Share

Chapter 85

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2023-03-29 14:40:25

(Dahlia POV)

Nanahimik nga si Cedrick. Pero ng magtama ang mga mata namin sa rear mirror, muli siyang napangisi.

“Alam mo Miss Dahlia, wag na wag mong gagayahin ang boss namin sa ampon niyang kapatid na si Miss Yuki. Malayong-malayo sila sa isa’t-isa. Ginagawa niya ata ito dahil wala siyang mapaglaruan, kaya pinapatulan niya ang kagustuhan ng kanyang ampon na kapatid.” Diin ni Cedrick na isa ngang sampid sa pamilya si Yuki.

“Sa totoo lang hindi ako natutuwa sa nangyayari sa boss namin. Masyado na siyang nalilibang at nakakalimutan kung ano ang kanyang layunin. Kung maari ko lang wasakin ang mga pinagkakaguluhan niyang walang kwenta ginawa ko na. Ngunit ang respeto ko sa kanya ay mataas, kaya siguro medyo naiirita ako kapag sinisira mo ang pangalan ng boss ko dahil lang sa kagagawan ng walang utang na loob niyang ampon na kapatid.”

“Kahit anong sabihin mo Cedrick hindi magbabago na manloloko at magnanakaw ang boss mo.”

“Kung ang sinasabi mo ay tungkol sa pagkuha niya ng teashop sa gran
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 86

    (Dahlia POV)“Tss. Unang kita ko pa lang talaga sayo Miss Dahlia alam kong hindi kayo magkakasundo ni Miss Yuki, kahit pareho naman kayong mababang nilalang. Nakakatawa, heto ata ang nakikita ni Master Kai. Masyado niyo siyang binibigyan ng magandang palabas. Pero ng dahil sa dramang ito, nawawala din ang kanyang tunay na layunin sa mundong ito. Iniisip ko kung ano ang maari kong gawin, at kailangan ko pag-isipan ng maayos. Pero heto ang sasabihin ko Miss Dahlia, hindi maganda kung patuloy kayong dalawa mananatiling hindi magkasundo. Parehong mababang uring nilalang lang naman kayo. Tsk.”Hindi ko halos maintindihan ang sinasabi ni Cedrick ngunit sa kanyang mga mata walang halong biro ang kanyang mga sinabi.“Maari na ba akong umalis Cedrick?”“Nakabukas ang pinto Miss Dahlia.” Lahad niya ng kanyang kamay ngunit umiling ako sa kanya.“Kaya kong lumabas mag-isa.”Napangisi lamang ito sa akin.Lumabas ako, at tumalikod sa kanya.“Wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko.” Huli niyang sina

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 87

    (Dahlia POV)Nang makabalik ako sa hospital, ang nadatnan ko hindi ko inaasahang balita na ang buhay ni Grandma ay nasa piligro. Sa narinig ko parang mawawalan ako ng malay. Hindi ako pinapasok sa silid nito dahil abala ang mga doktor. Hindi ko nga halos marinig ang sinasabi ng dalawang assistant na pilit kinakalma ako.Ayos lang kanina si Grandma hindi ba? Walang makakapagsabi sa akin kung ano ang nangyari hangang wala pang lumalabas na doktor sa silid.Higit dalawang oras ako nanatili sa labas ng biglang bumukas ang pinto. Kaagad ako nagtanong kung ano ang nangyari, ngunit ang tanging naunawaan ko lamang ay sinabi ng doktor na ligtas na si Grandma.Nang maari na akong pumasok hindi na ako nag-alintana na dumiretso sa kinalalagyan ni Grandma. Walang malay, at ang mukha niya mayroong bakas na parang sinubok na naman siya ng tadhana. Sa aking pisngi namalayan ko na lamang na tumulo ang aking luha. May kung ano sa aking puso na tila ba dinudurog ako. Alam kong hindi ko kakayanin ang sak

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 88

    (Dahlia POV)Sila ang una kong pinagsalita sa harapan ng mga pulis, dahil alam kong hindi naman ako kaagad pakikingan. Hinayaan ko sila magsalita, kahit nga gustong-gusto ko na magsalita.“Wala kang pruweba sa mga ipinaratang mo kay Miss Yuki at dahil sa ginawa mo nailagay mo sa alanganin ang pangalan niya.” Napapatitig ako sa prosecutor na namamagitan sa amin. “At ang nagrereklamong si Miss Yuki may magandang ideya para masulosyunan ang problemang ito.”Nanatili akong tahimik ngunit parang matatawa na ako dahil sa titig pa lang ni Miss Yuki alam ko kung ano ang magandang ideya na sinasabi nila.“Para maging maayos ito, at wala ka namang maibabayad sa paninira mo ng pangalan ni Miss Yuki, mas makakabuting tangapin mo na lang na manilbihan ka sa kanya bilang katulong Ma’am Dahlia.” Napangiti ako. Di nga ako nagkamali.“Pagsisilbihan ko ang isang magnanakaw? Asa siya.” Matigas kong sinabi na ang titig ko kay Yuki.Nawala ang ngiting nagwagi ni Yuki sa sinabi ko, kundi napalitan ito ng

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 89

    (Dahlia POV)Dahil sa nangyari, tuloy na isinampa ang kaso laban sa akin ni Miss Yuki at tambak-tambak na bayaran ang kailangan ko bayaran, hindi lang ang compensation na hinihingi ni Miss Yuki, kundi ang mga biktima ng ewan kung nasunugan ba talaga sila.Abala magsalita sa harapan ko ang prosecutor at halos wala akong maintindihan lalo na ang halagang binangit, hangang sa…“Makukulong kayo ng limang taon o mahigit pa kapag hindi niya nabayaran ang kaukulang halaga Miss Dahlia Ofemia.”Nanlaki ang mga mata ko.“Makukulong ako?”Napatango ito.“Pero paano si Grandma? Nasa hospital siya ngayon. Hindi ko po sadya na masunog ang bahay at talagang hindi ko basta inaakusahan lang ng pagnanakaw si Miss Yuki, talagang ninakaw niya ang aking manuscript.”“Eh, talagang hindi ko iaatras ang kaso laban sayo Miss Dahlia.” Si Miss Yuki na hindi ko inaasahan na nasa loob pa ng silid. “Lalo na kung ipagpipilitan mo na may ninakaw ako sayo.”Napatitig ako sa kanya. Walang bakas ang peke niyang pag-iya

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 90

    (Secretary Venal POV)Pagkatapos ko sabihan sa Butler na wala si Master Dryzen sa kanyang silid, alam na niya ang kanyang gagawin. Ang ihanda ang paliguan nito.At bago ako magpasya na magpahinga muna pumunta ako sa hospital, upang malaman ko na umalis si Miss Dahlia at muling nakaharap ang ilang taong-lobo. Bugbug sarado ang apat kong tauhan na itinalaga para sundan si Miss Dahlia ng wala silang maisagot sa mga tanong ko.“Hindi ang matanda ang kailangan niyo bantayan kundi si Miss Dahlia. Siya ang priority ninyo at wala nang iba! Ano ba ang silbi ng mga utak niyong yan!”Nalaman ko din na muling inatake ang matanda at nakabalik na din si Miss Dahlia. Nang makita ko nga ito, muling nakatulog habang nakaupo sa taligiran ng matanda.Napabuntong-hininga ako, at kinuha ang kumot para nga ilagay sa balikat nito.Sa paglabas ko sa hospital, ewan ko ba, hindi ko namalayan sa loob ng sarili kong sasakyan ako nakatulog. Kaya pagising ko, masasakit ang aking katawan. Maraming miss calls sa aki

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 91

    (Secretary Venal POV)Sa pagbaba ko ng phone hindi ko alam kung sino ang uunahin ko, ang ipaghanda ng pananghalian ang principi ng dragon o ayusin ang kalagayan ni Miss Dahlia.Ngunit mas pinili kong talikuran ang Executive Kitchen kesa makarating kay Master Dryzen ang hindi ko inaasahang nilalaman ng file na pinadala sa akin, kung para saan ang warrant na natangap ni Miss Dahlia.Bigla akong kinabahan… At ang kabang ito ay kakaiba kesa sa mga nakalipas na kabang naramdaman ko noon.Si Miss Dahlia sinasabi niyang ninakaw ni Miss Yuki ang isinulat niyang manuscript, at yun ang matunog na libro sa ngayon kay Master Dryzen, ang ‘His Majestic Gaze.’ Paanong nangyari yun? Talaga bang si Miss Dahlia ang nagsulat noon.Saka naalala ko ang sinabi ni Miss Dahlia na talagang nagsusulat siya. Kung siya ang nagsulat, alam ba niya na maari siyang patayin ni Master Dryzen? Alam ba niya kung ano ang isinulat niya?At napamura nga muli ako sa aking isipan.Tensionable na bumalik ako sa aking opisina.

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 92

    (Dahlia POV)Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hangang sa ako mismo ang bumasag noon.“Tinutulungan niyo ba talaga ako para tangapin ko ang Special na trabaho na inaalok ni Master Dryzen sa akin?”Ngumiti naman siya. “Miss Dahlia, hindi namin ipipilit sa inyo ang special na trabahong yun kung hindi kayo nararapat. At sinagot ko lang kayo Miss Dahlia, dahil nagtatanong kayo kung paano niyo masusuklian ang tulong na binibigay namin sa inyo. Binibigyan ko lang kayo ng maaring maging option mo, Miss Dahlia. Pero wag niyo naman sanang isipin na Sinisingil ka na namin.”“Pero alam niyo na kahit mag double time ako sa aking trabaho ang halagang yun ay hindi ko mababayaran hangang sa tumanda ako. Baka nga patay na ako hindi ko pa mabayaran yun.”“Malaki ang matatangap mo Miss Dahlia kapag tinangap mo ang Special na trabaho.”“Sir Venal…”“At wag niyong isipin masyado sa ngayon, dahil sa ngayon tungkulin kong iiwas kayo sa mga gulo.”Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Sir V

    Last Updated : 2023-03-29
  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 93

    (Dahlia POV)Sa may Veranda naroroon ang mga kasamahan ni Head Chef, nakangiting binati ako ng mga ito. Agad na pinaghila ako ng upuan, at ng maupo ako… Nanatili silang nakatayo.“Maari niyo naman ako saluhan ng gawa niyo.”“Kumain na kami Miss Dahlia.” Tangi ni Head Chef. “At syempre kakain kayo.”“Hindi ko ito mauubos.”“Uubusin niyo yan. Mamayang hapunan alam niyo naman kung sino ang kahaharapin niyo. Kayo din Miss Dahlia.”“Dahlia.” Sinubukan ko muling itama ang pag-address nila sa akin, pero ang isinukli ngiti. “Nga pala Head Chef, maraming salamat sa pagkain na pinadala niyo sa akin noong isang araw. Super A! Ang sarap ho.”“Pinadalang pagkain?” Nagtatakang sinabi ni Head Chef at napatitig sa kasamahan niya. “Wala po ba kayong pinadala sa akin?”“Wala naman Miss Dahlia. Bawal na bawal kaming maglabas ng pagkain dito.” Biglang napakisapmata ako.“Eh…”“Ah, baka yung niluto ng personal ni Master Dryzen!” Biglang sabat ng isa sa stuff.“Ah, oo nga. Kamusta Miss Dahlia masarap po ba

    Last Updated : 2023-03-29

Latest chapter

  • Nine Months [Tagalog]   Finale

    (Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 104

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 103

    (Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 102

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 101

    (Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 100

    (Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 99

    (Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 98

    (Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad

  • Nine Months [Tagalog]   Chapter 97

    (Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen

DMCA.com Protection Status