"J-Jacob, a-anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Ivana.Hinapit ni Jacob ang bewang ni Ivana at hinalïkan ito sa noo."I'm done with my task so I traced your location and I ended up here," paliwanag ni Jacob. Kumunot ang kaniyang noo. "Ikaw love, anong ginagawa mo rito? Bakit kasama mo si Freya? tanong ni Jacob."A-ano kasi love." Kinagat ni Ivana ang kaniyang ibabang labi. "I … I invited her to attend our engagement party later hehe.""Ga-gano'n ba? Akala ko ba …" ani Jacob."I changed my mind love. Gusto kong masaksihan niya ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay natin. Balang-araw naman, mararanasan rin niya ang ma-engaged because of your brother, right Freya?" nakangiting turan ni Ivana.Ngumiti nang pilit si Freya kay Ivana."Love, let's go?" aya ni Ivana. Hawak niya ang kamay ni Jacob."Wait love. Tutal nandito na lang din naman tayo, bakit hindi mo muna kami patuluyin sa bahay mo Freya?" nakangiting sambit ni Jacob. Tumingin siya sa munting bahay na nasa tapat nila. Hin
Paulit-ulit na ini-uuntog ni Diana ang kaniyang ulo sa unan. Ilang oras na lang at magsisimula na ang engagement party ng kaniyang kapatid. Matapos niyang ayusin ang kaniyang mga dalang gamit ay humiga na siya agad sa kaniyang kama. Malalim ang kaniyang iniisip. Kailangan na niyang mag-ayos ng kaniyang sarili pero heto siya at nakatulala sa may kisame."What should I do?" mahinang turan ni Diana.Dumapa siya sa kaniyang kama at isinubsob ang kaniyang mukha sa unan. "SHIT!" malakas na sigaw ni Diana. Tumihaya siya at mabilis na umupo. Bumuntong hininga siya. "Hindi ako papayag na ang malanding babaeng iyon ang mapapangasawa ni Kuya Jacob. Oras na para ilabas ang maliit kong vault!"Lumakad si Diana patungo sa kaniyang kabinet. Binuksan niya iyon at hinanap ang isang maliit na vault na itinago niya roon, pitong taon na ang nakalilipas."Magalit na ang mga dapat magalit pero hindi ko masisikmurang pakisamahan ang ka demonyitahan ng isang Ivana Del Mundo!" ani Diana. Inilabas niya ang ma
"Si-sigurado ka ba Jackson? Okay lang itong suot ko?" tanong ni Freya. Tiningnan niya ang kaniyang repleksyon sa salamin. Freya is wearing a long formal dress with a deep emerald green color. Fully-lined, this long green dress features sparkly sequin appliques from one-shoulder bodice to the floor. It has four thin shoulder straps that fan out across the open back. The floor-length skirt smooths over the hips and opens in a side slit. "Jackson!" "I … I'm sorry, Freya. Natulala ako sa iyong ganda!" sambit ni Jackson. "Huwag mo nga akong binobola," ani Freya. "I'm not lying, Freya. You look drop dead gorgeous tonight! I mean, not just tonight. You're … you're exquisite every single day!" "Sa-salamat dito sa damit at sa pa makeover. Ahm, salamat na rin sa compliment," nakatungong sabi ni Freya. Lumapit si Jackson kay Freya at hinawakan niya ang chin nito. Unti-unti niyang ini-angat ang mukha ng babaeng kaniyang nililigawan. "You have the most beautiful eyes," Jackson said while gl
"Set? Bakit parang nakakita ka ng multo? Tinatanong kita, anong atraso namin kay Freya?" Nakataas ang kilay ni Jacob habang nakaakbay kay Set. 'Tànginang buhay 'to! Ang hirap na nga ng utos ni senior, mukhang magigisa pa ako ni Sir Jacob,' piping turan ng isip ni Set. "S-Sir Jacob, nandiyan po pala kayo hehe," aniya. Ginaya ni Jacob ang sinabi ni Set. "Hehe, so anong atraso ng pamilya namin kay Freya?" "W-wala po sir. Huwag niyo na lang pong pansinin 'yong sinabi ko hehe," sambit ni Set. Napapikit siya nang mabilis. Alam niyang hindi siya tatantanan ni Jacob hangga't hindi niya sinasabi ang gusto nitong marinig buhat sa kaniya. Nilingkis ni Jacob si Set. "Hindi pwedeng hindi ko 'yon papansinin, Set. Pamilya ko ang involved eh. Ikaw talaga! Sige na. Sabihin mo na sa akin. Hindi naman ako magagalit sa'yo eh. Magagalit lang ako kapag hindi mo sinabi sa akin kung ano 'yon," nakangiting sambit niya. Bumuntong hininga si Set. "S-sir Jacob, ma-mapapatay ako ni … se-senior ka-kapag si-sin
