Nag-alala si Gretchen ng husto para sa ina. May nag-send sa kanya ng picture nito. Nakasuot ito ng pangkatulong sa mansion ng mga Baker. Hawak niya ang dalawang trash bag sa gate.“I told you! Hindi ka kasi nagkikinig sa akin. Sabi ko sa inyo, lalabas din ang tunay na ugali ng mga babaeng ‘yan. Hindi ka ipagtatanggol ng kinasama mo. Mama, sana ay matauhan ka na ngayon. Mama.” Iyak ng iyak si Gretchen sa loob ng banyo habang ibinababad ang sarili sa ilalim ng malamig na tubig.Hindi na niya naisip ang nangyari sa kanila ni Anton.Awang- awa siya sa ina. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari noong umalis siya. Hindi niya gustong siya ang papalit sa mga gawaing – bahay na iniwan niya. Kahit patang-pata ang pakiramdam ng babae ay pinilit niyang kumuha ng plane ticket online.“Tita Celeste, I have to go and see Mama. Not much but I’ll call you back as soon as I get there.” Biglaan ang uwi ni Grethen hindi na siya nakapagpaalaam kay Anton. Wala rin naman siyang balak magpaalam dito ng maayos
Bumalik sa Pilipinas si Anton. Lalong dumoble ang sakit na kanyang naramdaman sa pag-alis ni Gretel ng hindi nagpapaalam. Hindi niya naintindihan kumbakit. Nagi-guilty tuloy siya sa nangyari. Hindi niya tatakasan ang kanyang pananagutan sa kanya. “BAKIT? BAKIT? Bakit kailangan nila palaging umalis ng hindi nagpapaalam? BAKIT?” Galit na galit na sumigaw si Anton sa loob ng kanyang unit. Umalis si Pauline ng hindi nagsasabi ng totoong dahilan at ganoon din ang ginawa ni Gretel. Ang mas masakit pa nito, hindi niya alam kung saan hahanapin ang babae. “Kumusta ang bakasyon mo?” tanong ng ina pagkabalik niya. Nakita ni Danes na malungkot ang anak. “Balita ko, may nakilala ka daw babae sa Mexico? Magkuwento ka naman.” But, Anton is not in the mood to talk and share his experience. “Mama…” “Yes, Anton.” Inakbayan siya ni Danes habang nakaharap sa salamin ng kanyang condo at nakatanaw sa mga building na nakapaligid dito. Tinapik ni Danes ang anak ng malaman ang tungkol sa babaeng kanyang na
Nagsimula ng panibagong buhay sina Gretel at Gretchen sa dati nilang bahay. Sinikap nilang punan ang kanilang pagkukulang sa isa’t isa. Ginawa nilang makabuluhan ang kanilang mga araw habang sila ay magkasama. Itinulak ni Gretchen ang wheelchair ng ina. “Puwede naman kasi akong maglakad eh!” “Mama, huwag na po kasing matigas ang ulo ninyo.” Nagpaaraw sa bakuran ang mag-ina. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtungo sila sa lilim ng malaking puno. “Mama, masaya po ba kayo kahit dalawa lang tayo?” Nangingilid ang luha nitong tumugon sa kanyang anak. Hinawakan ni Gretchen ang kamay ng ina at ikiniskis sa kanyang pisngi. “Wala na pong mang-aapi sa atin dito.” “Napakasuwerte ko dahil napakabuti mong bata, Iha!” “Masuwerte rin po ako dahil naging mama ko kayo.” buong pagmamahal na niyakap ni Gretchen ang babae. Muli niyang sinulyapan ang ina. “Parang may kulang sa inyo?” “Ano?” Kinapa ang sarili kung mayroon ngang kulang. Inilabas ni Gretchen ang isang tila professional make-up kit box n
