(Yuki POV)“Fine. But let’s have a deal first, Cedrick. Sasama ako sa inyo ngayon ng bukal sa loob ko, ngunit bukas na bukas ang nais kong kaladkarin ninyo sa harapan ko ay ang may-ari ng teashop na’to at ang gumagawa ng paborito naming tsaa ni Kuya Kai. Kapag hindi mo yan nagawa, humanda ka na sa pagharap kay Kuya Kai. Sisirain ko ang pangalan mo sa kanya!”“Miss Yuki, sumasakit na talaga ang ulo ko sa inyo. Para saan ang sinasabi ninyo at pananakot? Hindi ako matakutin, kaya itigil niyo na yan. Tsk. Saka kailangan ko pa ba ulitin dahil nakalimutan mo ang sinabi ni Master Kai mismo? Siya mismo ang bumitaw ng salitang, walang sino man ang gagalaw kay Miss Dahlia, kung siya ang nais mong ipakaladkad dahil walang ibang gumagawa ng paborito mong tsaa kundi siya at wala nang iba pa.”Natigilan ako.“Miss Dahlia?” At talagang nirerespeto na niya ang pangalan ng babaing yun. “Tama ba ang naririnig ko Secretary Ma? Pangalan ng isang babae? At ayaw pagalawin ni Kuya Kai?”“Klaradong narinig
(Yuki POV)Nang maka-akyat ako sa aking silid agad na binuksan ito ng dalawang tauhan na nakabantay. Napayuko ng lumapit ako. Pumasok sa aking silid na napakalaki. Sa malaki ang gusto ko. Dapat lang na tratuhin akong special sa pamamahay na ito. Ang kaagad na kumuha ng aking attention, ang collection ko ng mga espada at katana. Lumapit ako at kinuha ang isa. Inalis mula sa kaluban. Bumungad sa katawan ng katana ang aking mga mata. Malungkot ang aking mga mata dahil sa kagustuhan ni Kuya Kai, at galit ito dahil sa babaing bigla na lang dumating sa buhay nito. Natatakam ako bigla na malasahan sa patalim ng aking katana ang dugo ni Dahlia. Heto bang katana ko ang pupugot sa ulo nga babaing yun? Sa naghimasok siya sa buhay ni Kuya Kai na hindi dapat niya ginawa. Humanda siya sa akin. Bumukas ang pinto, at ilang katulong ang pumasok. Pumwesto sila sa likuran ko, at yumuko. Bago pa man magsalita ang namumuno sa kanila, may pumasok ulit. Nakita ko sa aking katana ang reflection ng mayabang
(Secretary Venal POV)Nang makalabas ako sa executive room ni Master Dryzen, napabuntong-hininga ako. Di ko maintindihan kung bakit ginigipit ako ng oras ni Master Dryzen. Di ko alam kung para saan ang pagmamadali niya na makuha si Miss Dahlia bilang kanyang asawa. O sadyang nakikipaglaro siya sa Alpha ng mga taong lobo.Ang punto dito, kailangan ko makausap ng masinsinan si Miss Dahlia na tangapin niya ang special na trabaho. Hindi na dapat ako mag-aksaya ng oras.Kaya kinaumagahan, alam kong may binabalak si Miss Dahlia na tangihan ang alok ko na sunduin ito sa kanila. Kaya magbubuking-liwayway pa lamang nasa harapan na ako ng bahay nila. Sa nadatnan ko maaga din nagising ang tao sa bahay nila Miss Dahlia. May kakaiba man sa kanyang abuela, dahil kung makatitig ito sa akin, para bang hindi bulag. Nasa balkonahe ito, at nakaupo sa rocking chair nito.Bulag nga ba siya? O nararamdaman niya ang aking presensya?Maganda ang sikat ng araw ngayong umaga. At wala nang mas gaganda pang sika
(Secretary Venal POV)Nang bumukas ang executive floor, inunahan ko na si Miss Dahlia sa paglabas at sumunod sa akin. Makakasalubong namin si Lilith s hallway at mayroon pa ngang distansya kami sa pagitan niya, parang kilala na niya ang kasama ko. Naningkit ang kanyang mga mata at may inis sa kanyang mukha.“Heto ang mahirap sa baguhan, hindi mapagsabihan. Hindi ba sinabi ko sayo Dahlia na ang gagamitin mong elevator ay yung—.”“Good Morning Lilith.” Putol ko sa kanyang sinasabi. “Maganda ang umaga upang ang kilay tumaas kaagad. Kasama ko si Miss Dahlia dahil kanina lamang nakatangap ako ng utos galing sa executive office. Kagustuhan itong mangyari ni Master Dryzen, kung mayroon kang problema kausapin natin siya tungkol sa bagay na ito. Anong sa tingin mo Lilith?”“Tss. Wag mong sabihin ang utos mo na maghanda ako ng agahan, para yun sa babaing yan?”Titig lamang ang isinagot ko sa kanya. At para bang gumuho ang sigla ni Lilith sa kanyang narinig. Nagising rin siya ng maaga para lang
(Secretary Venal POV)“Ayoko na.” Iling niya sa akin ni Miss Dahlia. “Magreresign na ako sa aking trabaho. Ngayon din. Hindi ko hahayaan na bastusin lamang ako ng taong yun! Porque ba siya ang may ari ng kompanya maari na niyang gawin ang gusto niya? Mga bastos, yan ang klase ng mga taong ayoko, Sir Venal.” Matapang niyang sinabi sa akin. “Hindi ako magtatagal sa kompanyang ito kung ganyang klaseng mga tao ang nakapaligid sa akin. Mga walang respeto.”Tao? Hindi basta-bastang tao lamang Miss Dahlia si Master Dryzen, yun kung alam niyo lang.“Sino ba siya para hawakan ang labi ko? Wala siyang karapatan na ga—.” Natigilan siya sa kanyang sinabi. Siguro naalala niya ang gabing kung saan sila unang pinagtagpo ng tadhana. Ang oras na siyang dahilan kung bakit napisil siya na maging asawa ni Master Dryzen. Na higit pa sa daliri ni Master Dryzen ang dumampi sa labi niya.Miss Dahlia, ang aksidenteng yun, yun ang dahilan kung bakit tumatak ka sa isipan ng isang dragon.“Kahit na. Magreresign
(Secretary Venal POV)“Hindi niyo kailangan mahiya Miss Dahlia. Inihanda ang pagkain na ito para sa inyo.”“Tinatangihan ko Sir Venal.” Matatag niyang sinabi sa akin. Nanatili lamang siyang nakatayo at nakatitig sa aking mga mata. Alam ko ang isang katulad niyang babae ay palaban. “Hindi ba talaga ako maaring umalis sa kompanyang ito?”“Ikinakalungkot ko Miss Dahlia, ngunit hindi mo kayang panagutan ang compensation na ilalatag namin sa inyo kapag ipinagpatuloy niyo ito. Saka sasabihin ko na ito sa inyo Miss Dahlia, hindi namin hahayaan na makaalis kayo sa kompanyang ito.” Nakakatakot man pakingan pero wala na akong magagawa. Kailangan ko na siyang idaan sa maayos na usapan.“Hindi niyo ako hahayaan na—.”“Maayos niyong narinig Miss Dahlia. Ang tanging mangyayari lamang sa inyo sa kompanyang ito, ay ma-promote kayo sa special na trabahong inaalok namin sa inyo.”“Sir Venal…” Naguguluhan ang titig na ibinigay ni Miss Dahlia sa akin. Habang si Lilith napalingon nga sa amin.“Alam kong n
(Dahlia POV)Hindi ko aakalain na mga demonyo ang makikilala ko ngayong mga nagdaang araw. Hindi biro ang mga pananakot na nilalatag nila sa akin. Halos lahat sila ay may pagkakapareho. Mga demonyo.Si Kai Carter, na binili at niloko ng pekeng pera ang aking grandma.Si Cedrick Ma, na pinagtatangkahan ang buhay ko kapag nangulo pa ako sa kanila.At ngayon sa harapan ko, ang pinakamayabang na nakilala ko si Roz Louis Cadmuz. Hindi pa gaano lumalabas ang kulay niya ngunit inaasahan ko na siya ang pinakamalala sa lahat.Ang hindi ko lang inaasahan na pati si Sir Venal ay kabilang din sa kanila. Hindi rin siya nagbibiro na itapon sa akin ang isang wild card upang iblackmail ako. Alam kong hindi ako makakalabas ng basta-basta lamang kaya hindi na ako nangahas pang magpumilit na lumayo sa kanilang harapan.Nakangising lumapit si Master Dryzen sa akin. Mga mata niya pinaglalaruan ako. At ng makalapit sa akin kaagad naman siyang nagsalita para kay Sir Venal, ng hindi dito nakatitig dahil nan
(Secretary Venal POV)Nang makalabas si Miss Dahlia, biglang humalakhak si Master Dryzen. Napayuko ako at lahat ng kasamahan ko sa loob.“Alam mo Venal, sa tingin ko napakahaba ng dalawang linggo na ibinigay sayo. Parang mauubusan ako ng pasensya sa babaing yun. Sa mga naging asawa ko dito sa mundo, siya lang yung binibigyan ako ng kakaibang attitude. Palaban ngunit obvious naman na mahina. Hangang kailan niya tatangihan ang nais kong mangyari?”Hindi maganda ang kanyang sinasabi. Sana naman hindi niya tangkahin na madaliin ang lahat. Ang dalawang linggo ay hindi sapat para sa akin na kumbinsihin si Miss Dahlia na makipag-usap sa akin.“Siguraduhin mo lamang na hindi ako mabagot, at marami akong gagawin sa ibinigay kong bilang ng araw sayo. Tss.” Bahagyang umangat ang paningin ko sa aking tauhan at sinenyasan ang kasama kong assistant na ibigay sa akin ang tablet na hawak nito. Lumapit sa akin at ibinigay nito. Naroroon lahat ang schedule sa buong araw ni Master Dryzen.“Gagawin ko a
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas
(Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt
(Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad
(Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen