Home / Romance / One Night Love (Tagalog) / BOOK 3 - Kabanata 19

Share

BOOK 3 - Kabanata 19

Author: Docky
last update Last Updated: 2024-09-05 15:42:46
Cold Nights with my Billionaire Husband

Kabanata 19

Kapwa tulala ang magkapatid na Gray habang pinagmamasdan ang umaapoy na sasakyan ni Jacob. Bangas ang kanilang mga siko dahil sa biglaang pagtalon. Nakahiga sila ngayon sa may gitna ng kalsada. Nagmistulang mala-impyerno ang kahabaan ng kalsada na boundary halos ng dalawang bayan ng Monte Vista at Monte Carlos.

“Muntik na tayong matusta,” mahinang wika ni Jackson.

“Sigurado akong kagagawan ‘yan ni Mayor Benitez.” Nagngitngit sa galit si Jacob. “Nilibang niya tayo habang ang ilan sa mga tauhan niya ay abalang nagtatanim ng bomba sa ilalim ng sasakyan ko.”

“Mukhang tama nga ang mga hinala mo, Hakob. Mukhang nais ipahiwatig sa’yo ni mayor na siya mismo ang binabangga mo…ibig kong sabihin, natin.” Marahang umupo sa kalsada si Jackson. Nakatingin pa rin siya sa nagliliyab na sasakyan. Napalingon siya kay Jacob nang tawagin siya nito.

“Kuya…”

“Bakit?” kunot-noong tanong ni Jackson.

“Du-dumudugo ang noo mo,” ani Jacob habang itinutur
Docky

Hello po. Another 2 chapters po ulit ang update ko rito before 10pm mamaya. Please rate this story 5 stars and give it some GEMS for its promotion. Maraming salamat po. Hindi po ako naka-update kahapon kasi sumama po pakiramdam ko. Thank you and God bless po.

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • One Night Love (Tagalog)   BOOK 3 - Kabanata 20

    Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 20Parehong pumikit sina Jackson at Jacob nang marinig nila ang pagbukas ng pinto ng dalawang sasakyan. Pareho silang kinakabahan habang tahimik na nananalangin.‘Lord, saka Mo na pala po kami kunin. Gusto ko pa pong mabuhay para kina Mereya at Baby Sonya. Gagawa pa po kami ng labing-isang anak ni Eya. Please, Lord…’‘Jia, alam kong nasa heaven ka na. Pakibulong mo naman anak kay San Pedro na pakibura muna ng pangalan namin ni Tito Jackson mo sa listahan niya kung naroroon na nga kami. Hindi ko pa kayang iwan sina mommy at Kuya Yael mo, anak. Nagluluksa pa sila sa pagkawala mo. Baka hindi na nila kayanin kung pati ako ay mawawala sa kanila…’Mas lalong dumiin ang pagpikit ng magkapatid nang maramdaman nilang may humawak sa kanilang mga balikat.“Sir Jackson…Sir Jacob…”“Hakob…Kuya Jack…”Mabilis na dumilat ang mga mata nina Jackson at Jacob nang marinig nila ang mga pamilyar na boses. Nanlambot ang kanilang mga tuhod nang makita nila an

    Last Updated : 2024-09-05
  • One Night Love (Tagalog)   BOOK 3 - Kabanata 21

    Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 21“Doc, kumusta ang kapatid ko?” agad na tanong ni Jacob sa doktor nang lumabas ito sa operating room. Kinailangang tahian ang noo ni Jackson dahil masyadong malaki ang tinamo nitong sugat sa noo dulot ng pagsabog ng sasakyan niya.“Mr. Anderson, you have nothing to worry about. He’s fine. He just needs to rest for a day or two. Nasaan pala ang asawa niya? Alam na ba ‘to ni Miss Eya?” tanong ng doktor.“Please, don’t tell her doc. Bilin na bilin sa akin ‘yan ni Jackson kanina bago siya ipasok sa operating room,” mabilis na sambit ni Jacob.Tumango ang doktor. “I always respect my patients’ decision. Anyway. ikaw ba ang magbabantay kay Mr. Jackson hanggang sa ma discharge siya?”“Hindi ko siya mababantayan dahil may pinagkakaabalahan pa ako sa ngayon. Maalin siguro kay Set at Jun.”“Sige. Pakisabi na lang sa kanila na puntahan ako sa clinic ko. May mga ipagbibilin ako sa kung sinumang magbabantay kay Mr. Jackson,” ani ng doktor.“Sige p