Unti-unti pa lang nakakabangon si Anton sa kanyang kalagayan. Wala ni isa ang nag-reply sa kanyang mga message request na may pangalang Gretel Kennedy sa social media account nito.“I feel so pathetic, Pare!” Nilagok niya ang buong laman ng kanyang baso. Napapikit sa sobrang tapang ng alak na kanyang ininom at muling nagsalin ng alak.“Pare, bakit hindi mo na lang kulitin ‘yung tita niya sa Mexico. Bakit kailangan mo pang magpakahirap na hanapin siya sa kanyang social media account? Paano kung plano talaga niyang magtago sa iyo? At saka, bakit kailangan mo pa siyang hanapin kung ayaw naman niyang magpahanap sa iyo?”“Ah, basta, Pare. Tulungan mo na lang ako!”“May nangyari ba sa inyo noong babae kaya hindi mo siya makalimutan? Why not find another woman? Madali lang ‘yan.”“I have a precious moment with her. I can’t forget her.”“My precious!” Ginaya pa ni Basil ang pagkakasabi ng gollum sa isang palabas. Napangisi ito habang tinitingnan ang miserableng sitwasyon ng lalaki.Matapos ng
Halos sabay sa panganganak ni Gretchen ang pagbubukas ng GK-Skin Clinic and Beauty Care Spa. Mabilis ang Wanshin Construction sa kanilang mga renovations at very spacious ang dating ng bawat palapag ng mabuksan ang mga pader upang pagdugtuging ang magkatabing unit nito. Naplanong mabuti ang iba’t ibang klase ng mga kuwarto para sa iba’t ibang serbisyo. Marami ang natuwa sa unique taste and fresh idea ng mismong may-ari. Sa gawing labas, maging mga nagdaraang sasakyan at mga commuters ay napapalingon ulit sa buong building. Napapa-wow ang kanilang reaksiyon. Nagmistulang isang mall ang buong gusali dahil sa sari-saring beauty and skin care products and services ang matatagpuan dito. Bawat palapag ay parang loob lang ng cabinet ng isang babae sa pagpapaganda ng sarili. Lahat ay mga exclusive products ni Oakley mula rin sa kanyang sariling business. In a matter of months ay pinag-usapan ito sa iba’t ibang social media platforms. May mga artista ang sumubok na magpa-derma at garantisado a
BAKER’S MANSION7PM“OMG! Someone has spotted GK owner.” Halos himatayin si Angelica ng makita si Gretchen sa isang video clip ng balita.“Ang tanyag na Beauty Goddess ng ngayon ay sikat na sikat na GK Skin Care and Beauty Care Spa ay lulan ng eroplano galing pa ng America. Kasama nito ang kilalang dermatologist na si Dr. Oakley Williams at kilalang multi-billionaire CEO.” balita ng news anchor. Umismid lang si Angela sa narinig.“We can come and meet her.” Ginaya ni Angela ang sinabi ng kapatid.“O, ngayon ambait -bait mo kay Gretchen ha! Natatakot ka ba na pagbayarin ka niya sa pagpapa-facial mo sa clinic niya.” Hindi pinatulan ni Angel ang babae.“In fairness, very gentle sa skin ang mga products nila ang maganda ang effect sa balat ko sabi ni Marco.”Sinipat-sipat din ng dalawa ang kanilang mukha at tiningnan kung may nagbago ba ngunit sumimangot ang mga ito.“Parang hindi effective akin. Bakit ganoon? Kailangan ko bang i-try ang iba pa niyang services? Magpa-diamond peel kaya ako
Sa hotel tumuloy si Magnus. Si Oakley naman ay may inupahang condo unit. Hindi naman niya ipinagpilitan ang kanyang sarili kay Gretchen. Si Magnus lang talaga ang parang stalker ng dalaga kaya nga muntik na rin nila itong naisumbong sa mga pulis noon. Si Oakley ang mas malapit kay Tonia at hindi nakakatulog ang bata hangga’t hindi siya naipaghehele ng lalaki. Spoiled din ito ng binata at todo – bigay kahit noong first birthday niya sa loob ng Disney Land. “Oakley, pagod ka na.” Dahan-dahan ding ibinaba ng binata si Tonia sa loob ng kanyang kuwarto. Si Oakley rin ang nagpaayos ng kuwarto nito ayon sa gustong disenyo ng bata. Marunong na itong pumili ng paborito nitong kulay. May mga favorite cartoon characters din ito.Bahagyang minasahe ng lalaki ang kanyang balikat at dahan-dahang nag-stretching.“I’ll give you a quick massage. Come here! Upo ka muna dito.”“OMG! Ah, that’s nice! Oh!” bigla silang nagkatinginan at nagtawanan. “Hey, why do you sound like your getting ready to fuck, H
