Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 7“Kumusta ang interrogation mo, Tamahome?” tanong ni Detective Larry.Napalingon si Jacob nang marinig niya ang pangalang Tamahome.Umiling si Tamahome. “Wala akong napala kung hindi sakit ng batok at sakit ng ulo. Ang hirap niyang pagsalitain. Mukhang alam niya kung paano gamitin ang kaniyang karapatang manahimik,” tugon niya. Nilingon niya si Jacob na ngayon ay tahimik na pinagmamasdan ang taong hinihinalang pumatay sa anak nito. “Jacob…”“Maraming salamat sa paglaan mo ng iyong oras, Tamahome. Malalim na ang gabi. Makakauwi ka na,” wala sa sariling sambit ni Jacob.“Jacob, alam na ba ito ni Boss Ramon?” tanong ni Tamahome.“Kailangan pa ba niyang malaman ang tungkol dito? Sa pagkakaalam ko, nagpakalayo-layo na siya at mas pinili niyang mamuhay ng mag-isa. Hindi ba’t iniwan ka rin niya?” natatawang sabi ni Jacob.“Hindi niya ako iniwan. Pinalaya niya ako,” mahinang sambit ni Tamahome. “Kung sakali mang magkaroon kayo ng contact kay B
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 8Tanging paghinga lamang nina Jacob at ng driver na si Mang Ilustrado ang maririnig sa buong silid ng interrogation room. Ilang minuto na silang nagtititigan at nagpapakiramdaman.Inaaral ni Jacob ang bawat ekspresyon ng mukha ng kaniyang kaharap. Kinakabisado niya ang bawat sulok ng mukha nito. Maaaring hindi nga ito ang may sala pero sigurado siyang may nalalaman ito kahit papaano tungkol sa katauhan ng killer. Huminga siya nang malalim at saka isinandal ang kaniyang likod sa upuan. Itinaas na rin niya ang kaniyang mga paa sa ibabaw ng mesa.“Pulis ka rin ba? Ilang beses ko nang inulit sa kasamahan mo na wala kayong mapapala sa akin. Dalhin niyo na lang ako sa kulungan,” pagkasabi noon ay nag-iwas na ng tingin si Mang Ilustrado.“May anak ka ba?” Titig na titig si Jacob sa kaniyang kaharap. Maging ang bawat pagkurap nito ay kaniyang napapansin. Ngumiti siya nang biglang kumunot ang noo nito. “Sa edad mong ‘yan, kung hindi ka isang in
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 9Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Set matapos niyang malampasan ang sandamakmak na media sa labas. Namamahinga siya ngayon sa police station lobby habang umiinom ng malamig na tubig. Muntik na siyang masamid nang makita niyang paparating si Don Vandolf. Agad niyang pinahid ang kaniyang pawis habang inaayos ang kaniyang kasuotan. Sasalubungin niya sana ito nang makita niyang sumenyas ito na huwag na.“Nasaan ang anak ko?” tanong ni Don Vandolf habang iniuuli ang kaniyang mga mata.“Nasa interrogation room po. Halos kalahating oras na po siya roon,” tugon ni Set.“Nakita mo na ba ang walang hiyang pumatay sa apo ko?” Don Vandolf clenched his jaw.Umiling si Set. “Hindi pa po, senior. Hindi po kasi ako hinayaang makadiretso sa interrogation room ni Detective Larry,” kwento niya. “Kumusta na po pala si Yael?”“He’s not fine. No one’s going to be fine after what happened but I’m glad na nakatulog siya bago ako umalis.” Na
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 10Humahangos na dumating si Rhea sa OLHOS kasama ang kaniyang asawang si Ramil. Bawat makasalubong niya ay binabati siya nang magandang gabi pero dire-diretso lang siya sa pagtakbo habang hindi maipinta ang kaniyang mukha. Dis oras na ng gabi nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang apo. May flight sana siya papuntang America pero agad niya iyong ikinansela dahil sa nangyari. Tinawagan na rin niya ang kaniyang mga kaibigang pulis, private investigator at detective para paimbestigahan ang insidente. Bago pa man siya umalis sa kaniyang villa ay ipinasundo niya muna si Ramil sa isang business trip.“Dahan-dahan ka sa pagtakbo at baka madapa ka,” paalala ni Ramil habang hinahabol ang kaniyang asawa. Halata sa namumugto niyang mga mata na kagagaling lang niya sa pag-iyak.“Kanina pang mag-isa ang anak natin sa harap ng morgue. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Mabuti na lamang at agad akong tinawagan ng isa sa mga tao ni Jacob.
