Kabanata 31"It's nice to see you again, K-Kuya Jackson," nakangiting bati ni Freya habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Hinihintay niyang makabalik si Jacob mula sa restroom.Ngumiti si Jackson. "It's nice to see you too, Freya. How's married life?""Mixed of emotions pero kadalasan naman masaya kami lalo na at malapit nang lumabas ang baby girl namin. Ikaw, kumusta? Balita ko may girlfriend ka na. I'm happy for you." Napalingon si Freya kay Yael nang bigla itong nagtatakbo sa direksyon ni Jackson."Tito, i missed you!" wika ni Yael sabay yakap kay Jackson."I missed you too, Yael." Ginulo ni Jackson ang buhok ng kaniyang pamangkin bago niya ito kinarga. "Be good to your mom and dad, okay?"Tumango si Yael. "Tito, where's your girlfriend?""She's in the restroom. I'm waiting for her before I go to the table. By the way, how's your new school?" Jackson asked."So far, nag-e-enjoy naman po ako sa new school ko. I gained a lot of friends and my classmates are all nice to me. It's a goo
Kabanata 32"It's been months since we sat on the same table. I'm so grateful that our family is getting bigger and bigger. Malapit ka nang manganak, Freya. May naisip na ba kayong ipapangalan sa maganda kong apo?" nakangiting turan ni Don Vandolf."Wala pa po, papa. Pinag-iisipan pa po namin ni Jacob kung ano ang ipapangalan namin sa baby girl namin." Lumingos si Freya sa kaniyang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito at ngumiti. "Sana, ako naman ang maging kamukha ng anak natin. Kamukha mo na si Yael eh.""For sure, Freya, ikaw ang kamukha ng baby girl na 'yan. Huwag ka munang mainis o magalit kay kuya para hindi siya maging kamukha ng anak mo," suhestiyon ni Diana."Lalayo na muna pala ako kay Freya at kapag sa akin siya nagalit eh baka magtaka si Jacob kung bakit ako ang kamukha ng anak niya," natatawang biro ni Jackson."Bro, masamang biro 'yan. Kapag naging kamukha mo ang anak ko, hindi ko kayo mapapatawad ni Freya," seryosong sambit ni Jacob. Pinagtinginan siya ng lahat. Bigla s
Kabanata 33Hindi mapakali si Linda sa kaniyang bagong acquired na condotel unit. Gustong-gusto na niyang ipakulong si Cindy. Hindi nito deserve na maging masaya sa piling ng bago nitong nobyo lalo na at napag-alaman niyang may kaugnayan si Sevi sa mabait niyang alaga noon na si Mereya."Napakasama mo talaga, Cindy. Gahaman ka masyado sa salapi at sa kalalakihan. Pati sarili mong anak, hindi mo kinaawaan. Kung gaano ka kabuti sa bunso mong anak, ganoon ka naman ka-demonyita sa panganay mo." Mabilis na naglakad patungo sa fridge si Linda. Agad siyang kumuha ng pineapple juice para palamigin ang nag-iinit niyang dugo. Naghahabol siya ng hininga nang ibinaba niya sa mesa ang lata ng pineapple juice. "Mahal ka ba talaga ng dating kasintahan ni Mereya o pera lang ang habol niya sa'yo?"Itinapon ni Linda ang walang lamang lata ng pineapple juice matapos niya iyong ubusin. Naglakad siya papunta sa salas at naupo sa couch. Pilit niyang ikinakalma ang kaniyang sarili matapos ang maghapong pagk
Kabanata 34"Sobrang lawak ng villa na ito! Nakita mo ba 'yong pool kanina? Babaita, mas mayaman pala talaga ang mga Gray sa inyo 'no? Daig mo lang tumama sa lotto!" manghang turan ni Yuna."Sa pagkakaalam ko, kay Jacob Anderson Gray itong secret villa na ito. Actually, mas mayaman ang mga Wrights sa kanila dati." Napahawak sa kaniyang tiyan si Mereya nang bigla iyong sumakit. Halata sa kaniyang mukha na nasasaktan siya.Binitiwan ni Yuna ang dala niyang maleta at nagtatakbo palapit sa kaniyang kaibigan. Agad niyang inalalayan si Mereya. "Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya."Okay lang. Bigla lang sumakit ang tiyan ko." Hinilot ni Mereya ang kaniyang sintido.Agad na lumapit si Set sa magkaibigan. "Miss Eya, okay ka lang ba?"Ini-angat ni Yuna ang kaniyang mukha. Salubong ang kaniyang mga kilay nang harapin niya si Set. "Mukha bang okay ang kaibigan ko?" mataray niyang sambit.Inalalayan ni Set si Mereya patungo sa pinakamalapit na upuan. "Napansin kong hindi mo
Kabanata 35"Muntik nang mapurnada ang plano natin. Good thing, Jacob was there." Hinubad ni Jett ang kaniyang maskara at black leather jacket. Umupo siya ng prente sa couch at saka niya hinagip ang milktea na inihanda ni Jackson para sa kaniya."Bakit ako lang? Tatlo tayong nandoon. Fighting those men weren't easy. Now I know why we were forced to study judo, boxing and karate. It's for something like this." Inihagis ni Jacob ang kaniyang maskara sa may mesa. Kumuha muna siya ng pizza bago umupo sa tabi ni Jett. Nilingon niya si Jackson na kanina pang hindi mapakali sa paglalakad nang pabalik-balik. "Bro, relax. Magkakaroon din ng malay si Mereya. Magaling ang obstetrician gynecologist na 'yon. Aren't you tired?" tanong niya."Hinding-hindi ko mapapatawad si papa kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko. All the way here, I've been thinking why he did all of this and how he fúcking knew about Mereya and my child." Jackson clenched his jaw while walking back and forth."Nakalimutan m
