Share

Kabanata 446

Kaagad na napatingin si Avery sa heart rate monitor sa wrist niya at napansin na bumaba ang numero mula sa hundred papuntang eighty.

‘Bakit nandito siya? Ang sabi ni Tammy ay hindi niya inimbitahan si Elliot o ang mga kaibigan nito, kaya bakit siya nandito ng hindi imbitado?’ Iniisip niya.

Si Tammy din ay nagulat. Kinurot niya ang braso ni Jun at tinanong, “Anong nangyayari? Bakit siya nandito din?”

Biglang lumamig ang paligid pagkadating ni Elliot.

Hindi tanggap ni Tammy ang pagpunta nito, pero wala siyang lakas ng loob na paalisin ito.

Sumandal si Jun kay Tammy. “Ngayon na nandito na si Elliot, kailangan natin siyang iwelcome! Tama na ang pagbusangot at gawin mo ito para sakin!”

Pagkatapos, kaagad na pumunta si Jun kay Elliot at nakangiting winelcome ito. “Elliot, Ben, nandito kayo! Kumain na ba kayo? Kung hindi pa, meron pa sa kitchen…”

“Hindi pa kami gutom,” sabi ni Ben, “Anong nilalaro niyo? Ang lalakas ng mga sigaw nito!”

Kaagad namang naalis ang tensyon sa sinabi ni Ben
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status