"Kuya?" naglandasan ang mga luha ko. Sabay kaming naglakad palapit sa isat-isa at niyakap ang bawat isa."Akala ko 'di mo na ako matatandaan pa. Sa wakas nahanap na kita." Bumitaw kami sa isat-isa at napatingin ako sa lalaking nasa tabi namin. "He's our father.""Gianna," inilabas nito ang dalawang kamay na parang hinihintay ako na yakapin ko rin siya. Lumapit ako sa kanya at isang napaka higpit na yakap ang iginawad nya sa akin. Pagkatapos ng pagtatagpo naming tatlo ay hinanap ko kaagad si Bryce pero hindi ko siya makita. May mga dumating kasi kanina na tauhan ni daddy at sasakay na kami ngayon sa yatch pero 'di ko pa rin siya makita."Hinahanap mo si Bryce?" na bigla naman ako sa biglaang pagdating ni kuya. Kong dati hirap na hirap ako kong anong itatawag ko sa kanya kong Oliver ba or Sir. Hindi ko akalaing magiging kuya lang pala."Oo, nakita mo ba siya?""Umalis na siya kanina 'di na nya nagawang makapag paalam sa'yo dahil ayaw nyang guluhin ang pag-uusap nating tatlo.""Saan siy
Ilang araw na ang nakakalipas at dalawang araw na lamang din ay gaganapin na ang welcoming party ko. Medyo kinakabahan nga ako dahil first time to.Nasa veranda ako ngayon ng bahay at nagbabasa ng libro. Maayos din ang suot ko ngayon na unti-unti ko ng nakakasanayan dahil kailangan. Kong dati mga ganitong damit ay nasusuot lang kapag may party ngayon ay pambahay ko na. Boring n boring nga ako ngayon dahil wala kaming lesson. Nasaulo ko na kasi agad kahapon ang basic etiquette for dining.Gustong gusto ko na makita si Bryce kaso naman 'di pa ako marunong mag drive. Naging busy kasi ako at 'di ako nagka time para makapag paturo sa pag drived. Napasimangot na lamang ako.'Teka, bakit ba kasi ako nag nag i-insist na makita si Bryce?'Pwede naman kasi si Bryce ang pumunta dito? Bakit ba di siya pumupunta dito? Hindi ko tuloy alam kong napano na siya? Kong kamusta na siya? Mis ko na siya, gusto ko na makita ang mukha nya!! Gusto ko mag reklamo kay kuya kaso wala naman siya dito Alam mo yon
Nang hapon na yon 'di ko na alam pa kong anong nangyari. Kong paano ako nakauwi na umiiyak at nagmukmuk sa loob ng kwarto ko. Hindi ako lumabas kahit na tinatawag na ako. Umiyak lang ako ng umiyak dahil sa bigat ng dibdib na nararamdaman ko.Kasalanan ko rin naman talaga kong bakit ako umaasa na magugustuhan nya ako. Kong bakit ang tanga-tanga ko!Ngayon ang araw ng welcoming party ko at nasa dressing room na ako ngayon. Sa tuwing naiisip ko yong nangyare nong hapong yon naiiyak ako. Pero pilit ko rin pinipigilan ang sarili ko na 'wag umiyak, pangalawang ayos na kasi 'to ng make-up ko. Hindi ko kasi napigilan kanina yong pag-iyak ko kaya naman nasira ang make-up kanina. Kaya ngayon maingat na talaga ako na pigilan ang sarili ko na 'wag maiyak. Kawawa naman kasi 'tong make-up artist ko kong iiyak pa ako.Pinagdadasal ko pa na sana 'di ko siya makita at sana wag na lang siya umattend!Nasa second floor ako ng bahay at kapag tinawag ako ay bababa ako sa hagdan. Nandito din sa taas si Mel
Nasa garden si Ana ng kanilang bahay. Puno ang paligid ng magagandang bulaklak at mga halaman. May maliit din na fountain na nakatayo sa pinaka gitna. Nilanghap ni Anna ang preskong hangin, may malaking puno rin na naka tanim sa may gilid.Napapaisip ang dalaga na ang dami na palang nangyare. Parang dati lamang ay nandoon pa siya sa kanilang lugar kong saan kinakailangan nyang mag sikap para lang magka pera. Tapos sa isang lang ay 'di na sila naghihirap at ang kanyang ina. Akala nya rin ay wala na talaga siyang pag-asang makapag-aral. Tanging hinilang nya lang naman ay maging maayos ang kanyang pamilya at makapagtapos siya ng pag-aaral. Pero hindi nya inaasahan na sobra-sobra pa ang ibibigay sa kanya.Lumabas siya ng kanilang bahay inaasahan nyang nasa labas si Bryce. Tuwing lalabas kasi siya ay palaging nasa labas ito at naka sunod sa lahat ng puntahan nya. Kaya nagtaka siya kong bakit ngayon ay wala ang binata. Iniisip nya tuloy na baka sumuko na ito sa kanya dahil 'di nya ito pinap
Ilang araw di lumabas si Gianna para lang ma iwasan si Bryce. Hinayaan nya ang sarili libangin katulad na lang ng pagbabasa ng mga libro. Manood ng mga tv shows, drama at madami pang iba.Kinabahan siya ng pinatawag siya ng kanyang ama. Mukhang na pansin nito na 'di siya lumalabas. Pagdating nya sa office ng ama ay busy ito sa mga papers na nasa table. Tumigil lang ito ng mapansin siyang nasa loob na."Naayos na ang mga papers mo papuntang ibang bansa."Tumango lang siya sa kanyang ama. Mukhang na pansin nito na kakaiba ang kinikilos nya."May problema ba?" agad naman siyang umiling."Pwede ka naman muna mag paalam sa mama Merlina mo.""Sige po daddy," uncomfortable pa rin talaga siyang tawagin itong ama."Wala ka bang boyfriend o nagugustuhan?" nagtaka si Anna sa tanong ng kanyang ama."I want to make sure," dagdag pa nito."Wala po akong boyfriend, daddy. Kong nagugustuhan naman wala din po." Gusto nya sanang magsabi ng totoo sa ama pero ano pa bang say-say na sabihin nitong may nag
Tinanghali ng gumising si Gianna napuyat kasi ito kagabi dahil sa kakaisip sa nalamang buntis siya. Bumaba na lang siya agad dahil pakiramdam nya ay ginugutom siya.Pababa pa lang siya ng hagdan ng mapahinto siya. Nasa baba kasi si Jazz at nakangiti pa ito sa kanya. Gusto nyang bumalik sa loob lalo na ay di siya naka pag ayos ng sarili. Nakakakahiya naman sa binata na makita siyang ganon. Pero pinagpatuloy nya na lang din ang pagbaba dahil nakita na rin siya nito."Good morning Gianna.""Good morning din, kanina ka pa ba naghihintay?""No, sakto lang."Gwapo din naman ang binata at matangkad ito. Hindi nga lang kasing laki ng katawan ni Bryce ang katawan nito medyo payatin kasi. Napailing si Anna sa isiping pinagkukumpara nya ang dalawa."Aayain sana kita mag breakfast sa labas." "Sige mag-aayos muna ako."Bumalik ulit sa kanyang kwarto si Gianna at naghanap ng masusuot. Gusto nya rin talaga kasi kumain lalo na ay ginugutom siya kaya di nya tatanggihan ang binata sa alok nito.Palaba
Maaga akong gumising ngayon dahil ngayon ko dadalawin sila mama. Bukas kasi ay aalis na ako kailangan ko ng makapag paalam sa kanila. Tsaka mis na mis ko na rin sila.Pumunta agad ako sa parking lot pero napatigil ako ng makita si Bryce na naka sandal sa gilid ng pader at may kausap na babae. Hindi lang yon nagtatawanan pa sila na para bang close na close sila at kilala ang isat-isa. Hindi ko kilala ang babae ngayon ko lang 'ata siya nakita."Ma'am, magpapahatid po kayo?" napalingon ako kay Austine na karadating lang. Siya ang personal driver ko bago pa man nang-agaw tong si Bryce.Porket ba may kausap ngayon si Bryce ay di nya na ako pwede ihatid?"Busy daw po kasi ngayong araw ang bodyguard mo kaya hindi ka po nya masasamahan." dagdag pa ni Austine.Busy nga? Busy sa babae! Padabog akong pumasok sa kotse at mukhang na pansin na ako ng dalawa. Napatingin kasi sila sa gawi ko.Lumapit si Bryce sa amin pati na rin ang babae nyang kasama. Pero bago pa man sila makalapit ay sinara ko na
"Don't touch me!" sigaw ko ng hawakan nya ako. Nanginginig na ang buong katawan ko at di alam ko ang gagawin ko."Matapang ka na ba ngayon? Malaki kasalanan ng pamilya mo sa akin. Nang dahil sa inyo nasa bilangguan ang ama ko!" Hindi ko alam ang nangyare sa gobernador basta ang pagkakaalam ko ay siya ang salarin sa lahat.Hinawakan nya ako sa braso sa lakas nya ay wala akong nagawa ng hilahin nya ako palayo. Kinakabahan ako sa mangyayare lalo na ay takip silim na. Isa pa wala man lang kaming nakakasalubong."Bitawan mo nga ako!" pinipilit kong makabitaw siya sa akin pero ang higpit talaga ng pagkakahawak nya.Hinila nya ang buhok ko at itinulak ako sa buhanginan. Pumatak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Natatakot ako para sa sarili ko pero mas natatakot ako sa batang nasa sinapupunan ko.Halos kumabog ang puso ko ng ilabas nya ang baril na nasa bulsa nya."Hwag kang mag-aalala Anna, di ka pa mamatay basta ibigay mo sa akin ang sarili mo." Agad kong inilayo ang mukha ko ng
A MONTHS LATERHabang pinagmamasdan ni Bryce si Gianna and Althea habang naglalaro ang dalawa sa dalampasigan. Hindi nya maiwasan na mapangiti, hindi nya kasi akalaing darating ang araw na magiging buo sila.Noong una palang nyang nakita si Anna ay naging interesado na siya dito. Hindi nya lang akalaing mamahalin nya ito. Akala nya ay wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa. Lalo na nong panahong umamin ito sa kanya kaso nga lang ay naging duwag siya ng mga panahong yon.Natakot siya sa mga pwedeng mangyare pero ngayon ay handa na siyang harapin ang lahat. Lalo na ay may anak na silang dalawa."Papa Arturo!" sigaw ni Althea kay Bryce.Natawa naman ng sobra si Gianna ng marinig nya na naman ang tawag kay Bryce ni Althea."Papa let's play please." agad namang umiling si Bryce."Baby we need to visit your cousin." umupo siya para maging kapantay nya si Althea."Talaga po? Makikita ko si Yael and Olivia?" tumango naman si Bryce.Excited naman si Althea at nag madali itong tumakbo papunta k
ANYA POINT OF VIEWKanina pa ako humupa sa pag-iyak pero di pa din ako nagsasalita. Hindi naman ako tinanong ni Bryce kong anong nangyare sa halip ay inalo nya lang ako habang umiiyak kanina.Kumakalam pa din ang sikmura ko dahil kanina pa ako walang kain. Pero isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon kong na saan ang anak ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayong nalaman kong buhay ang anak ko. Pero at the same time masakit kasi mismong ama ko pa ang gumawa para maging misebrable ang buhay ko.Akala ko si Bryce ang tataguan ko ng anak pero kami pa lang dalawa ang tinaguan ng anak."Gusto kong makita sila mama, Bryce."Simula kasi ng umuwi ako ay di ko pa sila nadadalaw. Kamusta na kaya sila? Naging busy din kasi ako kaya nakalimutan ko silang tawagan man lang. For sure binata na si Ronel, sobrang tagal na din talaga ng huli ko siyang makausap at makita."Let's go," bago ay inalalayan nya akong tumayo.Pagdating namin sa parking area ay nagulat pa kami ng nandoon si Althea at kapa
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Naririnig ko din ang ingay sa paligid at mahihinang tawa ng isang bata.Lumabas ako at bumungad sa akin si Bryce and Althea na naglalaro. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. Siguro kong si Brianna buhay din for sure magiging ganito din sila ni Bryce.Nang mapansin nila akong dalawa na naka tingin sa kanila ay agad na lumapit si Bryce sa akin habang karga nya si Althea"Good morning po," malawak ang ngiti nito habang binabati ako."Good morning din." bati ko sa kanya pabalik.Lumabas kaming dalawa sa bahay at naglalaba pala ang kanyang tiya sa may balon na nasa gilid ng kanilang bahay."Saan ang mama nya?" tanong ko kay Bryce."Maagang umalis, nagt-trabaho kasi yon sa bayan kaya palaging wala."Napansin ko naman sa di kalayuan na yong bangkang sinakyan ko ay nandito.Sinamahan ako ni Bryce na lumapit sa isang bangkero."Mang Erning, kayo po pala yong naghatid kay Anna dito. Papahatid na po kasi siya pauwi.""Sabi ko na
ANNA POINT OF VIEWNaramdaman ko ang pagdampi ng labi nya, sumabay ako sa unti-unti nitong paggalaw. Naramdaman ko ang maiinit na haplos nya na kahit ang lamig ng simoy ng hangin ay di ko maramdaman.Naging malalim ang paghalik nya, gumapang ito hanggang sa panga papunta sa may leeg ko. Napaliyad ako ng dumampi ang kanyang labi sa aking earlobe hanggang leeg, para akong mababaliw sa sarap na nararamdaman ko.Parang bumalik ang unang gabing may nangyare sa amin. Yon nga lang ay di nya iyon natatandaan.Bumalik ang kanyang mga halik sa labi ko para akong napapaso sa init nun. Halos maghabol ako ng hininga ng tumigil siya sa paghalik.Hinawakan nya ako sa pisnge ko bago ay niyakap ako."Natatakot ako na baka kapag natapos to, mawala ka na lang sa akin ulit." bago ay kumalas sa pagkakayakap sa akin.Agad akong umiling sa kanya. "No, hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo."This time ako na ang sumiil ng halik sa kanya. Halik na hindi ko na kayang pigilan pa. Kusang sumabay ang mga hali
ANNA POINT OF VIEWHalos tulog na ang lahat ng bumangon ako para lumabas. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam kong anong oras na basta feeling ko madaling araw na.Paglabas ko ay bumungad sa akin ang napakalamig na simoy na hangin.Pumunta ako sa may dalampasigan at naglalakad lakad. Tanging ingay ng mga maliliit na kulisap ang naririnig ko at ang hampas ng alon.Maliwanag din ang buwan na tanging nagiging silbi kong ilaw habang naglalakad. Napatigil ako sa paglalakad ng sa di kalayuan ay nandoon si Bryce.Aalis na sana ako pero na pansin nya ako."Anna?"Kahit ayaw ko siyang ma kausap ay ngumiti ako sa kanya hanggang makalapit na siya sa akin."Anong ginagawa mo dito? Baka lamigin ka.""Sanay naman na ako, ikaw anong ginagawa mo dito?""Hindi ako makatulog, eh."Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa dagat, nagrereflect dito ang liwanag na nagmumula sa buwan. Kaya naman napaka ganda nitong tignan.Napag desisyunan kong mag salit
Kinailangan ni Anna na umalis sa eksena at nag paalam na lang siya sa mga ito na maglakad lakad. Para matignan nya ang buong isla at para na din maibsan ang nararamdaman nya.Iikang umalis si Gianna habang kumakain pa ang iba. Kinagat nya ang ibabang labi upang pigilan ang pag buhos ng luha nya.Nasasaktan siya sa mga narinig kanina.Mas nagpabigat pa ng dibdib nya ng maalala ang anak. Kong nabubuhay lang ito ay marahil kasing edad din ng anak nya. Napagtanto nya din na 'di nga talaga siya na gustuhan ni Bryce dati pa lalo na ay mag kasing age lang ang bata na anak nya at ang bata dito.Akala nya ay single ito noon kaya siguro ay ganun na lamang ang reaction nito ng mag confess siya.Nagkaroon ng complication ang anak nya ng pinanganak nya ito. Ilang buwan nya din itong naalagaan hanggang sa di na kinaya ng katawan ng anak nya. Napaupo siya sa isang tabi habang inaalala ang huling karga nya sa anak nya."Anna."Hindi nya pinansin ang tawag ng binata sa kanya."Kamusta ka na?"Blangko