    Last Updated : 2024-09-05
  • One Night Love (Tagalog)   BOOK 3 - Kabanata 22

    Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 22“San ka ba nanggaling? Kanina pa kitang hinahanap,” tanong ni Diaz sa paparating na si Justin.“Nagpahangin lang diyan sa tabi-tabi.” Inilapag ni Justin ang dala niyang patay na puting kuneho.“Nagpahangin eh ang hangin-hangin na nga rito sa tinutulugan natin?” Tinitigan ni Diaz ang kaniyang kaibigan. “Kilala kita. Alam ko kapag may itinatago ka sa akin o kaya kapag nagsisinungaling ka. Saan ka ba talaga galing?”Ngumisi si Justin. “Nangaso. Kita mo naman siguro ang dala kong pagkain. Huwag ka na ngang tanong nang tanong. Magpasalamat ka na lang at may makakain na tayo mamayang umaga bago natin tuluyang lisanin ang lugar na ito.”Kumunot ang noo ni Diaz. “Talaga bang titiwalag na tayo kay Mayor Benitez?”Bumuntong hininga si Justin. “Sinabi ko naman sa’yo na hindi natin p’wedeng pagkatiwalaan ang panot at may malaking tiyan na mayor na ‘yon.” Naglakad siya papasok ng kusina at naghubad ng kaniyang pang-itaas. Tumambad kay Diaz ang si

    Last Updated : 2024-09-06
  • One Night Love (Tagalog)   BOOK 3 - Kabanata 23

    Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 23“Anak, matulog ka naman. Baka mamaya ay mawalan ka na ng malay,” nag-aalalang sabi ni Rhea matapos niyang datnan ang kaniyang anak na tulalang nakaupo sa harap ng kabaong ni Jia.“Okay lang po ako. Huwag niyo po akong alalahanin,” wala sa sariling sambit ni Freya.“Anong okay? Putlang-putla ka na nga oh! Pinuntahan pa kami ni Yael dahil nag-aalala na ng husto sa iyo ang bata. Kami na muna ng tatay mo ang magbabantay kay Jia. Magpahinga ka na muna roon sa hotel.” Hinaplos ni Rhea ang likod ng kaniyang anak.“‘Nay, ayos lang po talaga ako. Ayoko pong iwan si Jia. Ma-malulungkot po siya kapag i-iniwan ko na n-naman siya—” Hindi na naituloy ni Freya ang kaniyang sasabihin. Napahagulhol na naman siya ng iyak.“Anak, please, listen to me. Your body needs to rest. Pagang-paga na ang mga mata mo sa kaiiyak. Halos wala na ring buhay ang labi mo, putlang-putla ka na. Alalahanin mong may Yael ka pa. May asawa ka pa. Sigurado akong mas malulungk

    Last Updated : 2024-09-06
  • One Night Love (Tagalog)   BOOK 3 - Kabanata 24

    Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 24Nang makaalis si Jett ay hindi mapakali si Jacob. Panay ang lakad niya habang panay rin ang tingin niya sa may hallway. Hinihintay na niya ang alinman kina Set at Jun.“Nasaan na kaya sila? Bakit wala pa rin sila?” turan ni Jacob habang pauli-uli sa may hospital hallway. Nang mapagod ay umupo rin siya sa hospital waiting chair. Muli niyang tinitigan ang camerang nasa kamay niya. He gritted his teeth. Pinanood niyang muli ang video na naka save rito. Halos mapunit ang suot niyang pantalon dahil sa panggigigil niya. “Kung sino ka mang hay0p ka, hindi ako titigil hangga't hindi ka umiiyak ng dugo. Pahihirapan kita hanggang sa ikaw na mismo ang humiling na ipaghukay na kita ng sarili mong libingan,” nagngingitngit na sambit niya.Ihininto ni Jacob ang video nang marinig niyang nagsalita ang anak niya.“Kuya, nasasaktan po ako. Tama na po. Maawa po kayo sa akin,” naluluhang pakiusap ni Jia. Tumawa lang nang malakas ang gumag@hasa sa kaniy