Nanatili si Anton sa loob ng kotse. Nakaharap na niya si Gretel Kennedy. The smile is unbelievable. She had the same smile but not the Gretel he is expecting. Hindi pa halos klaro ang lahat kay Anton at tila may missing link pa sa kanyang natuklasan. Sino ang Gretel Kennedy na kanyang nakilala sa Mexico?“Sino ang babaeng iyon?” Kahit tanungin niya ang sarili ng libong beses, alam niyang hidni niya makukuha ang sagot na inaasam-asam. Ilang beses na rin niyang sinubukan tanungin sina Elena at Celeste ngunit paulit-ulit lang nilang sinasabing kalimutan na daw si Gretel.“Ang batang iyon? Sino siya? Bakit kami magkamukha? Anak ba siya ni Gretel?” Biglang kinilabutan si Anton. Hindi siya maaaring magkamali. Alam niya ang nangyari sa kanila ni Gretel.Ang babaeng nakilala niya sa Mexico ay dalaga at bata pa. May pagkakahawig sila ngunit hindi niya sigurado kung may kaugnayan sila sa isa’t isa dahil wala na siyang ibang pangalan na alam kundi Gretel Kennedy.“Makikilala rin kita. Hindi ako
Isa pang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa loob kasama ang ilang mga alalay nito. Nahintakutan ang lahat dahil pakiramdam nila ay may giyerang magaganap.“SINO DITO SA MR. ANTHONY ENRIQUEZ?” tanong ng matanda. May tungkod na ito ngunit buo ang boses at hindi halata ang katandaan sa kanyang boses. Maginoo ngunit astig ang dating.“Tatawagin ko lang po.” Mabilis itong pumasok at sinundan ang lalaki sa loob ng opisina ni Anton.Tumayo kaagad si Anton at sinalubong ang matanda. Iniabot nito ang kanyang kamay ngunit hinawi ito gamit ang tungkod. Inilapit ang kanyang mukha nang malapitan.“Hmmm, ikaw si Anton.” Sinipat-sipat niya ang lalaki. Inikutan niya ito at tiningnan mula ulo hanggang paa kahit paika-ika na itong maglakad habang nakatungkod.“Kilala mo ba ako?”“Yes, Sir. Kayo po ang may – ari ng buong building na ito.” Tumango-tango ang matandang don.“Good! But there is one thing I want to warn you about.” Nakinig mabuti ang binata.Si Mr. Esteban ang may-ari ng Skycraper Tower.
Tahimik na ang sitwasyon ng dumating si Clementine. Naka-lock ang pinto ng opisina ni Anton at walang nakapasok sa loob kahit anong katok nito.“May nangyari ba kanina?” Nakatalikod ang boss’ chair ni Anton at makalat sa loob. Nagkibit-balikat lang ang staff.Busy ito sa kanyang ginagawa. Hindi rin sila naglalakas ng loob na sabihin nito ang nangyari kanina dahil alam sa buong department na may gusto siya sa boss nila. Wala siyang narinig na alingasngas. Kahit si Margaux ay busy sa kanyang ginagawa ng silipin niya ito.Maagang umalis si Anton at hindi man lang niya ito nakausap. Nadatnan niyang konti pa lang ang tao sa club ng oras na iyon. Kenny G ang musikang pumailanlang sa buong lugar.Pag-upo niya ay inabutan siya kaagad ng bartender ng martini. Tinungga niya kaagad ang laman ng shotglass. Nakailang inom ay niluwagan na niya ang kanyang necktie. Napailing siya sa tuwing maaalala ang pagsugod ni Gretchen.“Anglakas ng loob! Ako pa ang susugurin na parang ako ang may kasalanan!” Na
“Kumusta ka na, Gretel? Angtagal na nating hindi nagkita. Hindi mo ba ako na-miss?” Maraming beses ng nakakatanggap ng mga anonymous message ang babae ngunit hindi niya ito pinapansin.“May sorpresa ako sa iyo! SURPRISE!” Ilang minuto lang ay nagkaroon na ng alarma ng sunog.Nagsagawa ng arson investigation sa GK-Clinic. Lahat ay nasimula sa bodega ng mga basura. Imposibleng magkaroon ng short circuit or any faulty wiring dahil kagagawa lang nito. Besides, mahigpit si Don Ador at mga kalidad na inhenyero ang kanyang inupahan upang masigurong maiiwasan ang ganitong mga klase ng problema sa hinaharap.Walang makita sa CCTV ng mismong building na iyon kaya humingi ng tulong ang mga pulis sa mga katabing building na mayroong CCTV para sa mga footages sa pagitan ng oras na naganap ang sunog. Mabilis na pinakilos ang mga imbestigador upang malutas kaagad ang kaso.Wala namang taong kahina-hinala ng araw na iyon. Tiningnan isa-isa ang attendance nila ngunit may absent pala. Iyon ang kanilang
Tiningnan ng doktor ang chart ng lalaki. Nakaupo na si Anton sa kanyang kama at bahagyang hinilot ang kanyang braso. Nanibago siya sa pagbuhat sa bata. Pina-x-ray pa kasi siya para makasiguradong walang malalang injury sa kanya.“Sir, okay na po ba ang pakiramdam ninyo?” tanong ng doktor.“Nothing serious.” tugon nito.“Puwede na rin po kayong ma-discharge ngayon. Leave the bill to us. It will be taken care of by GK Clinic.” paliwanag ng doktor.Hustong paalis na si Anton ngunit nagdadalawang – isip pa itong umalis. Nilingon niya ang kurtinang iyon. Nakatayo lang siya sa labas habang tila magulo sa katabing kama. Gusto rin sana niyang makita ang bata bago siya umalis ngunit nawalan siya ng lakas ng loob.Halos liparin ni Gretchen ang Ward Section kung saan dinala ang bata.“Bakit hindi ninyo siya dinala sa isang pribadong kuwarto?”“Hindi naman delikado ang nangyari sa kanya.” ani Gretel. “Kumusta po kayo, Mama? Hindi po ba kayo nasaktan?” Labis-labis ang pag-aalala nito sa ina lalo n
Hindi napuntahan ni Oakley si Tonia dahil marami itong ginawa. Nalaman na lang niyang hindi dumalaw si Gretchen sa ina ng ang bata mismo ang tumawag sa kanya.“Tito Oakley, is mommy there? When are you going to get me here?” Tinawagan niya si Gretchen ngunit nakapatay ang cellphone nito. Wala siyang nagawa kundi dalawin si Tonia.Gulat na gulat naman si Gretel ng makita ang lalaki sa bakuran ng mansion. Dinig ni Oakley ang pagsaway nito sa bata habang nakalublob ito sa tubig. Nasa likod-bahay sila dahil nagsu-swimming si Tonia kasama si George.“Ma’am, may bisita po kayo.” Iniwan na sila ng kasambahay.“Wala yata si Gretchen,” tanong ni Gretel.“Nasa clinic po siya.”“Oakley…” Seryosong tumingin si Gretel sa binata. “Alam kong matagal na kayo ni Gretchen. But you see, she had a daughter. Sa haba ng panahon na magkasama kayo, bakit hindi muna kayo magpakasal bago kayo magsama?”Hindi nakaimik si Oakley. Tiyak na iniisip ng kausap na hindi siya seryoso sa anak nito at baka ginagamit lan
Iniwasan ni Clem si Phoenix. Matagal nang gusto ng binata ang babae ngunit hindi rin siya nabibigyan ng pansin ng dalaga dahil si Anton lang talaga ang apple of the eye nito.“Alam mo Phoenix, huwag kang masyadong magpakahangal kay Clementine. Kay Anton lang umiikot ang kanyang mundo kaya hindi ka niya mapapansin.” Tinapat ni Margaux ang binata.Ipinagmamalaki kasi nito na crush niya si Clementine ngunit hindi naman ito siniseryoso ng babae. Sa kabila noon, hindi pa rin titigil ang binata upang makahanap ng tamang pagkakataon.Uminom ng alak ang babae kasama ni Phoenix. Nagpakalasing ito sa sobrang sama ng loob. Hindi sapat na nakaiyak na siya.“Ano bang kulang sa akin?” Nakayuko na si Clem at wala na sa sarili. Hawak niya ang bote ng alak.“Ipinagpipilitan mo kasi ang sarili mo sa kanya. Let go na kasi.”“Hindi naman ako si Elsa. Si Clementine ako.”“Oh! my darling, Clementine.” Muntik nang kantahin ni Phoenix ang sinabi niya. “Tama na kasi ang inom, halika na. Ihahatid na kita!”“Ay
Maagang pinuntahan ni Danes ang anak sa kanyang opisina. Tambak ang kanyang trabaho at nakalislis na ang kanyang long sleeves sa braso. Nakatanggal pa ang kanyang necktie at halatang stress itong masyado.“Kanina pa kitang tinatawagan!”“Busy po ako,” tugon nito sa ina. Hindi niya ito pinapansin dahil nakatutok ang kanyang mga mata sa monitor ng computer. Kausap nito ang graphic artist habang sinusuri ang kabuuan ng isang design.“Make some changes on this side. Then, look at the quality. Halatang na-stretch na ‘yung mukha ng lalaki. Baka hindi ‘yan magustuhan ng kliyente. Try to fix some details on this. Let me see it in a little while.”“Okay po. Sir.”Nakaupo lang si Danes sa katapat na upuan habang nakataas ang kilay at nakahalukipkip ang mga braso nito.“Mama, ano na naman ang pumasok sa i
Hindi kinakausap ni Gretel ang anak. Hindi ito nagpupunta sa clinic at si Oakley lang ang dumadalaw sa kanya sa mansion upang kunin si Tonia. Tiwala naman ang ina sa binata dahil bukod kay Magnus at kilalang-kilala na rin niya si Oakley.“Do you have plans for Gretchen?” hindi na nag-alangan ang babae na tanungin ito sa binata.Matagal niya itong nakasama sa ibang bansa at wala siyang masasabi sa malaking sakripisyo na ginawa nito para sa mag-ina. Kulang na lang ay Daddy na ang itawag sa kanyang ni Tonia.“I have big plans for them but I am giving Gretchen the freedom to choose me if she wills it.” Walang halong pagkukunwaring sabi ng binata.Kasintahan siya ni Gretchen sa matagal na panahon. Nagkakasama sila sa bahay at kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa ay alam niyang magiging matalino ang anak sa pagdedesisyon.“Are you still hoping?&r
“Bakit hindi mo sabihin ang totoo sa iyong mga anak?”“Ako ang padre de pamilya sa bahay na ito kaya ako ang masusunod.”“Halos ibenta mo na nga ang mga anak mo sa mayayamang lalaki para lang magkapera ka. Anong klaseng padre de pamilya ka? Alam ba nila na hinuhuthutan mo na pera ang mga future-in-laws mo para sa bisyo mo?” Isang malakas na sampal ang natikman ni Pippa.“Itikom mo ang bibig mo!”“I should have known your true colors, Angelo.”“Bakit? Nagsisisi ka na ba? Alam ko ang kiliti mo at hindi mo ako kayang hiwalayan, tama ba? Ako lang ang makakapagbigay sa iyo na lampas pa sa langit.” Nagsimulang gumapang ang mga kamay ng lalaki sa malulusog nitong hinaharap at pinaglaruan ang naghuhumindig na iyon sa kanyang bibig.Hindi sinasabi ni Angelo sa kanyang pamilya na lalo siyang nabaon sa malaking pagkakautang dahil sa pagkagumon nito sa sugal.“Kailan mo sa akin dadalhin si Gretchen?” tanong ni Mr. Cheng habang umuusok ang bibig nito mula sa kanyang vape.“Bigyan po pa ako ng sapa