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 11“It’ been thirty minutes, ano pa kaya ang pinag-uusapan nilang dalawa?” nagtatakang tanong ni Tamahome. Balak na sana niyang umuwi kanina pero nagbago ang isip niya nang makita niya ang maraming journalists na nakatambay pa rin sa labas ng presinto. Wala rin naman siyang kasama sa condo kaya napagpasyahan niyang manatili na lang sa working place niya. “Mukhang napakanta ni Jacob ang isang ‘yon. Paano niya kaya ginawa?” Halos mapatalon siya nang maramdaman niyang may humawak sa balikat niya.“A father who lost his child is more determined to know the truth than a uniformed personnel.”“D-Don Vandolf, k-kayo po pala. Gabing-gabi na po ah. Hindi po ba delikado na sa inyo ang lumabas ng ganitong oras?” nag-aalalang sabi ni Tamahome.Tumaas lang ang mga kilay ni Don Vandolf habang nakatingin sa dalawang taong nasa loob ng interrogation room.“Narito naman ako para protektahan si senior.”Nilingon ni Tamahome si Set. “Nariyan ka pala. Sorr
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 12Sa likod dumaan sina Jacob, Set at Don Vandolf dahil naabisuhan sila ni Detective Larry na naka-park na ang sasakyan ng mga higher ranking police officials sa harap ng presinto. Nagsama-sama na ang tatlo sa isang sasakyan. Patungo sila ngayon sa OLHOS kung saan naroroon sina Freya, Rhea at Ramil.“May nasagap ka bang mahalagang impormasyon mula sa taong ipinain ng tunay na may sala?” tanong ni Don Vandolf habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.“Hindi niya alam kung sino ang mastermind pero nakita niya ang mukha ng kanang-kamay nito. Wala siyang nabanggit kahit isang pangalan dahil naging maingat ang mga ito,” tugon ni Jacob.“Anong balak mo?” sunod na tanong ni Don Vandolf.“I will be sending my composite artist friend tomorrow para malaman ko kung ano ang hitsura ng taong hahanapin ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero at least, may panghahawakan na ako kahit papaano.” Napahikab si Jacob. Unti-unti na niyang nararamdam
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 13Dinatnan nina Jacob at Don Vandolf na umiiyak si Freya habang nakayakap sa kaniyang ina. Si Ramil naman ay hindi mapakali sa kinauupuan nito. Panay ang tingala habang nakakuyom ang mga kamay.“Inay…Tatay…” sabi ni Jacob habang papalapit sa mga ito.Agad na tumunghay si Ramil. Hindi niya mawari kung bakit bigla na lamang nag-init ang kaniyang ulo nang makita niya si Jacob. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at matuling naglakad para salubungin ito.“Tatay, kanin—-” Halos mabali ang leeg ni Jacob nang bigla siyang sinuntok nang malakas ng kaniyang biyenan.Napatayo sina Freya at Rhea habang parehong napatakip sa kanilang mga bibig ang kanilang mga kamay.Umigting ang panga ni Don Vandolf nang muling pinatikim ng isa pang suntok ni Ramil ang kaniyang anak. “RAMIL, ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?” sigaw niya.Nagtatakbo si Freya patungo sa kinaroroonan ng kaniyang ama. “‘Tay! Tama na po,” awat niya.Sumunod naman agad si Rhea sa anak niya.
Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 14Humahangos na nagtatakbo sina Jackson at Jett patungo sa chapel kung saan nakaburol ang kanilang pamangkin na si Jia.“F-Freya, nasaan si H-Hakob?” hingal na tanong ni Jett.Nagpahid ng kaniyang mga luha si Freya. She composed herself before she looked at her two brother-in-laws. “He left earlier. Hindi ko alam kung saan siya pupunta,” sagot niya.Tiningnan ni Jackson si Freya. Hindi niya mapigilang mapaawa rito. Her eyes were swollen and red, a sign of non-stop crying. “Freya, kailangan mo ring magpahinga. Baka bumigay ang katawan mo. Matulog ka na muna. Kami na muna ni Jett ang magbabantay kay Ji—”“Salamat sa malasakit mo, K-Kuya Jackson pero kaya ko pa. Hindi ko iiwan ang anak ko.” Mula sa magkapatid ay nalipat ang tingin ni Freya sa kabaong na nasa harapan niya.“P-Pero Freya, nanghihina ka na. Baka mamaya ay kung ano pa ang mangyari sa'yo. Alalahanin mo sina Yael at Jacob,” salubong ang mga kilay na sambit ni Jackson.Freya shi
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and