"Siguradong maiinggit sa akin ang aking mga kaibigan at pinsan," sabi ni Jackson habang nagmamaneho patungo sa kanilang mansyon."Bakit naman sila maiinggit sa'yo?" natatawang tanong ni Freya."Dahil mayroon akong ikaw," nakangiting sagot ni Jackson."Ha?" Napatingin si Freya kay Jackson."Maiinggit sila sa akin dahil ikaw ang date ko ngayong gabi. Sobrang ganda mo kaya," seryosong turan ni Jackson."Date? Hindi naman tayo at saka ayoko naman talagang pumunta eh. Nahihiya lang ako sa iyong papa at saka kay … Miss Ivana." Inilipat ni Freya ang tingin niya sa daan.Jackson chuckled. Kumunot ang noo ni Freya at hinarap siya."Bakit ka natawa?" tanong ni Freya."You mentioned Ivana. Really? Nahihiya ka sa kaniya?" natatawang turan ni Jackson. Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng kaniyang kotse nang makita niyang mag-aalas-siete na."Oo. Kagabi ko lang nalaman na anak pala ng dati kong amo si Miss Ivana. Sobrang bait sa akin ni Sir Del Mundo kaya hindi na ako makikipagsagutan kay Miss
Maingat na naglakad ang batang katulong papunta sa kuwarto ni Ivana. Ibinigay sa kaniya ni Diana ang duplicate key ng room nito. Dating silid ni Diana ang tinutuluyan ngayon ni Ivana kaya mayroon siyang duplicate key rito. "Ma'am Ivana, sorry po sa gagawin ko," sabi ng batang katulong habang nanginginig ang mga kamay na binubuksan ang silid. Marahan niyang iniawang ang pinto. Tumingin muna siya sa paligid bago siya tuluyang pumasok sa silid. Nakahinga siya nang maluwag nang makapasok na siya sa loob. "Lord, gabayan niyo po ako. Hindi naman po siguro pagnanakaw ang gagawin ko dahil babawiin ko lang naman po ang gamit ni Ma'am Diana," wika ng batang katulong. Mabilis na ikinandado ng batang katulong ang pinto. Bumuntong hininga siya. "Sobrang lawak talaga ng bawat kuwarto rito sa mansyon. Mas malaki pa ito sa buong bahay namin. Sana balang-araw ay maipagpagawa ko rin ang magulang ko ng ganito. Kahit kalahati lang sana ng sukat nito." Dali-daling binuklat ng batang katulong ang baw
"Malapit na ba tayo sa mansyon?" nakangiting tanong ni Freya. Ang totoo, hindi siya excited para sa event. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may kaunti pa ring kirot sa bandang dibdib niya. Tumango si Jackson pero hindi siya napansin ni Freya dahil may iniisip ito. 'Hindi naman na 'to bago para sa'yo Freya, 'di ba? Hindi ito ang unang beses na pinili niya si Ivana. Alam mo naman noon pa man na siya talaga ang greatest love ni Jacob. Alam mo rin na siya ang wife material ng ama ng anak mo. Maging masaya ka na lang para sa kanila. Mayroon ka namang Yael. Sapat na siya para maging masaya ka. Sapat na ang pagmamahal niya para magpatuloy sa buhay. Kaya mo 'yan Freya! Kaya mo 'yan!' Kinulbit ni Jackson si Freya. "Kanina pa kitang tinatawag. Hindi mo naman ako pinapansin. Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Share mo naman!" komento niya. "Ah hehe. Sorry ha. Malapit na pala tayo. Iniisip ko lang si Yael. Sana tulog na siya sa mga oras na ito," ani Freya. Nahihiya siyang aminin kay Jackson
"Papa, anong …""Hindi nakalista ang pangalan ni Freya sa guest list. Hindi pa ba malinaw iyon sa inyo? Bakit kailangan niyo pang gumawa ng eskandalo sa mismong pamamahay ko?" gigil na turan ni Don Vandolf.Tumawa nang pagak si Jackson. "Papa, ikaw mismo ang nag-imbita kay Freya. What the fuck is going on? All of a sudden hindi na siya invited?" aniya."Jackson Gray, kung gusto mong masaksihan ang engagement party ng kapatid mo, iwan mo ang babaeng 'yan sa labas ng mansyon!" sabi ni Don Vandolf.Ang kaliwang kamay ni Jackson ay inilagay niya sa kaniyang bewang habang ang kanang kamay naman niya ay nagkakamot ng itaas na parte ng kaniyang labi."Hindi ko iiwan si Freya. Tell me papa, bakit nagbago bigla ang pakikitungo mo sa babaeng gusto ko? Dahil ba narealized mong mahirap lang siya o dahil may anak na siya?" seryosong turan ni Jackson.Umiling si Don Vandolf."Jackson, tama na. Papa mo siya. Hindi mo dapat siya pinagsasalitaan ng ganiyan. Okay lang naman ako eh. Uuwi na lang nga ako
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and