ina pero hinarangan siya ni Jackson."Tell me, anong pakay mo? Bakit ang aga mo rito?" kunot-noong tanong ni Jackson.Bumuntong hininga si Diana. "I need to warn, Freya.""Warn? For what?""KUYA JACKSON, huwag ka ngang marite
"What's the matter?" kunot-noong tanong ni Freya nang bigla siyang lapitan ni Jackson. Naghuhugas siya ng mga plato samantalang si Yael naman ay naglilinis ng kanilang kuwarto."We need to talk," Jackson replied.Agad na tumigil si Freya sa kaniyang ginagawa. Ipinunas niya ang kaniyang mga kamay sa tuwalya na nakasabit malapit sa may lalagyan ng plato. "May problema ba?" aniya."Malaking problema," tugon ni Jackson.Nagsalubong ang mga kilay ni Freya. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib."Ano 'yon? Tell me. Makikinig ako," sambit ni Freya habang nakatingin nang diretso kay Jackson."Alam na ni Jacob ang tungkol kay Yael," mabilis na turan ni Jackson."H-ha? Se-seryoso ka ba riyan? Sinong nagsabi sa'yo? Paanong .."Inilagay ni Jackson ang kaniyang isang kamay sa kaniyang likuran. Pinagpatong niya ang dalawang daliri. Hindi niya pwedeng sabihin na kay Diana nagmula ang balitang iyon. Sa unang pagkakataon ay isinaalang-alang niya ang katayuan ng kaniyang half-sister. Hah
"Mommy, ano pong nangyayari sa labas? Napaaway po ba si Tito Jackson?" tanong ni Yael. Yakap-yakap siya ngayon ni Freya. "Kinakausap lang ni Tito Jackson mo 'yong driver na nakabangga rito sa kotse niya, anak. Hindi naman pala-away si Tito Jackson, 'di ba?" nakangiting tugon ni Freya bago siya lumingon sa likuran. Hinihintay niya ang pagbaba ng driver. Pumikit nang mariin si Jackson. Unti-unti niyang ibinuka ang mga nakakuyom niyang kamay. "I'm just wasting my time," bulong niya. Kinatok niya ang windshield ng sasakyang nakabangga sa kaniyang kotse. "Karma na lang ang bahala sa'yo. Kung ayaw mong magpakilala sa akin, okay lang. May comprehensive insurance naman itong kotse ko. I just want to hear your reason or maybe, your apology. God bless na lang sa'yo." Pagtalikod ni Jackson ay ngumiti ang lalaking nakasakay sa sasakyan. Pinindot niya nang matagal ang busina ng kaniyang kotse, dahilan para muli siyang lingunin ni Jackson. "Inuubos niya talaga ang pasensya ko," ani Jackson. "Ho
"Mama, gaano po ka-true? Ipu-pull out mo na po ang lahat ng investments natin sa LNGC?" ani Yvette habang paunti-unting umiinom ng milk tea. Nakataas ang kaniyang paa sa couch. Sa kabilang kamay ay hawak niya ang latest model ng iPhone."Bumili ka na naman ng bagong phone?" tanong ni Rhea. Kararating niya lang sa kaniyang opisina. Inalis niya ang kaniyang coat at isinampay iyon sa swivel chair. Umupo siya rito at nagpa-ikot-ikot."Ibinigay ko na po kasi doon sa bago kong assistant 'yong isa ko pong iPhone. She deserves it naman at saka may bago po kasing labas na model ang iPhone. You know me naman po mama, hindi papahuli 'di ba? Pero ano po bang nangyari? Why all of a sudden, ipu-pull out mo po investments natin sa LNGC? Kumikitang kabuhayan naman po roon mama. Baka po mabawasan ang yaman natin kapag kumalas tayo sa mga Gray," sambit ni Yvette."Grays only provides five percent of our net worth. Hindi magiging kawalan sa atin kung bibitiwan natin sila," komento ni Rhea.Nagsalubong a
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and