    Last Updated : 2024-09-07
  • One Night Love (Tagalog)   BOOK 3 - Kabanata 25

    Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 25Mabilis ang paglalakad ng pekeng doktor habang palinga-linga siya sa pasilyo. Kinapa niya sa kaniyang bulsa ang isang syringe na may lamang tetrodotoxin. Isa itong kemikal na matatagpuan sa pufferfish at ginagamit ng ilang mga kriminal para iparalisa ang kanilang biktima. Bina-block nito ang mga sodium channels na nagiging dahilan nang mabilis na pagkahina at pagka-paralisa ng mga muscles ng katawan kabilang ang respiratory tract na maaaring ikamatay ng matuturukan nito. Napahawak siya sa kaniyang earpiece nang marinig niyang magsalita ang kaniyang kasamahan na kasalukuyang nakabantay sa bawat CCTV footage ng OLHOS. Hinack nito ang system ng hospital at mula sa kabilang gusali ay nakamanman ito.[“Retreat. I repeat, retreat! May mga dumating na mga sundalo at pulis sa labas! Kasalukuyan nilang pinapalibutan ang areas ng hospital.”]“Paanong nangyari ‘yon? Natunugan ba nila ang pagdating ko?” tanong ng pekeng doktor sa kaniyang kausap

    Last Updated : 2024-09-09
  • One Night Love (Tagalog)   BOOK 3 - Kabanata 26

    Cold Nights with my Billionaire Husband Kabanata 26 “Daddy, please save me! Wake up, daddy!” “JIA!” Biglang bumalikwas mula sa kaniyang pagkakahiga si Jacob. Nagkaroon na rin siya ng malay makalipas ang kalahating araw. Hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib habang naghahabol ng hininga. “Kuya Jacob, mabuti na lang at nagkamalay ka na!” nag-aalalang sabi ni Diana sabay takbo palapit sa kaniyang kapatid. Luminga-linga si Jacob sa kaniyang paligid. Napahawak siya nang mariin sa kaniyang ulo nang kumirot iyon. “Nasaan ako? Anong nangyari?” Napatingin siya sa dextrose na nakakabit sa kaniya. “Nawalan po kayo ng malay, Sir Jacob. Narito pa rin po kayo sa OLHOS,” tugon ni Jun. “Teka, ‘yong doktor! Nasaan na ang pekeng doktor? Kailangan ko siyang makita! Kailangan ko siyang hulihin!” Aalisin na sana ni Jacob ang mga nakatusok sa kamay niya nang pigilan siya ni Diana. “Kuya Jacob, hindi ka pa p’wedeng lumabas. Kailangan mo pang magpalakas,” ani Diana habang hawak-hawak ang mga kamay ng

    Last Updated : 2024-09-12
  • One Night Love (Tagalog)   BOOK 3 - Kabanata 27

    Cold Nights with my Billionaire Husband Kabanata 27 “ShiT!” Mabilis na bumangon si Jett mula sa kaniyang kama nang makita niya kung anong oras na. Hinilot niya ang kaniyang noo at agad na bumangon. Dumiretso siya sa banyo para umihi at mag-toothbrush. Pagkatapos noon ay papikit-pikit niyang tinungo ang direksyon kung saan naroroon ang kaniyang pc, iP@d, cell phone at tablets. Una niyang tiningnan ang kaniyang cell phone kung may naiwang mensahe ang kaniyang mga kapatid. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang walang unread messages at emails sa kaniyang inboxes. Umupo siya sa harap ng kaniyang pc at dali-daling nagtipa. He ran the image of the man who r@ped Jia based on the video that was seen on the camera. Gigil na gigil si Jett habang isinasagawa niya ang face recognition at data gathering ng taong nasa larawan. Gustong-gusto niya na itong mahuli at bugbugin hanggang sa mabura sa kahit anong system ang identidad nito dahil sa sobrang pagkasira ng mukha nito. Sagad ang galit ni

    Last Updated : 2024-09-12

Latest chapter

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 116 ANG WAKAS

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 115

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 114

    Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 113

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 112

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 111

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 110

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na p

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 109

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 109“Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage.“Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa.“Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’“Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon.“Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip.Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki an

  • One Night Love (Tagalog)   LMER - KABANATA 108

    LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status