FIVE YEARS LATERBumaba ng limousine car si Gianna suot ang kanyang mamahalin na relo, damit, bag at iba pang accessories. "Good morning, Madam." bati sa kanya ng isa sa mga katulong.Hindi nya ito pinansin at nag patuloy sa pagpasok sa loob ng malaking bahay."Welcome back, madam." bati na naman sa kanya ng isa sa maid."This way, madam." turo sa kanya ng staff ng daddy nya papunta sa office nito.Isa lang ang masasabi nya na sa limang taon na 'di siya umuwi ng Pinas ay malaki ang nag bago sa mansion."Hi, Dad" bati nya sa kanyang ama ng pumasok siya sa office nito."Welcome back, anak." Wala ang kuya nya dalawang taon na din ito simula ng magkaroon ng sariling pamilya at umalis. Mas gusto daw kasi nito mamuhay sa isang simpleng lugar na tahimik lang.Hindi nya alam ang mga nangyare sa loob ng ilang taon na wala siya. Nag focus kasi siya sa pag-aaral nya at inabala ang sarili sa mga bagay-bagay. Masyadong masakit ang mga nangyare kaya gusto nyang makalimot."I miss you, daddy." niy
GIANNA POINT OF VIEWNaglalakad ako papunta sa office ni daddy, kadadating nya lang pero agad gusto nya na akong makausap.Nag-uunahan sa kabog ang dibdib ko habang binubuksan ko ang pintuan.Dahan-dahan akong lumapit kay daddy at matamang nakatitig sa akin."May sasabihin daw po kayo?" mahinang tanong ko dito.Napalunok ako ng seryosong nakatitig pa din sa akin si daddy. Alam kong may ginawa akong mali sa tipo pa lang ng titig nya."What's the meaning of this?!" nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni daddy.Kumalabog ang lamesa sa lakas ng pag bagsak ng mga papel na ibinagsak nya dito. Isa-isa kong tinignan ang mga naka sulat sa papel.Halos manghina ako ng makita kong ito yong mga results sa check-up ko.Sabi ko na nga ba ay 'di ko talaga matatakasan ang pamilya ko pag dating sa bagay na ganito."Who's the father?" malamig ang boses ni daddy.Alam kong kapag nalaman nyang si Bryce ang ama ng dinadala ko mas magiging malala ang situation."Answer me!" Halos di ko magawang igalaw ang m
"Kalimutan mo na lang siya Gianna!" may pagbabanta sa boses ni kuya.Parang may nangyayare sa Pinas na 'di ko alam kaya ganito na lang ako pag bawalan ni kuya."Paano ko kakalimutan? Nang dahil sa'yo kaya ako nagkaroon ng reason kong bakit 'di ko siya kakalimutan! Kong hindi mo binigay sa akin ang box na pag-aari ni Bryce hindi ako magkakaroon ng reason!" frustrated na sagot ko sa kanya.Kinulit ko kasi siya na mag video call kami para makita ko lang man kong okay na ba si Bryce. At ang sinagot sa akin kalimutan ko na lang daw si Bryce! Nababaliw na ba ang kuya ko? Ibang-iba na talaga siya hindi na siya yong kuya na kilala ko nong bata pa ako.Sabagay ilang taon na din ang lumipas at mga bata pa nun kami. Alam kong madami ng nag bago, 'di ko din naman alam kong anong mga naranasan ni kuya ng nagkahiwalay kami."Gusto ko lang naman malaman kong anong kalagayan nya?" halos magpamakaawa na ang bose ko."Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo." cold na sagot nya sa akin.Halos mapasabunot ak