Kabanata 36Dahan-dahang iminulat ni Mereya ang kaniyang mga mata. Kinusot pa niya ang mga ito nang mapansin niyang hindi pamilyar sa kaniya ang silid na kinaroroonan niya. Napanatag ang loob niya nang maalala niyang nasa secret villa siya ni Jacob Anderson Gray. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang maalala niya ang kaniyang kaibigan."Yuna? Nasaan ka? Nagugutom ako," ani Mereya habang hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan.Umagaw ng atensyon ni Mereya ang litratong nakadikit sa dingding, sa tapat ng malaki at malambot na kamang hinihigaan niya."Si Mr. Jacob ba 'yon? Bakit parang…" Naningkit ang mga mata niya habang inaanalisa niya ang litrato ng isang binatang lalaki. Sa tantsa niya ay nasa disi-otso anyos lamang ang edad ng lalaking iyon. Sa sobrang focus niya sa litrato ay hindi na niya namalayang bumukas na pala ang pinto.Abot-tainga ang ngiti ni Jackson nang makita niyang gising na si Mereya. Wala itong kahit anong makeup sa mukha. Medyo magulo rin ang buhok nito pero litaw na
Kabanata 37Binalot ng katahimikan ang dating mansyon ng mga Wrights na binansagan ng Jones Mansion ni Cindy magmula nang mamatay ang kaniyang asawang si William at nang maikasal siya kay Clinton Jones."Mama, bakit ka nagdala ng pulubi rito sa bahay? Grabe 'yong amoy niya! Sobrang baho!" pabulong na reklamo ni Merella sa kaniyang ina.Siniko ni Cindy si Merella. "Watch your mouth, Ella. Matalas ang pandinig niya," paalala niya."Babe, sino ba talaga siya? Bakit nahimatay ka nang makita mo siya kahapon? Isa pa, bakit mo siya dinala rito sa mansyon? Ayaw pa niyang maligo. Nangangamoy kanal na itong silid na ito." Pinandilatan ni Sevi ng mata ang matandang nakaupo sa sofa.Nag-angat ng tingin ang matandang lalaki. Mayamaya pa ay tumayo na siya. "My wife passed away in the cell."Nanlaki ang mga mata ni Cindy.Kumunot naman ang mga noo nina Sevi at Merella."Cindy, nasaan ang butler kong si Rex?" tanong ng matandang lalaki.Ngumisi si Sevi. "Nasisiraan na yata siya ng bait. Isang pulubin
Kabanata 38"Nasaan si N?" galit na galit na tanong ni Linda kay R."L, what are you doing here? You are not allowed to en…""N! N, nand'yan ka ba? Lumabas ka! Mag-usap tayo!" Labas na ang ugat ni Linda sa kaniyang leeg sa kasisigaw.Huminga nang malalim si R. Hinipan niya ang kaniyang bangs para makita niya nang mas maayos si Linda. "OUR boss isn't here. Nasa New York City pa siya. Bukas pa siya dadating. Ano bang problema mo, L?"I-re-raid na sana ni Linda ang hideout nang biglang sumenyas si R sa dalawang machong lalaki na pigilan siya. "So tama ako? Nasa loob nga si N? N! Lumabas ka riyan! Harapin mo ako! Marami akong itatanong sa'yo!" sigaw niya.Namewang si R at umiling. "Ang tigas din ng ulo mo, L. Wala nga sabi rito si Miss N! Tagalog na tagalog na, hindi mo pa maintindihan. B0b0 ka ba?""Kung wala siya rito, bakit ayaw mo akong papasukin sa loob?" Tumaas ang mga kilay ni Linda."Hoy, tanda. Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ni Ma'am R? Baka nakakalimutan mong isa ka lang ka
Kabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling
Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum
Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon
Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti
Kabanata 59.3“Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Handa ka na ba, anak?” nakangiting tanong ni Don Vandolf.Pagkarating na pagkarating nina Jackson ay agad silang nag-ayos at nagbihis. Naroroon na rin ang pastor na magkakasal sa kanila ni Mereya. Humingi siya ng dalawampung minutong palugit para pagbigyang makipag-usap sina Noemi at Mereya.“Kinakabahan ako, papa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sobrang saya ko. Kahit yata maghapon akong maghintay rito eh ayos lang sa akin. Miss na miss ko na agad ang mag-ina ko, papa,” maluha-luhang sambit ni Jackson.Tinapik ni Don Vandolf ang balikat ng kaniyang anak. “I am so glad that you became the man I pray you to become. Nakikita at ramdam ko kung gaano mo kamahal ang iyong mag-ina. Just a heads up, anak. Hindi araw-araw ay magiging maayos ang samahan niyong mag-asawa. May mga araw na mararamdaman mong parang nababawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. May mga araw na mag-aaway o magkakatampuhan kayong dalawa at may mga ara
Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang
Kabanata 59.1“Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda!“Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya.“Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!”Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? Pasensya ka na ha. Nai
Kabanata 58.5“Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican.“Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi.Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set.“Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf.Napatawa si Noemi.“Papa naman,” natatawang wika ni Jackson.Tiningnan ni Don Vandolf si Lind
Kabanata 58.4“Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, in behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito.“No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask myself if I deserve him.