Third Person's Point of ViewHindi mapakali ang mukha ni Lance nang marinig niya ang pangalan ni Alice. Kaagad itong napainom ng tubig at nag-iwas ng tingin kay Travis."Hindi ka mauubusan ng tubig sa restaurant mo kaya kumalma ka." pagbibiro ni Travis at sinamaan siya ng tingin ni Lance."Ano ba ang pinagsasabi mo?" naiiritang tanong ni Lance pero hindi nagpadala si Travis. Gusto niyang makonsensya ito upang magkaroon ng mas malaking tyansa na pumanig ito sa kanila."Sabay kayong nagtrain ni Alice at kung titingnang mabuti ay isa na sana kayong sikat na designer kung sana ay sinabi mo ang totoo 3 yeats ago."Napaiwas ng tingin si Lance kaya nagpatuloy si Travis."Sinayang mo lang talaga ang mga kakayahan niyo. Mas inuna mo pa ang sarili mo keysa sa kapakanan ng lahat. Buhay pa sana si Alice kung ginamit mo ng maayos ang utak mo." dagdag ni Travis at napatingin si Lance sa kaniya."Hindi mo kasi naranasan ang maghirap at itakwil ng lahat kaya kung makapagsalita ka ay masyadong mabigat
Allyson's Point of ViewHindi na ako nagpahatid kay Zia papunta sa restaurant ni Lance. Kaagad akong sumakay sa sarili kong kotse at kaagad na sinugod ang lugar."Lance! Talaga bang wala kang alam sa lahat ng nangyayari?" sigaw ko pagkababa sa sasakyan.Naramdaman ko na lang ang malakas na bisig na yumakap sa akin. Pinipigilan akong lapitan ang nagmamadaling Lance. Hindi ko naman siya aawayin. Gusto ko lang namang malaman ang totoo dahil pagod na akong tumakbo sa lahat ng paratang nila sa 'kin."Hindi mo na kailangang kausapin si Lance. Kumalma ka na, Ally." mahinahong saad ni Travis pero hindi ako nakinig sa kaniya."No! Hindi ako naniniwalang wala siyang alam sa nangyari dati! Kailangan niyang masalita!" sigaw ko habang pilit na kumakawala kay Travis pero mas lalo lamang itong humihigpit."Allyson!"Dahil sa malakas niyang sigaw ay napatigil ako. Nagmistulang warning ang sigaw niya."I already told you na ako na ang bahala sa lahat ng nangyayari. Hindi ka ba naniniwala sa pangako ko
Allyson's Point of ViewPlano sana naming kumain sa isang thai restaurant, pero habang nagmamaneho siya ay napansin ko na napapahawak siya sa kaniyang ulo kaya sinabihan ko na lang siya na umuwi na lang kami. Naniwala naman siya kaagad nang nangako ako na ako ang magluluto sa kakainin namin ngayon. Wala siyang alam na papainumin ko siya ng gamot at isa iyon sa pinakaayaw niya."What do you want to cook?" tanong ni Travis at niyakap ako mula sa likuran.Hindi naman ako mapakali sa kaniyang yakap. Baka kasi mahawaan ako ng sakit niya at mahawaan din si Tyrell."I'll cook adobo. Mauna ka muna sa kwarto mo at ihahatid ko na lang ang pagkain sa kwarto. Pagabi na rin naman kaya magpahinga ka muna." utos ko sa kaniya. Masyado na yata siyang napagod ngayong araw dahil hindi siya nagreklamo at kaagad na sumunod sa utos ko.Una kong inihanda ang mga herbal plants na dinala ko rito sa bahay dati. Mabuti na lang talaga at hindi siya mahilig magluto dito dahil baka naitapon niya 'to ng wala sa ora
Third Person's Point of ViewLahat ng camera ay kaagad na nakatuon sa pinto kung nasaan nanggaling ang boses. Kaagad namang nagkaroon ng pag-asa sa mukha ni Allyson."Sino po kayo?" ang karaniwang tanong ng mga reporter sa bagong dating.Nakasunod si Lance si bagong dating na matanda habang may dala itong malaking kahon."Ako ang tatay ni Alice!" sigaw ng may edad na lalaki at awtomatikong pumalibot sa kanila ang media."Bakit po kayo nandito?""Paano niyo po naatim na pumunta rito at sabihin na ang anak niyo ang may kasalanan kung kayo po mismo ang may pasimuno sa rally noong isang araw sa harap ng kompanya?"Dahil sa maliit na gulong nangyari ay ipinatawag ni Travis ang mga guwardiya upang pakalmahin ang mga tao."Kung gusto niyong makakuha ng maayos na balit ay kumalma kayo!" sigaw ni Chad sa nakakumpol na mga tao. Awtomatiko naman silang natakot sa galit na sigaw ni Chad kaya saglit silang natahimik. Sinenyasan naman nila ang tatay ni Alice na magsalita."Una sa lahat ay gusto kon
Allyson's Point of View Akala ko ay magugulat na ako sa sinabi ni Lance, pero mas nagulat ako ng lumuhod sa aking harapan ang tatay ni Alice. "Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa 'yo, Allyson." saad niya. Kaagad naman akong nagpatulong kay Travis upang mapatayo ito. Masyado namang nakakahiya ang ginagawa niya. Kaedad ko lang naman ang anak niya at kahit may nagawa sila ay hindi ko pa rin kayang isipin na luluhod siya sa 'kin. May respeto naman ako sa mas nakakatanda sa akin. "Hindi niyo na po kailangang tumayo. Masyado na pong maayos sa 'kin ang malinis ang pangalan ko sa publiko." nakangiting saad ko at umiling naman siya. "Malaki ang kasalanan at pinsalang naidulot ko sa 'yo kaya ayos lang sa 'kin kung kailangan kong lumuhod sa harapan mo para lang mapatawad mo ko." Ramdam ko ang pagiging totoo ng lahat ng sinasabi niya at sino ba naman ako upang hindi magpatawad. "Kalinutan na po natin ang nangyari. Matagal ko na po kayong napatawad at hindi ko po gustong lum
Allyson's Point of ViewNilingon ko si Travis at nginitiaan sya bago humarap sa camera."Pitong taon na ang nakakalipas magmula nang mangyari ang pagkamatay ni Alice at gusto ko rin na matahimik na ang kaluluwa niya kaya hindi na ako nag-abalang hanapin ang totoo." mahinahon kong paliwanag sa lahat.Ang buong akala ko ay magiging kampante na sila sa sagot ko pero hindi ko inaasahan ang biglang pagbabago ng kanilang mga ugali. Naging marahas ang kanilang mga galaw at lahat sila ay gustong makalapit sa akin ng maayos. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng kaba sa kanilang mga galaw."Sabihin mo lang sa 'kin kung gusto mo ng umalis dito." bulong sa akin ni Travis at mas lalo akong hinapit palapit sa kaniya."Hindi po ba at kaibigan niyo si Alice? Bakit hindi po kayo nag-abalang hanapin ang katotoh
Allyson's Point of ViewPagkatapos ng pag-uusap namin ni Zia sa parking lot ay kaagad niya akong inihatid sa bahay. Baka raw kasi gantihan ako ni Zia ng wala sa oras kaya natatakot siyang iwan akong mag-isa."Umuwi ka na kaya? Paniguradong naghihintay si Tyrell sa 'yo. Baka maghanap na naman siya ng taong kasama at umabot na naman yun dito." pagtataboy ko kay Zia pero inirapan niya ako at ipinagpatuloy ang ginagawang panunuod ng palabas."Nakalimutan mo na bang pinag-enroll mo ang anak mo sa isang boarding school dati? Mas sanay pa 'yong mag-isa keysa sa 'kin."Medyo napahiya yata ako sa kaniyang sinabi kaya nanahimik na lamang ako. Bahala na lang kung nandito siya. At least ay may kasama akong naghihintay kay Travis."Anong oras ba kasi ang uwi ng asawa mo? Uuwi na ako kapag may kasama ka na."Hindi na ako nag-abalang sumagot sa kaniya at sa halip ay nagkibit balikat na lamang. Wala rin naman akong alam kung anong oras siya uuwi. Ang sabi lang niya sa 'kin ay uuwi siya.Magrereklamo
Third Person's Point of ViewHindi mapigilan ni Travis ang hindi mapaatras dahil sa biglaang pagsigaw ni Yuri. Hindi niya inaasahan ang ganitong reaksiyon mula sa inaakala niyang inosenteng kapatid."Yuri, hindi na ikaw 'to!" balik na sigaw ni Travis. Nagbabakasakaling matauhan si Yuri sa kaniyang mga pinagsasabi, pero mas lalo lamang itong naging galit."Ito ang tunay na Yuri! Kung wala si Allyson ay matagal na sana tayong nagkaroon ng sariling pamilya! Ako dapat ang asawa mo at hindi siya!" sigaw ni Yuri at sinubukang lumapit kay Travis. Mabuti na lang at nakaiwas kaagad si Travis at bahagya niya itong naitulak."Baliw ka na ba?! Kapatid pa rin kita sa papel!" sigaw ni Travis at pilit na ipinapamukha kay Yuri na wala na itong pag-asa sa kaniya."No! Hindi ako baliw! Kinailangan ko lang namang gumamit ng dahas para lang mapaalis si Allyson sa buhay mo! Sa oras na umalis na siya ay mababalik na sa akin ang buong atensiyon mo!" saad ni Yuri at sinabayan pa ng munting pag-iyak.Awtomati
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan