Allyson's P.O.V
Minadali kong tapusin lahat ng trabaho ko sa kompanya ngayon. Nag-aya kasi si Austin na kumain kami sa labas. Nakakahiya naman kong tatanggihan ko, lalo na't palagi na lang niya akong tinutulongan. Sa tingin ko ay wala namang masama kung kakain lang kami sa labas.
"Nakakahiya naman sa isang katulad mo ang pinaghihintay sa isang lugar na ako mismo ang pumili."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Awtomatiko akong ngumiti nang makita si Austin. Kadadating niya lang at may dala itong bulaklak. Hindi sa medyo makapal ang mukha ko, pero walang sa 'kin niya yata ibibigay.
"Ayos lang naman ako. Nae-enjoy ko naman ang ambiance ng lugar. It's very calm and silent." saad ko dito.
Napili niya kasing lugar ay ang restaurant malapit sa dagat. Medyo malamig ang hangin, pero ayos lang naman dahil maganda naman a
Allyson's P.O.VPagkarating namin sa bahay kanina y nagmadali akong pumasok at umakyat sa aking kwarto. Minabuti kong maliho muna bago matulog. I'm sure pagod na si Travis kaya makakatulog siya kaagad kapag hindi niya naalala ang nangyari ngayon. Wala rin ako sa mood makipagtalo ngayong gabi dahil bukod sa gutom ako, medyo naasiwa ako sa presensya ni Austin kanina.Hindi sa iniisip ko na may gagawin siyang masama, pero pakiramdam ko ay may iba siyang pakay sa 'kin. Plano ko pa naman sanang matulog ng maaga ngayon, pero mukhang hanggang plano lang ang lahat. Dahil sa kaiisip sa tunay na pakay ni Austin ay hindi ko magawang makatulog. Napagdesisyunan ko na bumaba muna upang kumuha ng gatas.Awtomatikong napakunot ang noo ko nang makitang nakabukas pa ang ilaw sa sala. Magkatabi kasi ang sala at kusina."Bakit gising ka pa? Masyadong namang lukot na lukot ang mukha
Chad's Point of View"Nakokonsensya ako. Hindi ko alam kung kailan ako magsisimula. Gusto kong maalala ang pagsasama namin ni Allyson noon. I want to remember everything, including the painful part."Naaawa ako sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang maalala si Allyson, pero hindi naman pwedeng biglain ang utak niya dahil baka mas lalo lamang niya itong makalimutan."Anong gusto mong itulong ko? I'll try to help you in any way I can." saad ko kay Travis. Atleast, I'm trying to help him kahit hindi ko alam kung may maitutulong ba talaga ako."How do I look seven years ago?"Bigla kong naalala na hindi pa pala ako nagpapalit ng cellphone. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang folder ng mag-asawa. Ako kasi ang nagsilbing photographer nila noon. Ngayon lang bumalik sa aking isipan na hin
Travis Point of View"Tratohin mo na lang siya na parang reyna at nag-iisang babae sa buhay mo. Samahan mo siya sa lahat ng ginagawa niya at huwag mo siyang iiwan kahit ano man ang mangyari. Iparamdam mo sa kaniya ang pagmamahal mo dahil tiyak magugustuhan 'yan ni Allyson. Nagkakaintindihan ba tayo?"Napakadali lang naman pala ng dapat kung gawin. Pinapahirapan pa talaga ako.Tumayo ako at inayos ang damit ko. Kailangan ko ng umuwi upang pagsilbihan ang nag-iisa kong asawa."Anong ginagawa mo? Saan ka naman pupunta?" pigil ni Chad sa 'kin at hinawakan ang laylayan ng damit ko upang mapansin ko talaga siya."Uuwi malamang. Sisimulan ko sa paghihintay sa kaniya sa bahay. Siguro naman ay maramdaman na niya ang pagmamahal ko." sagot ko kay Chad at inalis ang kamay niya. Malapit na kong m
Travis Point of ViewSabay kaming napalingon ni Allyson sa labas dahil sa pabalik-balik na door bell. Lumayo naman kaagad si Allyson sa 'kin kaya tumayo ako."Mauna ka na lang munang kumain. Ako na ang titingin kung sino ang nasa labas." bilin ko kay Allyson at tumango naman siya.Inis kong binuksan ang pinto ng bahay at diretsong tiningnan ang labas ng gate. Wala naman akong nakikitang tao kaya siguro hindi matangkad ang tao. Binuksan ko ang labas ng gate at napatingin sa batang nakatayo sa labas. Bihis na bihis ito at diretso ang tingin sa 'kin. Ano na naman kaya ang ginagawa ng batang 'to dito?"Anong ginagawa mo dito ng ganito ka aga?" kunot noo kong tanong kay Tyrell.Oo, si Tyrell ang nandito sa labas ng bahay. Walang kasamang yaya at mukhang tumakas pa 'to galing sa paaralan. Bulakbol kahit bata pa.
Allyson's Point of View Pagkatapos ng trabaho ko ay kaagad akong dumiretso sa bahay ni Zia. Ang sabi kasi ng yaya ni Tyrell na umuwi daw itong malungkot at galit. Siguro ay inaway na naman siya ni Travis. "Allyson," Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Travis. Hindi ako sigurado kung nag-aalala ba ang mukha niya o ano dahil medyo madilim na rin naman at hindi masyadong maliwanag ang kinatatayuan niya. "Anong ginagawa mo dito?" awtomatiko kong tanong. Hindi ko nga alam na alam pala niya ang bahay ni Zia. Nakaramdam naman ako ng panlalamig sa aking naiisip. Baka ay pinaimbestigahan niya si Tyrell o 'di kaya ay nagdududa siya sa 'kin? "Hindi na sana ako pupunta dito, pero may dapat kang mala
Allyson's Point of View"Don't worry Mr. Tan. Ako mismo ang maghahatid kay Allyson sa bahay niyo mamaya. Hindi mo sila mapaghihiwalay kahit na anong gawin mo." saad ni Zia at bumuntong hininga si Travis bago lumabas ng bahay.Ilang minuto rin ang itinagal ng pag-iyak ni Tyrell hanggang sa unti-unti siyang natahimik. Inihiga ko siya sa paa ko upang mahimbing siyang makatulog. I need to say sorry to him bukas."Ako ang nahihirapan sa sitwasyon ng mag-ama mo." pahayag ni Zia. Tipid akong ngumiti sa kaniya."Halata naman kasi na gustong-gusto ni Tyrell na makasama ang tatay niya tapos si Travis naman ay masyadong matayog ang paniniwala sa kaniyang sarili. He's full of pride to admit that he likes him." malungkot niyang dagdag at hinaplos ang pisngi ng anak ko.&
Allyson's Point of ViewBuong araw akong hindi pinaalis ng bahay ni Travis. Ang sabi niya sa 'kin ay dapat daw iponin ko ang lakas ko para sa birthday party ng Lola niya mamaya."Anong klaseng party ba ang pupuntahan natin at kailangan ko pa talaga ng lakas? Hindi naman yata ako makikipag-away 'di ba?" pangungulit ko kay Travis habang binibilang niya ang mga box ng damit na inihatid ni Chad kanina.Mas natataranta pa nga siya sa isusuot ko keysa sa 'kin. Hindi ko nga inaasahang sampung box ang ipapadala ni Chad dahil sa inutusan siya ni Travis."Hindi naman ako papayag na makipag-away ka. Ang akin lang naman ay hindi ka magmukhang pagod mamaya. Well, sa isang private villa ang dinner mamaya at halos lahat ng nandun ay mga malalapit na kaibigan ni Lola." paliwanag niya habang binibilang naman ang mga sapatos na binili niya para sa 'kin.
Allyson's Point of ViewSunod kong kinuha ang huling damit sa box na sa tingin ko ay papasa sa standards niya. Pormal ang hitsura ng damit, pero masyadong maikli para sa tangkad ko."Itigil mo na nga lang 'yan. It's not elegants at all." saad niya kaya inirapan ko ito. Padabog kong ibinalik ang damit sa walk-in closet."In that case, bakit mo pa naisipang utosan si Chad na ihatid ang mga damit na 'to dito?" nakataas kilay kong tanong sa kaniya.Pinahirapan niya pa ang tao sa utos niya. Ako tuloy ang naawa kay Chad."Sinabihan ko lang siya na bumili ng pormal na damit para sa 'yo. Malay ko bang wala pala siyang taste pagdating sa pamimili ng damit." sagot niya at hinalungkay pa ang ibang damit na hindi ko naipapakita sa kaniya.
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan